You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY- MALABON

Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna Cor.Esguerra St., Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Fax/Tel. No. 932-52-09
S.Y. 2019-2020
Unang Semestre

BANGHAY ARALIN SA
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIKS
Grade 12

PETSA:

A. PAKSA: Replektibong Sanaysay

B. LAYUNIN:
a. Nailalahad ang kahulugan ng sanaysay
b. Naipaliliwanag ang kahulugan at kalikasan ng replektibong sanaysay
c. Nakasusulat ng replektibong sanaysay upang mapaunlad ang pagpapahalagang pampagkatao.

C. SANGGUNIAN:
 Filipino sa Piling Larang (Akademik), Shirley I. Apolonio, pahina: 73 - 78

D. PAMAMARAAN

a. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtsetsek ng liban sa klase
4. Pagsasaayos ng silid-aralan

b. BALIK ARAL
Ano ang tinalakay natin kahapon?

c. PAGGANYAK
Ipaparinig sa mga mag aaral ang kantang “KANLUNGAN” ni Noel Cabangon at matapos
mapakinggan, itatanong kung ano ang ibig iparating ng kanta.

d. PANLINANG NA GAWAIN (PAGSIPI NG KONSEPTO BLG. )


Replektibong sanaysay – Ito ay isang sanaysay na kung saan sinusuri ng manunulat ang
kanyang mga karanasan sa buhay. Pagkatapos ay tinutuklas kung paano siya ay nagbago, nalinang o
lumago mula sa kanyang mga karanasan.

Hindi sapat ang magkaroon lamang ng karanasan upang matuto. Kung walang repleksyon o
pagninilay mula sa naranasan ay madali lamang itong malilimutan, o ang potensiyal na pagkatuto ay
mawawala. Ito ay mula sa nararamdaman at kaisipan at nag-uugnay mula sa ginawang paglalahat o
konseptong nabubuo. At mula sa konsepto o paglalahat na nabuo ay nagagamit ito nang epektibo.”
(Gibbs, 1998)

Mga Bahagi
Panimula: Naglalahad at nagbigay sa mambabasa ng ideya

Ang replektibong sanaysay ay dapat buksan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mambabasa ng


isang ideya kung ano ang isusulat. Gawing kawili-wili ang pagpapakilala sa pamamagitan ng
pagsasangkot sa mga mambabasa. Tiyaking inihahanda nito ang mga mambabasa sa kung ano ang
kanilang ihahanda. Ilarawan ang karanasan sa isang pangungusap at ang epekto ng mga ito sa iyong
buhay ngunit hindi ibinibigay ang lahat ng ito upang panatilihin ang pagbabasa hanggang sa
katapusan.

Katawan: Karanasan at batayan ng iyong kongklusyon


Ang katawan ay naglalaman ng mga karanasan. Walang tiyak na format para sa katawan ngunit
maaari mong isaalang-alang ang paglalarawan ng mga karanasan. Saan ito nangyari? Gumamit ng
mga pangu-uri upang ilarawan kung ano ang nakita mo, kung ano ang iyong naririnig, naamoy,
nadama, atbp. Kung ano ang iyong iniisip sa oras na iyon ay maaari ring makatulong. Ang katawan
ay maaari ring maging isang salaysay. Isalaysay sa maikling paglalahad kung ano ang nangyari.

Ang katawan ay dapat ding magtaglay ng epekto ng insidente. Ito ay maaaring epekto sa iyong
personalidad o epekto sa iyong buong pamilya o mga grupo ng mga kaibigan. Sagutin ang tanong na
ito: Ano ang nagbago pagkatapos na karanasan?

Dito rin dapat na nakasulat ang iyong mga repleksyon o mga napagtanto. Ang iyong mga napagtanto
ay dapat tungkol sa iyong mga saloobin. Dapat ito ay madali dahil walang pananaliksik hindi katulad
kapag ikaw ay sumusulat ng isang impormatibong sanaysay. Maaari itong ibatay sa mga epektong
maaaring mabuti o masama. Maaari rin itong maging tungkol sa mga aral na iyong natutunan o mula
sa kung saan maaaring matuto ang mga mambabasa. Maaari mo ring talakayin ang mga
benepisyong nakuha mo o kung ano ang nawala sa iyo dahil sa mga partikular na karanasan.

