You are on page 1of 14

Schools Division Office

Tabaco National High School


Tabaco City

Sanayang Papel sa Pagkatuto ng


FILIPINO SA PILING LARANG/ TechVoc
Bilang 2
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________


Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
A. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:a. Layunin, b. Gamit,
c. Katangian, d. Anyo e. Target na gagamit
PAKSA: Iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo ,at target
na gagamit (Mula sa F11/12 Q1 Piling Larang Tekbok Modyul 2)
A. Kahulugan ng Teknikal-bokasyunal na sulatin - naglalahad at nagpapaliwanag ng
paksang-aralin sa malinaw, obhektibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
B. Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat - Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat
ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak at di-
emosyonal na paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsiyon ng mekanismo, deskripsiyon ng
proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohiya at
interpretasyon.
C. Layunin ng isang sulating teknikal- bokasyunal:
1. Magbigay ng impormasyon – isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng impormasyon
ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto.
2. Magsuri – ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwananag ang implikasyon ng mga
pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa
hinaharap.
3. Manghikayat – upang kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan nito. Bagaman kasama
nito ang layuning makapagbigay ng impormasyon.
Mahalagang malaman ang gamit ng isang sulating teknikal-bokasyunal. Kasama sa mga ito ay:
1. pagbibigay-ulat, 2.pagbibigay-instruksiyon 3, paghahain ng isang serbisyo, 4.pagsisilbing basehan ng
mga pagdedesisyon, at 5.pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon.
Ang mga anyo ng sulating teknikal-bokasyunal ay:
1. Sulating Interpersonal o Inter-Institusyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay sa
isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang ipabatid ang mga hangarin impormasyon o datos na
makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala. Hal: liham pangnegosyo
2. Sulating ukol sa isang produkto – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa isang
produkto. Hal: deskripsiyon ng produkto, manwal sa paggamit ng isang produkto
3. Sulating Pabatid – Publiko at Sulating Promosyonal – tumutukoy ang mga ito sa mga sulating
naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto,
serbisyo o kaganapan. Hal: flyers, leaflets, promo material, anunsyo, paunawa at babala.
4. Sulating ukol sa pagkain-tumutukoy ito sa sulating may kinalaman sa pagkain. Hal: recipe at menu
Ilang halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal ay ang:
1. Manwal – ito ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa pagsasanay, pag-
oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan o
makinarya, pagsesrbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
2. Liham-Pangnegosyo – ito ay isang pormal na sulatin.Higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat.
3. Flyers/Leaflets – ito ay paraan ng patalastas kung saan malikhaing inilalapat sa maliit na papel ang
mga detalye ng isang produkto, konsepto, paalala o polisiya.
4. Promo Materials – ito ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa
pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o
serbisyo sa itinakdang panahon.
5. Deskripsiyon ng Produkto – ito ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga
produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit
at maibenta ito sa mga target na awdiyens o mamimili.
6. Feasibility Study – ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng mga inihaing proposal o aksiyon
kaugnay sa mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
7. Dokumentasyon sa Paggawa ng isang bagay/produkto – ito ay nagpapatibay sa proseso ng
paggawa ng isang bagay o produkto.
8. Naratibong ulat – ito ay isang dokumentadong ulat ng ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang
kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat ng nagsasalaysay ng kuwento pinakaakma
sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna at wakas.
II. MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.

GAWAIN 1: Match tayo!


Panuto: Hanapin sa mga larawan na makikita sa ibaba ang kamatch ng paglalarawan na makikita sa ibaba.

A.Magsuri B. Magbigay ng impormasyon C. promo materials D. sulating ukol sa pagkain E. sulatin ukol
sa isang produkto
______1. Ginagamit sa pagpapakilala ng isang produkto o serbisyo
______2. Ito ay isang espesyal na impormasyon na ginagawa sa larangan ng negosyo.
______3.Ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwananag ang implikasyon ng mga pangyayari
______4. Tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain. Hal: recipe at menu
______5. Isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng impormasyon ukol
sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto.

GAWAIN 2: Panuto: Kilalanin kung anong anyo ng sulating teknikal-bokasyunal ang inilalarawan ng
mga sumusunod. (x2)
1. Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi, na may iba’t ibang desinyo at
teksto ayon sa particular na layunin.
2. Sinasaklaw nito ang mga sumusunod na sitwasyon; paghahanap ng trabaho, promosyon ng mga ibinebenta
o serbisyo, talaan o record ng mga kasunduan at marami pang iba.
3. Ito ay mahalaga upang mabigyan ng impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian,
gamit, estilo, presyo at iba ng produktong nais ebenta.
4. Inilalahad nito ng pasunod-sunod ang proseso sa paggawa ng isang bagay tulad ng pagluluto, paghahabi,
paglalaba at marami pang iba.
5. Tungkulin nitong pag-aralan o suriing mabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao, o
sitwasyong nakakaapekto sa negosyo o sa kompanya bago magpatupad ng anumang proyekto.
GAWAIN 3: Panuto: Kilalanin at bigyan ng sariling paglalarawan ang bawat uri ng sulating teknikal-
bokasyunal ang ipinapakita ng bawat larawan.

1. 2. 3. 4. 5.
GAWAIN 3: Panuto: Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang __________.
A. Makapagbigay ng pagpipilian ng pagkain na mayroon ang isang restawrant.
B. Pagkasunod-dunod ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang produkto.
C. Makapanghikayat ng mamimili at makapagbigay ng impormasyon gamit ang papel.
D. Matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
2. Isang pag-aaral na ginawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epektro ng iminungkahing produkto
at serbisyo. A. Feasibility study B. Flyers/leaflets C. Deskripsiyon ng produkto
D. Dokumentasyon sa paggawa ng produkto
3. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o
grupo ng tao.
A. Naratibong ulat B. Menu ng pagkain C. Deskripsiyon ng produkto D. Flyers o leaflets
4. Bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu kung saan tinutukoy ang lalamaning impormasyon.
A. Pagpaplano B. Repsoduksiyon C. Rebisyon D. Pagsusulat at layout
5. Ito ay ang pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao.
A. Babala B. Anunsyo C. Paunawa D. Patalastas

III. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 2

Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino
Schools Division Office
Tabaco National High School
Tabaco City
Sanayang Papel sa Pagkatuto ng
FILIPINO SA PILING LARANG/ TECH-VOC
Bilang 3
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________
Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
A. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian
ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal bokasyunal
II. KONSEPTO NG PAGKATUTO
PAKSA: Iba’t ibang anyo ng mga teknikal - bokasyonal na sulatin (Mula sa F11/12 Q1 Piling
Larang Tekbok Modyul 3)
A. Layunin, Gampanin at Gamit
Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay komunikasyon sa anomang larangan na ang pangunahing
gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na impormasyon sa tiyak ding layunin sa partikular na
mambabasa. May obhetibo, malinaw, tumpak at di-emosyonal na paglalahad ng mga datos.
Gumagamit din ito ng teknikal na bokabularyo, maliban pa sa mga talahanayan, grap at mga bilang
upang masuportahan ang talakay tekstwal.
Ilan sa mga layunin nito ay:
1. Magbigay ng impormasyon – isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng impormasyon ukol sa isang
bagay o direksyon sa isang paggamit ng isang produkto.
2. Magsuri – ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang implikasyon ng mga pangyayari
upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.
3. Manghikayat – upang kumbinsihin ang mga mambabasa o pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito ang
layuning makapagbigay ng impormasyon.
Mahalagang pag-aralan kung paano at saan nga ba ginagamit ang mga sulating teknikal.Makakatulong
ito upang maging angkop sa anomang propesyong iyong tatahakin. Narito ang ilang GAMIT ng isang sulating
teknikal-bokasyonal. Nagbibigay-ulat , Nagbibigay-instruksyon , Naghahain ng isang produkto o serbisyo

B. Iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal


Maraming uri ng sulating teknikal-bokasyunal ang naaayon para sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Ngunit kailangan nating uriin ang mga ito sa ibat-ibang anyo kung saan ito napapabilang.
Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay binubuo ng apat (4) na anyo. Una ang sulating interpersonal o
inter-Institusyonal- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o
institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos na makakatulong sa pagtamo ng layunin
sa nagpapadala. Halimbawa nito ang liham pangnegosyo.
Ikalawa ang sulating ukol sa isang produkto- tumutukoy naman ang mga sulating ito na may
kinalaman sa isang produkto. Halimbawa nito ang deskripsyon ng produkto at manwal na ginagamit upang
iindorso ang isang produkto.
Ikatlo ay ang sulating Promosyonal at sulating pabatid-publiko- ito ang mga sulating naglalayong
magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan.
Halimbawa ang flyers, leaflets, promo material, anunsyo, paunawa at babala.
Ang panghuli ay ang sulating ukol sa pagkain - tumutukoy naman ang sulating ito may kinalaman sa
mga pagkain. Halimbawa ng mga ito ang recipe at menu.
C. Mga Katangian ng Teknikal-bokasyunal na Sulatin Gawing simple ang mensahe. Dapat
maunawaan agad ito ng titingin o babasa.
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay
kailangang maging payak ang pagkakalahad.
Sa pagsusulat ng mga sulating teknikal bokasyunal,
Bilang isang manunulat kailangang may kinakailangang tumpak dahil karamihan dito ay nagbibigay
mataas na kaalaman sa paksang isusulat. panuto. Kailangan ding maging maayos at maliwanag ang
bawat hakbang o mga impormasyong ibibigay.
III. MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.
GAWAIN 1: Picture WHO-LA Mo
Panuto: Batay sa mga larawan, tukuyin mo ang katangiang nais ipakita ng mga ito batay sa mga
deskripsiyong nasa kahon. Isulat sa bawat bilang ang tamang sagot.

1. ____________
2._________ 3.___________ 4._______________ 5. ________________
WOW. Ito ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng YUMMY. Ito’y sulatin para ialarawan ang masarap na
mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan produkto ng pagkain.
sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa target na
mamimili. LIPAD: Ito ay isang materyal pampromosyon para sa
diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon
ISIP: Ito ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay tungkol sa isang personal na gawain o sa isang
lamang ng ng impormasyon sa taong gumagamit upag maunawaan negosyo.
ang layunin ng isang instruksiyon.
BOOM: Ito ay isang instruksiyon na inilalagay upang
BULAKLAK: Higit na mas malaki at mas komprehensibo ang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o
nilalaman nito. May dahilan sa pagpapalaganap nito na tinatawag maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal
ding brochures o pamphlets. na operasyon.

GAWAIN 2: Panuto: Basahin ang mga pahayag at sitwasyon sa bawat bilang at tukuyin kung anong uri ng
sulatin ang mga ito. Gamitin ang dating kaalaman sa naunang modyul na ginamit.
1. Masayang itinatala ni Janna sa kanyang kwaderno ang kanyang mga karanasan sa dalawang buwang
pamamalagi sa loob ng bahay dahil sa lumalaganap na COVID-19. Anong uri ng sulatin ang ginagawa niya?
A. Feasibility Study B. Naratibong Ulat C. Ulat Progreso D. Ulat Pantahanan
2. Bilang isang Kapitan ng iyong barangay, iyong napansin ang kawalan ng suplay ng tubig sa iyong nasasakupan.
Upang makahingi ng tulong sa may mataas na nanunungkulan. Ikaw ay gagawa ng isang __________.
A. Proposal B. Ulat Progreso C. Memorandum D. Liham
3. Tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga
halagang kailangan upang makabawi (break even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansyal. Anong uri
ng feasibility study ang inilalarawan.
A. Financial Feasibility B.Technical Feasibility C. Economic Feasibility D. a&c
4. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng nakalagay sa makina. Maaaring sumabog ang baterya ng
makina kapag napabayaang nakasaksak sa labis na boltahe. Ang pahayag ay isang _____.
A. Babala B. Paunawa C. Anunsiyo D. Paalala
5. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Walang kasinungalingan. Serbisyong totoo lamang.
A. sulating promosyonal B. sulating inter-personal C. sulatin ukol sa produkto D. wala sa nabanggit
GAWAIN 2: SALIKSIK- NEGOSYO
SIKAT NA PRODUKTO/NEGOSYO
Panuto: Sa pamamagitan ng social media, kapanayamin ang URI Paano nakilala/sumikat?
iyong kaibigan/kaklase tungkol sa lugar na pinaggalingan nila at PAGKAIN
ang sikat na produkto/negosyo sa kanila. Itala ang iyong
nakalap na impormasyon sa iyong sagutang kwaderno sa tulong PRODUKTO
ng Talahanayan sa ibaba.Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Iba pa

