You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Tech-Voc Sanggunian: Rex Book Store: Fil sa
Piling Larangan (Tech-Voc)
Paksa: Menu ng Pagkain Uri ng Gawain: Concept Notes
Gawain Bilang: 9
Layunin:
- Nailalahad ang kahalagahan ng wastong pagsulat ng menu ng pagkain
- Natitiyak ang mga kinakailangang pundasyon sa pagsulat ng menu ng pagkain
- Nakalilikha nang mahusay na menu ng pagkain

Panimula
Ang pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay itinuturing na isa rin sa mga anyo ng
komunikasyong teknikal. Wika nga ng kasabihan, ang salita ay makapangyarihan. Ang
kaangkupan ng salita ay kayang bumago sa gawi o paniniwala ng isang tao. Kadalasan binibili
natin ang isang produkto batay sa kung ano ang sinasabi sa patalastas o promosyon nito. Higit sa
lahat kung paano tayo napaniniwala na ang isang produkto o serbisyo ay epektibo at
nakapanghikayat.
Sa mabilis na pag-unlad nh turismo, hindi maikakaila na kakambal nito ang mga
masasarap na kainan. Sa kasalukuyan marami nang kainan ang matatagpuan sa mga mall, parke
at iba pang lugar na kung saan may mga potensyal na tagatangkilik. Nag-iiba rin ang anyo ng
mga ito na hindi lamang limitado sa mga ordinaryong tapsihan o kapehan, bagkus marami na
ring mamahaling kainan mula sa mha local at global na food chain.
Sa malikhaing pagpapangalan sa menu at sa paglalarawan nito may tatlong salita na dapat
isaalang-alang: hitsura, tekstura at lasa.
1. Hitsura- layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masiguradong
pipiliin ng tagapagtangkilik ang pagkain na kaniyang nakita. Inaasahan dito ang
pagiging kakaiba ng kulay o presentasyon mh pagkain at salitang gagamitin upang
mailarawan ito.
2. Tekstura- ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita sa menu at kung
gaano kaartistiko ang pagkakahain upang mas maging kapana-panabik ito sa mga
tagatangkilik.
3. Lasa- ito ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilik ang
produkto.
Sa pagbibigay-deskripsyon ng pagkain, siguraduhing mahusay at detalyado mong
mailalarawan kung ano ang hitsura, tekstura at lasa nito.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Menu
1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.
2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita.
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay.
4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan.
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restwaran.
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng sariling menu ng pagkain na kakaiba batay sa inyong larangan. Sundin ang
gabay sa pagsulat ng menu.

Pamantayan Puntos

Naisasaalang-alang ang gabay sa pagsulat ng menu. 60

Kaakit-akit na biswal ng menu. 20

Maayos na paggamit ng larawan. 20

Kabouan 100

Gabay na tanong
1. Ano-ano ang tatlong salita na dapat isaalang-alang tungo sa mahusay na pagdebelop ng
menu ng pagkain?
2. Bakit sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang anyo ng komunikasyong teknikal?
3. Bilang isang tagapagtangkilik ng pagkain, Gaano kahalaga saiyo ang menu ng pagkain?

You might also like