You are on page 1of 22

SENIOR HIGH SCHOOL

Kwarter 4 – Modyul 10
Pagbuo ng Konseptong Papel
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School
Alternative Delivery Mode
kwarter 3 – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N.Gegato Jr and Marben A. Oco
Content Editor: Johanna Vanessa C. Obedencio,
Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Language Editor: Louella Jane Mariano
Proofreader: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B.Acosta
Management Team: Dr. Sally S. Aguilar
Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Nimfa R. Lago, PhD, CESO VI
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS;
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Maria Teresa M. Absin, PhD, CID Chief;
Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager;
Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Kwarter 4 – Modyul 10
Pagbuo ng Konseptong Papel
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat
na panahon para maunawaan ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming
kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, hinahanda ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng

iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na
maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay
hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito nilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na

sisikapin nating matamo sa buong semestre.
Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman tungkol
sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling itinakda na
hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at
isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo ang
bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong kaalaman.
Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong
kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang tapusin sa bahaging ito.

Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na

Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo pinal
na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya, hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng pagbahagi
ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o mawawalan ka ng
dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong pagsisikap ay tiyak na
magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda
ALAMIN
Sa modyul na ito, masusubukan mong gumawa ng konseptong papel. Ito ang
iyong magiging gabay sa paggawa ng pananaliksik. Dito mo makikita ang daloy ng iyong
isusulat, ang mga kakailanganing impormasyon upang mabuo ang bawat bahagi ng
teksto.

Inaasahan na sa katapusan ng modyul na ito, matatamo mo ang mga

sumusunod na kasanayan:
1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PU – IVef – 91)
1.a Nakapagpaplano ng sistematikong proseso sa pagsasagawa ng
konseptong papel.
1.b Nakagagawa ng isang konseptong papel batay sa paksang pinili.

SUBUKIN

Paunang Pagtataya

Bago natin tuluyang suungin ang landas ng karunungan, dadaan muna tayo sa
isang pagsisiyasat. May kinakailangan ka munang sagutan para makapagpatuloy tayo
sa susunod na hakbang.

A. Basahing mabuti ang bawat pahayag na nasa ibaba at ibigay ang tinutukoy nito.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong

gagawin.
A. Konseptong Papel
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas
D. Layunin
2. Ito ay binubuo ng mga parirala o salitang taglay ang punong kaisipan.
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas
C. Patalatang balangkas
D. Pangungusap na balangkas
3. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
A. Konseptong Papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
4. Makikita rito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon.
A. Paksa
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rasyonale
5. Dito makikita ang kalabasan ng pag-aaral.
A. Layunin
B. Output/Resulta
C. Layunin
D. Rasyonale

B. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung anong bahagi o
template ng konseptong papel ang isinasaad nito. Isulat ang katumbas na bilang
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1 – Rasyunale 3 - Metodolohiya o Pamamaraan

2 – Layunin 4 - Resulta o Awtput

_____1. Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng paglalaro

ng video games sa batang nasa preschool.
_____2. Makapapanayam at mapasasagot sa mga talatanungan ang magulang ng mga
batang madalas maglaro ng video games at oobserbahan ang mga batang mahilig
maglaro nito sa loob ng isang buwan.
_____3. Mangangalap ng tala mula sa internet, aklatan, at dyornal at makikipanayam sa
mga dalubhasa.
_____ 4. Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa iilang karamdaman ay
ipinapanukala ng ilang eksperto.
_____5. Susubuking alamin ang mga benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana
bilang gamot o medisina.
_____6. Ipapakita ang ugat ng problema tungkol sa kahirapan sa Pilipinas.
_____7. Maaaring maging dahilan ang teknolohiya sa pagbaba ng marka ng mga mag-
aaral.
_____8. Ninanais mabigyang-linaw ang ugnayan ng malnutrisyon at kawalang trabaho ng
mga magulang.
_____9. Gumawa ng sarbey kung sumasaang-ayon ba ang mga mag-aaral na gawing
Agosto ang pagbubukas ng klase.
____10. Pagpapaliwanag sa magandang maidudulot ng pag-eehersisyo sa kalusugan.
BALIKAN

Kung talagang may natutunan ka sa ating nakaraang talakayan, maaari

mo bang ibigay ang tamang sagot sa bawat pahayag?

