You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11/12
PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Kwarter IV – Linggo 2
Mga Hakbang sa Pagbuo
ng Pananaliksik

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IIII – Linggo 2: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Activity Sheets


Manunulat: Carol V. Baron
Pangnilalamang Patnugot: Angie Lyka L. Galaroza

Editor: Josie Lyn C. Estrada

Tagawasto: Enrile O. Abrigo, Jr.

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino, Enrile O. Abrigo, Jr.,


Angie Lyka L. Galaroza, at Agnes C. Barrera-Mendoza

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes Maja Jorey B. Dongor
Mary Jane J. Parcon Joseph D. Aurello
Ronald N. Fragata Enrile O. Abrigo Jr.
Ernesto P. Socrates Jr.

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Hakbang sa Pagbuo
ng Pananaliksik
MELC: Naiisa-isa ang mga paraan at proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
F11PU-IVef-91.

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng pananliksik
2. Natutukoy ang pakakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng
pananaliksik
3. Naitatala ang mga hakbang sa pagbuo pananaliksik.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang tesis, disertasyon, pisibiliti, nailathala man o hindi ay halimbawa ng anong
hanguan?
A. Hanguang Nakalimbag C. Hanguang Elektroniko
B. Sekondaryang Datos D. Pangunahing Datos
_____ 2. Kailangang linawin at planuhin nang mabuti kung aling bahagi ng pananaliksik
ang bibigyang diin. Anong hakbang ang gagawin ng mananaliksik?
A. Bumuo ng Konseptong Papel
B. Gumawa ng Pansamantalang Balangkas
C. Mangangalap ng Datos
D. Pumili at Maglimita ng Paksa
_____ 3. Nakatutulong sa pananaliksik na matukoy ang pangkat na kinabibilangan ng mga
tagatugon. Ito ba ay mga bata, estudyante, matanda, propesyonal, may
hanapbuhay, walang hanapbuhay, at kalagayang ekonomiko. Anong paraan ito ng
pagpili at paglilimita ng paksa?
A. Pangkat na Kinabibilangan C. Anyo
B. Lugar D. Panahon
_____ 4. Alin ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?
A. Pumili at Maglimita ng Paksa
B. Gumawa ng Pansamantalang Balangkas
C. Bumuo ng Konseptong Papel
D. Mapaghanguan ng mga Datos
_____ 5. Ang internet, mga website, google, online articles, blogs at iba pa ay isang paraan
sa mabilisang pagkuha ng mga sanggunian o mga datos gamit ang mga maka-
bagong teknolohiya. Anong hanguan ng mga datos ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pangunahing Datos
B. Sekondaryang Datos
C. Hanguang Elektroniko
D. Hanguang Nakalimbag
1
______6. Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ang maituturing ngayon bilang isa sa
pinakamabilis at pinakamalawak na hanguan ng mga impormasyon na magagamit
sa sulatin?
A. Pagbuo ng Konseptong Papel
B. Pagtatala ng mga Sanggunian
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagpili at Paglimita ng Paksa

_____ 7. Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ipinakikilala ng mananaliksik ang


pinagkunan ng mga datos o impormasyon?
A. Pagbuo ng konseptong papel
B. Pagtatala ng mga Sanggunian
C. Pangangalap ng datos
D. Pagpili at paglimita ng paksa
_____ 8. Anong hakbang ng pananaliksik ang tinatawag ding prospektus?
A. Datos C. Pananaliksik
B. Konseptong Papel D. Sanggunian
_____ 9. Dapat na alamin ng mananaliksik kung anong genre ang isusulat. Anong paraan
na nakatutulong sa pagpili at paglimita ng paksa ang tinutukoy ng pahayag?
A. Kasarian C. Lugar
B. Anyo D. Panahon
_____ 10. Ito ang dapat pinag-uukulan ng panahon ng isang nagsisimula sa pananaliksik.
Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pagbuo ng Konseptong Papel
B. Pagtatala ng mga Sanggunian
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagpili at Paglimita ng Paksa

2
Ating Alamin at Tuklasin

Binhi ng Kaalaman

Ang pananaliksik mahalagang tunay


Sa pagpapaunlad nitong ating buhay
Dagdag kaalaman siyang ating gabay
Upang mapayabong katangiang taglay.
Sa makabagong takbo ng panahon na ang mundo ay pinatatakbo ng
teknolohiya bunga ng mga imbensyon sa larangan ng agham at teknonoliya, ang
pananaliksik o riserts ay may mahalagang gampanin sa iba’t ibang larangan.

