You are on page 1of 40

MASUSING BANGHAY-ARALIN

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Hunyo 25, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat
 Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian anyo at target na paggamit.

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng akademikong pagsulat
2. Naiuulat ang pinagkaiba ng akademiko at di-akademikong gawain
3. Natatanggap na mahalaga ang mapanuri at malikhaing pag-iisip sa akademiko at
di-akademikong gawain

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Akademiko vs Di-akademiko
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 6-8
c. Kagamitan: aklat, visual aids at pangkatang sulatan

III- PAMAMARAAN
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
a. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga Magandang umaga rin po
2. Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase? Ikinagagalak ko pong walang liban sa
ating klase/ ikinalulungkot ko pong may
liban sa ating klase, siya ay si o
sina………….
b. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng
pagganyak na tanong
Bakit ka ba nagsusulat? Ako po ay nagsusulat upang maglibang,
upang matugunan ang aming
pangangailangan sap ag-aaral at upang
maisatitik ang aming nararamdaman o
saloobin.
c. Paglalahad ng Paksa
 Kaya ko kayo tinanong kung bakit
kayo nagsusulat ay may kinalaman
ito sa ating aralin ngayong araw.
Ang ating paksa ay tungkol sa
akademiko at di-akademikong
pagsulat.
 Ang guro ay hahatiin ang mag-
aaral sa dalawang pangkat. Ang
unang pangkat ay tatalakayin ang
akademiko at ang ikalawang
pangkat ay ang di-akademiko.
Ito ay iuulat nila sa klase.

PAMANTAYN/ RUBRIKS
Nilalaman 50%
Naintindihan ang nag- 30%
ulat
Kaayusan ng gawa 10%
Partisipasyon 10%
KABUUAN 100%

d. Pagtalakay
Ang guro ay tatalakayin ang kahulugan
ng akademikong pagsulat at pinagkaiba
ng akademiko at di-akademiko.
Sino sa inyo ang makapagbibigay ng
ideya o kahulugan ng akademikong Ang akademikong pagsulat po ay may
pagsulat? sinusunod na partikular na kumbensyon.
Layunin nitong maipakita ang resulta ng
pagsisiyasat at pananaliksik na ginawa.

Layunin din po nitong linangin ang


kaalaman ng mag-aaral.

Ating isa-isahin ang inyong gawa tungkol


sa pinagkaiba ng akademiko at di-
akademikong gawain. Atin na itong
ikumpara.

Unahin natin ang layunin. Ang layunin po ng akademiko ay


magbigay ng ideya at impormasyon at
ang layunin po ng di-akademiko ay
magbigay ng sariling karanasan.

(mahusay)

Dumako naman tayo sa paraan o Sa akademiko po ay ang obserbasyon,


batayan ng datos. pananaliksik at pagbabasa at sa di-
akademiko po ay sariling karanasan,
pamilya at komunidad.
(tama)

Sa awdyens?_ Sa akademiko po ay iskolar, guro at mag-


aaral (akademikong komunidad) at sa d
akademiko naman po ay ang iba’t ibang
(mahusay) publiko.

At ang huli ay ang pananaw.


Obhetibo po ang pananaw ng akademiko
at subhetibo naman po ang di-
akademiko.

(mahusay)

IV-PAGTATAYA
Bumuo ng talata gamit ang gabay na tanong na:
Paaono makatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral
sa senior high school?

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%

V-TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng halimbawa ng akademikong sulatin. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hunyo 25, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nabibigyang kahulugan ang teknikal at bokasyonal na sulatin.
 Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangain, anyo at target na gagamit.

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng teknikal at bokasyonal na sulatin.
2. Naiuulat ang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa layunin, gamit, katangain,
anyo at target na gagamit.
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa katumpakan sa pagbabahagi ng
impormasyon.

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-Bokasyonal
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, kwaderno at pangkatang sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
Bakit ka ba nagsusulat?
c. Paglalahad ng paksa
Ang ating paksa ay ang teknikal-bokasyonal na sulatin Ang teknikal-
bokasyonal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisasadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at
agham pangkalusugan. Karamihan ng mga teknikal na pagsulat ay tiyak at
tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
Pagkatapos mabatid ng mga mag-aaral ang kahulugan ng teknikal-
bokasyonal na pagsulat Ang guro ay hahatiin sa limang pangkat ang klase.
Siya ay magbibigay ng Gawain.
Pangkat 1------- layunin ng teknikal-bokasyonal na sulatin
Pangkat 2------- gamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin
Pangkat 3------- katangian ng teknikal-bokasyonal na sulatin
Pangkat 4------- anyo ng teknikal-bokasyonal na sulatin
Pangkat 5------- target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin
PAMANTAYN/ RUBRIKS
Nilalaman 50%
Naintindihan ang nag- 30%
ulat
Kaayusan ng gawa 10%
Partisipasyon 10%
KABUUAN 100%

d. Pagtalakay
Ang guro ay tatalakayin ang gawa ng mga mag-aaral. Iwawasto niya ito
kung may mga pagkakamali sa inulat ng mga mag-aaral.
IV-PAGTATAYA
Bumuo ng talata gamit ang gabay na tanong:
Bakit mahalaga sa teknikal-bokasyonal na sulatin ang katumpakan sa
pagbabahagi ng impormasyon?

