You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region – Metro Manila
Schools Division of Quezon City
LEANDRO V. LOCSIN SENIOR HIGH SCHOOL
Rivera Compound, Brgy. Kaligayahan, Quezon City

Filipino sa Piling Larang (Tek-bok) 


SY:2020-2021 
Manunulat:​ Christian B. Dilao 
Ikaapat na Linggo 
 
 
Titulo ng Kurso​: Filipino sa Piling Larang (Tekbok)  Sangkapat​: Una 
Track/Strand​: Technical Vocational/ICT   Semester​: 1
 
I. Pamantayang Pagganap:  
 
  Naiisa-isa  ang  mga  hakbang  sa  pagsasagawa  ng  mga  binasang  halimbawang 
sulating teknikal bokasyonal. (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106). 
 
II. Layunin: 
a. Matukoy ang iba’t ibang konsepto at kahulugan ng manwal. 
b. Maipaliwanag  ang  kahalagahan  ng  manwal  bilang  sulating  teknikal  sa  iyong 
napiling larang. 
 
III. Unang Gawain: 
Panuto:​ Piliin ang titik ng tamang sagot. 
 
1. Ito ay isang babasahing karaniwang naglalaman ng mga impormasyon tungkol 
sa isang paksa, maaaring tumalakay sa mga tuntunin ng isang kompanya o 
organisasyon at gayundin ng mga paraan o proseso na may kinalaman sa 
paggawa, pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o produkto. 
a. manwal  c. flyers at leaflets  
b. liham  d. paalala at babala 
 
2. Ang isang sulating-teknikal tulad ng manwal ay kinakailangang maging  
a. makulay c. komprehensibo 
b. maligoy ang pagkakasulat  d. nakahihikayat 
 
3. Ang manwal ay kinakailangang nakaayos nang 
a. numerikal  c. alpabetikal  
b. patalata  d. pabalangkas 
4. Ang wikang ginagamit sa manwal ay 
a. pormal  c. banyaga 
b. di - pormal  d. katutubo 
 
5. Bakit kinakailangang lagyan ng indeks o glosaryo ang isang manwal? 
a. Nang mabigyan ng pakahulugan ang mga jargons sa teksto 
b. Upang maging maalam sa talasalitaang ginamit sa teksto 
c. Dahil ito ay bahagi ng isang manwal 
d. Lahat ng nabanggit 
 
IV. Nilalaman: Pagsulat ng Manwal 
Sa  iyong  pagtuklas  sa  bagong  aralin,  Kinakailangan  mong  kilatisin  ang  mga 
larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 
 
 
 
 
 
 
 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano  ang  mga  ideya  na  pumasok  sa  iyong  isipan  nang  makita  mo  ang  mga 
larawan? 
2. Anu-  ano  ba  ang mga bagay na nagsisilbing gabay sa atin upang masunod ang 
isang proseso? 
3. Bakit mahalagang sumunod sa proseso sa paggawa ng isang bagay? 
 
