You are on page 1of 3

TEKSTO 1

Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad (halimbawa ng isang nilalaman ng
isang konseptong papel)
Kahalagahan:
Isang malaking banta sa sangkatauhan ang pagtala ng kalagayan ng mundo. Patuloy na
lumalaki ang populasyon ng tao kung kaya patuloy ring tumataas ang pagkonsumo at
pangangailangan ng enerhiya na karaniwang nagmumula sa mga fossil fuel. Dahil sa paggamit
fossil fuel, pinalalala nito ang pag-init ng mundo na nagbubunga ng pag-iiba-iba ng panahon.
Ang pisikal na epekto ng global warming tulad ng pagpapalit-palit ng panahon, at ang
potensiyal na impact nito sa seguridad ng mga bansa tulad ng mga bansang kabilang sa Third
World ay isang mahalagang usapin.
Isang mahalagang bahagi ng banta sa kapayapaan at seguridad ay ang posibleng maganap
na alitan sa mga border ng bawat bansang apektado. Ang patuloy na pagkatunaw ng yelo ang
nagiging sanhi ng pagtaas ng bahaging tubig at unti-unting paglubog ng mababang lugar na
maaaring magbunga ng isang malaking pagbabago sa anyong lupa. Bunsod nito ang unti-unti na
ring paglubog ng mga baybayin na magreresulta ng pag-iiba ng shipping route. Maaari ding
maging suliranin ang pagbugso ng migration o pandarayuhan bunga ng paglikas mula sa lugar na
lumubog. May malaking epekto rin ito sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa Agrikultura.
Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng pagkain at sa mga pangunahing pangangailangan ng
mga mamamayan.
Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyong pangseguridad bilang
epekto ng global warming. Marami nang pag-aaral ang naisagawa tungkol sa global warming
subalit ang pagiging banta sa seguridad sa isang bansa ay hindi pa ganap na napagtutuunan ng
pansin. Isang malawakang kampanya ang kailangang palaganapin sa pamamagitan ng midyum na
maaabot ang interes ng mga mamamayan. Mahihikayat ang mga kalahok na magsuri at magbigay
ng solusyon nang sa gayon hindi umabot pa sa isang trahedya ang pagsasawalang- bahala ng mga
tao.

Layunin ng papel na ito na

 Matukoy ang mga implikasyong panseguridad na dulot ng global warming.


 Makapaglahad ng mga alternatibong pamamaraan upang hindi lumalala ang epekto ng
global warming sa kabuhayan at teritoryal na pag-aari ng isang bansa.
 Makabuo ng malawakang estratehiya upang mapigilan ang bantang maaring ibunga ng
global warming.
Metodolohiya
Magpapakalat ng mga Questionnaire tungkol sa global warming. Magkakaroon din ng
panayam at forum sa mga awtoridad tungkol sa nasabing usapin. Sa pamamagitan ng pagkakaroon
nang malawakang talakayan ay magkakaroon ang mga mamamayan nang ganap na kaalaman tungkol
sa napipintong panganib na dulot ng global warming
Inaasahang Bunga
Ang papel na ito ay isang panimulang hakbang sa pagtataguyod ng adbokasiya ng pagpigil sa
paglala ng global warming. Ito ay maglalaman ngmga datos na magbabalangkas ng mga hakbangin
upang maresolba ito. Ang lahat ng mga mahahalagang datos na makakalap ay ilalathala. Ilalakip din
ang resulta ng mga survey bilang karagdagang pahina.
Sanggunian
Good, P. et al. (20100, An updated review of developments in climate science research since
IPCCAR4. A report by the AVOID consortium(PDF), London, UK: Committee on climate Change,
p.14. Report website.
IAP( June 2009), Interacademy Panel (IAP) Member Academies Statement on Ocean Acidification,
Secretariat: TWAS ( The Academy of Sciences for the Developing World), Trieste, Italy.
IEA( 2009). World Energy Outlook 2009 (PDF), France: International Energy Agency(IEA), ISBN
978-92-64-06130-9.
IPCCARA4 SYR (2007). Core Writing Team; Pachauri, RK; and Reisinger, A., eds. Climate Change
2007: Synthesis Report. Contribution of Working Groups I, II and III to the Fourth Asssesment Report
of the Integovernment Panel on Climate Change. IPPC.ISBN 92-9169-122-4
IPCCAR4 WG1 (2007). Solomon, S.;QUIN, d. Manning, M.;Chen, Z,;Marquis, M,;Averyt, K.B.,;
Tignor, M.; and Miller, H.L., ed. Climate Change 2007: The Physical Science Basis. Contribution of
Working Group I to The Fourth Asssesment Report of Intergovernmental Panel on Climate Change.
Cambridge University Press. ISBN 978-O-521-88009-1.(pb: 978-0-521-70596-7).
IPCCAR4 WG2 (2007). Parry, M.L.; Canziani, Of.; Palutikof, Jp,: VAN DER Linden, P.J., and
Hanson, C. E..,ed. Climate Change 2007: Impacts, Adaptation and Vulnerability. Contribution of
Working Group II to The Fourth Asssesment Report of Intergovernmental Panel on Climate Change.
Cambridge University Press. ISBN 978-O-521-880010-7.(pb: 978-0-521-70597-4).