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%

V-TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng halimbawa ng teknikal-bokasyonal na sulatin. Isulat ito sa inyong
kwaderno.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hunyo 26, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangain, anyo at target na gagamit.

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga uri ng ulat
2. Natalakay ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na ulat
3. Nakasusunod sa mga tagubilin sa pagsulat ng ulat
II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Mga Uri ng Sulating Teknikal
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids,white board marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
 Ano-ano ang layunin at gamit ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
 Bakit mahalaga ang katumpakan at kalinawan ng teknikal-bokasyonal
na sulatin?
c. Pagganyak
ang Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
 Ano ang ideya/pakahulugan ninyo sa salitang ulat?
 Bakit tayo nag-uulat?
 Mahalaga ba ang pag-uulat?
d. Pagtalakay
Ang guro ay tatalakayin ang uri ng ulat ayon sa anyo at nilalaman. Siya ay
magpapakita ng diagram upang lubos itong maunawaan.
Pagkatapos ay tatalakayin naman ng guro ang mga dapat tandaan sa pormal at
di-pormal na ulat. Siya ay magbibigay ng ilang halimbawa.
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang
talakayan. Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang kahulugan ng ulat
 Ano-ano ang uri ng ulat?
 Anong uri ng ulat ang pormal at di-pormal?
 Ano ang nilalaman ng pamagat?
 Ano ang bibliograpiya?
f. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang mabatid at sundin ang mga tagubilin sa pagsulat ng ulat?

IV-PAGTATAYA
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit.

Panuto: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang at Isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ang pormal at di-pormal na ulat ay ulay ayon sa ?
2. Ito ay nagtataglay ng pamagat, may-akda, pangalan ng kompanya at iba pang
tatak na mpagkakakilanlan?
3. Ang bahaging ito ay pag-uulit ng lahat ng aytem na makikita sa pabalat at iba
pang mahahalagang aytem sa pananaw ng may-akda?
4. Ito’y isang imbakan ng impormasyon/kaalaman na makikita sa hulihan ng ulat
bago dumating sa indeks?
5. Dito’y dapat binibigyang pagkilala ang mga sinomang dapat kilalanin?
6-10 (5 points)
Bakit mahalagang sinusunod natin ang mga tagubilin sa pagsulat ng ulat?

V-TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik sa internet ng katangian ng isang mahusay na manunulat ng sulating
teknikal-bokasyonal at isulat ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hunyo 28, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat
 Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyonal na sulatin ayon sa
a.layunin
b. gamit,
c.katangian
d. anyo
e. target na gagamit.

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng akademikong pagsulat
2. Natatalakay mga layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba’t ibang
larang.
3. Nasusuri ang nilalaman ng teksto
4. Naisasabuhay ang mga katangiang dapat taglayin upang magkaroon ng
kasanayan sa akademikong pagsulat.

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 6-8
c. Kagamitan: hand-outs at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng pagsulat?
 Bakit tayo nagsusulat?
 Ano-ano ang pinagkaiba ng akademik sa di-akademik na pagsulat?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pahayag na nasa loob ng kahon at bibigyan ito ng
puna ng mga mag-aaral.

Sa papel na ito, ano kaya ang isusulat Magugustuhan kaya ito ng mga mambabasa?
ko?

Ang daming ideya sa isip ko! Paano ko Naku! Hindi naman ako mahusay magsulat
ba isusulat ang mga ito? tulad ng iba. Hay! Grabe na ito.
d. Pagtalakay
Ang guro ay tatalakayin ang layunin ng akademikong pagsulat.
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng pagtatanong
sa mag-aaral.
 Ano ang ibigsabihin ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang katangain ng ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang layunin sa pagsasanay ng akademikong pagsulat.
f. Pagpapahalaga
 Bakit mahalagang mabatid natin ang mga batayang kaalaman na ito sa
akademikong pagsulat? Ano ang maitutulong nito sa atin?

IV-PAGTATAYA
Ang guro ay magbibigay ng pagsusulit upang sukatin ang natutunan ng mga mag-aaral
sa isinagawang talakayan.

I- Basahin at unawain ang talataan sa ibaba. Pagkatapos, tukuyin kung kanino nauukol ang
sulatin at kung ano-ano ang katangian ng teksto na nagsasabing para nga ang teksto sa
kinauukulan nito.

Ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa. Itinuturing ang bigas na isa sa mga
nangungunang produkto nito. Subalit dahil sa globalisayon, nag-iimport na tayo ng bigas.
Noong 2008, Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang nag-
iimport ng bigas.
Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang, prutas, at
karne. Maraming Pilipinong magsasaka at maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa
pagpasok ng mga imported na produkto.
1. Sino ang mambabasang pinag-uukulan ng teksto?
2. Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito?
3. Ano ang iyong damdamin matapos mabasa ang teksto.
4. Paano ka nahihikayat ng damdamin ng teksto?
5. Ano ang mahahalagang mensahe na nais bigyang-halaga ng teksto para sa
mambabasa?
II-Isabuhay Mo na: Ibigay ang kahilingan sa bahaging ito.
Ano-ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng
kasanayan sa akademikong pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.

V-TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik sa libro o internet tungkol sa proseso ng pagsulat. Alamin ang mga
proseso sa pagsulat at isulat ito sa inyong kwaderno.

(Hindi natapos ng guro ang kanyang banghay aralin kahapon kung kaya’t siya’y
nagrebisa ng banghay aralin)

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
GuroGuro
sa Filipino
sa Filipino
Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hunyo 28, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang
sulatin teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga bahagi at uri ng teknikal-bokasyonal na pagsulat
2. Natatalakay ang mga proseso at pamamaraan ng pagsulat ng teknikal-
bokasyonal na sulatin
3. Natatamo ang kahalagahan ng pagsulat

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, kwaderno at pangkatang sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang dalawang uri ng ulat?
 Ano ang nilalaman ng pormal at di-pormal na ulat?
 Bakit mahalaga ang paggawa ng bibliograpiya sa mga sulatin?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
 Nagsusulat ba kayo?
 Bakit kayo nagsusulat?
 Mahlaga ba ang pagsusulat?
d. Pagtalakay
Ang guro ay tatalakayin ang mga bahagi, uri, proseso at pamamaraan ng
pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin na may tulong ng mga mag-
aaral. Gagabayan niya upang matukoy ito ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng gabay na tanong at mga halimbawa.

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng pagtatanong
sa mag-aaral.
 Ano ang mga bahagi ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
 Ano ang dalawang uri nito at ibigay ang pagkakaiba?
 Dito’ailangang may isang bagay na magsilbing daan upang sumulat.
 Ano ang ibigsabihin ng:
Pag-asinta (triggering)
Pagtipon (gathering)
Paghugis (shaping)
Pagrebisa (revising)

f. Pagpapahalaga
 Bakit mahalagang mabatid natin ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi
ng pagsulat?
 Bakit kailangang mabatid natin ang mga proseso at pamamaraan ng
pagsulat?

IV-PAGTATAYA
Isabuhay mo na!
Sumulat ng talata na gamit ang mga gabay na tanong
Panimula------------------ano ang pagsulat?
Ibigay ang mga halimbawa ng sulating teknikal bokasyonal.
Nilalaman----------------- bakit mahalagang matamo ang kaalaman sa proseso at
pamamaraan sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
Konklusyon--------------- Paano natin maipapakita na pinahahalagahan natin ang
pagsusulat?

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%

V-TAKDANG-ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng manwal at magsaliksik ng halimbawa ng manwal. Maaari
kayong gumamit ng aklat o internet.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 1, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

I-LAYUNIN
1. Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat
2. Natatalakay ang mahahalagang proseso ng pagsulat
3. Nakasusunod sa teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Ang Proseso ng Pagsulat
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 8-13
c. Kagamitan: aklat, visual aids, white board/marker kwaderno at indibidwal na
sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang katangian ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang mga layunin sa pagsasanay sa akademikong pagsulat?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong.
 Mahalaga ba ang pagsusulat?
 Mahalga bang malaman ang proseso ng pagsusulat?
 Ano ang maitutulong nito sa inyong kurso?
d. Pagtalakay
Sa bilohaba ay magbibigay ang mga mag-aaral ng ideya/kahulugan ng pagsulat.
Pagkatapos mabigyang-kahulugan ang pagsulat ay tatalakayin naman ng guro at
ng mga mag-aaral ang proseso ng pagsulat.
 Bago sumulat
 Habang sumusulat
 Pagkatapos sumulat
Pagkatapos ay tatalakayin naman nila ang mga bahagi ng teksto.
 Panimula
 Katawan
 Wakas
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng pagtatanong
sa mag-aaral.
 Sa tradisyonal na pagpapakahulugan, ano ang ibigsabihin ng pagsulat?
 Ano-ano ang proseso ng pagsulat?
 Ano-ano ang mga bahagi ng teksto at nakapaloob dito?

f. Pagpapahalaga
 Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?

IV-PAGTATAYA
Isabuhay mo na!
Panuto: Ilahad ang mga hakbang sa pagsulat at mga bahagi ng teksto. Pagkatapos,
ipaliwanag ang mahahalagang ugnayan nito bilang proseso ng pagbuo ng isang
komposisyon.

