You are on page 1of 20

Senior High School

Ikatlong Kuwarter - Modyul 5:


Tekstong Argumentatibo
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kuwarter – Modyul 5: Tekstong Argumentatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N.Gegato Jr and Marben A. Oco
Content Editor: Johanna Vanessa C. Obedencio,
Language Editor: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Proofreader: Louella Jane B. Mariano
Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B.Acosta
Mga Tagapamahala:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Assistant Regional Director

Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

Rowena H. Para-on, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-ADM;


Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
Modyul 5
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ikatlong Kuwarter - Modyul 5


Tekstong Argumentatibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for educational
purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in these modules are owned by their respective copyright holders. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those
who have made significant contributions to these modules.
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para maunawaan ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot gamit ang iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay kang maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng


iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na
maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay
hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semestre.

Subukin – Masusubok sa bahaging ito kung gaano kalawak ang iyong


kasalukuyang kaalaman tungkol sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito matututunan mo ang mga araling


itinakda gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa.

Tayahin – Masusukat mo sa bahaging ito kung gaano katatas ang iyong sarili
sa mga bagong aralin sa tulong ng pagtataya.

Karagdagang Gawain – Isa pang gawain ang iyong tatapusin sa bahaging


ito upang mas mapalawak at maragdagan pa ang iyong kaalaman sa aralin.

Ang mga sagot sa bawat gawain ay isusulat mo sa mga inihandang Activity


Sheets na kalakip sa modyul na ito. Hinihikayat kang gumamit ng dagdag na papel
bilang burador bago mo isapinal ang pagsulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

1
ALAMIN

Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang


panlimang modyul na pag-aaralan mo sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Grade 11 sa Senior High School.
Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang malinang ang iyong mga kasanayan
at pag-unawa sa mga tekstong argumentatibo.

Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin,


suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul,
may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago matapos ang
aralin nang sa gayon ay mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at saykomotor (psychomotor).

Nakapaloob sa modyul na ito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat


mong malinang bilang isang mag-aaral.

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng


tekstong argumentatibo (FIIPT-IIIa-88);
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong argumentatibo (FIIPS-
IIIb-91);
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong argumentatibo
(F11PU – IIIb – 89);
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
argumentatibo sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
(F11PB – IIId – 99);
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP – IIId – 36);
6. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: kalinawan, kaugnayan
at bisa sa reaksiyon ng sinulat (F11PU – IIIfg – 90); at
7. Nakasusulat ng mga reaksiyong papel batay sa binasang tekstong
Argumentatibo at kabuluhan nito sa: sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig. (F11EP – IIIj – 37)

2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang


nito kung kailangan mo pa ba ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod.
Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan o lohikal na


pangangatwiran? Lagyan lamang ng (/) tsek ang mga bilang na nagsasaad ng
makatotohanan o lohikal na pahayag.

_____ 1. Ang programang K to 12 ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education,


Junior High School, at Senior High School.
_____ 2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mahina ang bentahan ng ating
produkto.
_____ 3. Isa sa mga pangunahing pinagkakikitaan ng ating bansa ay ang turismo.
_____ 4. Si Artista A ay matapat. Si Artista B ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Artista
C ay matalino kung kaya’t dapat nating iboto ang mga artista!
_____ 5. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal kung kaya’t halos buong taon
nakararanas tayo ng tag-ulan.
_____ 6. Pera ang pangunahing pangagailangan ng tao, ngunit pera rin ang sisira sa
relasyon ng tao.
_____ 7. Karaniwang kaugalian ng mga Pilipino ang likas na mapagmahal.
_____ 8. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang nababawasan
ang mga out-of-school youth.
_____ 9. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.
_____10. Si Coco Martin ay isang sikat na artista.
_____11. Ang isda ay namumuhay sa tubig.
_____12. Lahat ng taong nabubuhay ay humihinga.
_____13. Ang Pangulo ng Pilipinas ngayon ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
_____14. Si Jose Palma ang sumulat sa titik ng ating pambansang awit.
_____15. Kung si Maria ay mabuting kristiyano, siya ay makapupunta sa langit.

3
6
YUGTO NG PAGKATUTO

BALIKAN

Batay sa tinalakay na tekstong naratibo sa nakaraang modyul, suriin ang mga


sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay naglalahad ng
katangian ng tekstong naratibo at ekis (x) naman kung hindi.

_________ 1. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.


_________ 2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao,
lugar o pangyayari.
_________ 3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod.
_________ 4. Nakagaganyak ang panimula ng teksto.
_________ 5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad.
_________ 6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.
_________ 7. Naglalahad ito ng isang detalyeng nakapanghihikayat sa madla.
_________ 8. Nagpapakita ng isang matibay na opinyon ukol sa paksa.
_________ 9. May ipinapakilalang suliraning kinakaharap ang mga tauhan.
________ 10. Kawili-wili ang pamagat ng teskto at may malalim na pagpapaliwanag
sa magiging implikasyon nito.