(Pinagkunan: Christine Joy Aquino, Pananaliksik, March 27, 2021,


https://www.academia.edu/.)
,

Mahalagang malaman ng mga mananaliksik ang mga hakbang sa pagbuo ng


isang sulatin dahil ito ang magiging gabay nila sa pagsulat.

Dahil itinuturing ang pananaliksik bilang isang prosesong may maayos na


kaparaanan, mahalagang alamin ang mga hakbang na susuungin ng sinumang nagnanais
magsaliksik. Ang mga hakbang na ito ay ang sumusunod:

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik


A. Pagpili at Paglimita ng Paksa
Ito ang dapat pinag-uukulan ng panahon ng isang nagsisimula sa pananaliksik, ang
pagpapasya sa kung ano ang paksang sasaliksikin at hanggang saan ang sakop nito.
Kapag ang paksa at limitasyon ng pananaliksik na gagawin ay hindi malinaw para sa
mananaliksik, lalabas na magulo at mahina ang sulatin. Mas magandang sundin ang
mga hakbang na ito:
• Pumili ng paksang kapaki-pakinabang at kawiwilihan upang magkaroon ng mataas
na interes sa pagtalakay nito. Dapat ay napapanahon upang makabuluhan sa
nakararami at maihahanay ng maayos, malinaw, at makatwiran ang mga kaisipan.
• Sapat ang mga sangguniang mababasa sa napiling paksa dahil kailangang malawak
ang kaalaman sa paksang tinatalakay. Dapat nalimbag ang mga babasahin na
magiging batayan ng impormasyon na gagawin sa pagtalakay. Iwasan ang mga
paksang walang sapat na katibayan.
• Pumili ng paksang hindi magiging masaklaw at malawak.
• Ang paksang napili ay maaaring lagyan ng kongklusyon upang maipakita ng
sumulat na siya ay nakapagbigay ng haka matapos ang masusing pagsusuri sa mga
ebidensya o katibayan. Ayon kina Atienza atbp., nakatutulong sa pananaliksik ang
sumusunod:
✓ Panahon: Ito ba ay matatapos sa loob lamang ng isang semestre?
Kailangang malinaw sa mananaliksik ang saklaw ng panahon sa paksang
napiling pag-aaralan.

3
✓ Edad: Ang edad ng populasyon o tagatugon na gagamitin sa paksang pag-
aaralan ay dapat na isaalang-alang upang maging obhetibo at magkaroon
ng direksyon ang maging resulta ng pananaliksik.

✓ Kasarian: Nakaaapekto sa resulta ng pananaliksik ang kasarian ng mga


tagatugon. Mahalagang matiyak ang kasarian ng populasyong gagamitin
sa gagawing pag-aaral.

✓ Pangkat na Kinabibilangan: Kailangang matukoy ang pangkat na


kinabibilangan ng mga tagatugon. Ito ba ay mga bata, estudyante,
matanda, propesyonal, may hanapbuhay, walang hanapbuhay, at
kalagayang ekonomiko na dapat pagtuunan ng pansin sa gagawing pag-
aaral.

✓ Anyo/Uri: Alamin kung ano ang genre ng isusulat, kung ito ay


pampanitikan o kung sa ibang disiplina, kalagayang panlipunan,
estruktura, at iba pa.

✓ Perspektiba: Ang pagtingin o pananaw sa paksang pag-aaralan ay


maaaring iba-iba. Hanggang saan ang perspektiba o punto ng gagawing
pag-aaral.

✓ Lugar: Ang lugar o pook na gagamitin sa pananaliksik ay binabanggit.


Dapat puntahan ang lugar na gagamitin sa pag-aaral upang magmasid at
mapatunayan ang konseptong pinag-aaralan.

B. Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas


Kailangang linawin at planuhin nang mabuti kung aling bahagi ng
pananaliksik ang bibigyang-diin kung tiyak na ang paksang tatalakayin upang
magkaroon ng direksyon ang pagbabasa patungo sa pagsulat. Magsagawa nang
pansamantalang balangkas.
• Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan hinggil sa paksa.
• Ilahad ang layunin ng pananaliksik.
• Isulat ang mga tanong tungkol sa paksa.
• Pangatwiranan ang importansya ng paksa.
Magiging madali ang pananaliksik kung mayroong pansamantalang
balangkas dahil may direksyon na sinusunod ang mananaliksik.