Hinalaw sa halimbawang konseptong papel mula sa


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik nina Atanacio,Lingat at Morale
TEKSTO 2

ANG MULTILINGGWALISMO SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAGBASA


Tanaleon, Lorey F.
Di-Nailathalang Masteral na Tesis sa mga Sining sa Edukasyon (Filipino)
West Visayas State University, Iloilo City, Pebrero 2009

Ang pag-aaral na ito ay isang quasi- eksperimental na pananaliksik na gumamit ng


disenyong pretest-posttest control group. Layunin nitong tiyakin ang bias ng multilinggwalismo
sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral na kumukuha ng Literature 101 sa
Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas. Ginamit sa pagsukat ng ibat-ibang kasanayan sa
pagbasa ang inihandang pagsusulit na sumailalim sa balidasyon at pilot testing. Ang mga
kasanayan sa pagbasang nilinang ay ang sumusunod: paglinang ng talasalitaan, pagkuha ng
kahulugan ng idyoma, kasabihan at mga tayutay, pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa
kuwento, pag-unawa sa impresyon o kakintalang nadarama, pagpapahiwatig ng damdamin,
pag-unawa sa katangian ng tauhan, pagkuha ng pangunahing kaisipan at pagtukoy sa paksa.
Kabilang sa kagamitang istadistikang palarawang ginamit ay ang mean at standard deviation at
t-test bilang istadistikang imperensyal na itinuon sa 0.5 alpha. Batay sa resulta ng katampatang
tuos ipinakiikita na mataas ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral pagkatapos
gamitin ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo samantala napakataas ang antas ng
kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang multilinggwalismo bilang
midyum ng pagtuturo. Ang resulta ng t-test para sa independent na sample ay nagpapakitang
walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral bago
gamitin ang Wikang Filipino at multilinggwalismo bilang midyum ng pagtuturo samantala may
makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral pagkatapos
gamitin ang wikang Filipino at multilinggwalismo bilang midyum ng pagtuturo, at may
makabuluhang pagkakaiba sa mean gain score ng mga mag-aaral na tinuruan gamit ang
wikang Filipino at multilinggwalismo. Ang paired t-test ay nagpapakitang may makabuluhang
pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin
ang wikang Filipino at multilinggwalismo bilang midyum ng pagtuturo.

Hinalaw sa halimbawang abstrak


ANG MULTILINGGWALISMO SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA PAGBASA
Ni Tanaleon, Lorey F.
Di-Nailathalang Masteral na Tesis sa mga Sining sa Edukasyon (Filipino)
West Visayas State University, Iloilo City, Pebrero 2009

You might also like