You are on page 1of 1

Bahagi ng Pananalita (Pang-ukol)

Depinisyon
 Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o
lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap
(ng, para sa). Ito ay nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
 Ilan sa mga karaniwang pang-ukol ay sa/sa mga, ng/ng mga, ni/nina, kay/kina, sa/kay
labag sa, nang may tungkol sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay, nang wala para
sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay, tungo sa at mula sa.

Dalawang Pangkat ng Pang-ukol


1. Ginagamit na Pangngalang Pambalana - ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol
sa, para sa
- Mga Halimbawa:
 Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin.
 Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
 Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa Ngalan ng Tanging Tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa
ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
- Mga Halimbawa:
 Para kay Juan ang pagkaing ito.
 Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
 Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo

You might also like