Mga Proseso ng Mga Bahagi ng


Pagsulat Teksto

MAHAHALAGANG UGNAYAN

V-TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng isang maikling sanaysay gamit ang kaisipang “Ang malakas na
pangangatawan ay tungo sa matalinong pag-iisip”.
PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 1, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang
sulatin teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Nabibigyang kahulugan ang manwal
2. Natatalakay ang pinaka-karaniwang uri ng manwal at kalimitang bahagi ng isang
manwal
3. Napatutunayan na mahalagang matutunan ang pagsulat ng isang manwal

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Pagsusulat ng Isang Manwal
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at indibidwal na sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano-ano ang mga bahagi ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
 Ano ang dalawang uri nito?
 Ano ang ibigsabihin ng:
Pag-asinta (triggering)
Pagtipon (gathering)
Paghugis (shaping)
Pagrebisa (revising)

c. Pagganyak
Ang guro ay magtatanong kung ano ang kalimitang naiisip ng mga mag-
aaral kapag nababasa o naririnig ang salitang manwal. Gumamit ng
bilohaba at ilista ang mga sagot nila.

MANWAL

d. Pagtalakay
Ang guro at mga mag-aaral ay tatalakayin ang pinaka-karaniwang uri ng
manwal.
 Instruction manual o user guide manual o owner’s manual
 Employees manual
Pagkatapos ay tatalakayin naman nila ang kalimitang bahagi ng isang
manwal.
 Ang pamagat
 Talaan ng nilalaman
 Pambungad
 Nilalaman
 Apendise

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng pagtatanong
sa mag-aaral.
 Ano ang mga bahagi ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
 Ano ang dalawang uri nito at ibigay ang pagkakaiba?
 Dito’ailangang may isang bagay na magsilbing daan upang sumulat.
 Ano ang ibigsabihin ng:
Pag-asinta (triggering)
Pagtipon (gathering)
Paghugis (shaping)
Pagrebisa (revising)

f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanpong kung bakit mahalagang mabatid ang kalaman sa pagsulat ng
isang manwal?

IV-PAGTATAYA
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit

Tama o mali (isang puntos kada bilang)


Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang pahayag at mali kung hindi wasto ang
pahayag. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Maaaring maglagay ng mga ilustrasyon sa isang manwal
2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran at proseso ang isang manwal
3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman ng isang manwal
4. Kadalasang pormal ang paggamit ng wika sa isang manwal
5. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang isang manwal

Identipikasyon (isang puntos kada bilang)


Panuto:Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag
1. Tinatawag na ________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang
impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso at iba
pang detalye hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay ng mga mambabasa
2. Sa pamamagitan ng _________, nabibigyan ng ideya ang mga mambabasa ng
inisyal na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang manwal
3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _________, halimbawa nito ang
hinggilsa benipisyo ng mga manggagawa

Essay (7 puntos)
Bakit mahalagang mabatid ang kalaman sa pagsulat ng isang manwal?
V-TAKDANG-ARALIN
Magdala ng isang halimbawa ng manwal sa paggawa ng produkto. Basahin na ito
sa inyong tahanan.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 2, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

I-LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang mahalagang ugnayan ng mga proseso ng pagsulat at ng
mga bahagi ng teksto
2. Nagagamit ang mga proseso ng pagsulat sa pagsulat ng isang sanaysay
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsunod sa mga proseso ng pagsulat

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Ang Proseso ng Pagsulat
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 8-13
c. Kagamitan: aklat, visual aids, white board/marker kwaderno at indibidwal na
sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang katangian ng akademikong pagsulat?
 Ano-ano ang mga layunin sa pagsasanay sa akademikong pagsulat?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong.
 Mahalaga ba ang pagsusulat?
 Mahalga bang malaman ang proseso ng pagsusulat?
 Ano ang maitutulong nito sa inyong kurso?
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro ang mahahalagang ugnayan ng mga proseso ng pagsulat at
bahagi ng teksto.
Mga Proseso ng Mga Bahagi ng
Pagsulat Teksto

MAHAHALAGANG UGNAYAN

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Sa tradisyonal na pagpapakahulugan, ano ang ibigsabihin ng
pagsulat?
 Ano-ano ang proseso ng pagsulat?
 Ano-ano ang mga bahagi ng teksto at nakapaloob ditto
 Ano ang mahahalagang ugnayan ng proseso ng pagsulat at bahagi
ng teksto?

f. Pagpapahalaga
 Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?
IV-PAGTATAYA
Sumulat ng isang maikling sanaysay gamit ang kaisipang “Ang malakas na
pangangatawan ay tungo sa matalinong pag-iisip”.

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%
V-TAKDANG-ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng sintesis at alamin ang mga hakbang sa pagsulat ng
sintesis. Maaaring magsaliksik sa aklat o internet.

Ang banghay-aralin ay hindi natapos kung kaya’t ito ay nirebisa ng guro.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 2, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 pm)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang
sulatin teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang uri ng manwal na dinala ng bawat pangkat
2. Nasusuri at natatalakay ang nilalaman ng manwal
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa paggamit ng isang manwal

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Pagsusulat ng Isang Manwal
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at indibidwal na sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang ibigsabihin ng manwal?
 Ano-ano ang mga uri ng manwal?
 Ano-ano ang kalimitang nilalaman ng isang manwal?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa ng manwal at sasabihin ng
mga mag-aaral kung anong uri ng manwal ito

d. Pagtalakay
Ang guro at mga mag-aaral ay susuriin at tatalakayin ang manwal na
dinala ng bawat pangkat. Tutukuyin nila kung anong uri ng manwal ito.
Susuriin nila ang mga bahagi ng manwal
Susuriin din kung saan ginagamit ang manwal na ito at kung ano-ano ang
maitutulong nito sa mga mambabasa.