TUKLASIN

Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba. Gamit ang Storey
Mountain Organizer, suriin ang pagkabuo o pagkabalangkas ng “Editoryal | Si
Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad” sa pamamagitan ng pagtala ng mga pahayag
ayon sa mga bahagi ng teksto: simula, gitna o katawan at konklusyon.

Gitna

Mahalagang Bahagi
ng Tekstong
Argumentatibo
Simula Wakas

4
Editoryal | Si Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad
By: Pinoy Weekly

Iisa ang tono ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing nababanggit ang kanyang
tatay na si Ferdinand Marcos na pinatalsik sa Malakanyang sa unang People Power sa
EDSA: Kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power, maunlad na sana ang Pilipinas.
Tila sinasabi niyang pagkakamali ang EDSA People Power kung kaya nananatili ang
krisis dito sa bansa. Tila walang kasalanan ang administrasyon ng kanyang ama sa
kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan sa ilalim ng administrasyon nito noon.
Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa kalagayan ngayon. Kahit na
ihambing umano ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya, di hamak na nangunguna raw ito.
Sa madaling sabi, maunlad noon ang Pilipinas at dahil ito sa kanyang ama. Kung may isang
kakambal na pangalan ngayon ang mga Marcos, iyun ay ang Martial Law (ang deklarasyon
na kumitil ng hindi lamang ng demokrasya sa bansa kundi maging ang pinakamagigiting at
pinakamahuhusay na anak ng bayan). Ito ang idineklara ni Marcos para umano makontrol
ang bansa para magkaroon ng “kaayusan” at sumulong ang ekonomiya ng bansa.
Pero nakakalimutan yata ni Bongbong na isang planadong krimen ang Martial Law
para mapanatili ang kapangyarihan ng kanyang ama sa puwesto tulad ng inamin ni Juan
Ponce Enrile, isa sa mga arkitekto nito. Totoong matindi ang kahirapan na nararanasan ng
bansa ngayon sa ilalim ni Aquino (at iba pang rehimeng nagdaan). Pero hindi ibig sabihin di
na matindi ang kahirapang nararanasan noon ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ni
Marcos.
Mula noong panahon ni Marcos (o bago pa man), isa nang tatsulok ang lipunang
Pilipino na nasa itaas ang naghaharing mga uri, at iilan lamang na pamilya ang
nakikinabang. Ganito pa rin ang lipunan ngayon, dahil wala naman talagang tunay o
makabuluhang pagbabagong ginagawa ang mga pulitikong nakaupo mula pa nang likhain
ng Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas batay sa kanilang interes. Wala sa mga
nakaupo sa puwesto ang makakagawa na ipamahagi nang libre ang lupa sa mga
magsasaka. Wala sa kanila ang magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga
manggagawa at ipatitigil ang kontraktuwalisasyon. Wala sa kanila ang pangungunahan ang
industriyalisasyon sa bansa. Lalong wala sa kanila ang tatayo laban sa panghihimasok ng
ibang bansa gaya ng Estados Unidos (at kahit pa Tsina).
Labag ang lahat nang ito sa interes at batas ng mga naghaharing uri na nakaupo sa
puwesto. Nakailang eleksiyon na ang mga Pilipino, pero nananatiling dominante ng mga
pamilyang ito ang eleksiyon sa Pilipinas. Wala silang lilikhaing batas na labag sa interes ng
mga haciendero at mga kapitalista.
May Marcos o wala na nakaupo sa bansa, o may Martial Law man o wala, hinding
hindi tunay na uunlad ang Pilipinas at mga mamamayan nito habang nananatiling
nakadisenyo ang gobyerno para mapanatili ang mga naghaharing uri sa kanilang puwesto at
panatilihin ang ganitong sistema na sila lang ang nakikinabang.
Desperasyon na marahil ng ibang mga Pilipino ang pagkakaroon ng Martial Law o
kamay na bakal tulad ng mga itinotono ng mga pulitikong tumatakbo para umano umayos at
umunlad ang bansa.
Ipinapangako ng mga pulitiko ang lahat kahit ano para lang manalo. Pero alam na ng
marami na hindi ito magkakatotoo. Dahil kung may tunay na pagbabago na magkakatotoo at
makabubuti sa ordinaryong mga tao, hindi ito manggagaling sa mga kandidato.
Napatunayan ng mga pag-aalsa mula panahon ng kolonyalismong Espanyol
hanggang First Quarter Storm ng 1970 hanggang sa EDSA noong 1986 na nagkakaisang
mga mamamayan ang nagtutulak ng pagbabago.

