You are on page 1of 18

12

FILIPINO SA PILING LARANG


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 2: Linggo 2
Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin Manwal, Liham
Pangnegosyo

DOLORES T. ALBON

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)


A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino-Ikalabindalawang Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 1: Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Manwal, Liham
Pangnegosyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dolores T. Albon Jade A. Bengua


Riela Angela C. Josol
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Kevien Ian Albon
Tagapamahala: -Schools Division Superintendent
Virgilio P. Batan
Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID Nur


N. Hussien-Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag-Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division


Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph


Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian, anyo. (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


A 1. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin ng komprehensibo?
A. malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw
B. maliit ang saklaw D. payak ang saklaw

A 2. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o


pagpapalit ng depektibong bahagi?
A. Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo
B. Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay

C 3. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?
A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata

B 4. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham


pangnegosyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. pormal ang pananalita C. tamang gramatika
B. tama ang detalye D. wasto ang balangkas
D 5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon
na pinagmumulan ng liham?
A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

D 6. Isa sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin na espesyalisado


ang bokabolaryo. Ano ang ibig sabihin ng espesyalisado?
A. salitang pormal na ginagamit sa iba’t ibang larangan
B. salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan
C. salitang kolokyal na ginagamit ng mga millenials
D. salitang teknikal na tatangi lamang sa larangang kinabibilangan

B 7. Iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham


pangnegosyo. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong
pinadadalhan ng liham. Aling katangian ng mabisang liham
pangnegosyo ito makikita?
A. tiyak C. maganda sa paningin
B. malinaw ngunit magalang D. maikli ngunit buong-buo

1
A 8. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano ang
ibig sabihin ng salitang obhetibo?
A. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi
humahadlang sa pansariling saloobin tulad ng emosyon at pagpili
B. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at magdesisyon
C. may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin
tulad ng emosyon at pagpili
D. may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin

C 9. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa sulating


ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang maipabatid
ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng
layunin ng nagpapadala.
A. sulating ukol sa pagkain
B. sulating ukol sa isang produkto
C. sulating interpersonal o inter-institusyonal
D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
D 10. Ang recipe at menu ay napabilang sa .
A. sulating inter-institusyonal
B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
C. sulating ukol sa pagkain
D. sulating ukol sa isang produkto
D 11. Anong uri ng anyo ng sulatin napabilang ang manwal sa paggamit ng
produkto?
A. sulating inter-institusyonal
B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
C. sulating ukol sa pagkain
D. sulating ukol sa isang produkto
D 12. Alin sa sumusunod na sulatin ang naglalayong magpabatid ng
impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto,
serbisyo o kaganapan?
A. sulating ukol sa pagkain
B. sulating ukol sa isang produkto
C. sulating interpersonal o inter-institusyonal
D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
B 13. Anong uri ng manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang
produktong binibili o binubuo bago gamitin?
A. employees’ manual o handbook C. training manual
B. user’s manual o instruction manual D. technical manual
A 14. Anong uri ng manwal na nagsisilbing gabay sa mga empleyado nang sa
gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi
dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.
A. employees’ manual o handbook C. training manual
B. user’s manual o instruction manual D. technical manual
B 15. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng
pagsulat nito?
A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat
MODYUL Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
2 Manwal, Liham Pangnegosyo
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang madaling
makikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin,
gamit, katangian, anyo, at target na gagamit.

Balikan
Gawain
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa sagutang papel.

Ang teknikal bokasyonal na pagsulat ay ang pagsulat na


Ano ang teknikal-bokasyunal na sumasaklaw sa pagsulat ng mga sulating may kinalaman
pagsulat? sa komersyo o empleyo.
Ang mga katangian nito ay tiyak, payak, tumpak, walang
kamailang gramatikal, walang kamalian sa bantas, di-
emosyonal, may espesyilisadong bokabolaryo at
obhetibo.
Ang layunin nito ay magbigay ng impormasyon at
manghikayat ng mga mambabasa

Tuklasin

Ang pokus ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ay ang introduksyon ng mag-aaral sa


iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.