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Anong uri ng manwal ang ang dinala ninyo? Anong uri ito ng manwal?
IPALIWANAG.
 Ano-ano ang mga bahagi nilalaman ng inyong manwal manwal? ano -ano
ang nakapaloob dito?
f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatapong kung bakit mahalaga ang paggamit ng isang manwal?
IV-PAGTATAYA
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit
Panuto: sagutin ang mga tanong at isulat ito sa inyong sagutang papel
(5 puntos bawat bilang)
1. Ano ang ibigsabihin ng manwal?
2. Ano ang dalawang uri ng manwal? Magbigay ng halimbawa
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng manwal?

V-TAKDANG-ARALIN
Magsagawa ng munting pananaliksik hinggil sa mga manwal na ginagamit sa
isang ispesipikong trabaho. Maaaring pumili ang mga mag-aaral sa mga
sumusunod na trabaho.
1. Automotive servicing
2. Barbering
3. Commercial cooking
4. Bartending
5. Food and beverages
6. Food processing
7. Hilot (wellness therapy)
8. Visual graphic design
Makiita ang kompletong listahan ng mga trabaho sa http.// www.deped.gov.ph/k-
12/curriculum guides/ technical vocational track.

Mula sa napili ay ilarawan ang katangiang ginamit sa pagsulat ng isang manwal. Hindi
bababa sa limang katangian ang inyong itatala. Isulat ito sa papel at siguraduhing isulat
ang bibliograpiya/sanggunian ng pinagkunan ng impormasyon.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 3, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 pm)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakagagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kalikasan at iba’t abang
anyo ng sulating teknikal bokasyonal
I-LAYUNIN
1. Nasusuri ang nilalaman ng manwal
2. Nakapagbabahagi ng mga kaalaman hinggil sa sinaliksik na manwal ng
trabahong kanilang napili
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa paggamit ng isang manwal

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Pagsusulat ng Isang Manwal
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at indibidwal na sulatan

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang ibigsabihin ng manwal?
 Ano-ano ang mga uri ng manwal?
 Ano-ano ang kalimitang nilalaman ng isang manwal?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa ng manwal at sasabihin ng
mga mag-aaral kung anong uri ng manwal ito

d. Pagtalakay
Sa bawat pangkat ay may magbabahagi sa klase ng kanilang nasuri sa
manwal ng trabahong kanilang napili. Pagkatapos ay tatalakayin ng guro
ang kanilang gawa at siya rin ay magbibigay ng feedback sa gawa ng mga
mag-aaral.

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Anong uri ng manwal na sinaliksik ninyo?
 Ano-ano ang mga bahagi nilalaman ng manwal na ito? ano -ano ang
nakapaloob dito?
f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung bakit tayo gumagamit ng manwal? Ano ang
naitutulong nito sa atin bilang mga mambabasa?
IV-PAGTATAYA
(Indibidwal na Gawain) Ang guro ay aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng
talata na nagpapaliwanag/nagsasalaysay kung bakit mahalaga ang paggamit ng
manwal?

PAMANTAYAN/RUBRIKS
Nilalaman at katuturan 50%
Organisasyon ng gawa 20%
Wastong baybay at bantas 20%
Pagkamasining at pagkamalikhain ng gawa 10%
KABUUAN 100%

V-TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik sa internet o aklat kung ano ang liham pagnenegosyo. Pag-aralan at
suriin ang isang halimbawa nito.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 4, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga bahagi ng ginawang sanaysay
2. Nasusuri at natatalakay ang mga bahagi ng ginawang sanaysay
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsunod sa mga proseso ng pagsulat

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Ang Proseso ng Pagsulat
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 8-13
c. Kagamitan: aklat, visual aids, white board/marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng pagsulat?
 Ano-ano ang proseo ng pagsulat?
 Ano-ano ang mga bahagi ng teksto?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng larawan at ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
hinuha o kaisipan batay sa ibinigay na larawan
d. Paglalahad ng Paksa:
Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain.
Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na pumili ng isang sanaysay sa bawat
pangkat. Pagkatapos ay ipatutukoy ng guro ang mga bahagi ng kanilang
ginawang sanaysay at susuriin ito upang masagot ang kaakibat na tanong sa
bawat bahagi ng teksto
 Pangkat isa------------- panimula ng teksto7
(Makatawag-pansin ba sa mga mambabasa ang ginamit niyong panimula?
Ipaliwanag.)
 Pangkat 2----------------katawan ng teksto
(Magkakasunod-sunod at Magkakaugnay-ugnay ba ang mga ideyang
inilahad/isinalaysay? ipaliwanag)
 Pangkat 3 at 4---------- wakas ng teksto
(Nag-iwan ba ng kakintalan/ mahalagang mensahe ang inyong konklusyon
sa mga mambabasa? Ipaliwanag)