1. Ito ang listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin at iba
pa na inaayos nang paalpabeto. ___________________
2. Ang kasanayan sa pagsasaayos ng mga nakalap na mga datos mula sa mga
natutukoy na sanggunian ay isang mahalagang kasanayan ng isang
_____________na mananaliksik.
3. Isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik.
____________________
4. Bago isulat ang pinal na talasanggunian, ano ang una mong gagawin? ____________
5. Mula ito sa salitang Pranses na précis na ang ibig sabihin ay pruned o cut down.
____________________

TUKLASIN
Isulat sa papel (kahit anong papel) ang plano mong gawin bukas at sagutin ang
tanong.

1. Paano kaya makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng pagpaplano?

SURIIN

Isang hindi basta-bastang gawain ang pagpaplano. Kahit ang mga institusyon ay
mayroong Planning and Development na departamento upang makasiguro na nakaplano
ang lahat na gagawin sa araw-araw. Kahit ang Kagawaran ng Eduksayon ay dumaan
sa puspusang pagpaplano upang makamit ang mga layunin nito.

Ang Konseptong papel

Ang Konseptong papel ay nagsisilbing panukala o proposal para maiihanda ang
isang pananaliksik. Ito ang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o
balangkas ng paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mananaliksik na
mailahad kung ano ang mangyayari. Nagbibigay rin ito ng kaalaman sa guro sa
tunguhin o direksyong ninanais ng mananaliksik para sa sulatin.

Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel (Constantino & Zafra, 2000)

1. Paksa - nakasulat dito kung tungkol saan ang gagawing pananaliksik.

- Limitahan ang paksa gamit ang tinutukoy na batayan sa paglilimita.

2. Rasyonale - tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at/o
matuklasan ng mga mag-aaral sa pananaliksik.
- Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

3. Layunin - dito mababasa ang tunguhin o hangarin ng pananaliksik batay sa

paksa.
- Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at
matuklasan ng mananaliksik.
- Maaaring isulat ang mga ito nang paisa-isang pangungusap o
patalatang pangungusap.

4. Metodolohiya/ Pamamaraan- inilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng

mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at sa pagsusuri sa nakakalap
na mga impormasyon.

5. Inaasahang Awtput O Resulta- dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o

magiging resulta ng pag-aaral.

Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal

na papel batay sa kalalabasan ng pagkalap ng datos dahil sa patuloy na
pangangalap.

Paalala:
Magkakaugnay ang layunin at ang inaasahang resulta. Upang mapadali,
maaari mong iisa-isahin ang inaasahang resulta batay sa iyong layunin. Kung
ano ang iyong unang layunin, ito rin ang pagbabatayan mo ng iyong unang
inaasahang bunga.

Upang malaman ko kung mayroon talaga

kayong natutunan sa ating talakayan,
susubukin natin ito gamit ang mga gawaing
nakahanda para sa inyo.
1A. Tukuyin kung anong bahagi ng Konseptong papel ang isinasaad sa bawat
pahayag. Isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot sa sagutang papel o kwaderno.
R – Rasyonale L – Layunin
M – Metodolohiya I – Inaasahang Resulta

____1. Aalamin ang mga ingredient o sangkap sa paggawa ng hotdog.

____ 2. Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan,
subalit, ano-ano nga ba ang mga ingredient o sangkap sa paggawa nito?
____ 3. Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa hotdog na maaaring
batayan ng isang artikulo na tumatalakay sa pagkaing ito.
____4. Mananaliksik sa Internet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong
pagkain ng mga bata at tatanungin ang iilan sa mga nasarbey na bata
kung bakit nila paboritong pagkain ang hotdog. Kapanayamin din ang
ilang manufacturer ng hotdog.
____5. Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa indie films na
maaaring maging batayan sa paggawa ng isang maikling indie film gamit
ang camera at editing apps ng isang smartphone.
____ 6. Makikipanayam sa mga direktor ng indie films at sisiyasatin ang mga
proseso sa paggawa ng ganitong pelikula.
____7. Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay
gagawa ng isang maikling indie film.
____8. Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling indie film gamit lang
ang camera at editing app ng smartphone.
____9. May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa
preschool.
____10. Tutukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng video games sa mga batang
nasa preschool.