Kongklusyon: Pagbubuod ito

Walang patakaran ngunit ang bawat format ay nagmumungkahi na ikaw ay susulat ng isang
pagtatapos na magbubuod sa lahat ng bagay na naisulat mo. Tapusin ito sa isang buod ng iyong
karanasan, mga napagtanto at mga saloobin. Huwag umasa sa mga katotohanan. Pinakamahusay
na tapusin ang sanaysay gamit ang iyong sariling mga saloobin. Sa katunayan, ito ang nagpapaiba at
nagpapadali sa replektibong sulatin kung ikukumpara sa ibang mga uri ng sanaysay.

Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay


1. Naipahahayag mo ang iyong mga pananaw
2. Napatutunayan nito ang iyong mga punto
3. Nakapagbibigay ng sariling kamalayan

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay (John Almerc Dy October , 2013)

1. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangan gamitin


2. Pagandahin ang panimulang bahagi
3. Nagtatalakay ng iba‘t ibang aspeto ng karanasan
4. Ang kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay
5. Kinakailangan na malinaw na nailalahad ng manunulat ang kanyang punto upang lubusang . .
. maunawaan ng mambabasa
6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon

e. PAGTATALAKAY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong palagay, Bakit mahalaga pa bang balikan ang mga dating karanasan. Bakit?
2. Bakit kailangang matutuhan nang tulad mong mag-aaral ang ganitong uri ng sulatin?.

f. PAGLALAHAT
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anong kakayahan ang nililinang sa pagsulat ng replektibongsanaysay?
2. Bakit kailangang matutuhan nang tulad mong mag-aaral ang ganitong uri ng sulatin?

E. PAGLALAPAT/EBALWASYON
Panuto: Sumulat ng replektiibong sanaysay magbalik-tanaw sa mga pangyayaring naranasan mo o ng
ibang tao. Ilahad mo ang kuwento, mga dahilan at mga napagtanto mo o mga realisasyon mo para sa iyong
sarili o iyong buhay. Sundan ang tatlong mahahalagang bahagi: Panimula, katawan, kongklusyon
DISKRIPSYON PUNTOS
NILALAMAN 10%
PAGKAMALIKHAIN 10%
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN 10%
KABUUAN 30%

F. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN
Panuto: Basahin at Unawain:
1. Pictorial Essay (Larawang Sanaysay
ARELLANO UNIVERSITY- MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor.Esguerra St., Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Fax/Tel. No. 932-52-09
S.Y. 2019-2020
Unang Semestre

BANGHAY ARALIN SA
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIKS
Grade 12

PETSA:

A. PAKSA: Katitikan ng Pulong

B. LAYUNIN:
d. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.
e. Nakagagawa ng katitikan ng pulong mula sa nagawang agenda.
f. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.

C. SANGGUNIAN:
 Filipino sa Piling Larang (Akademik), Shirley I. Apolonio, pahina: 59

D. PAMAMARAAN

a. PANIMULANG GAWAIN
5. Pagbati
6. Pagdarasal
7. Pagtsetsek ng liban sa klase
8. Pagsasaayos ng silid-aralan

b. BALIK ARAL

c. PAGGANYAK

g. PANLINANG NA GAWAIN

e. PAGTATALAKAY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
3. Sa iyong palagay, magiging epektibo parin ba ang pulong kahit walang katitikan?
Ipaliwanag.
4. Paano nakatutulong sa usapin ang katitikan? Ipaliwanag.

f. PAGLALAHAT
Panuto: Gamit ang “FAN FACT ORGANIZER”, bubuodin ang aralin na tinalakay ngayong araw.

Hanggang
kasalukuyan
E. PAGLALAPAT/EBALWASYON

F. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN

You might also like