GAWAIN 3: KOMERSYAL-SIKAT
Panuto: Kumalap ng dalawang larawan sa social media ng mga sikat na komersiyal na madalas mapanood sa
telebisyon. Saliksikin ang mga mahahalagang detalye ng pagsikat o pagiging tanyag nito o kuwento sa likod nito. Gamit
ang 3 Layunin ng sulating Teknikal-Bokasyunal (magbigayimpormasyon, magsusuri, maghikayat), ipaliwanag ang
nakalap na datos. Gawing patnubay ang talahanayan sa ibaba:

Larawan ng sikat na Ano-ano ang mahahalagang Ano-ano ang estratehiyang ginamit ng Ano ang nabuo
komersyal impormasyon sa likod nito? may-ari para makahikayat? mong pagsusuri?
1.
2.
GAWAIN 4: PANGARAP AY SALIKSIKIN
Panuto:Pag-isipan at isulat ang pinakagusto mong maging trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral. Alamin sa
pamamagitan ng pananaliksik/pakikipanayam ang mga pangunahing gampanin ng propesyon, mga
kompanyang maaaring pasukan.Gumamit ng hiwalay na papel sa sagot.
Ang gusto ko… Mga Gampanin (Mga) Kompanya

RUBRIC SA PAGBUO NG SULATIN HANGO SA PANANALIKSIK


Pamantayan Puntos
Linaw ng mga datos na nakalap/ginamit 5
Pagkilala sa mga pinaghanguan 5
Kaangkupan ng mga salita at balarila 10
Kabuoang Puntos 20
IV. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 3
Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino
Schools Division Office
Tabaco National High School
Tabaco City
Sanayang Papel sa Pagkatuto ng
FILIPINO SA PILING LARANG/ TechVoc
Bilang 4
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________
Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
A. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyonal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
II. KONSEPTO NG PAGKATUTO
PAKSA: Deskripsyon ng produkto (Mula sa F11/12 Q1 Piling Larang Tekbok Modyul 4)
A. Deskripsyon ng produkto -Tila naamoy ng mga bata ang masarap na fried chicken at spaghetti ng Jollibee
sa tuwing naririnig sa radyo o TV ang sikat na tagline na pinauso nila, ang “Sa Jollibee bida ang saya!”
Ang mga taglines na ito ay kailangan sa makabagong panahon ngayon. Maraming produkto, maraming
sebisyo at maraming pagpipilian- anupa’t kailangang umisip ang bawat kompanya ng mga pakulo na
magmamarka sa kanilang mga kostumer. Hindi lang sa mga produktong pagkain, nariyan din ang mga RTWs,
cosmetics at kung ano-ano pa.
Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay–katangian sa isang produkto o
serbisyo bago ito tangkilikin ng isang mamimili. Kalimitang matatagpuan ang ganitong paglalarawan sa pabalat
ng mga magazine, sa mga websites, bill board, poster, telebisyon, radyo at iba pa. Madaling maakit ang mga
tao sa mga naririnig o nakikita. Hindi man ang mga ito 100 % na totoo sa resulta kung gagamit o tatangkilik
nito, ngunit aminin man o hindi ay malaki ang impluwensiya ng mga paglalarawang ito upang bumenta sa
masa. Higit itong umaakit ng paningin kung ang mga nag-eendorso nito ay mga sikat ding celebrities o artista
ng kasalukuyang panahon.
Sa pagpapakilala at paglalarawan sa isang produkto, may mga hakbang na dapat isalang-alang. 1) Ang
paglalarawan ay dapat malinaw at makikita ang kaibahan sa ibang kahawig na produkto; 2)Gawing tiyak ang
paglalarawan sa mga katangiang ilalahad; 3)Panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan,at akma sa
aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng deskripsyon upang maiwasan ang kalituhan ng
mambabasa/manoood o tagapakinig.
Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng deskripsyon ng produkto.
1. Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang podukto
2. Panatilihing tiyak sa mga katangiang ilalahad sa deskripsyon.
3. Panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan,at akma sa aktuwal na produkto ang pagkakabuo ng
deskripsyon upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
4. Kalimitang binubuo ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig
bumili o gumamit nito.
5. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsyon ng produkto at maaaring kakitaan ng mga
salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
III. MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.
GAWAIN 1:Share mo lang (SML)
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng deskripsyon ng produkto.Magbigay ng iyong hugot
sa bawat hakbang.(10pts)
Hakbang sa Deskripsyon ng Produkto #SML HUGOT
1 .Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng Kailangang maging klaro ng iyong paglalarawan katulad ng iyong
paglalarawan sa isang produkto sinumpaang pangako dapat klaro rin.
2
3
4
5

GAWAIN 2:What is in your mind?


Panuto: Gumawa ka ng isang deskripsyon ng produkto mula sa larawan na makikita sa iyong kaliwa.
Rubriks/Pamantayan:
------------------------------------------------ Hikayat 2
------------------------------------------------ Orihinalidad 3
------------------------------------------------ Estilo 2
------------------------------------------------ Estruktura at gramatika 3
------------------------------------------------ Kabuuang Puntos 10
GAWAIN 3:PASIKATIN MO!
Panuto: Gamit ang parehong mga paksa sa Gawain 2, magbigay ng mga tagline sa mga produktong nakikita
mo sa ibaba na hindi lalampas sa dalwang pangungusap.
1. Abaka; 2. Banig; 3. Barong Tagalog; 4. Pansit; 5. Kakanin
Rubriks/Pamantayan:
Hikayat 2
Orihinalidad 3
Estilo 2
Estruktura at gramatika 3
Kabuuang Puntos 10

GAWAIN 4: IKONTESTWALISADO MO.


