You are on page 1of 5

MIDTERM NA PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK

1st Semester, S.Y. 2022-2023

TEST I. MALAYANG PAGPIPILIAN


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel. Istriktong WALANG ERASURES. Ang pagtatanong, pagtingin, pagtayo,
pagtingin sa cellphone sa loob ng klase ay BAWAL.
1. Ayon sa kanya “Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa
bawat panahon”.
a. Mabilin (2012) c. Royo (2001)
b. Austera et.al (2009) d. Constantino (2007)
2. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong sumulat.
a. Paksa c. Wika
b. Layunin d. Pagsulat
3. Ito ang nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
a. Paraan c. Personal
b. Layunin d. Pagsulat
4. Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-
aaral na kailangang lutasin ang isang problema o suliranin.
a. Teknikal na Pagsulat c. Akademikong Pagsulat
b. Malikhaing Pagsulat d. Dyornalistik na Pagsulat
5. Ito ay may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
a. Reperensiyal na Pagsulat c. Akademikong Pagsulat
b. Malikhaing Pagsulat d. Propesyonal na Pagsulat
6. Ito ay isang uri ng pagsulat na may kinalaman sa mga sulating may isang tiyak na propesyon.
a. Propesyonal na Pagsulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Reperensiyal na Pagsulat d. Dyornalistik na Pagsulat
7. Ito ang nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat na mapaloob sa akda.
a. Layunin c. Pamamaraan ng Pagsulat
b. Paksa d. Kasanayang Pampag-iisip
8. Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan
ng nararapat na pagkilala.
a. May paninindigan c. Maliwanag at Organisado
b. May pananagutan d. Pormal
9. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting manunulat.
a. Pagiging impormal sa paglalahad ng pambabatikos
b. Pagsasaalang-alang sa paksa, layunin, at mga salitang gagamitin upang maging
mabisa ang paglalahad ng isang sulatin.
c. Paggamit ng mga mahihirap na salita upang mahirap maunawaan.
d. Pagiging lantaran sa mga sensitibong usapin.
10. Ito ay sulating may layuning maghatid aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
a. Teknikal na Pagsulat c. Malikhaing Pagsulat
b. Propesyonal na Pagsulat d. Reperensiyal na Pagsulat
11. Uri ng pagsulat na may kinalaman sa pamamahayag na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist.
a. Dyornalistik na Pagsulat c. Propesyonal na Pagsulat
b. Malikhaing Pagsulat d. Akademikong Pagsulat
12. Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang impormasyon o
kaalaman sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.
a. Propesyonal na pagsulat c. Reperensiyal na Pagsulat
b. Teknikal na pagsulat d. Malikhaing Pagsulat
13. Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
a. Abstrak c. Bionote
b. Sinopsis d. Lagom
14. Ito ay isang uri ng buod na ginagamit sa pagsulat ng papel-pananaliksik.
a. Abstrak c. Sinopsis
b. Bionote d. Sintesis
15. Alin sa sumusunod na bahagi o nilalaman ng pananaliksik ang hindi na dapat ilagay sa
abstrak?
a. Pamagat c. Kongklusyon
b. Ilustrasyon d. Metodolohiya
16. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabola at iba pa.
a. Abstrak c. Bionote
b. Sinopsis d. Lagom
17. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
a. Abstrak c. Bionote
b. Sinopsis d. Lagom
18. Aling uri ng mga salita ang dapat iwasang gamitin sa pagsulat ng isang abstrak?
a. Payak c. Direkta
b. Simple d. Maligoy
19. Saang bahagi ng akademikong sulatin makikita ang abstrak?
a. Gitna c. Hulihan
b. Unahan d. Kahit saang bahagi
20. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
a. Sanggunian c. Akda
b. Pamagat d. May-akda
21. Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba
pa.
a. Abstrak c. Bionote
b. Sinopsis d. Lagom
22. Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote.
a. Baliktad na tatsulok c. Tatsulok
b. Bilog d. Kwadrado
23. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng
mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
a. Memorandum c. Memo
b. Adyenda d. Katitikan ng Pulong
24. Ito ay kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa
isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
a. Adyenda c. Katitikan ng Pulong
b. Memorandum d. Memo
25. Ito ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
a. Katitikan ng Pulong c. Memo
b. Memorandum d. Adyenda
26. Anong kulay ng stationary ang ginagamit sa mga memorandum na para sa pangkalahatang
kautusan, direktiba, o impormasyon?
a. Puti c. Dilaw
b. Pink o Rosas d. Luntian
27. Anong kulay ng stationary ang ginagamit sa mga memorandum na nanggagaling sa
marketing at accounting department?
a. Dilaw at Luntian c. Rosas
b. Pink d. Puti
28. Anong kulay ng stationary ang ginagamit sa memo para sa request o order na nanggagaling
sa purchasing department?
a. Puti c. Luntian
b. Dilaw d. Pink o Rosas
29. Proposal sa proyektong nais ipatupad na naglalayong mabigyang solusyon ang mga
suliranin o problema.
a. Panukalang Proyekto c. Memorandum
b. Katitikan ng Pulong d. Abstrak
30. Anong panauhan o punto de vista ang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong sulatin
na Abstrak, Bionote, at Sinopsis?
a. Unang Panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Pangalawang Panauhan d. Wala sa mga nabanggit

TEST II. PAGKILALA SA SULATIN


A. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

a. Memorandum b. Adyenda c. Katitikan ng Pulong

31. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.


32. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
33. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
34. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
35. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
36. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
37. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga
hanggang sa simpleng usapin.
38. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
39. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
40. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
41. Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na
mahalagang paksa.
42. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng
pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
43. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya
halimbawa sa pagdalo sa isang pulong.
44. Isang paalala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ngunit maging flexible kung
kinakailangan.
45. Buoin agad ito pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay.

B. Panuto: Nakatala sa kahon ang mga bahagi ng panukalang proyekto. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.

A. Pambungad/Background/Mga Dahilan ng Panukala


B. Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
C. Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gawain
D. Badyet para sa Proyekto
E. Kahalagahan ng Panukala

46.Gastusin sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito , Php20,000.00.


47.Kahalagahan ng proposal para sa mga mamamayan
48.Pagsusuri sa pangangailangan at mga dahilan ng proposal
49.Pagpapasa ,pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw )
50.Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw
ng tubig.

Inihanda nina:

G. LOU B. BALDOMAR – TII


GNG. PRECENTACION P. BUSA – TII
Mga Guro sa Filipino
SUSI SA PAGWAWASTO (KEY TO CORRECTIONS)

1. A
2. C
3. B
4. A
5. C
6. A
7. B
8. B
9. B
10. C
11. A
12. C
13. B
14. A
15. B
16. B
17. C
18. D
19. B
20. A
21. C
22. A
23. D
24. B
25. D
26. A
27. A
28. D
29. A
30. C
31. C
32. A
33. C
34. B
35. A
36. B
37. B
38. B
39. A
40. C
41. B
42. C
43. A
44. B
45. C
46. D
47. E
48. A
49. C
50. B

You might also like