You are on page 1of 3

Grade School Guipos National High School Grade Level 12

12 Teacher Chuchie C. Luces Learning Area Filipino sa Piling


Daily Larang
Lesson Teaching Date October 10-14, 2022 Quarter Q1
Plan Observation Time Observation No.

I. STANDARDS, COMPETENCIES, AND OBJECTIVES


Pamantayang Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop na
Pangnilalaman: pagsulat ng piling anyo ng sulatin
Pamantayang
Pagganap:
Mga Kasanayang Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga bihasang
Pampagkatuto at Code: halimbawang sulating teknikal-bokasyunal. (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
Layunin:  Nabibigyang kahulugan ang deskripsyon ng produkto;
 Natutukoy ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto; at
 Nakakagawa ng sariling poster tungkol sa deskripsyon ng napiling
produkto.
II. SUBJECT MATTER
Paksa: Deskripsyon ng produkto.
Sanggunian:
Kagamitan Panturo: PowerPoint Presentation, Kartolina at Manila Paper, Paper Tape
III. Pamamaraan:
A. Pangunahing Gawain:
 Classroom Management
 (Prayer, Checking of Attendance, Classroom Rules)
 Kumustahin sa Module
 Health and Protocols

Balik-aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin:


Panuto: Mula sa pagpipilian sa ibaba, tukuyin ang tamang katawagang inilalarawan upang mabuo
ang bawat pahayag.

makahikayat brochure flyer/leaflet


poster promotional materials billboard

1. Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng __________________.


2. Ang __________________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang produkto o serbisyo.
3. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang __________________ ng mga
mamimili.
4. Naglalaman ang __________________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o
ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.
5. Ang __________________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.

Pagganyak:
****Panuto: Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay kailangang sumagot sa
mga katanungan inihanda ng guro. Sasagutin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng metacard at
idikit sa isang kartolina.
1. Ano-anong produkto ang iyong tinatangkilik? Magbigay lamang ng 5.
2. Bakit lagi mo itong binibili?
3. May nakasaad bang deksripyon ang mga produktong ito? Ano ang kadalasang nilalaman
nito?
4. Sa tingin mo, mahalaga ba ang impormasyong nakasaad sa produktong iyong binibili? Bakit?
Pagsusuri:
1. Base sa ating mga gawain, mahihinuha mo ba kung ano ang magiging aralin natin ngayon?
2. Ano ang Paksa na ating tatalakayin ngayon?

- Akayin ang mga bata sa paksa


-Ipakita sa screen ang mga layunin

ABSTRACTION (“So What Phase”/Theory Inputs/Summarizes concepts and experiences


learned/inferential leap to life)
Magkakaroon ng leksyon tungkol sa “Deskripsyon ng Produkto”, Kahalagahan ng Deskripsyon ng
Produkto, Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto
Deskripsyon ng Produkto – ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga
produkto para sa isang negosyo.
Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto
1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga
a. Benepisyo
b. Katangian
c. Gamit
d. Estilo
e. Presyo
2. Mahalaga rin ang deskripsyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay
akma sa kanilang mga pangangailangan.
3. Mahalaga sa larangan ng kalakalan o Negosyo dahil sa napakalakas ang kompetensiya ng
iba’t ibang kompanya.
Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto
1. Magsaliksik ng mga salita o terminolohiya na aangkop sa maayos na gagawing paglalarawan
sa isang produkto at humanap ng mga salitang makakaapekto sa kanilang pandama.
2. Isulat ng buo ang teknikal na salita sa paglalarawan at iwasan na isalin ito sa iba pang wika
upang di magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. I-angkop ang teknikal na mga salita sa pagkakabuo ng paglalarawan sa isang produkto na
naaayon sa nilalaman nito.
4. Sumunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa ilalim ng paglalarawan ng
isang bagay o produkto.
5. Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o
brandnames, at trademarks.
6. Sistematikong isaayos ang mga teknikal na salita sa loob ng pangungusap upang mabilis na
maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.