Panuto: Mag-isip ng produktong mayroon sa inyong lugar, pagkain, kagamitan o iba pang negosyo.
Gumawa ng deskripsyon tungkol dito gamit ang pinag-isipang TAGLINE bilang panimula. Balikan ang mga
talakay at natutuhang hakbang sa paggawa nito. Gamitin pa ring RUBRIC ang nasa gawain 3.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------

GAWAIN 5: Panuto: Sa iyong sagutang papel gumawa ka ng isang leaflets na magpapakita ng deskripsyon ng
produkto. Pumili ng isang produkto na may kaugnayan sa iyong specilization.

Narito ang Rubic para sa iyong ginawang leaflets


Nakakapukaw ng atensyon 5
Payak at simple ang paglalarawan ng produkto 5
Tamang gamit ng gramatika at estruktura 5
Kabuuan 15

V. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 4

Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino
Schools Division Office
Tabaco National High School
Tabaco City
Sanayang Papel sa Pagkatuto ng
FILIPINO SA PILING LARANG/ TechVoc
Bilang 5
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________


Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
A. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo (flyers at leaflets)
II. KONSEPTO NG PAGKATUTO
PAKSA: Promotional Materials (Mula sa F11/12 Q1 Piling Larang Tekbok Modyul 5)
A. Promosyonal na materyal - Ang promosyonal na materyal ay karaniwang ginagawa ng mga kompanya o
negosyante upang makahikayat ng mas maraming mamimili.
Ang promosyon o promo ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa
pamamagitan nito, nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o serbisyo
sa itinakdang panahon. Ginagawa ang promo upang maaakit ng mga potensiyal na kostumer. Karaniwang takaw-
tawad ang mga mamimili. Mas mababa ang presyo, mas dinudumog ito ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang
mga kompanyang nag-aalok ng produkto o serbisyo ay nagsasagawa ng mga promo. Sa promo, bukod sa
mababang presyo, nag-aaalok din ng produkto o serbisyo na higit kaysa sa makukuha ng mga mamimili sa
karaniwang araw.
Upang lubos na mahikayat ng mga kompanya o seller ang mga kostumer, sila ay gumagawa ng iba’t ibang
pakulo para bumenta. Karaniwang ginagawa nila ay ang promosyonal na materyal. Sinasalamin ng promosyonal na
mga materyal ang kompanya at ang branding o imahen na nais nitong ipakita sa publiko.
A. Mga Dapat Tandaan sa paggawa ng Promosyonal na Materyal
1. Sa promosyon kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang inaakma ang mga gawain
sa target market.
2. Paghandaang mabuti ang mga materyal na gagamitin.
3. Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng promosyong isinasagawa.
4. Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga mamimili ang produkto o serbisyong iniaalok.
5. Huwag maglagay ng makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.
6. Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propesyonal kaugnay sa gagawing promosyonal na materyal.
C. Dalawang (2) Uri ng Promosyonal na Materyal
1. Flyers- Ginagamit ito para sa diseminasyon o pagpapakalat ng mga impormasyon tungkol sa isang
personal na gawain o sa isang negosyo. Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung
maraming kopya ang inilalathala at ipamimigay o ipapaskil. Mahalaga rin ito para sa mga maliliit o
nagsisimulang negosyo sapagkat nakatutulong ito na mapansin ng mga tao ang kanilang produkto o serbisyo.
2. Leaflets- Tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na materyal. Gayunpaman, higit na malaki at mas
komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers. May ibat-ibang dahilan sa pagpapalaganap ng
leaflets na tinatawag ding brochures o pamphlets.
Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa kompanya ng
pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari. Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa
dalawa o higit pang bahagi, na may ibat-ibang disenyo teksto ayon sa partikular na layunin.
Ang leaflet at flyer ay mauuri din bilang mga patalastas.
Ang PATALASTAS ay isang uri ng komunikasyon na ginagamit para sa pangangalakal. Isa itong paraan
para ianunsiyo ang serbisyo o produkto sa anyong nakakaratula, maririnig sa radyo, mapapanood sa
telebisyon, at mababasa sa mga magasin at diyaryo. Layunin ng patalastas na hikayatin at himukin ang mga
tao o kaya’y ipluwensiyahan ang pag-iisip upang tangkilikin at gamitin ang partikular na produkto.
 Ang flyers ay mas higit na komprehensibo ang nilalaman kaysa sa leaflets.
 Nakakatulong ang grapikong presentasyon sa mga materyal na promosyon upang mas madaling
matandaan ng mga tao ang mensahe sa tulong ng mga imahen.
 Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyers at leaflets upang makapanghikayat sa mga tagatangkilik ng
kanilang produkto. Kinakailangang nagbibigay ito ng impormasyon, maging tiyak o direkta ang mga datos
na nakasulat dito.
III. MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.
GAWAIN 1: Punan ang Patlang
Panuto: Punuan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag. (2X)
1.Ang flyers, leaflets at brochures ay ilang mga halimbawa ng _________________.
2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang ____________ng mamimili.
3. Ang ________ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon
tungkol sa isang produkto o serbisyo.
4. Ang _________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promosyonal na materyal at may pagkakahati-hati ng mga
impormasyong nakalagay rito.
5. Naglalaman ang _________ ng maskakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating
na mensahe sa biswal na paraan.
GAWAIN 2: TALAS AT LISTA
Panuto: Ilista sa patlang ang angkop na salita upang mabuo nang malinaw ang talata. Pairalin ang talas ng
isip sa pagpili ng tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
Ang 1. ______ ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng 2. _____, kung saan nagbibigay ng
mas mababang halaga ang mga nagbebenta ng mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon. Sa promosyon,
kailangang isaisip ang 3. _______ at imahen ng kompanya habang iniaaakma ang mga gawain sa 4. ____.
Sa pagbuo ng promosyon, kailangang paghandaang mabuti ang mga 5. ______ na gagamitin. Bumuo ng tema
na angkop sa 6. ______ ng promosyon. Isaalang-alang ang mga nais at ang mga 7. _______ na mamimili. May dalawang
pangunahing uri ng promosyonal na materyal. Ginagamit ang 8. ______ sa diseminasyon o pagpapakalat ng 9. ______
tungkol sa isang personal na gawain o isang negosyo. Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may kasamang 10.
______ at maikling teksto. Kailangang simple at mas malaki ang 11. ______ . gawing simple ang 12. _______. Higit na
malaki at mas 13. ______ ang nilalaman ng leaflets. Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o
kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan na may paniniwala o 14. ______. Kailangang ingatan ang pagsulat
ng teksto at ang 15. ______ ng parehong materyal
materyal promosyon o promo komprehensibo flyer
negosyo gramatika impormasyon target market
mensahe pamagat adbokasiya reputasyon
layunin larawan pangangailangan desisyon

GAWAIN 3: COMPARE at CONTRAST


Panuto: Gamit ang COMPARE at CONTRAST, ibigay ang mga pagkakahawig at pagkakaiba ng katangian
flyer at leaflet.
FLYER LEAFLET

GAWAIN 4: Suriin Natin.