1B. Bigyang-kahulugan ang mga salitang nasa ibaba sa pamamagitan ng paggamit

nito sa pangungusap.

1. Rasyonale ______________________________________________________________________
2. Metodolohiya ___________________________________________________________________
3. Pananaliksik ___________________________________________________________________
4. Resulta _________________________________________________________________________
5.Layunin _________________________________________________________________________

PAGYAMANIN
2A. Ayusin ang mga sumusunod na talata upang makabuo ng isang konseptong
papel ayon sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
kwaderno.

Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Kursong Edukasyon Hinggil sa

Akreditasyon ng Unibersidad ng Makati
ni: Alma M. Dayag

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang awtput ang pananaliksik na

isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan ding
makapagpapahayag sa awtput ng mga rekomendasyon na maaaring magamit ng
piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumamit ng e-book sa
kanilang kurikulum.

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng

pakikipanayam sa mga awtoridad at mga dalubhasa tungkol sa programang
accreditation. Napag-isipan din ng mananaliksik na mamahagi ng mga
questionnaire sa mga mag-aaral ng kursong edukasyon. Bibisita rin ang pangkat
ng mananaliksik sa mga silid-aklatan upang mangalap ng mga artikulo na may
kaugnayan sa paksang tinatalakay.

Maraming mga paaralan ang mga nagsusulputan sa panahong ito. Nag-

aalok ng mga kursong in-demand. Ang mga paaralan ay magaganda at may
pasilidad na makabago. Bukod pa rito, sila’y nangangakong magiging sulit ang
ibinabayad ng mga mag-aaral. Subalit marami rin sa kanila ang di akreditado ng
Commission on Higher Education (CHED). Ano nga ba ang proseso nito?
Mahalaga bang maging akreditado ang isang kurso upang masabing mataas ang
kalidad nito?

Nais ng papel na ito na malaman ng mga mag-aaral kung ano ang kursong
makatutulong sa kanila sa pagpili ng tamang paaralang akreditado.

(mula sa Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik)

1.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2.

3.

4.

2B. Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Konseptong Papel. Punan ang mga
blangkong kahong sa ibaba ayon sa hinihinging bahagi nito.

1.
Paksa
Rasyonale
Layunin Aalamin ang karaniwang sanhi ng depression sa mga kabataan
Metodolohiya
Inaasahang Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na tutugon sa
Resulta kadalasang sanhi ng depression sa mga kabataan ng bagong
milenyo.

2.
Paksa New Normal Education

Rasyonale Bunga ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na dulot

ng COVID-19, malaki ang naging pagbabago sa
pamumuhay ng mga tao, ekonomiya ng bansa at
kahit na ang edukasyon ng mga kabataan. Kaya ang
tanong sa karamihan ng mga kabataan at mga
magulang, ano ba ang tinatawag na “New Normal
Education”?

Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Resulta

3.
Paksa Ugnayan ng Mababang Marka ng Mag-aaral at Mga Larong
Online
Rasyonale
Layunin
Metodolohiya Magtatanong sa mga naglalaro online tungkol sa kalagayan ng
Kanilang mga marka.

Inaasahang Bunga

ISAISIP
Halos lahat ng bagay ay dumadaan sa pagpaplano. Malaki ang naitutulong ng
pagpaplano sa ating lahat. Sa aspekto ng pananaliksik, napakahalaga ng pagpaplano
gamit ang konseptong papel upang mapagtutuunan natin ng pansin ang bawat bahagi
na kailangang buuin.

Itatanong sa mga mag-aaral ang retotikal na tanong.

Paano nakatutulong ang pagpaplano sa kursong kukunin natin sa

pagdatingng tamang panahon?

Ngayong alam mo na ang pagbuo ng isang konseptong papel sa pananaliksik,

sigurado akong handa ka na sa susunod na modyul. Saludo ako sa iyong kasipagan
para matuto. Ipagpatuloy mo lang at tiyak na ika’y pagpalain.

ISAGAWA

Sa isang buong papel, gumawa ng isang konseptong papel batay sa gusto mong
pamagat ng pananaliksik.