---Tanong
1. Bakit kailangang mabatid ng isang mamimili ang maayos na deskripsyin ng produkto?
2. Paano makatutulong ang mga katawagang teknikal na ginamit sa paglalarawan ng isang
produkto?
APLIKASYON (“Now What Phase”/Practical Synthesis/Apply generalizations to work/Transfer of
insights into real-life concern/cooperative learning)
- Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang poster ng isang
patalastas para sa isang produktong batay sa kanilang interes o hilig. Maaaring tunay o piksiyunal
ang produkto. Iguhit ito at maging kaakit-akit sa paningin ng inyong mamimili. Sumulat ng
maikling deskripsyon bilang pangganyak o pang-engganyo sa mga posibleng mamimili ng inyong
produkto.

--Iproseso ang kanilang output


F. Paglalahat:
1. Ano ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto?”
2. Kung kayo ay magnenegosyo at gagawa ng produkto, ano-ano ang mga dapat nyong isaalang-
alang sa inyong gagawing produkto?
G. Pagpapahalaga:
Bakit mahalaga ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng isang deskripsyon ng produkto?
IV. Ebalwasyon (Assessment Phase)
A. Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
____1. Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, alin sa sumusunod ang angkop na kinakailangang
simulain?
A. paglalarawan ng manunulat
B. pagsasalaysay ng manunulat
C. pangangatwiran ng manunulat
D. mga kinakailangang datos ng manunulat
____2. Paano mapapanatili ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap sa pagsulat ng deskripsyon
ng produkto?
A. Maging payak
B. Gumamit ng kolokyal na salita
C. Isama ang mga Teknikal na salita
D. Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa isnag produkto
____3. Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing tungkulin ng mga
katawagang teknikal batay sa maayos na paglalarawan?
A. Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.
B. Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.
C. Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.
D. Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.
____4. Ano ang gamit ng ilustrasyon sa paglalarawan ng isang produkto?
A. Mapukaw ang interes ng mamimili.
B. Maipakita ang mga benepisyo ng produkto.
C. Maipakita ang orihinalidad nito sa karamiha
D. Maipakita ang kabuoang nilalaman ng produkto.
____5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon ng isang produkto?
A. Masuri at makilatis ang isang produkto.
B. Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.
C. Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.
D. Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan
____6. Bilang mamimili ng isang produkto, ano ang pangunahing impormasyon ang kinakailangan
na mabatid?
A. nilalaman, kulay, at presyo
B. katangian, kulay, sukat, at benipisyo
C. nilalaman, presyo, at pinagmulang pagawaan
D. benepisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo
____7. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang produkto sa isang mamimili?
A. Maipakilala ang orihinalidad nito batay sa pagkakabuo.
B. Maipakita ang kabuoang benepisyo nito sa pangkalahatan.
C. Matugunan ang mga impormasyon na nais maipabatid o maipakilala
D. Maipabatid sa mamimili ang angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.
____8. Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o terminolohiya sa pagbuo ng
paglalarawan sa isang produkto?
A. Upang makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan
B. Upang maihanay ang mga ito sa kabuoang disenyo ng produkto
C. Upang mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto
D. Upang maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga teknikal na
salita
____9. Paano isusulat ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng deskripsyon ng produkto?
A. Isulat ito ng buo. C. Isulat ito na may kasamang kahulugan.
B. Isulat ito ng tuwiran. D. Isulat ito batay sa salin ng iba pang wika.
____10. Paano maiaangkop ang teknikal na mga slita sa pagkakabuo ng paglalarawan ng isang
produkto
A. Batay sa gamit C. Batay sa benepisyo
B. Batay sa halaga D. Batay sa kabuoan at nilalaman nito
V. Takdang Aralin
Panuto: Ilista ang mga katangian ng isang produkto o gamit na gustong-gusto mo. Ano-ano ang
katangian nito na naging dahilan kaya mo binili o nais bilhin? Punan ang talaan sa ibaba. Isulat ito
sa ½ sheet ng papel.
Produkto o gamit na gustong-gusto ko:
___________________________________________
Mga katangian ng bagay na paborito ko o bagay na nais kong bilhin
1. _______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
5. _______________________________________

Prepared by:

CHUCHIE C. LUCES
Substitute Teacher
Checked by:

SHERLITA B. HINOCTAN
Department Head

You might also like