Panuto: Pansinin at suriin ang Flyer sa ibaba. Ilista/ ibigay ang bahagi na may arrow sa sagutang papel.

1. _____________

2. _____________
3._____________

4._____________

5.____________

GAWAIN 4:Panuto: Magbigay ng limang bagay na kadalasang matatagpuan sa mga promosyonal na


materyal.
PROMOSYONAL NA MATERYAL

1. ______2.____3._____4._____5._____

IV. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 5

Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino
Schools Division Office
Tabaco National High School
Tabaco City
Sanayang Papel sa Pagkatuto ng
FILIPINO SA PILING LARANG/ TechVoc
Bilang 6
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________
Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
A. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit na wika
II. KONSEPTO NG PAGKATUTO
PAKSA: Liham-Korespondesya (Mula sa F11/12 Q1 Piling Larang Tekbok Modyul 7)
A. Introduksiyon sa Korespondensiya
Uso pa ba ang pagpadala ng sulat? Sa panahon ngayon na mabilis na ang pagpapadala ng mensahe
sa isang klik lang tulad ng text messaging, ay may mga pagkakataon pa kaya na sumulat ng liham ang isang
tao sa kanyang kaibigan na nasa malayong lugar at ipinadala ito sa pamamagitan ng paghulog nito sa post
office? Marahil, sa mga paaralan o sa klase na may bahagi sa pagsagawa ng malikhaing pagsulat, dito ang
mga mag-aaral ay napipilitang gumawa batay sa naging damdamin o karanasan niya.
Sa gitna ng makabagong teknolohiya, gamit ang mga apps ay hindi naman dapat kalimutan ang
pagsulat ng liham. Isa na rito ay ang liham-pangangalakal na ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakalan.
B. Iba pang uri ng Korespondensya
Maliban sa liham pangangalakal, mauuri ring korespondensiya ang memorandum, at elektronikong liham.
Ang mga ito ay mga rekord na naghihikayat ng aksiyon, nakikipagtransaksiyon tungkol sa negosyo at
nagpapanatili ng tuloy-tuloy na daloy ng komunikasyon sa trabaho. Sa pagsulat ng mga ganitong uri ng liham ay
maging maingat ayon sa layunin at sitwasyon sapagkat maaaring magdulot ng emosyonal na tugon sa mambabasa
ang mga korespondensiya.
Mahalagang ingatan ang tono at ang organisasyonal sa pagsulat. Isipin kung ano ang kanilang magiging
reaksiyong emosyonal at lohikal sa mensaheng ipapadala.
1. Liham pangangalakal - Ang liham-pangangalakal ay liham na sinusulat sa iba’t ibang trabaho o
larangan. Karaniwang isinusulat ang mga liham na ito para sa mga tao sa labas ng organisasyon o kompanya.
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham na ito at maaari din itong kakitaan ng salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
Ang liham-pangngalakal ay hindi kahalintulad sa personal na liham. Magkaiba ang bahagi nito sapagkat
higit na pormal ang pagsulat ng liham pangangalakal. Dapat tandaan
ng manunulat na ito ay liham na nakatuon batay sa sitwasyon. Ang uri ng papel na
ginagamit ay may pamuhatan nang nakalimbag o pangalan ng kompanya, ngunit nilalagyan ng petsa ang liham
pangangalakal.
2. Memorandum/memo - isang maikling sulat-mensahe o ulat mula sa isang tao tungo sa isang
departamento ng isang kompanya /organisasyon tungo sa iba. Ito ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa
loob ng isang organisasyon o kompanya. Ito ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatatas na
tungkulin sa mga nakababang kasamahan sa trabaho.
Ano ang layunin ng Memorandum?Ito ay upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na,
kasalukuyan o bagong usapin o tuntunin sa trabaho. Layunin din nito magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng
patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat.
Ano-ano ang gamit ng Memo?Ang gamit ng memo ay paghingi ng impormasyon; pagkompirma sa
kumbersasyon; pag-aanunsiyo ng pagbabago sa mga pulong; pagbati sa kasamahan sa trabaho; pagbubuod ng
mga pulong; pagpapadala ng mga dokumento; at pag-uulat sa pang-araw-araw na gawain.
Paano naman ang pagsulat ng Memorandum?
Binubuo lamang ng Ulo at Katawan ang isang memo. Sa ulo matatagpuan ang eksaktong petsa kung
kailan sinulat at ipinaskil ang memo at ang paksa nito.Dito din matatagpuan ang panimula at ang buod.
Sa katawan naman matatagpuan nag detalye tungkol sa memo na inihanay ayon sa pagkakasunod-sunod
ng talata. Dapat laging ilagay ang buong pangalan sa taong padadalhan o tatanggap ng memo.
Halimbawa:
Para sa/kay: (Pangalan at titulo ng tagatanggap ng memo o
pangalan ng opisina o departamentong padadalhan)
Ulo Mula sa/kay: (Pangalan at titulo ng nagpapadala)
Petsa: (Kumpletong petsa kung kalian isinulat ang memo)
Paksa: (Tungkol saan ang memo, binibigyan ito ng diin)
Ang unang Talata ng memo ay nagsisimula dalawang espasyo matapos ang ulo o linya ng
paksa. Nakasagad sa kaliwang gilid o margin ng papel ang mga talata at may isang espasyo.
Naglalaman ito ng mensahe at dapat na tiyak at maikli

Ang pangalawang talata ay nagsisimula matapos ang isang blangkong espasyo matapos
Katawan ang unang talata. Maglagay ng mga detalye sa bahaging ito . ito ang naglalaman ng
suportang detalye.
Ang pangwakas na pangungusap ay karaniwang nanghihingi ng tugon.