Pamagat:____________________________________
1.Paksa
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Rasyonale

3. Layunin
a.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

b.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

c.___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4.Metodolohiya

5. Inaasahang Awtput o Resulta

Pamantayan ng Pagmamarka sa Paggawa ng Konseptong Papel

Kohirens. Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.

1 2 3 4 5 6

6- Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa.

5- Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa.
4- Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa.
3- Maraming ideya ang hindi magkakaugnay sa isa’t isa.
2- Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa.
1- Walang magkakaugnay na mga ideya.

Kaisahan. Malinaw na magkaugnay sa isa’t isa ang ideya.

1 2 3 4 5 6

6- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.

5- Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
4-Maraming ideya ang may kaisahan.
3-Maraming ideya ang walang kaisahan.
2- Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1- Walang kaisahan ang mga ideya.

Empasis. Naka-highlight o nabigyang-diin ang mahahalagang punto.

1 2 3 4 5 6

6- Nabigyang-diin ang lahat ng punto.

5-Nabigyang-diin ang halos lahat na punto.
4-Nabigyang-diin ang maraming punto.
3- Maraming hindi nabigyang-diin na mga punto.
2-Iilan lang ang nabigyang-diin na mga punto.
1-Walang nabigyang-diin na mga punto.

Kasapatan. Sapat ang materyal- halimbawa, detalye, paliwanag at mga

ebidensya/datos.

1 2 3 4 5 6

6-Sapat ang materyal.

5-Halos sapat ang materyal.
4-Maraming sapat ang materyal.
3- Maraming hindi sapat na materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal

Kasanayan sa Pangungusap. Wastong gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay at

maging pormat na ibinigay ng guro at aspekto ng pandiwa.

1 2 3 4 5 6

6- Wasto ang lahat ang pagkagamit ng balarila.

5-Halos wasto lahat ang pagkagamit ng balarila.
4-Maraming wasto na pagkagamit ng balarila
3-Maraming hindi wasto na pagkagamit ng balarila
2-Iilan lang ang wasto na pagkagamit ng balarila.
1-Walang wasto na pagkagamit ng balarila

Puntos ___________________

TAYAHIN

Pangwakas na Pagtataya

A. Basahing mabuti ang bawat pahayag na nasa ibaba at ibigay ang tinutukoy nito.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kalansay ng mga ideyang pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin

A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas
D. Layunin
2. Ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan.
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas
C. Patalatang balangkas
D. Pangungusap na balangkas
3. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
4. Makikita dito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos at
sa pagkalap ng impormasyon.
A. Paksa
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rasyonale
5. Dito makikita ang kalalabasan ng pag-aaral.
A.Layunin
B.Awtput/Resulta
C.Layunin
D. Rasyonale

B. Basahing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung anong bahagi o template ng
konseptong papel ang isinasaad nito. Isulat ang katumbas na bilang ng iyong sagot sa
sagutang papel.
1 – Rasyunale 3 - Metodolohiya o Pamamaraan
2 – Layunin 4 - Resulta o Awtput

_____1. Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng

paglalaro ng video games sa batang nasa preschool.
_____2. Makapapanayam at mapasasagot sa mga talatanungan ang magulang ng mga
batang madalas maglaro ng video games at oobserbahan ang mga batang mahilig
maglaro nito sa loob ng isang buwan.
_____3. Mangangalap ng tala mula sa internet, aklatan, at dyornal at makikipanayam sa
mga dalubhasa.
_____ 4. Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa iilang karamdaman ay
ipinapanukala ng ilang eksperto.
_____5. Susubuking alamin ang mga benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana
bilang gamot o medisina.
_____6. Ipapakita ang ugat ng problema tungkol sa kahirapan sa Pilipinas.
_____7. Maaaring maging dahilan ang teknolohiya sa pagbaba ng marka ng mga mag-
aaral.
_____8. Ninanais mabigyang-linaw ang ugnayan ng malnutrisyon at kawalang trabaho ng
mga magulang.
_____9. Gumawa ng sarbey kung sumasaang-ayon ba ang mga mag-aaral na gawing
Agosto
ang pagbubukas ng klase.
____10. Pagpapaliwanag sa magandang maidudulot ng pag-eehersisyo sa kalusugan.