5
SURIIN
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan
mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon
hinggil dito ay ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag
din kalimutang isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad
ang kanyang mga pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.
Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin
sa mga datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Ang empirikal na pananaliksik naman ay tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimento.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O
PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Paraan Kahulugan Halimbawa

1.Pabuod  Paglalahad muna ng mga 1. Tumulong kami sa paglilinis ng


halimbawa o maliliit na ideyang kapaligiran at pagsasabit sa mga
tumatayong pansuportang palamuti sa entablado bilang
kaisipan at nagtatapos sa paghahanda sa kapistahan ng
isang pangunahing kaisipan aming barangay.
 Kabaliktaran ng pabuod.
2.Pasaklaw Nagsisimula sa paglalahad ng 2. Ang Train Law o Tax Reform for
pangunahing kaisipan na Acceleration and Inclusion ay isang
sinusundan ng mga pantulong batas na nagbabago sa sistema ng
na kaisipang sumusuporta sa ating buwis. Napapaloob dito ay
naunang kaisipan. ang dagdag sahod, pagtaas ng
 Naayon sa mga risonableng presyo ng langis at asukal kasunod
inaasahan kaugnay sa mga
sa iba pang bilihin.
3.Lohikal espisipikong sitwasyon o
kaganapan at ang lohikal na 3. Sa kalikasan natutugunan ang
pag-iisip ng isang tao – may pangangailangan ng tao na
maayos na pag-iisip at pare- nagbibigay sa kanya ng kasiyahan
pareho o consistent. sa buhay.
 Binubuo ng tatlong
mahahalagang bahagi 4. Pangunahing Premis: Lahat ng
Katoliko ay Kristiyano.
4. Silohismo a. Pangunahing Premis Pangalawang Premis:
b. Pangalawang Premis Si Juan ay Katoliko.
c. Konklusyon Konklusyon:
5. Sanhi at  Pagtalakay sa mga Si Juan ay Kristiyano.
Bunga kadahilanan ng isang bagay o
pangyayari at mga epekto nito. Mag-aral ka ng mabuti upang
magandang kinabukasan ay
makakamtan.

6
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Mayroong mahahalagang bahagi ang tesktong argumentatibo tulad din ng


ibang pormal na sulatin. Bawat bahagi nito ay magkakaugnay upang higit na maging
matibay ang pangangatwiran. Ito ay kinapapalooban ng panimula, gitna o katawan at
konklusyon.

Panimula
Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis
statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.

Gitna o Katawan
Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat
kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad.
Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.

Konklusyon
Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-uusapang
paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng manunulat na
nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.
KAIBAHAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo

Nakabatay sa opinyon Nakabatay sa totoong ebidensya

Walang pagsasaalang-alang sa May pagsasaalang-alang sa


kasalungat na pananaw kasalungat na pananaw

Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela Ang panghihikayat ay nakabatay sa


sa emosyon, nakabatay ang kredibilidad katwiran at mga patunay na inilatag
sa karakter ng nagsasalita at hindi sa
pakinabang o merito ng ebidensya at
katwiran

Nakabatay sa emosyon Nakabatay sa lohika

7
Gawain 1

Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng
pahayag at Mali naman kung mali ang isinasaad nito.

______1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa


pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.
______2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang mga ebidensyang
pangkasaysayan.
______3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng empirikal na
pananaliksik.
______4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mga mambabasa na
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.
______5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na
kailangang may kaugnay sa paksang tinalakay.
______6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang bagay.
______7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa pasulat na
pamamaraan.
______8.Kinapupulutan ang tekstong argumentatibo ng mga kabutihang asal,
mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
pagiging mabuti at tapat.
______9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa paglalarawan ng isang bagay,
tao, o lugar.
_____10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon ng may-akda na
suportado ng mga ebidensiya.

PAGYAMANIN

Gawain 2

Batay sa binasa mong teksto sa bahaging TUKLASIN, Ibahagi ang mga


pahayag mula rito na nagsasaad ng tekstong argumentatibo at persweysib.

ARGUMENTATIBO PERSUWEYSIB

8
Gawain 3

PAGSULAT NG DYORNAL

Isulat sa iyong dyornal ang sagot sa mahalagang tanong:


Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataang tulad mo ang
tekstong argumentatibo?

9
Gawain 4

Ibigay ang iyong pananaw hinggil sa mga isyung nakatala sa mga kahong
makikita sa kaliwang bahagi sa ibaba. Isulat ang iyong posisyon sa loob ng mga
blankong kahong nasa tapat nito.

ISYU POSISYON

Maagang
Pagbubuntis ng
mga Kabataang
Pilipino

Kabataan sa
Makabagong
Panahon

Parusang
Kamatayan o Death
Penalty

10
ISAISIP

TANDAAN:

Ang tekstong argumentatibo ay maaaring


naglalaman ng mga salita o pangungusap na
nagpapakilala ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Maliwanag na inilalahad ang isyu, paninindigan at
mga argumento ng awtor.