L1
Mga gabay na katanungan:
1. Ano ang masasabi mo sa larawang ito?
Ang larawan na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mambabasa tungkol
sa iba't ibang parte ng keyboard.
2. Bakit mo nasabi ang gayon?
Nasabi ko ito dahil makikita naman sa larawan ang mga label ng mga parte
ng keyboard.
3. Paano nakatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga bahagi
ng kompyuter?
Kapag ikaw ay mayroong sapat na kaalaman sa keyboard, mas mapapadali
ang iyong pag gamit nito.

L2

Mga gabay na katanungan:

1. Sa tingin ninyo, anong putahe kaya ang nasa larawan?


Ito ay potaheng pinoy, Adobo.
2. Anong mga sangkap ang kailangan sa pagluluto ng adobo?
Ang pangunahing sangkap sa pagluto ng Adobo ay karne, toyo, suka at iba
pang pampalasa
3. Paano ang pamamaraan ng pagluluto nito?
Mag-gisa ng bawang at sibuyas, ilagay ang karne, toyo, suka at pampalasa at
haluin, pakuluin hanggang sa maluto, maghintay, kapag luto na ito’y ihain at
ready na kainin kaboom
4. Kailangan ba ang mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto ng adobo?
Bakit?
Oo dahil ang bawat potahe ay may kanya kanyang sangkap at pamamaraan
ng pagluluto.
5. Patunayan ang iyong sagot sa bilang 4
Halimbawa na lang ang mga potaheng Mechado, Afritada, Menudo at
Caldereta. Sa unang tingin iyong aakalain na iisa lang sila ngunit sa oras na
iyong tikman ay tiyak magugulat ka.
Suriin
Manwal
Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. Ito rin ay
mga pasulat na gabay o reperensiyang material na ginagamit sa
pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga
mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo
ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto. Ang mga gamit tulad
ng appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax
machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag na user
manual o users guide. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang
pagsulat ng mga manwal na ito.

May iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit:


1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para sa konstruksiyon o pagbuo
ng isang gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting ng isang
mekanismo.
2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User manual o
Owner’s Manual) -naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine
maintenance o regular na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan,
at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang
mekanismo at kaunting maintenance.
4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong
bahagi.
5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) – nagtataglay ng espisipikasyon
ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.
6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit sa mga
programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.
7. Employees’ manual o handbook ang mga itinakda para sa mga empleyado
ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at
iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga
empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa
mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang
halimbawa nito ay faculty manual o students’ manual.
8. User Manual – isang manual sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t
ibang produktong binibili bago gamitin tulad ng gamit sa bahay, appliances,
kasangkapan, gadgets atbp.

Liham Pangnegosyo
Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal
ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham
pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang pormat na margin na
isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa
81/2”x 11 na bondpaper. Kalimitang bahagi ng isang liham na
pangnegosyo. Mahalagang tiyakin kung ano ang layunin ng liham. Maaari
itong maging isang liham kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas,
subskripsiyon, pag-aaplay, pagtatanong atbp.
1. Ulong-sulat – matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon
sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham, kalimitan itong
nagtataglay logo ng nasabing kompanya o institusyon
2. Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham
3. Patunguhan – nagmumula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa
salitang “tungo” o ang pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham.
Samakwid inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig
pagbigyan ng liham
4. Bating Pambungad – maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham at ang
bantas na ginagamit ay tutuldok (:) at hindi kuwit (,)
5. Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham at
tandaan na palagi itong typewritten o computerized
6. Bating Pangwakas -nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam at
nagtatapos sa kuwit
7. Lagda – pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Layunin
1. magbahagi ng impormasyon
2. manghikayat ng mambabasa