Kalakip (kung may kalakip na dokumento, banggitin ito matapos ang huling pangungusap)
Pormal ang memorandum kaya ang gamit ng wika dito ay magalang at gumagamit ng pangatlong
panauhan. Mas pormal at magalang ang mga panghalip na “kayo” “sila” o “tayo”.
3. Ang Elektronikong Liham o E-mail - Isang uri rin ng korespondensiya ang e-mail. Sa pamamagitan nito
ay nakapagpapadala ng liham, memo at iba pang dokumento mula sa isang kompyuter papunta sa isa pa gamit ang
mga serye ng mga network ng kompyuter. Madami ang gumagamit ng e-mail dahil sa bilis ng pagpapadala at
madali ito lalo na ang pagpapalitan ng maikling mensahe ng mga tao na may takdang usapan o paksa o nakikipag-
ugnayan sa isa’t isa tungkol sa pang-araw-araw na gawain.
Mga sitwasyon na sinasaklaw ng liham pangngalakal/pagnenegosyo
paghahanap ng trabaho paghingi ng impormasyon
pagtugon sa tanong o paglilinaw promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo
pagkalap ng pondo pagrehistro ng mga reklamo
koleksyon ng mga bayad pagbibigay ng instruksyon
pag-aanunsiyo talaan o rekord ng kasunduan
pormal na imbitasyon follow-up tungkol sa usapan sa telepono, at
pagpapadala ng dokumentong teknikal. At iba pa
III. MGA GAWAIN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.
GAWAIN 1: ISULAT MO
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang angkop na Panulat ng tamang sagot na nasa ibaba.
______ 1. Ang bahaging ito ay karaniwang nagsisimula sa mga salitang “Mahal na...” na sinusundan
naman ng apelyido ng taong sinusulatan.Karaniwang may titulo ito na maaaring simpleng
G.(ginoo), Bb.(Binibini) o maging titulosa propesyon o tungkuling hawak ng taong pinadalhan, hal.
Prop.(propesor), Dr. (Doktor) Atty. attorney), lagi itong nagtatapos sa kuwit (,).
______ 2. Maglaan ng limang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Kadalasang kasama
rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hin naman laging kinakailangan.
______ 3. Nasusulat bilang teksto o talata ang liham pangnegosyo. Maaaring may indensyon ang
mga unang linya ng mga talata.
______4. Ito ay mula sa salitang „buhat” na ang ibig sabihin ay pinagmumulan o pinaggalingan”.
Nagtataglay ito ng adres, petsa at telepono o numero ng fax,addres ng e-mail o iba pa.
______5. Dito nakasulat ang addres na pinadadalhan ng liham.Lagi itong nasa kaliwang bahagi.
Kompletuhin ang addres na ito at isama ang titulo at pangalan ng padadalhan ng liham.

pamuhatan Bating Pambungad Pamitagang pangwakas


Patunguhan Katawan
a

GAWAIN 2: Dugtungan Tayo!


Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, suriin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng liham-
pangnegosyo at memorandum. Dugtungan ang sumusunod na pangungusap sa loob ng kahon batay sa iyong
nalalaman at mga palagay.
Liham Pangnegosyo Memorandum
1. Kadalasang isinusulat ito kapwa Kadalasang isinusulat ito kapag
_____________________ _________________________

2. Ang tono ng liham pangnegosyo ay Ang tono ng memorandum ay


__________________ ______________________

3. Ang Liham Pangnegosyo ay isinusulat ng Ang memorandum ay isinusulat ng


__________________ para sa _____________ ___________________para sa______________

4. Mahalaga ang liham pangnegosyo sa isang Mahalaga ang memorandum sa isang kompanya
kompanya o organisasyon sapagkat sa o organisasyon sapagkat sa pamamagitan
pamamagitan nito._______________ nito _______________________

GAWAIN 3:Panuto:Suriin ang halimbawa ng liham-pangnegosyo/pangangalakal sa ibaba. Ibigay ang mga


mahahalagang impormasyon na hinihingi sa talahanayan. Gawin ito sa iyong sagutang kuwaderno.
1. Saan galing ang liham?
2. Sino ang nagpadala?
3. Saan ipinadala?
4. Para ito kanino?
5. Ano-ano ang mahahalagang
petsa na makikita sa liham?
6. Ano ang layunin ng liham?
7. Ano ang mahalagang gawain
na binanggit sa liham?
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Kagawaran ng Edukasyon
Region V (Bicol)
TANGGAPAN NG DIBISYON NG LUNGSOD LIGAO
BINATAGAN, LUNGSOD LIGAO 4504

Agosto 17, 2018

DR. HELEN R. LARA


Pangulo, Pamantasan ng Sorsogon
Lungsod Sorsogon

Ginang:

Isa pong pagbati!

Ang DepEd Dibisyon ng Lungsod Ligao bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 ay nagtampok ng ilang mga patimpalak sa
ilalim ng tema nito ngayong taon na “Filipino: Wika ng Pananaliksik.”

Kaugnay nito ay nais naming imbitahin si DR. FELISA MARBELLA, isa sa mga magagaling
ninyong propesor na maging isa sa Lupon ng Inampalan sa Dito sa Aming Lipunan: Timpalak-
Pananaliksik para sa mga mag-aaral sa Senior High School. Ito ay isasagawa sa Agosto 22,
2018 sa aklatan ng Dibisyon sa ganap na ika-9:00 n.u.

Ang kahusayan ni Propesor Marbella sa larangan ng pananaliksik ay tunay na hindi


matatawaran upang mapili naming maging isa sa mga hurado. Inaasahan namin ang inyong
pagpapaunlak sa aming kahilingan.

Una na rito ang tapos-puso naming pasasalamat.