C. Magtala ng mga Sanggunian


Mabuting itala ang lahat ng sanggunian na may kaugnayan sa paksa.
Hangga’t maaari huwag takdaan ang bilang ng magiging sanggunian sapagkat
makaminsan inaakala mong hindi mahalaga ang iba ngunit naglalaman pala ito ng
makabuluhang impormasyon tungkol sa isusulat na pananaliksik.

Gumamit ng Dokumentasyon
• Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon.
• Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya.
• Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel.
• Pagpapalawig ng ideya.
❖ Content Notes – talang pangnilalaman
❖ Informational Notes – talang impormasyonal

D. Mangalap ng Datos
Sa pagkuha ng mga datos magagamit ang dating kaalaman sa pagbasa. Mga
mahahalagang ideya o impormasyon lamang ang kukunin na siyang makatutulong
ng malaki sa pagbuo ng sulatin o pananaliksik.
4
Noon, malaki ang maitutulong ng index card sa pagsasagawa ng maayos na
pagtatala ng mga impormasyon o datos na nakukuha sa aklatan. Dito isinusulat ang
mga impormasyon sa pagtalakay na kailangang ilagay sa pananaliksik. Bagama’t
tradisyunal, hindi pa rin mapasusubalian ang yaman ng mga impormasyong
makukuha sa aklatan. Ngayon, mas mabilis ang pagkuha ng mga sanggunian o mga
datos gamit ang mga makabagong teknolohiya. Nariyan ang internet, mga website,
google, online articles, blogs at iba pa na mas madali sa pagkuha ng mga datos at
impormasyon na makatutulong ng malaki sa pagsulat ng isang pananaliksik. Ito ang
maituturing ngayon bilang isa sa pinakamabilis at pinakamalawak na hanguan ng
mga impormasyon o datos. Sa isang pindot lang ng daliri ay marami nang
impormasyon ang makukuha. Laging pakatandaan, ilista ang mga may-akda at
sanggunian na pinagkunan ng mga mahahalagang impormasyon. Kailangan ang
maingat na pagsusuri o pag-aanalisa sa mga nakalap na impormasyon. Piliin lamang
ang pinakamakabuluhang impormasyon na isasama sa inihahandang pananaliksik
na sinusulat. Ang mga impormasyong nailista ang magiging gabay upang mabuo ang
mga ideya sa nasabing pananaliksik.

Mga Mapaghanguan ng mga Datos na magagamit:


1. Pangunahing datos
Halimbawa:
• Indibidwal o awtoridad
• Grupo o organisasyon (pamilya, asosasyon, unyon, simbahan,
katutubo o mga minorya, bisnes, samahan, fraternity, at gobyerno.
• Kinagawiang kaugalian (relihiyon, pag-aasawa, sistemang legal,
ekonomiya, at iba pa.
• Pampublikong kasulatan o dokumento (konstitusyon, kontrata, batas
kautusan, lahat ng orihinal na tala, batas, katitikan sa korte, sulat,
dyornal, at talaarawan)
2. Sekondaryang datos
Halimbawa:
• Aklat (diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac
at atlas.
• Nalathalang artikulo sa dyronal, magasin, pahayagan at news letter.
• Tesis, disertasyon, pisibiliti, nailathala man o hindi.
• Monograp, manwal, polyeto, manuskrito, at iba pa.
3. Hanguang elektroniko o internet
Halimbawa:
• Internet, mga website, google, online articles, blogs at iba pa.

E. Bumuo ng Konseptong Papel


Ayon kay Ayrra Jane Amio (2021), “Ang konseptong papel ay tinatawag ding
prospektus, panimulang pag-aaral o panukalang pananaliksik. Ipinapaliwanag,
nililinaw, at inoorganisa nito ang mga ideya sa pagsulat.” Kapag nakasisiguro na sa
paksa, maaari nang pagpasyahan ang paraan o estilong gagamitin sa pananaliksik.
Gayundin ang paraang gagawin sa pagbuo hanggang sa inaakalang resulta.
Kaakibat din ng konseptong papel ang framework o balangkas na nagsisilbing
estruktura ng laman ng pananaliksik upang mabigyang-linaw at kabuluhan ang
paksa.
Nabanggit din nina Camille B. Villaruz at Samuel M. Villena (2021) na “ Ang
konseptong papel ay nagsisilbing proposal ng pananaliksik dahil nililinaw nito kung
ano ang gagawing sulatin, ano ang dahilan at ito ang napiling iriserts, at paano
isasagawa ang napiling sulating pananaliksik. Isang paglalagom ng kabuuang ideya
o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, o tukuyin.”