Marahil  sa  pagtingin  mo  sa  mga  larawan  ay  maraming  ideya  ang  pumasok  sa 
iyong  isipan.  Nais  ipahiwatig  nito  sa  atin  ang  tamang  pagsunod  sa  proseso  o 
direksyon.  Bilang  mag-aaral  ng  Senior  High  School, nakatatanggap ka ng paggabay at 
direksyon  mula  sa  iyong  magulang  at  mga  guro.  Sa  tuwing  bumibili  tayo  ng  mga 
bagong  gamit,  may  kalakip  itong  manwal.  Ito  ay  nagsisilbi  ring  gabay  natin  upang 
magamit  natin  nang  tama  at  mapangalagaan  ang  gamit  na  nabili.  Sa  araling  ito, 
pag-uusapan  natin  ang  pagsulat  ng  isang  manwal  bilang  isa  lang  sulating 
teknikal-bokasyonal. 
Kahulugan ng Salitang “Manwal” 
● Isa  sa  mga  literal  na  kahulugan  nito  mula  sa  diksyonaryo  ay  “yari  sa  kamay  o 
hindi ginamitan ng makina” 
●Isang  babasahing  karaniwang  naglalaman  ng  mga  impormasyon  tungkol  sa 
isang  paksa,  maaaring  tumalakay  sa  mga  tuntunin  ng  isang  kompanya  o 
organisasyon  at  gayundin  ng  mga  paraan  o  proseso  na  may  kinalaman  sa 
paggawa, pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o produkto. 
● Kalimitang  binabasa  ang  manwal  upang  magkaroon  ng  impormasyon  tungkol 
sa isang usapin o bagay na ibig malinawan. 
Karaniwan  sa  mga  kompanya  ay  nagtataglay  ng  manwal  para  sa  mga 
empleyado  upang  maging  malay  sa  mga  alituntunin  at  iba  pang  impormasyon 
tungkol  sa  kompanya  samantalang  ang  iba’t  ibang  produkto  ay  mayroon  din  nito 
upang maging gabay sa mga gagamit nito. 
Sa  araling  ito,  bibigyang-diin  natin  ang  ikalawang  kahulugan  ng  manwal  na 
nabanggit sa itaas, ang manwal bilang isang sulating teknikal na ginagamit sa iba’t 
ibang larangan. 
Bahagi ng Manwal 
Kalimitan, ang manwal ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: 
● Pamagat​-  Ito  ay  nagbibigay  ng  pangunahing  ideya  sa  kung  ano  ang  nilalaman 
ng manwal. 
● Talaan  ng  nilalaman​-  Nakasaad  dito  ang  pagkakahati-hati  ng  mga  paksa  sa 
loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay 
● Pambungad​-  Naglalaman  ng  paunang  salita  tungkol  sa  manwal  gayundin  ng 
mensahe  o  pagpapaliwanag  tungkol  sa  nilalaman  nito  mula  sa  may-akda  o  sa 
isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal 
● Nilalaman​-  Ito  at  tumatalakay  sa  katawan  ng  manwal,  sa  mismong 
pagpapaliwanang ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin. 
● Apendise​-  Matatagpuan  dito  ang  mga  kalakip  na  impormasyon  hinggil  sa 
manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp. 
Uri ng Manwal 
Ilan sa mga pangkaraniwang uri ng manwal ay ang mga sumusunod  
a. User manual  na  kilala  rin  bilang  ​instruction 
manual, user guide o owner’s manual na isang 
manwal  sa paggamit na kalimitang kalakip ng 
iba’t  ibang  produktong  binibili  o  binubuo 
bago  gamitin.  Ilang  halimbawa  ng  mga 
produktong  ito  ay  mga  gamit  sa  bahay  tulad 
ng  mga  appliances, kasangkapan, mga gadget 
at  iba  pang  elektronikong  equipment  na 
nangangailangan  ng  paggabay  para  sa  mga 
gagamit ng mga iyon. 
Source: 
https://www.cultofmac.com/192675/apples-iphone-5-user-guide-tells-you-everything-you-need-to-know-about-your-new-iphone-and-ios-6/ 
b. Employees’ manual o handbook  o  ang  mga  itinakda  para  sa  mga  empleyado  ng 
isang  kompanya  upang  makapaglahad  ng  mga  kalakaran,  alituntunin  at  iba 
pang  prosesong  mahalaga  sa  kompanya.  Nagsisilbi  itong  gabay  sa  mga 
empleyado  nang  sa  gayon  ay  magkaroon  sila  ng  mga  kaalaman  hinggil  sa  mga 
dapat  at  hindi  dapat  gawin  sa  loob  ng  kompanyang  pinapasukan.  Ilang 
halimbawa  nito  ay  ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng ​faculty 
manual o students’ manual. 
Nilalaman ng Manwal 
● Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. 
● Sa  pagsulat  ng  manwal,  mahalagang  panatilihin  ang  pagiging  tiyak  sa  kung 
para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito. 
● Mahalaga  ring  panatilihin  ang  pagiging  payak,  maiksi,  at  tiyak  ng  pagkakabuo 
ng  mga  ilalagay  sa  manwal  upang  maiwasan  ang  kalituhan  ng  mga 
mambabasa. 
● Mahalagang  bigyang-halaga  ang  nilalaman  ng  manwal,  kung  ano  ang 
pangunahing paksang tinatalakay nito. 
● Kalimitang  binubuo  ang  manwal  ng  pamagat  nito  na  siyang  maglilinaw  kung 
tungkol  saan  ang  manwal.  Mayroon  din  itong  talaan  ng  nilalaman  kung  saan 
nakalahad  ang  mga  nilalaman  ng  manwal.  Kadalasang  nagtataglay  rin  ito  ng 
panimula  upang  maipaliwanag  nang  maayos  ang  nilalaman  ng  manwal. 
Karaniwan  ding  makikita  sa  huling  bahagi  ng  mga  manwal  ang  apendise  na 
naglalaman  ng  mga  susing  salita  o  karagdagdang  impormasyon  tungkol  sa 
nilalaman nito sakaling nais balikan ng mambabasa. 
● Pormal  ang  paggamit  ng  wika  sa  pagsusulat  ng  manwal  at  maaaring  kakitaan 
ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho. 
● Sinasabing  sa  pagsulat  ng  manwal,  nakapokus  ito  sa  mambabasa. 
Kinakailangang  matiyak  na  madaling  nauunawaan  ng  mga  mambabasa  ang 
mga  inilalahad sa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa 
pagsunod sa mga nakasaad dito. 
 
