You are on page 1of 22

Ang Pagsulat ng Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.


Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa
isang particular na paksang pinag-uusapan.
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa.
Sa pangkalahatan, may apat na uri ng talumpati batay sa kung paano ito
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Biglaang Talumpati (Impromtu)- Ang talumpating ito ay ibinibigay nang


biglaan o walang paghahanda.

2. Maluwag (Extemporaneous)- Kung ang biglaang talumpati ay isinasagawa


nang biglaan o walang paghahanda, sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito
ipahayag.
3. Manuskrito- Ang talumpating ito ay ginagamit sa
mga kumbensiyon, seminar, o programa, sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan itong Mabuti at dapat na nakasulat.

4. Isinaulong Talumpati- Ito ay kagaya rin ng


manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at
hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran


Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga
nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.

2. Talumpating Panlibang
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa
mga nakikinig.
3. Talumpating Pampasigla
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga
nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking ang nilalaman nito ay
makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga
tao.

4. Talumpating Panghikayat
Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang
bagong kasapi ng samahan o organisasyon.

6. Talumpati ng Papuri
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng
pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig


Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng
kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng
kanyang magiging tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat na
Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng
mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang sumusunod:

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig


Mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa mga
tagapakinig.
2. Ang bilang ng mga makikinig
Importante ring malaman kung ilan ang mga taong
makikinig sa talumpati.

3. Kasarian
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at
kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan.
4. Edukasyon o antas sa Lipunan

Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng


nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng
kanilang buhay sa lipunan.

5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig

Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at


karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa.
B. Tema o Paksang Tatalakayin
Ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdiriwang
o pagtitipon ng pagtatalumpatian.
Mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati

1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin


2. Pagbuo ng Tesis
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
Isa pa sa mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati ay ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng
talumpati. Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong
hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati.

1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Tropikal na Hulwaran
3. Huwarang Problema-Solusyon
D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
Ang paghabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa
umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-
alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo, at
organisado ang bibigkasing talumpati.
1. Introduksiyon
Ito ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay
naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman
ng talumpati kaya naman dapat angkop ang
pambungad sa katawan ng talumpati.
2. Diskusyon o Katawan
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng
talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang
punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng talumpati. Narito ang mga katangiang
kailangangtaglayin ng katawan ng talumpati:
a. Kawastuhan- Tiyaking wasto at maayos ang
nilalaman ng talumpati.
b. Kalinawan- Kailangang maliwanag ang pagkakasulat
at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig.
c. Kaakit-akit- Gawing kawili-wili ang paglalahad ng
mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

3. Katapusan o Kongklusyon
4. Haba ng Talumpati
Gawain 1
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ibigay ang kahulugan ng talumpati. Isa-isahin ang uri ng


talumpati batay sa pagbigkas.
2. Ano-ano ang uri ng talumpati ayon sa uri? Ipaliwanag ang
bawat isa.
3. Alin sa mga halimbawang nabanggit ang pamilyar ka o
gustong-gusto mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati? Ano-ano
ang dapat ikonsidera o bigyang pansin sa pagsulat nito?
5. Bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa
pagbuo ng talumpati? Isa-isahin ang katangian at pagkakaiba
ng mga ito.

6. Ano-ano ang dapat tandan sa paghabi ng mga bahagi ng


talumpati?

7. Sa paggawa ng talumpati, bakit mahalagang ikonsidera o


bigyang –pansin ang haba nito?
Gawain 2
Buoin ang balangkas ayon sa mga bagay na dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng talumpati

1. Mga uri ng mga Tagapakinig


a.__________________________________________
b. __________________________________________
c. __________________________________________
d. __________________________________________
e. __________________________________________
2. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
a. _________________________________________
b. _________________________________________
c. _________________________________________
3. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati
a.__________________________________________
b.__________________________________________
c. __________________________________________
Gawain 3: Pagsulat ng Talumpating Nakabatay sa Pananaliksik
Sitwasyon:Bilang isa sa mga lider sa inyong paaralan, ikaw ay
napiling sumulat ng talumpating ilalathala sa isang magasing itatampok
para sa nalalapit na youth congress sa inyong rehiyon. Binigyan ka ng
pagkakataong gawin ito upang mahikayat at magbigay ng impormasyon
sa kapwa kabataan upang mas maging responsible sa pagpapahayag o
paggamit ng social media at mga makabagong teknolohiya.
Rubrik sa Pagsulat ng Talumpati
Pamantayan Puntos

Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati 25

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati 25

Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika 25

Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan 25

100
Kabuoang Puntos

You might also like