(Pinagkunan: Therese Reyes, Filipino (Pananaliksik),


March 27, 2021, https://www.academia.edu/.)
5
Tayo’y Magsanay
Gaano kahalaga
ang pananalik-
sik sa panahon
ngayon? Bakit?

Panuto: Tukuyin kung anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ang inihahayag sa


Hanay A at hanapin ang katumbas na sagot nito sa Hanay B. Isulat ang titik sa patlang
na nakalaan bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
_____1. Kaakibat nito ang framework o balangkas na A. Pansamantalang
nagsisilbing estruktura ng laman ng pananaliksik. Balangkas
_____2. Gumagamit ng dokumentasyon bilang pagkilala sa B. Pagpili ng Paksa
pinagkunan ng datos o impormasyon.
_____3. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan, C. Pangangalap ng
sabihin ang iyong layunin, isulat ang mga tanong, Datos
at pangatwiranan ang importansya ng paksa sa
D. Pagtatala ng
pananaliksik.
Sanggunian
_____4. Ang internet, mga website, google, online articles,
E. Konseptong Papel
blogs, at iba pa ay isang paraan sa madaling
pagkuha ng mga impormasyon sa pananaliksik.
_____5. Dapat ay napapanahon upang makabuluhan sa
nakararami at maihahanay ng maayos, malinaw, at
makatwiran ang mga kaisipan.

Panuto: Panuto: Punan ng salita ang patlang sa sumusunod na pahayag batay sa mga
hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.
paglalagom larangan balangkas makabagong planuhin

1. Ang pananaliksik ay may mahalagang gampanin sa iba’t ibang _________________.


2. Kailangang linawin at ___________________ nang mabuti kung aling bahagi ng
pananaliksik ang bibigyang diin kung tiyak na ang paksang tatalakayin.
3. Magiging madali ang pananaliksik kapag gumagawa ng pansamantalang
___________________ dahil may direksyon na sinusunod.
4. Mas mabilis ang pagkuha ng mga sanggunian gamit ang mga __________________
teknolohiya.
5. Ang konseptong papel ay isang __________________ ng kabuuang ideya o kaisipan na
tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, o tukuyin.

6
Ating Pagyamanin
Bakit mahalagang
matutuhan ng
isang indibidwal
ang mga hakbang
sa pagbuo ng
pananaliksik?

Panuto: Iayos ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod sa pagbuo ng mga


hakbang sa pananaliksik. Isulat ang titik A, B, C, D at E sa patlang bago ang bilang.

_____1. Isulat ang mga impormasyon na kailangang ilagay sa pananaliksik.


_____2. Pumili ng paksang hindi magiging masaklaw at malawak.
_____3. Ipaliwanag, linawin, at iorganisa ang mga ideya sa pagsulat.
_____4. Mabuting itala ang lahat ng sanggunian na may kaugnayan sa paksa.
_____5. Magsagawa nang pansamantalang balangkas.

Panuto: Gamit ang graphic organizer, Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng
pananaliksik. Isulat sa loob ng kahon na nasa ibaba ang bawat hakbang.

• _________________________
1

• _________________________
2
Mga Hakbang sa Pagbuo
ng Panananaliksik • _________________________
3

• _________________________
4

• _________________________
5

7
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungausap upang mabuo ang pahayag.

DUDUGTUNGAN KO
1
Natutuhan ko na sa makabagong takbo ng ___________________ na ang
2 3
___________________ ay pinatatakbo ng ___________________ bunga ng mga
4
___________________ sa larangan ng 5_____________________, ang 6___________________
o riserts ay may mahalagang 7____________________ sa iba’t ibang 8____________________.
9
Mahalagang malaman ng mga ____________________ ang mga hakbang sa
10
pagbuo ng isang sulatin dahil ito ang magiging ____________________ nya sa pagsulat.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang.