Gamit
1. ulat panlaboratoryo
2. proyekto
3. panuto
4. dayagram
Katangian
1. may espesyalisadong bokabularyo
2. tiyak
3. tumpak
4. malinaw
5. nauunawaan
6. kompleto ang impormasyon
7. walang kamaliang gramatikal
8. walang kamalian sa bantas
9. angkop na pamantayang kayarian
10. di-emosyonal
11. obhetibo

Anyo
1. Sulating interpersonal o inter-institusyonal - tumutukoy ang mga ito as
mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon
upang maipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa
pagtamo ng layunin ng nagpapadala. Hal. liham pangnegosyo

2. Sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal – tumutukoy ang mga


ito sa mga sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at
sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan. Hal.
flyers, leaflets, promotional materials, paunawa, babala at anunsyo

3. Sulating ukol sa isang produkto - tumutukoy ang mga ito sa mga sulating
may kinalaman sa isang produkto. Hal. deskripsyon ng produkto, manwal
sa paggamit ng produkto

4. Sulating ukol sa pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may


kinalaman sa pagkain. Hal. recipe at menu

Target na gagamit
1. mambabasa
2. mamimili
3. mga tao sa labas ng organisasyon
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Batay sa iyong sariling pag-unawa, ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod:

1. Manual -Serbisyo – ito ay isang Manual tungkol sa maintenance ng isang


mekanismo o sa pag-aayos ng depektibong bahagi nito

2. Teknikal na Manual – ito ay madetalyadong Manual ng mga bahagi,


operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.

3. Manual na Operasyonal – ito any isang Manual na nagbibigay ng impormasyon


kung paano gamitin ang isang bagay o mekanismo

4. Manual sa Pagbuo – ito ay isang Manual na kung saan nagsisilbing gabay sa


kung paano buuin, ayusin at sa pag adjust ng mekanismo

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan at at katangian ng


teknikal-bokasyunal na sulatin?
Mahalaga ito matutunan dahil ito ay nag sisilbing gabay sa mga
mag-aaral upang mapalawak ang kanilang impormasyon sa pagsulat
ng mga sulatin.

2. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng liham pangnegosyo?


Para sa akin mahalaga na tayo'y magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa
pagsulat ng liham pangnegosyo dahil ito'y magagamit natin balawang araw.
Madalas din nagagamit ang liham pangnegosyo sa mga sulatin kagaya ng
pag-aaply. Ito ay pormal na sulatin na kung saan mas nakakahikayat
basahin sapagkat ang impormasyon na nakapaloob dito ay siksik.
Isaisip

Panuto: Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang konsepto batay sa iyong nalalaman
at mga palagay.
Manwal Liham Pangnegosyo
Ang nilalaman nito ay Ang nilalaman nito ay
- Pamagat, Talaan ng nilalaman, - Ulong sulat, Petsa, Patunguhan, Bating
Pambungad, Nilalaman at Apendise Pambungad, Katawan ng Liham, Bating
Pangwakas at Lagda
Ang wika na ginamit ay
- Pormal Ang wikang gagamitin ay
- Pormal
Ang layunin nito ay
maging gabay at mag bigay ng Ang layunin nito ay
impormasyon magbigay ng impormasyon at
manghikayat ng mambabasa

Kahulugan Kahulugan
Isang aklat na kung saan nagbibigay Isang pormal na liham na
ng impormasyon o mga tuntinin. kalimitang ginagamit sa
pang negosyo
Isagawa
Panuto: Sagutin ang graphic organizer sa ibaba.