PAMANTAYN/ RUBRIKS
Nilalaman 50%
Naintindihan ang nag-ulat 30%
Kaayusan ng gawa 10%
Partisipasyon 10%
KABUUAN 100%

e. Pagtalakay
Ang bawat pangkat ay iuulat ang kanilang mga gawa. Pagkatapos ay
tatalakayin ng guro kung nasunod ba ng mga mag-aaral ang hinihinging
nilalaman sa bawat bahagi ng sanaysay.
f. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano-ano na nga ang mga bahagi ng teksto at katangian nito?
g. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung ano ang natamo nila sa kanilang gawain?

IV-PAGTATAYA
Indibidwal na gawain sa kwaderno
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ito sa inyong kwaderno
1. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa proseso ng pagsulat batay sa inyong
ginawang sanaysay?
2. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto sa pagsulat ng
sanaysay?

V-TAKDANG ARALIN
Magsaliksik sa aklat o internet ng kahulugan ng sintesis at alamin ang
mga hakbang sa paggawa nito.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 5, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng sintesis o pagbubuod
2. Naiisa-isa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsisintesis o pagbubuod
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maikling
pangyayari
4. Natatamo ang pagbabahalaga sa paghahanay ng maikling pangyayari upang
ipahayag ang kaisipan ng maikling kwento

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Ang Proseso ng Pagsulat
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 20-22
c. Kagamitan: aklat, visual aids, white board/marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang ibigsabihin ng pagsulat?
 Ano-ano ang proseo ng pagsulat?
 Ano-ano ang mga bahagi ng teksto?
 Ano ang natutunan ninyo sa ating isinagawang gawain?
c. Pagganyak
Sa bilohaba ay isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sariling
pagpapakahulugan o salitang maiuugnay sa sintesis.
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at ng mga mag-aaral ang kahulugan ng sintesis at mga
hakbang na dapat sundin sa pagsisintesis o pagbubuod.
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang sintesis?
 Ano-ano ang hakbang na dapat sundin sa pagsisintesis o pagbubuod.
h. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung bakit mahalaga ang pagbubuod o sintesis?

IV-PAGTATAYA
Indibidwal na gawain sa kwaderno
I-Panuto: Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang isa hanggang sampo. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan
ng gawaing ito sa pagsulat ng buod.
_________ Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat
_________ Pagdating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa
dagat.
_________ Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay
naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo.
_________ Masayang- masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na
lamang silang napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran
_________ Maagang gumising ang ina upang mag-impake ng mga damit na dadalhin
_________ Niyakap nang mahigpit ang ina ang kanyang anak
_________ Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa
gitna ng dagat.
_________ Nakikita niyang lumalaki ang alon kaya mabilis siyang umahon sa
dalampasigan
_________ Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rumagasa ang
higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay
_________ Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na
laman ng sariwang balita

Paano nakatutulong ang mga hanay ng maikling pangyayari upang ipahayag ang
kaisipan ng maikling kwento?

V-TAKDANG ARALIN
Panuorin ang pelikulang “Like a Stars on Earth” ng bansang India.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 8, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 pm)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawa ng
sulating teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng liham pangangalakal
2. Natatalakay ang mga bahagi at anyo ng liham pangangalakal
3. Nakasusulat ng isang liham pangangalakal
4. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsulat ng isang liham pangangalakal
II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Liham Pangangalakal
d. Sanggunian: internet
e. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang ibigsabihin ng manwal?
 Ano-ano ang mga uri ng manwal?
 Ano-ano ang kalimitang nilalaman ng isang manwal?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
 Nakabasa na ba kayo ng isang liham pangangalakal? Maaari niyo
bang ilahad sa klase ang nilalaman nito?
 Saan ito ginagamit?
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at mga mag-aaral ang:
 kahulugan ng liham pangangalakal
 ang mga bahagi liham pangangalakal
Pamuhatan
Patunguhan
Bating Panimula
Katawan ng liham
Bating pangwakas
Lagda
 Anyo ng liham pangangalakal
Ganap na blak
Semi-blak
Modifayd blak
Pagkatapos itong talakayin ay magtatanong ang guro
1. Saan madalas ginagamit ang liham pangangalakal?
2. Kung ikaw ay susulat ng liham pangangalakal, ano-ano ang dapat mong
isaalang-alang sa pagsulat nito?
3. Paano makatutulong ang liham pangangalakal sa buhay ng tao?

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang liham pangangalakal?
 Ano-ano ang mga bahagi ng liham pangangalakal?
 Ano-ano ang anyo ng liham pangangalakal?
f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung ano ang kahalagahan ng liham pangangalakal?
IV-PAGTATAYA
(Indibidwal na Gawain)
Sumulat ng isang liham pangangalakal. Malaya kayong pumili ng anyo na inyong
gagamitin sa pagsulat nito.