KARAGDAGANG GAWAIN

Repleksyon

Sagutin ang mga tanong sa inyong answer sheet.

1. Paano nakakaapekto ang pagpaplano bilang mag-aaral?

2. Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng konseptong papel sa pagsasagawa ng

pananliksik?

Pamantayan sa Pagmamarka

Kaisahan ng mga ideya

1 2 3 4 5

5- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.

4-Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
3-Maraming ideya ang may kaisahan.
2-Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1-Walang kaisahan ang mga ideya.

Kasapatan ng mga impormasyon

1 2 3 4 5

5-Sapat ang materyal.

4-Halos sapat ang materyal.
3-Maraming sapat ang materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal

Kaugnayan ng mga ideya sa isa’t isa

1 2 3 4 5

5-Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa

isa’t isa.

4-Halos lahat ng mga ideya ay

magkakaugnay sa isa’t-isa.

3-Maraming mga ideya ang magkakaugnay

sa isa’t isa.

2-Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay

sa isa’t isa.

1-Walang magkakaugnay na mga ideya.

Puntos: _________

Kung hindi mo pinahahalagahan ang pagpaplano sa iyong buhay, wala kang

karapatan na magreklamo kung ano kahihinatnan nito. Magplano nang sa gayon
magiging maayos ang takbo ng iyong buhay. Huwag umasa sa tsamba dahil may
panahon na hindi talaga ito dumarating.

Magaling! Hanggang sa susunod na talakayan!

A.Pag-aayos upang makabuo ng konseptong papel
TIYAK NA PAKSA: Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Kursong Edukasyon Hinggil sa
Akreditasyon ng Unibersidad ng Makati
Rasyunal:
Maraming mga paaralan ang mga nagsusulputan sa panahong ito. Nag-
ooffer ng mga kursong in-demand. Ang mga paaralan ay magaganda at may
pasilidad na makabago. Bukod pa rito, sila’y nangangakong magiging sulit ang
ibinabayad. Subalit marami rin sa kanila ang di akreditado ng CHED. Ano nga ba
ang proseso nito? Mahalaga bang maging akreditado ang isang kurso upang
masabing mataas ang kalidad nito?
Layunin:
Nais ng papel na ito na malaman ng mga mag-aaral kung ano ang kursong
edukasyon na makatulong sa kanila sa pagpili ng tamang paaralang akreditado
Metodo:
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng
pakikipanayam sa mga awtoridad na dalubhasa tungkol sa programang
akridetasyon. Napag-isipan din ng mananaliksik na mamahagi ng mga
questionnaire sa mga mga mag-aaral ng kursong edukasyon. Bibisita din ang grupo
sa mga silid-aklatan upang mangalap ng mga artikulo na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay.
Output/Resulta
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa
mga awtoridad na dalubhasa tungkol sa programang akridetasyon. Napag-isipan
din ng mananaliksik na mamahagi ng mga questionnaire sa mga mga mag-aaral ng
kursong edukasyon. Bibisita din ang grupo sa mga silid-aklatan upang mangalap
ng mga artikulo na may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
B. (Ang guro na ang magwasto sa ginawa ng mag-aaral sa kanyang ginawang
konseptong papel kung ito ba ay nakasunod sa dapat gawin)
Isagawa
TALASANGGUNIAN

Aklat –

Altes, J. A. et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Akademikong

Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015

Bandril, L.T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Vibal Group, 2016

Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan at

Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2012

Bernales, R. A. et al. Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino 2,

Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009

Bernales, R. A. et al. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya

Publishing House, Inc., 2009

Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik.

Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2016

Garcia, T. P. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City:

Mutya Publishing House, Inc., 2008

Website

https://www.academia.edu/31543594/Pagbuo_ng_Konseptong_Papel

https://www.powtoon.com/online-presentation/bUu3g5jEtzh/pagbuo-ng-konseptong-
papel/?mode=movie
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Misamis Oriental

(Office Address) Del Pilar corner Velez Street, Brgy. 29, Cagayan de Oro City 9000

Telefax: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 (Globe)

Email: Address misamis.oriental@deped.gov.ph

You might also like