A.
Student Handbook
Uri ng sulatin – Manwal

Layunin – magbahagi ng impormasyon

Gamit - dayagram

Katangian – malinaw at nauunawaan

Anyo - Sulating interpersonal o inter-institusyonal

Target na gagamit - mambabasa

Kahulugan – naglalaman ito ng mga rules and regulations ng mga mag aaral

B.
Liham Pag-aaplay
Uri ng sulatin – Liham pangnegosyo

Layunin – magbahagi ng impormasyon at manghikayat ng mambabasa

Gamit – ulat pamboluntaryo

Katangian – kumpleto ng impormasyon

Anyo - Sulating interpersonal o inter-institusyonal

Target na gagamit - mambabasa

Kahulugan – ito ay isang liham pangnegosyo na ginagamit ng mg aplikante upang


makapasok sa isang trabaho
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A
1. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o
pagpapalit ng depektibong bahagi?
A. Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo
B.Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay
D 2. Isa sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin na espesyalisado ang
bokabolaryo. Ano ang ibig sabihin ng espesyalisado?
A. salitang pormal na ginagamit sa iba’t ibang larangan
B.salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan
C.salitang kolokyal na ginagamit ng mga millenials
D.salitang teknikal na tatangi lamang sa larangang kinabibilangan
D 3. Ang recipe at menu ay napabilang sa .
A. sulating inter-institusyonal
B.sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
C.sulating ukol sa pagkain
D.sulating ukol sa isang produkto
A 4. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano
ang ibig sabihin ng salitang obhetibo?
A. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi
humahadlang sa pansariling saloobin tulad ng emosyon at pagpili
B.pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at magdesisyon
C.may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin
tulad ng emosyon at pagpili
D.may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin
D 5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon na
pinagmumulan ng liham?
A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat
D 6. Anong uri ng anyo ng sulatin napabilang ang manwal sa paggamit ng
produkto?11
A. sulating inter-institusyonal
B.sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
C.sulating ukol sa pagkain
D.sulating ukol sa isang produkto
B 7. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham
pangnegosyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. pormal ang pananalita C. tamang gramatika
B.tama ang detalye D. wasto ang balangkas
C 8. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa
sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang
maipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa
pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
A. sulating ukol sa pagkain
B.sulating ukol sa isang produkto
C.sulating interpersonal o inter-institusyonal
D.sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

B 9. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng pagsulat


nito?
A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

B 10. Iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham


pangnegosyo. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong
pinadadalhan ng liham. Aling katangian ng mabisang liham pangnegosyo
ito makikita?
A. tiyak C. maganda sa paningin
B. malinaw ngunit magalang D. maikli ngunit buong-buo

A 11. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin komprehensibo?


A. malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw
B.maliit ang saklaw D. payak ang saklaw

B 12. Anong uri ng manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang


produktong binibili o binubuo bago gamitin?
A. employees’ manual o handbook C. training manual
B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

A 13. Anong uri ng manwal na nagsisilbing gabay sa mga empleyado nang sa


gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi
dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.
A. employees’ manual o handbook C. training manual
B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

C 14. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?
A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata

D 15. Alin sa sumusunod na sulatin ang naglalayong magpabatid ng


impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto,
serbisyo o kaganapan?
A. sulating ukol sa pagkain
B.sulating ukol sa isang produkto
C.sulating interpersonal o inter-institusyonal
D.sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng kurso o bokasyon na gusto mong pasukin sa kolehiyo o
gawing karera. Magsaliksik sa libro at internet o magsagawa ng panayam
ukol dito.
1. Gumawa ng isang glosaryo na may 5 salita ng mga konsepto
o terminolohiyang ginagamit sa napiling larangan.

2. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.

Imbentaryo
Ito ang mga supply ng goods na nakaimbak sa isang lugar
Ledger
Ito ay tinatawag na aklat ng huling entry dahil ang mga entry ay sa wakas ay
summarized sa aklat na ito. Tinukoy din nito bilang isang pangkat ng mga account
Pag-awdit
Ito ay ang pagsusuri ng mga pinansiyal na pahayag ng isang independiyenteng
sertipikadong pampublikong accountant para pagkamakatarungan ng pinansiyal at
pahayag
Pagre-rekord
Ito ang pagsulat ng mga transaksyon sa negosyo sa isang talaan ng aklat na
tinatawag na journal. Ito ay tinatawag na bookkeeping
Single Sole-Proprietorship
Ang isang entry na ang mga ari-arian, pananagutan, kita at gastos ay naka sentro o
pagmamay-ari ng isang tao lamang

You might also like