V-TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng kahulugan sa internet o aklat ng Liham Pag-uulat at pag-
aralan/suriin ang isang halimbawa nito

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 9, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang katangian ng Bionote
2. Nasusuri at Natatalakay ang ginawang bionote
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsulat ng bionote

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Pagsulat ng Bionote
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 28-32
c. Kagamitan: aklat, hand-outs, white board/marker at kwaderno.

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang bionote?
 Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bionote?
c. Pagganyak
Bubunot ang guro ng pangalan ng mga mag-aaral. Ang nabunot ay
magsasalaysay ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili gamit ang pormularyo
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at ng mga mag-aaral ang katangian ng bionote ayon sa
kanilang nasaliksik
Pagkatapos, susuriin at tatalakayin naman nila ang ginawang bionote kung
nasunod ba nila ang pyramid style sa pagsulat nito.
Ang guro ay magbibigay ng komento
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang katangian ng bionote
 Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote?
f. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng pyramid style sa pagsulat ng bionote?
IV-PAGTATAYA
Panuto: sagutin ang mga tanong at isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ano ang nagging batayan ng pinagmulan ng bionote?
2. Kalian gumagawa o sumusulat ng bionote?
3. Ano ang kahalagahan ng bionote sa mga tagapakinig at sa paglalathala ng
teksto?
4. Bakit mahalagang maunawaan ang pagsulat ng bionote?

V-TAKDANG-ARALIN
Maghanda para sa nalalapit na pagsusulit

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 10, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 pm)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawa ng
sulating teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng liham kahilingan
2. Natatalakay ang mga bahagi at anyo ng liham kahilingan
3. Nakasusulat ng isang liham kahilingan
4. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsulat ng isang liham kahilingan
II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Liham kahilingan
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang ibigsabihin ng manwal?
 Ano-ano ang mga uri ng manwal?
 Ano-ano ang kalimitang nilalaman ng isang manwal?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
 Ano ang liham pangangalakal?
 Saan ito ginagamit?
 Ano-ano ang mga bahagi ng liham pangangalakal? Ibigay ang
katangian.
 Mahalaga ba ang pagsunod sa tamang hakbang sa pagsulat ng
liham pangangalakal? Bakit?
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at mga mag-aaral ang:
 kahulugan ng liham kahilingan
 ang mga bahagi liham kahilingan
 Anyo ng liham kahilingan
Ganap na blak
Semi-blak
Modifayd blak

Pagkatapos itong talakayin ay magtatanong ang guro


 Saan madalas ginagamit ang liham kahilingan?
 Kung ikaw ay susulat ng liham kahilingan, ano-ano ang dapat mong
isaalang-alang sa pagsulat nito?
 makatutulong ang liham kahilingan sa negosyo?

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang liham kahilingan?
 Ano-ano ang mga bahagi ng liham kahilingan?
 Ano-ano ang anyo ng liham kahilingan?
f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung ano ang kahalagahan ng liham kahilingan?
IV-PAGTATAYA
(Indibidwal na Gawain)
Sumulat ng isang liham kahilingan. Malaya kayong pumili ng anyo na inyong
gagamitin sa pagsulat nito.

V-TAKDANG-ARALIN
Maghanda para sa nalalapit na pagsusulit

Hindi natapos ng guro kahapon ang kabuuan ng kanyang banghay-aralin


Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Hulyo 17, 2019
GRADE-11- FABRIZIO CARACCIOLO (11:15- 12:15 pm)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawa ng
sulating teknikal-bokasyonal.
I-LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng liham pag-uulat
2. Natatalakay ang mga bahagi ng liham pag-uulat
3. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsulat ng isang liham pag-uulat
II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Liham Pag-uulat
b. Sanggunian: internet
c. Kagamitan: visual aids, whiteboard/ marker at kwaderno

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay aalamin ang natutunan ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan.
 Ano ang ibigsabihin ng liham kahillingan?
 Ano-ano ang mga bahagi liham kahilingan?
 Ano ang kahalgahan ng liham kahilingan sa pagnenegosyo?
c. Pagganyak
Ang guro ay magbibigay ng pagganyak na tanong
 Nasubukan niyo na bang gumawa ng liham pag-uulat?
 Ano ang liham pag-uulat?
 Saan ito ginagamit?
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at mga mag-aaral ang:
 Kahulugan at katangian ng liham pag-uulat
 ang mga bahagi ng liham pag-uulat
Pagkatapos itong talakayin ay magtatanong ang guro
 Saan madalas ginagamit ang liham kahilingan?
 Kung ikaw ay susulat ng liham pag-uulat, ano-ano ang dapat mong
isaalang-alang sa pagsulat nito?
 makatutulong ang liham pag-uulat sa negosyo?

e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang liham pag-uulat?
 Ano-ano ang mga katangian at bahagi ng liham pag-uulat?
 Saan madalas ginagamit ang liham pag-uulat?
f. Pagpapahalaga
Ang guro ay magtatanong kung ano ang kahalagahan ng liham pag-uualat sa
negosyo?
IV-PAGTATAYA
Essay
1. Ano ang liham pag-uulat?
2. Ano-ano ang katangian ng liham pag-uulat
3. Ano-ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang liham pag-uulat?