ISAGAWA

Gawain 5

Ibigay ang iyong pananaw sa pamamagitan ng pagguhit ng iyong


posisyon sa tanong na: Sumasang-ayon ka ba sa pagpapasara sa himpilang
ABS-CBN?

11
Gawain 6

Mula sa iyong nabuong guhit, ipaliwanag ang iyong posisyon, taglay ang mga
bahagi ng tekstong argumentatibo: simula, gitna o katawan at konklusyon.

Pamantayan ng Pagmamarka sa Gawain 5 at 6:

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Orihinal ang disenyo at konsepto 15
Malikhain at nakapanghihikayat 10
Malinaw ang isinulat at pagpapakahulugan 25
Kabuuan 50

12
TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Suriin at tukuyin ang paraan ng pangangatwirang ipinapahayag sa bawat


teksto. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot
sa inilaang patlang.

A. Pabuod C. Silohismo E. Sanhi at bunga

B. Lohikal D. Pasaklaw

______1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay


na kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.
______2. Edukasyon ang ating sandata upang mapaganda ang ating kinabukasan,
hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa bayan.
______3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at prutas, at tamang
ehersisyo ay iilan lamang sa mga dapat gawin upang mapanatiling
malusog ang ating katawan.
______4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy. Si Lito ay isda.
______5. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ng National
Economic and Development Authority (NEDA), mas malaki pa sana ang
ilalago ng ekonomiya kung hindi lang dahil sa inflation o ang pagtaas sa
presyo ng mga bilihin.
______6. Si Alex na yata ang pinakamabait sa aming magpinsan. Siya ay
mapagbigay, maalalahanin, matapat at higit sa lahat may malawak na
pag-iisip.
______7. Sa kultura nasasalamin ang kaisahan at sariling pagkakakilanlan ng isang
mamamayan.
______8. Lubos ang pagkagalak ni Inay sa pagdating ni kuya na matagal nang hindi
namin nakapiling.
______9. Mahirap ang buhay sa Jolo kung kaya’t masasabing mahirap ang buhay
sa buong Mindanao.
_____10. Ang palagiang pagbaha ay nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain
ng tao.
_____11. Maraming kabataang nasisira ang kinabukasan dahil sa patuloy na
paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
_____12. Ang salapi ay maituturing na kayamanang taglay ngunit kailangan ang
karunungan sa pagtatamo ng makabuluhang buhay.
_____13. Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang sarili dahil sa
mga katangiang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.
_____14. Nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang
pamumuhay.
_____15. Bunga ng kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang maaga
niyang pag-aasawa.

13
KARAGDAGANG GAWAIN

Basahin at unawain ang halimbawang teksto sa ibaba.


Ang Proleaf Shampoo “Tints of Nature”

Mga Benepisyo
Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng isang araw!
Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito
ng malakas ng proteksyon mula rito!
Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mga mata.
Mananatili rin ang mahalimuyak na amoy ng iyong buhok
hanggang bente kwatro oras!
Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi ito
nakasisira sa ating kalikasan!
Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang
presyo lamang! Kaya ano pa’ng hinihintay ninyo? Bili na!

Suriin kung ang tekstong binasa ay tekstong persuweysib o tekstong


argumentatibo at ipaliwanag ang iyong sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Magaling! Ikinagagalak ko ang iyong tagumpay.


Maaari mo nang gawin ang susunod na modyul.
“Maging matapat dahil ito ang dapat.”

14
SUSI SA PAGWAWASTO

15
TALASANGGUNIAN

A. MGA AKLAT

Santos, Angelina et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik.105 Engineering Road, Aranita University
Village, Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House,Inc.2016

Dayag,Alma M.at Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang Pluma11.Quezon


City: Phoenix Publishing House, 2016

B. INTERNET

"TEKSTONG ARGUMENTATIB.Pptx - TEKSTONG ARGUMENTATIB Ang Tekstong


Argumentativ Ay Isang Uri Ng Teksto Na Naglalahad Ng Mga Kaisipan,Ng
Pangangatwiran O". Coursehero.Com, 2020. Nakuha noong Hunyo 1, 2020.
Mula sa:https://bit.ly/2XQeLcx

"Tekstong Argumentatibo". Scribd,nakuha noong Hunyo 1,2020, mula sa


https://www.scribd.com/document/331398709/Tekstong-Argumentatibo.

"EDITORYAL - Martial Law". Philstar.Com, 2020. https://bit.ly/2XNwgud

Kapitolyohs.Files.Wordpress.Com, 2020. https://bit.ly/36WJMQs

Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4: Gamit Ng Panandang
Diskurso". Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020. https://bit.ly/2TYaz9v

"TEKSTONG ARGUMENTATIBO". Prezi.Com, 2020.https://bit.ly/2XOOzPx


17

For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like