You are on page 1of 24

Batayang Kaalaman sa

ARALIN 12:

Pagsusulat ng Feasibility Study


Ano nga ba ang isang feasibility
study?
Ang feasibility study ay isang
pag-aaral na ginagawa upang
malaman ang iba’t ibang
sangkap at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon
sa pangangailangan sa
pamilihan.
Ano ang kahalagahan ng isang
feasibility study?
Mahalagang magawa ang feasibility
study upang matiyak ang matagumpay
na paglulunsad ng isang produkto o
serbisyo. Siyentipiko ang pag-aaral na
ginagawa sa feasibility study, kung kaya
mapaghahandaan ang iba’t ibang
maaaring maging epekto at mga sanhi
na makapagpapabago sa produkto’t
serbisyo na maaaring ibigay.
Narito ang iba’t ibang bahagi ng
isang feasibility study at ang
pangunahing gawain ng bahaging
ito.
1. Pangkalahatang Lagom /
Executive Summary. Nagbibigay ng
kabuuang pagtanaw ng lalamaning
feasibility study. Madalas, huli itong
isinusulat kapag buo na ang lahat
ng iba pang bahagi.
2. Paglalarawan ng Produkto at /o
Serbisyo. Malinaw na inilalarawan
sa bahaging ito ang
produkto/serbisyong
inimumungkahing ibenta/ibigay.
Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na
ibinibigay at kung anong benepisyo
nito sa gagamit.
3. Kakailanganging Teknikal na
Kagamitan. Ipinapaliwanag nito ang
mga konsiderasyong kinakailangan
kaugnay ng aspektong teknolohikal.
4. Marketplace. Inilalarawan sa
bahaging ito ang pamilihan kung
saan ibibigay o ibebenta ang
produkto. Tinitiyak ng bahaging ito
ang iba pang kaparehong produkto
o serbisyong ibinibigay at kung ano
ang bentahe nito sa iba pang
produkto/serbisyo.
5. Estratehiya sa Pagbebenta.
Tatalakayin sa bahaging ito ang
paraan kung paano maipaaabot sa
gumagamit ang produkto/serbisyo.
Iniaayon ng marketing ang
kahilingan at kaparaanan kung
paano mahihikayat na kunin ang
produkto/serbisyo.
6. Mga Taong may Gampanin sa
Produkto at/o Serbisyo. Tinitiyak sa
bahaging ito ang mga tao at ang
kanilang espesipikong trabaho para
sa produkto/serbisyo.
7. Iskedyul. Itinatakda sa bahaging
ito ang panahon kung kailan dapat
magawa ang mga
produkto/serbisyo.
8. Projection sa Pananalapi at Kita.
Tinitiyak sa bahaging ito kung
mayroong nakikitang benepisyong
pampananalapi.
9. Rekomendasyon. Inilalahad sa
huling bahagi ang paglalagom at
pagbibigay-mungkahi batay sa
ikalawa hanggang ikawalong
bahagi.
Magpabuo ng grupong may lima
hanggang anim na miyembro.
Magpagawa ng isang feasibility
study batay sa isa sa sumusunod na
produkto*: 1. Bottled mineral water
2. Foot and hand spa home service
3. Food delivery 4. Pagupitan 5.
Automechanic services
WAKAS!
Naratibong ulat
Tandaan na ang naratibong ulat ay
dapat na isinusulat na:
1. kronolohikal na pagkakaayos
2. walang bias o kaya’y may sariling
opinyon sa pangyayari
3. May mahahalagang elemento ng
isang talatang nagsasalaysay gaya
ng konteksto, mga kalahok na tao at
resolusyon (kung mayroon man)
Muling papiliin ang mag-aaral sa
sumusunod na trabaho*.
Makatutulong kung hikayatin ang
mag-aaral na pumili ng ibang trabaho
o paksa na hindi pa nila napipili.
Maaari din naman na piliin ng mag-
aaral ang napili nilang trabaho para sa
kabuuan ng Tech-Voc Program na
kinabibilangan nila.
1. automotive servicing
2. barbering 3. bartending 4. beauty
care services 5. bread and pastry
production 6. catering 7. commercial
cooking 8. driving 9. food and
beverages 10. food processing 11. hilot
(wellness massage) 12. massage
therapy 13. tailoring 14. technical
drafting 15. visual graphics design

Batay sa napiling trabaho, magpasulat
sa mag-aaral ng mahahalagang
aspekto ng trabaho na maaari nilang
gawan ng isang feasibility study at
naratibong ulat.

 Samantala, ipasulat naman ang isang
naratibong ulat tungkol sa ginawang
pananaliksik. Magiging basehan ang
naratibong ulat upang matiyak ng guro na
naisagawa nang tama at naaayon ang
output para sa linggong ito. Ito rin ang
magiging basehan ng guro upang
mabigyan ng grado ang mag-aaral tungkol
sa kanilang ginawang pananaliksik, bukod
pa sa rubrik na nakapaloob sa gawaing ito.

You might also like