V-TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng isang halimbawa ng liham pag-uulat para sa pangkatang
pagsusuri.

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 18, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

I-LAYUN
1. Nabibigyang-kahulugan ang abstrak
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng dalawang uri ng abstrak
3. Natatalakay ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng isang abstrak
4. Natatamo ang pagpapahalaga sa pagsulat ng abstrak

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Pagsulat ng Abstrak
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 14-19
c. Kagamitan: aklat, hand-outs, white board/marker at kwaderno.

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang bionote?
 Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bionote?
c. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng larawan at huhulaan ng mga mag-aaral ang
pamagat ng kanilang aralin. Pagkatapos ay hahayaan niyang magbahagi ng
kaalaman ang ilang mag-aaral kung ano ang ibigsabihin ng abstrak.
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at ng mga mag-aaral ang:
 Kahulugan ng abstrak
 Dalawang uri ng abstrak
 Mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng isang abstrak
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang abstrak?
 Ano ang dalawang uri nito at pagkakaiba?
 Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?
f. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng isang
abstrak?

IV-PAGTATAYA
Panuto: sagutin ang mga tanong at isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito nagkakaiba?
2. Bakit kailangang maging basahing mabuti ang buong papel-pananaliksik bago
isulat ang abtrak?
3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang iyong kawilihan sa paksa kung ikaw ay
magsasagawa ng pagsulat ng isang abstrak ng papel-pananaliksik?
4. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng isang abstrak?

V-TAKDANG-ARALIN
Basahin at unawain ang papel-pananaliksik ni Graziel Ann Ruth Latiza (2015) ng
UP, kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon na may pamagat na
“Internship: kuwentong loob ng tagalabas.” Pagkatapos ay suriin at iulat ang mga
detalye tungkol dito ayon sa balangkas sa kabilang pahina.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Hulyo 19, 2019
GRADE-11- AGOSTINO ADORNO (10:00- 11:00 am)

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakikilala ang katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng
mga binasang halimbawa
I-LAYUN
1. Nabibigyang-kahulagan ang replektikbong sanaysay at naiisa-isa ang mga
bahagi nito
2. Nasusuri at natatalakay ang katangian at nilalaman ng binasang replektibong
sanaysay
3. Naisasabuhay ang aral na napulot sa binasang replektibong sanaysay

II-PAKSANG -ARALIN
a. Paksa: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
b. Sanggunian: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Awtor (Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra)
Pahina 48-53
c. Kagamitan: aklat, hand-outs, white board/marker at kwaderno.

III- PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Pagbati
Magandang umaga
Pag-alam ng liban sa klase
May liban ba sa ating klase?
b. Balik-aral
Ang guro ay magbabalik aral tungkol sa natutunan ng mga mag-aaral sa
nakaraang talakayan
 Ano ang abstrak?
 Ano dalawang uri ng abstrak?
 Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?
c. Pagganyak
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral ng:
Naaalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay noong ikaw ay 10 taong
gulang pa lamang? Magbahagi ng karanasang hindi mo malilimutan. Ipaliwanag
kung bakit hindi mo ito malilimutan at ano ang nagawa nito sa iyong sarili?
d. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro at ng mga mag-aaral ang:
 Kahulugan ng replektibong sanaysay
 Mga bahagi ng sanaysay
Pagkatapos, babasahin nila ang isang halimbawa ng isang replektibong sanaysay
na pinamagatang “FINISH LINE”.
Susuriin nila ito sa pamamagitan sa pagsagot sa mga gabay na tanong sa pahina
52 at tatalakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
e. Paglalahat
Aalamin ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral sa ginawang talakayan.
Babalikan niya ang ilang mahahaging punto ng aralin sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mag-aaral.
 Ano ang kahulugan ng replektibong sanaysay?
 Ano-ano ang mga bahagi nito?
 Bakit pinamagatang FINISH LINE” ang sanaysay na ito?

f. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang replektibong sanaysay?
Bakit kailangang isaalang-alang ang mga bahagi nito?

IV-PAGTATAYA
Isabuhay mo na
Balikan ang binasang replektibong sanaysay. Pagkatapos, tukuyin ang
mahahalagang aral na pumukaw sa iyong isipan at bigyan ng repleksyong
pansarili.
1. Mahalagang aral na pumukaw sa aking isipan
2. Pag-uugnay sa sariling karanasan
3. Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili

V-TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa iyong sariling karanasan.

Inihanda ni:

MARICAR A. QUIBRAL
Guro sa Filipino

Siniyasat ni:

CONRADO A. REMPILLO, MA. Ed.


Punong-guro

You might also like