______1. Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ang maituturing ngayon bilang isa sa
pinakamabilis at pinakamalawak na hanguan ng mga impormasyon na magagamit
sa sulatin?
A. Pagbuo ng Konseptong Papel
B. Pagtatala ng mga Sanggunian
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagpili at Paglimita ng Paksa
_____ 2. Anong hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ipinakikilala ng mananaliksik ang
pinagkunan ng mga datos o impormasyon?
A. Pagbuo ng konseptong papel
B. Pagtatala ng mga Sanggunian
C. Pangangalap ng datos
D. Pagpili at paglimita ng paksa
_____ 3. Anong hakbang ng pananaliksik ang tinatawag ding prospektus?
A. Datos C. Pananaliksik
B. Konseptong Papel D. Sanggunian
_____ 4. Dapat na alamin ng mananaliksik kung anong genre ang isusulat. Anong paraan
na nakatutulong sa pagpili at paglimita ng paksa ang tinutukoy ng pahayag?
A. Kasarian C. Lugar
B. Anyo D. Panahon

8
_____ 5. Ang internet, mga website, google, online articles, blogs at iba pa ay isang paraan
sa mabilisang pagkuha ng mga sanggunian o mga datos gamit ang mga maka-
bagong teknolohiya. Anong hanguan ng mga datos ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pangunahing Datos
B. Sekondaryang Datos
C. Hanguang Elektroniko
D. Hanguang Nakalimbag

_____ 6. Ang tesis, disertasyon, pisibiliti, nailathala man o hindi ay halimbawa ng anong
hanguan?
A. Hanguang nakalimbag C. Hanguang elektroniko
B. Sekondaryang Datos D. Pangunahing Datos
_____ 7. Kailangang linawin at planuhin nang mabuti kung aling bahagi ng pananaliksik
ang bibigyang diin. Anong hakbang ang gagawin ng mananaliksik?
A. Bumuo ng Konseptong Papel
B. Gumawa ng Pansamantalang Balangkas
C. Mangangalap ng Datos
D. Pumili at Maglimita ng Paksa
_____ 8. Nakatutulong sa pananaliksik na matukoy ang pangkat na kinabibilangan ng mga
tagatugon. Ito ba ay mga bata, estudyante, matanda, propesyonal, may
hanapbuhay, walang hanapbuhay, at kalagayang ekonomiko. Anong paraan ito ng
pagpili at paglilimita ng paksa?
A. Pangkat na Kinabibilangan C. Anyo
B. Lugar D. Panahon
_____ 9. Alin ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik?
A. Pumili at Maglimita ng Paksa
B. Gumawa ng Pansamantalang Balangkas
C. Bumuo ng Konseptong Papel
D. Alamin ang Pangkat na Kinabibilangan
_____ 10. Ito ay mabilisang pagkuha ng mga sanggunian o mga datos gamit ang mga
makabagong teknolohiya. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pagbuo ng Konseptong Papel
B. Paggawa ng Pansamantalang Balangkas
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagpili at Paglimita ng Paksa

9
Susi sa Pagwawasto
Subukin: Tayo’y Ating Pagyamanin Ang Aking Ating
Magsanay Gawain 1: Natutuhan Tayahin
1.D 1.D
Gawain 1 1. panahon 1.C
2.B 2.A
1.E 2. mundo 2.B
3.A 3.E
2.D 3. teknolohiya 3.B
4.D 4.C
3.A 4. imbensyon 4.B
5.C 5.B
4.C 5. agham at 5.D
6.C
5.B Gawain 2: teknolohiya 6.C
7.B
1.Pagpili at paglimita ng 6. pananaliksik 7.B
8.B Gawain 2
paksa 7. gampanin 8.A
9.B 1.larangan
2.Magsagawa ng 8. larangan 9.D
10.D 2.planuhin
pansamantalang 9. mananaliksik 10.C
3.balangkas
4.makabago balangkas 10. gabay
5.paglalagom 3.Magtala ng mga
sanggunian
4.Mangalap ng Datos
5.Bumuo ng Konseptong
papel

Sanggunian
Website
Therese Reyes, Filipino (Pananaliksik),
March 27, 2021, https://www.academia.edu/.

Christine Joy Aquino, Pananaliksik,


March 27, 2021, https://www.academia.edu/.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?
2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang
nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?
3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong
kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?
4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan
(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang modyul na ito?
Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

11

You might also like