You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

ISABELA STATE UNIVERSITY


Echague, Isabela
MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan:____________________________ Kurso at Seksyon:__________________Petsa: ___________

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay mayroon ang bawat pahayag. Piliin ang iyong sagot sa kahon.
Isulat lamang ang letrang sagot sa patlang.

1. _______ Sintaas ng Tore ng Babel ang bagong gusali!


2. _______ Kapag mas amoy-paa ang bagoong, mas masarap!
3. _______Ngumanganga na ang aking mga sapatos.
a. Pagtutulad
4. _______ Tumatakbo ang oras.
b. Pagwawangis
5. _______ Pakiramdam ko’y nasa loob ako ng freezer ng panahon! c. Pagsasatao
6. _______ Maraming kamay ang handing tumanggap sa kanila sa labas ng bilangguan. d. pagmamalabis
7. _______ Ikaw ay isang tala sa aking paningin. e. paglilipat-wika
8. _______ Bumaha ng handa sa kanilang bahay noong kaarawan ni Kapitan.
f. pagpapalit-saklaw
9. _______ Lumilipad na naman ang isip ni Juan.
g. Pagpapalit-tawag
10. _______ Masipag ang haligi ng tahanan.
h. pagtanggi
11. _______ Para kang latang walang laman.
i. pang-uyam
12. _______ Hindi ako bato para hindi makaramdam ng sakit.
j. pahiman/euphemism
13. _______ Nalaglag ang puso niya sa tuwa nang malamang nakapasa siya sa Board.
k. panawagan
14. _______ Si Benhur ang susi sa kaso ng PDAF Scam.
15. _______ Amoy basang medyas ang kuwarto natin ngayon!
16. _______ Maganda ang sulat mong manok.
17. _______ Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala.
18. _______ Kumakaway ang mga bulaklak sa hardin.
19. _______ Pakiramdam ko nililitson ako sa sobrang init.
20. _______ Ferdinand Marcos, maaari bang ibaba muli ang Martial Law?

PANUTO: Tukuyin ang wastong gamit ng mga salita sa bawat pangungusap.

________1. (May, Mayroon) nga kaming pagsusulit.


________2. Paano (kung, kong) hindi ako makapasa?
________3. Ibig (kong, kung) magrebyu na lamang.
________4. Napakarami ko pa (ring, ding) haharaping pagsubok.
________5. (Subukan, Subukin) ko mang lumimot ay di ko magawa.
________6. Balik (ng, nang) balik ang mga masasayang alaala.
________7. Makulay (raw, daw) ang buhay sa kolehiyo.
________8. Matutulog na lamang ako (doon, roon) sa bahay ng aking mga kaanak.
________9. Pumasok ka na (rito, ditto) sa ating silid.
________10. Bawal (ng, nang) manigarilyo sa bayan ng Echague.
________11. Ang aking ama at ina ay (magpapakasal, mapapakasal) sa kanilang mga kaibigan.
________12. Alisin mo na ang (pinto, pintuan) sapagkat sira na.
________13. Pupunta kami (kay, kina, kila) Vin.
________14. (Sundan, Sundin) ang mg autos ng institusyong ito.
________15. Iyong (pahiran, pahirin) ng basahan ang natapong tubig.
________16. Ang guro ay (may, mayroon) ibibigay na pagsusulit.
________17. Ang silid ay (may, mga) magagandang disensyo.
________18. Manonood pa (rin, din) kami ng concert.
________19. (May, Mayroon) Harry Potter sa aking talaan.
________20. (Si, Sina, Sila) Pedro ay dadalo sa kasal.
________21. Ngayon ay ( ooperahan, ooperahin) ang aking mata.
________22. Ang utos ko na (walisan, walisin) ang silid ay hindi nasunod.
________23. Darating (kay, kina, kila) Vincent at Mac ang isang sorpresa.
________24. Ang pagiging mabuting tao ng iyong kuya ay iyong (sundan, sundin)
________25. Ang (subukan, subukin) itong hamon ay hindi ko magagawa.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa Hanay B. isulat lamang ang letrang sagot sa
patlang.

Hanay A. Hanay B.

________1. may sinasabi a. palaging sinasabi


________2. nagsusunog ng kilay b. walang tao
________3. bungang tulog c. tahanan
________4. matamis ang dila d. sensitibo
________5. bugtong na anak e. mareklamo
________6. haling ang bituka f. mapapakasal
________7. makati ang dila g. tamad
________8. matigas ang katawan h. masamang tao
________9. makalaglag-matsing i. mahusay magsalita
________10. magmamahabang dulang j. nag-aaral ngmabuti
________11. sanga-sangang dila k. mayaman
________12. makuskos-balungos l. panaginip
________13. may krus ang dila m. nag-iisang anak
________14. talusaling n. madaldal
________15. talusira o. kahanga-hangang porma
________16. sariling pugad p. sinungalin
________17. balitang kutsero q. makapanghuhula
________18. aalug-alog ang bahay r. pabago-bago
________19. nagbibilang ng poste s. kwentong hindi toto
________20. bulaklak ng dila t. walang trabaho

Inihanda ni:

Maynard D. Cabauatan
Guro sa Filipino

You might also like