Lubos na gumagalang,

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino
Dibisyon ng Lungsod Ligao

GAWAIN 4:Panuto:Sumulat ng isang liham pangnegosyo para sa iyong kapwa mag-aaral tungkol sa
pagbabago sa sistema sa pagpasok sa paaralan. Gawing nilalaman ang bilang 1-5 na nasa ibaba.

___________________________________________________

__________________________________________________

___________________________________________________

1. Pagsunod sa ipinapatupad sa new normal na pagbabalik eskwela.


2. Ugaliin ang pagsuot ng Face mask.
3. Laging maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer para makaiwas sa sakit di lamang ng covid –
19 kundi ng iba pang sakit.
4. Pagpapaala na ang “Kalusugan ay kayamanan.”
5. Sundin ang gabay sa pagsulat ng liham pangnegosyo.
Pamantayan Puntos Iskor
May maaayos na nilalaman at pagbanggit sa sitwasyon 5

Malinaw ang mga punto 5


Nakasusulat ng liham pangnegosyo batay sa maingat, wasto at 5
angkop na paggamit ng wika
Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 5
Malinis at presentable ang papel 5
Kabuoang Puntos 25

IV. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 7

Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino
Schools Division Office
Tabaco National High School
Tabaco City
Sanayang Papel sa Pagkatuto ng
FILIPINO SA PILING LARANG/ TechVoc
Bilang 7
Unang Semestre, Unang Kwarter, T. P. 2021-2022
Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Petsa: ___________________
Baitang, Strand at Seksyon: ______________________________________ Iskor: _________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal- bokasyunal na sulatin
II. KONSEPTO NG PAGKATUTO
PAKSA: Etika sa pagsulat (Mula sa F11/12 Q1 Piling Larang Tekbok Modyul 8)
A. Kahulugan - Ang ETIKA ayon sa Wikipediang Filipino, ay isang disiplina na tumutukoy sa kung ano ang
MABUTI o MASAMA sa pagtupad ng tungkuling moral at obligasyon. Ito ay ang pangkalahatang termino na
madalas inilalarawan na "agham ng moralidad." Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang "kabutihan."
Ang layunin ng teorya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong
lipunan.
Ang etika ay tumutukoy sa kung ano ang mabuti o masama sa pagtupad ng tungkuling moral at
obligasyon. May layunin itong timbangin kung ano ang mabuti.
Ang salitang kabutihan ang kaugnay ng salitang etika.
Naging bukambibig ng marami ang mga salitang “copy and paste.” Higit sa sa mga mag-aaral, kapag
mayroong mga takdang gawain gaya ng reaction paper, written projects at iba pang assignments ang mga
guro, nagiging instant reaction nila ang “I-google mo.” Sino ba ang ayaw sa madaling paraan? Sino ang
gustong pahirapan ang sarili? Wika nga nila “Work Smart!”
Ngunit lingid sa marami, ang “Copy and Paste” na naging paborito ng nakararami ay tuwirang
pangongopya ng ideya ng isang tao mula sa isang sulatin. Ito ay isang malinaw na krimen dahil isang
paglabag sa itinatadhana ng batas na tinatawag na plagyarismo o plagiarism sa Ingles. Dito sa Pilipinas mas
kilala ito sa R.A. 8293 o Intelellectual Property Code of the Philippines.
Ano ang tawag sa paglabag sa R.A. 8293?
Ito ay plagyarismo o plagiarism. Tumutukoy ito sa maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya,
pananaliksik, lengguwahe at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kanya. Isang uri
ito ng krimen.
Ang simpleng pagkopya (cut/ copy and paste) ng mga materyales sa internet o di kaya ang
pag-uulit sa isang ideya na narinig o nabasa ay isang halimbawa ng plagyarismo, sinadya man o hindi.
Ang pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay isang responsabilidad. Ang plagyarismo ay
nararapat lamang na iwasan ng mga mag-aaral. Narito ang ilang TAGUBILIN na kailangang isaalang-alang
upang magsilbing etika sa paghahanda ng anumang sulatin.
ETIKA SA PAGSULAT
a. Bawat hiram na termino at ideya ay gawan ng karapatang tala at pagkilala ng
pinaghanguan. (Atienza, et al., 1996 at Bernales et. Al., 2008)
b. Huwag magnakaw ng mga salita. SIpiin ang mga ito at bigyan ng karampatang pagkilala.
c. Huwag magkubli sa mga datos para lamang palakasin o patibayin ang argumento o para
ikiling ang pag-aaral sa isang partikular na pananaw.
d. Tiyaking mapanindigan ang lahat ng interpretasyong binuo batay sa kanyang masinop at
maingat na pagsusuri ng kanayang mga datos na nakalap.
e. Ang datos na nakalap na nasa ibang wika na isinalin sa wikang Filipino ay bigyan ng
karapatang pagkilala upang mabatid na ito ay salin at hindi orihinal.
f. Tiyakin ding mabigyan ng pagkilala ang inspirasyon ng isang himig, tono o ideya.
Sanggunian: Pananagutan ng isang Manunulat-Mananaliksik, p. 143-145
Nina Rolando Bernales, et.al., 2012
Pagbasa at Pagsulat: at Introduksiyon sa Pananaliksik:

III. MGA GAWAIN


Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga panuto at pahayag na inilahad sa bawat gawain
upang matukoy ang hinihinging kasagutan sa mga ito.
GAWAIN 1: REHAS O ROSAS?
Panuto: Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Suriin kung
mapupunta sa REHAS ang manunulat o mabibigyan ng ROSAS batay
sa pagsasaalang-alang ng mga etikang dapat sundin.

