You are on page 1of 2

Diksiyon

Ang diksiyon ay isa sa mga isinasaalang-alang ng mga makata at kuwentista sa kanilang


paglikha. Sa simpleng pakahulugan, ang diksiyon ay ang mga salita, parirala, o pahayag na
pinipiling gamitin ng manunulat. Isa ang diksiyon sa mahahalagang elemento ng panitikan dahil
ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, paglalarawan ng lunan, pagpapakilala ng tauhan,
pagtukoy ng tema, paghuhudyat ng atityud, at iba pa. Ginagamit din ito bilang pantulong sa
pagbuo ng tono ng kabuuang akda.

May ilang nagsusulat sa Ingles (partikular sa mga akdang historikal o pantastiko) na gumagamit
ng mga lumang salita tulad ng thee, thy, at wherefore upang patingkarin ang Shakesperean na
tono ng kanilang akda. Sa kaniyang serye ng mga nobela, nag-imbento si George R. R. Martin
ng mga salitang tulad ng Maester at Ser para sa nilikha niyang mundo sa A Song of Ice and
Fire. Ang diksiyon naman sa seryeng Harry Potter ni J. K. Rowling ay inangkop sa mga batang
mambabasa, samantalang ang target na mambabasa ng erotikang Fifty Shades of Grey ni E. L.
James ay nakatatanda kaya ang mga salitang ginamit ay angkop sa kanilang edad at
karanasan.

Sa humor writing nina Bob Ong, Marcelo Santos, Eros Atalia, Beverly Siy, at Joselito delos
Reyes, mapapansing pang-araw-araw na lenggLiwahe ang kanilang ginagamit—impormal,
kolokyal, balbal, at minsan ay bulgar. Magaan at karaniwan ang mga salita at pahayag dahil
ang layunin ay magpatawa. Hindi magtatagurnpay ang mga akda sa kanilang layunin kung
napakaseryoso ng mga pahayag. Tiyak na hindi papansinin ang mga ito.

Ihambing ang diksiyon sa mga akdang ito sa mga akdang ang namamayaning tono ay lungkot,
pagdurusa, at pighati. Karaniwang mabigat, pormal, at seryoso ang lengguwaheng ginagamit ng
mga awtor upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Kailangang maging maingat
ang manunulat sa diksiyon. May mga mambabasang patulo na ang luha sa binabasa ngunit
biglang magbabago ang diksiyon. Ano ang nangyari? Bakit biglang gumaan ang eksena? Bakit
biglang nagpatawa ang persona sa isang linya ng tula? Sa mga pagkakataong tulad nito,
maaaring mapakamot lamang ng ulo ang mambabasa, o kaya naman ay itigil na ang
pagbabasa ng akda dahil sa inis.

You might also like