You are on page 1of 7

Ang Pagsulat ng Replektibong

Sanaysay
1
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1.Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin na replektibong
sanaysay.CS_FA11/12PU-0p-r-94
2.Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
CS_FA11/12PU-0p-r-95

Subukin

Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa

________1.Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-


kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
________2. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at
lakbay-sanaysay.
________3. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman.
________4.Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at
pananaw hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito.
________5. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari

Balikan

Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang


katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.
Ano ang gusto ninyong maging silbi o maiambag sa pamilya at bayan ninyo
pagkatapos ng senior high school?Isulat ang inyong sagot sa kahon na inilaan.
Tuklasin
Marami ka nang sanaysay na nabasa o naisulat mula sa iyong Junior High . Alin sa
mga sanaysay na iyon ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Basahin at
unawaing lubos ang tungkol sa Replektibong Sanaysay.

Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga
tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa
isip o damdamin (introspection). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan nangangailangan
ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na
pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring
binibigyang-pansin sa pagsulat.

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o
pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa
hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng
buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o
pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na
maaaring gawan ng replektibong sanaysay.

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa isang
pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu sa
pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na
suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay

1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.

2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig
ng personal na karanasan.

3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o


katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang
pagkakasulat nito.

4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.

5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling
mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa
mga mambabasa.

6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.

7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o


kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at
bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang
pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong
pagsulat ng replektibong sanaysay.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay makapupukaw sa
atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng
kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito
ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng
kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng
mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi
ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga
patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Konklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-
iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na
pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o
hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

Mula sa Pinagyamang
Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc

Suriin
Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang
katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.
.Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipabasa sa
talakayin sa mga paaralan. Alam kong marami nang sanaysay ang nabasa mo
simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang. Alin sa mga sanaysay ang
natatandaan o pinakanagustuhan mo? Ibigay ang iyong kaalaman hinggil dito.
1. Mga ilang sanaysay na ang iyong nabasa/natalakay?_
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________

2. Alin sa mga ito ang pinakanagustuhan o natatandaan mo? (Ibigay ang pamagat)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________.

3. Anong uri ng sanaysay?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________

4. Sino ang sumulat ng sanaysay na ito ?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________.

5.Tungkol saan ang sanaysay ?(Ibigay ang pinakabuod nito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________.
6. Bakit natatak sa iyong isipan ang nasabing sanaysay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________.

Pagyamanin
Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan, mga dapat isaalang-alang, at

hakbang sa pagsulat ng replektibong sanaysay.


____________________ _____________________ ____________________

____________________ _____________________ ____________________

____________________ _____________________ ____________________

____________________ _____________________ ____________________

____________________ _____________________ ____________________


Isaisip
Panuto: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng replektibong sanaysay at lakbay
sanaysay sa pamamagitan ng venn diagram.

Replektibong Lakbay
Sanaysay sanaysay
(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)
PAGKAKATULAD

Isagawa
Panuto: Gamitin nang makatotohanan ang iyong natutuhan sa
araling ito. Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa
napili mong paksa sa ibaba Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagsulat.

Pelikulang “Anak” na katatapos mo lang napanood

Sulat ni Tatay para sa Anak

Pakikinig sa awiting “Aking Ama”

Pakikinig sa awiting “Iingatan Ka”

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanaysay. 50
(CS_FA11/12PU-Od-f-92)
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na replektibong sanaysay. 50
(CS_FA11/12PU-Op-f-94)
Nakasusulat ng replektibing sanaysay batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit 50
ng wika. (CS_FA11/12WG-Op-r-95)
May isang tiyak napaksa ang replektibong sanaysay na nabuo. 50
Kabuuang Puntos 50

Tayahin
Panapos na Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
____1.Ito ay isa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay,
ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak
____2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom
____3.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng
manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
____4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa sanysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay
sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
____5.Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri
ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. b.replektibong sanaysay d.personal nasanysay
____6.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng
isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a.talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editoryal
____7.Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng prpblema? Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao ng
mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan ng piniling aksyon.
Napansin kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang natanggap at hindi
nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
____8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
____9.Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinion o anumang nais palitawin na
ideya.
a.wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
____10.Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol
sa replektibong sanaysay. Sa nakalaang linya ay magbigay ng malikling
paliwanag kaugnay sa iyong sagot.

_________1. Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o pangyayari.
Paliwanag:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

_________ 2.Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan


kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng pagsulat.
Paliwanag:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

__________ 3. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.


Paliwanag:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like