You are on page 1of 3

June 26-27, 2019

I. Layunin:

 Naipapaliwanag ang kahulugan at katuturan ng akademikong pagsulat.

II. Paksang Aralin

 Paksa: Kahulugan at katuturan ng akademikong pagsulat


 Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan at Internet
 Kagamitan: Papel, panulat

III. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng lumiban sa klase

A. Pagganyak (Activity)

Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang nalaman nila tungkol sa
akademikong pagsulat base sa kanilang pananaliksik. (Tumawag ng limang volunteer)

B. Pagtatalakay

Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod:

 Kahulugan ng akademikong pagsulat


 Mga katangian ng akademikong pagsulat June 26
 Gamit ng akademikong pagsulat
 Proseso ng akademikong pagsulat June 27

C. Paglalahat

Magtatanong ang guro: Bakit tinawag na intelektwal na pagsulat ang Akademikong


Pagsulat?

Bakit kailangan ng mapanuring pag-iisip kapag nagsusulat ng mga akademikong


sulatin?
D. Paglalapat

I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa


paraang nakalimbag.
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalita
D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at
pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga
pangyayaring aktwal na naganap.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong
pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran
5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung
hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 6. Ang impormatib na pagsulat ay naglalayong makapagbigay ng mga
imposmasyon at paliwanag.
_____ 7. Mayroong dalawang yugto ng pagsulat at ito ang yugtong pangemosyonal at
proseso ng pagsulat.
_____ 8. Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman sa paraang pasayaw.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat
ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga
disiplina.

III. Sagutin ang mga tanong. (10 puntos)


1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan.

2. Ano ang dalawang yugto ng pagsulat. Ipaliwanag ang bawat yugto.

You might also like