_____1. May pananagutan ang bawat manunulat o mananaliksik sa mga datos na kanyang kinakalap para sa
isang sulatin.
______2. Ang batas tungkol sa plagyarismo ay hindi lang sa Pilipinas sinusunod.
______3. Republic Act 8393 ang kumakatawan sa plagyarismo sa Pilipinas o Intellectual Property Code of the
Philippines.
______4. Maaaring banggitin ang isang linya ng awitin sa isang sulatin nang hindi mo kailangang banggitin
ang kompositor o umawit nito.
______5.Ang bibliography ng isang aklat ay isang uri ng pagkilala sa mga pinaghanguan ng awtor sa pagbuo
nito.
GAWAIN 2: I-ULAT MO!
Panuto: Iulat sa sariling pananalita ang mga datos sa talahanayan. Gamitin ang mga cohesive device na
parirala upang kilalanin ang pinaghanguan ng mga datos bilang pagsunod sa etika ng pagsulat.
Datos Cohesive Device Ulat Mo
Ano: Mga Kataw di umano
Sino: Mga mangingisda at taga lalawigan ayon sa
Saan: Lalawigan ng Northern Samar binigyang –diin
Kailan: Nitong Mayo 2019
Bakit: May mga mangingisda na nawawala na hindi
nakababalik
Paano: Sa pakikipanayam sa ilang residente,
pinaniniwalaang naiengkanto ang mga
mangingisda ng awit ng mga kataw o sirena.
Ano: 4,817 kataong namatay sa sanhi ng COVID-19 sa tala
Sino: World Health Organization(WHO) ayon sa
Saan: bansang Italy sa paglilinaw
Kailan: Mayo 2020
Bakit: maraming doktor at narses ang naunang
infected ng virus; maraming asymptomatic
Paano: Press Conference ng pangulo ng Itlaly

GAWAIN 3: DATOS KO, PUSUAN MO


Panuto: Muling isulat ang mga pahayag sa talahanayan. Isaalang-alang ang pagkilala sa mga
pinaghanguan bilang pagsunod sa etika ng pagsulat. Tingnan ang unang halimbawa.
Pahayag Pinusuang Pahayag
Hal.) Etika- ay isang disiplina na tumutukoy sa Ang ETIKA ayon sa Wikipediang Filipino,
kung ano ang mabuti o masama sa pagtupad ng ay isang disiplina na tumutukoy sa kung
tungkuling moral at obligasyon. ano ang MABUTI o MASAMA sa pagtupad
Sanggunian: Wikipedia ng tungkuling moral at obligasyon.
1. Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng
magulang mo at ang kamay nila ang iyong ilaw.
-Anak Ni: Freddie Aguiliar
2. Ang Batas Komonwealth Blg. 579 na pinagtibay ng
Kongreso ay nagpapahayag na ang Wikang
Pambansang Pilipino ay isa na sa wikang opisyal
ng bansa.
-Gabay sa Ortograpiyang Filipino 2007
3. Ang pagsulat- ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
-Keller (1985) sa aklat ni Bernales, (2008) Image source: Clip Art

GAWAIN 4: LUGAR MO… # IKMJS NA ‘YAN!


Panuto. Bumuo ng isang Liham-Pangangalakal ng pagbibigay-impormasyon sa KAPUSO MO JESSICA
SOJO upang maitampok sa programa ang isang lugar.
Isalalang-alang ang etika ng pasulat at gamitin ang mga datos ng lugar na nasa kahon. Magdagdag
ng mga impormasyon batay sa dati mo ng alam tungkol dito. Gawing gabay ang RUBRIC sa ibaba sa
pagbuo ng liham-pangangalakal.

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Ligao is geographically located between ligao-map 13 to 14 degrees latitude and 123 to 124 degrees
longitude. It is situated within the central part of the 3rd District of Albay Province and is bounded on the North
by the Municipality of Oas, on the South by the Municipality of Guinobatan, on the East by the City of Tabaco
and on the West by the Municipality of Pioduran and Panganiran Bay. Its strategic location makes it the
converging point of population movement coming from various municipalities. Ligao City is about 27 kms from
the Provincial Capitol of Albay, 30 kms. from Legazpi City and 525 kms. from Manila.
In 2015 Census of Population, the city’s population was placed at 111, 399. It grew at an annual growth
rate of 1.24% between 2010 and 2015. The urban population of 30,636 constitutes 27.5% of the total
population. The larger share of the population (80,763) is found in the rural areas since the city’s economy is
basically agriculture.
The average members in a family in Ligao City is 5 and the total household is 22, 280. Ligao City’s
population density is placed at 452 persons per square kilometer.
The dialects vary as the people who came to settle, from Ilacano to Kapampangan to Tagalog, Visayan
and even Muslim traders. However, Ligao City has its own distinct dialect which differs in pronunciation,
meaning and spelling from other Bicol dialects.
In terms of religious affiliation, Roman Catholic is still the dominant religion in the city. Religious tolerance
is observed among the Ligaoeños as indicated by various denominations present in the city such as Iglesia ni
Kristo, Seventh Day Adventist, Church of the Latter Day Saints, Jehova’s Witness, Born Again Christians and
other religious sects.
Source: http://ligaocity.albay.gov.ph/city-profile/

RUBRIC SA PAGBUO NG SULATIN


Pamantayan Puntos
Nasusunod ang bahagi ng liham-pangangalakal 3
Nakasusulat ng organisado, malinaw at 2
kapani- paniwalang liham
Nakasusulat ng liham batay sa maingat, wasto 2
at angkop na paggamit ng wika
Naisasaalang-alang ang mga etika/pagkilala sa 3
mga pinaghanguan
Kabuoang Puntos 10

GAWAIN 5: VLOG – GOSYO


Panuto: Umisip ng isang negosyong patok tuwing summer. Gamit ang iyong cellphone,
gumawa ng isang VLOG para maging mabenta ito. Magbigay-pagkilala sa mga
pinaghanguan ng impormasyong ginamit lalo kung hindi orihinal na galing sa iyo.
Ipapanood sa kapamilya ang nabuong vlog, at papusuan batay sa kanilang
pagtanggap gamit ang leyenda sa ibaba.

Rubriks:
3 puntos 1 puntos

PAMANTAYAN PUSO LAGDA NG


KAPAMILYA
Gamit ng salita ama -
Kuha ng kamera ina -
Tunog kapatid-
Etika kapatid-
KABUUAN

IV. SANGGUNIAN
F11/12 – Q1 – PILING LARANG Modyul 8

Sinuri/Nabatid ni: Inihanda ni:

DAISY B. BRITANICO, MT II FREDIE S. BINADAY, TII


Subject Head, Filipino Guro, SHS-Filipino

You might also like