V. Gawain: 
Panuto:  Matapos  mong  pag-aralan  ang  manwal,  ito  na  ang  iyong 
pagkakataon  upang  makagawa  ng  iyong  sariling  manwal.  Umisip  ka  ng  isang 
paksa  na  may  kaugnayan  sa  iyong  Track  at  gumawa  ka  ng  isang  manwal 
tungkol  dito.  Ang  iyong  awtput  ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubriks na 
nasa ibaba. 
Pamantayan ng Pagmamarka 
BATAYAN  PUNTOS 
Taglay ang mga bahagi ng manwal  25 
Maingat na naisulat, wasto, at angkop ang wikang ginamit.  35 
Gumamit ng mga angkop na disenyo at ilustrasyon  30 
Malinis at maayos sa kabuuan  10 
Kabuuan  100 
VI. Pagpapaunlad na Gawain: 
Panuto:  Mula  sa  loob  ng  scroll  sa  ibaba,  pumili  ka  ng  isang  bagay  na 
napakahalaga  sa  larangang  iyong  pinili.  Sa  kwaderno,  iguhit  ang  bagay na pinili 
at  isa-isahin  ang  mga  paraan  kung  paano  mo  ito  mapapangalagaan  upang 
mapanatiling maayos o kapaki- pakinabang. Isulat sa kwaderno ang sagot. 
 
 
 
 
 
 
 
 
Magiging Anyo ng Kasagutan 
 
Iguhit sa espasyo ang bagay na pinili 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Paraan ng Pangangalaga 
1. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________ 
2. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________ 
3. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________ 
4. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________ 
5. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________ 
 
Pamantayan ng Pagmamarka 
20  15  10  5 
1.  Napakaayos  at  1.  Maayos  at  1.  Hindi  gaanong  1.  Higit  na 
Napakalinaw  ng  Malinaw  na  maayos  at  malinaw  kailangan  pang 
pagguhit  at  naiguhit  at  ang  pagguhit  at  ayusin  ang 
paglalahad  ng  mga  nailahad  ang  mga  paglalahad  ng  mga  pagguhit  at 
paraan  sa  paraan  sa  paraan  sa  paglalahad  ng  mga 
pangangalaga  ng  pangangalaga  ng  pangangalaga  ng  impormasyon.  2. 
isang  kagamitan.  2.  isang  kagamitan.  2.  isang  kagamitan.  2.  Higit  na  bigyang 
Wasto,  at  angkop  Wasto,  at  angkop  May  mga  salitang  pansin  ang  wastong 
ang wikang ginamit  ang wikang ginamit.  hindi  angkop  ang  paggamit ng wika. 
pagkakagamit 
VII.​ ​Pagtataya:  
Panuto:​ Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwaderno 
ang titik ng tamang sagot. 
1. Ano ang katangiang dapat na taglay ng pamagat ng manwal? 
A. Sumasagot sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal?” 
B. Makatawag pansin. 
C. Maikli at payak 
D. Hindi almigoy 
 
2. Ano itong katangian ng isang manwal? 
A. payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap 
B. madaling maunawaan ang panuto 
C. madaling basahin 
D. lahat ng nabanggit 
 
3. Sa pagsulat ng manwal, sino ang dapat isaalang-alang? 
A. manunulat 
B. awdiyens 
C. kritiko 
D. guro 
 
4. Alin ang kailangang maging kaakit-akit sa manwal? 
A. pamagat 
B. disenyo 
C. larawan 
D. wika 
 
5. Anong katangian ng wika na dapat gamitin sa pagsulat ng manwal? 
A. pormal 
B. di-pormal 
C. kaakit-akit 
D. matalinghaga 
 
VI. References 
 
Francisco, C.G. C., at Gonzales, M. G. (2016). Filipino sa Piling Larangan 
(TechVoc). Manila: REX Book Store. 
Santos, C. L. (2016).Filipino sa Piling Larang Tech-Voc. Pasig City, 
Philippines:Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR). 
 
Susi sa Pagwawasto 
Unang  Pagtataya  
Gawain 
   
1. A  1. A 
2. C  2. D 
3. D  3. B 
4. A  4. B 
5. D  5. A 
 

You might also like