You are on page 1of 4

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

IKATLONG MARKAHAN – PANANDANG DISKURSO

Pangalan: ______________________________________________ 9 – Temperance


I. Panuto: Punan ng angkop na salitang hudyat ang bawat patlang upang mabuoang diwa ng talata. Piliin
ang mga salitang hudyat sa loob ng kahon.
Sa madaling sabi Kung Bukod sa Saka Dahil

(1) __________ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina. (2) __________kaya lumaki ang kanilang
mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) __________ dito’y sumali sa kilusang
makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules. (4) __________ naging makata at manunulat naman si
Emman at nahilig sa musikang rock ‘n roll si Jason. (5) ___________, nanatilingmatatag ang pamilya
Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon.

II. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ngtamang sagot sa
sagutang papel.

_____ 1. Sa maagang pag-aasawa ni Gani, mabilis din silang nagkahiwalay ng kaniyang asawa, bunga nito
siya’y nanirahan na sa abroad. Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap?
A. Bunga nito B. Mabilis din C. Sa abroad D. Sa maagang
_____ 2. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ang nasalungguhitan ay
nagsasaad ng ______________.
A. Kinalabasan B. Pagbubukod C. Pagdaragdag D. Pasubali
_____ 3. Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki si Amanda ay isa ring tipikal na maybahay.
Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng ____________.
A. Kinalabasan B. Pagbubukod C. Pagdaragdag D. Pasubali
_____4. Ang mga panandang tuloy, bunga nito, kaya ay nagsasaad ng ________
A. Kinalabasan B. Pagbubukod C. Pagdaragdag D. Pasubali
_____ 5. Nagsasaad ng kondisyon o pasubali ang mga sumusunod MALIBAN sa ____________.
A. Kapag B. Kung C. Saka D. Sakali

III. Panuto: Tukuyin kung saan ginagamit ang mga sumusunod na panandang diskurso. Piliin sa ibaba ang
titik ng iyong sagot.
a. enumerasyon b. order/pagkakasunud-sunod c. komparison at kontras c. sanhi at bunga
_____1. Ang mga hakbang ay … _____6. Kabaligtaran ito…
_____2. Ilan sa mga … _____7. Ang mga patunay …
_____3. Salungat sa … _____8. Ganito ang dapat gawin…
_____4. Dahil sa … _____9. Gayundin ang …
_____5. Gayan ng una…pangalawa... _____10. Kabilang dito…
IV. Panuto: Lagyan ng panandang diskurso ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa
kahon.

tulad gayundin ilan sa mga higit na dahil sa


kaya katulad kabilang dito gaya unang
sumunod pinakahuli sanhi ng
1. ____________________ makikita ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ilang ulit na pagtaas ng presyo ng
mga produktong petrolyo, kuryente at tubig nitong unang hati ng 2005.

2. Hindi masusuportahan ng mamamayan ang anumang bagong gobyerno na hindi makakagawa ng


kagyat at medium term na aksyon para maibsan ang tindi ng kahirapan ng mamamayan.
____________________ kagyat na hakbang ay: (a) pagtatakda ng mga kontrol sa presyo ng mga bilihin, laluna
ang mg batayan at mahahalagang proukto at serbisyo ____________________ ng produktong pangkonsumo,
petrolyo, tubig at kuryente.

3. Mismong sa loob ng gabinete ni Arroyo ay bumaliktad na rin ____________________ ang mga pulitiko at lider
ng mga koalisyong nagtaguyod sa gobyernong Arroyo.

4. Ang kompyuter ay nagagamit sa halos lahat ng bagay ____________________ ng komunikasyon,


enterteynment at pag-aaral.

5. Bukod sa taunang pagdiriwang ng Pista ng Masskara, marami pang pang-akit ang lungsod sa mga
turista, ____________________ ang mga lumang simbahan sa Bacolod, ang mga parke, ang mga museo, at iba
pang pook libangan.

6. May 59 na embahada at 19 na konsulado ang Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa, ____________________
napapanatili ang mabuting pakikipag-ugnayan at napangangalagaan ang interes ng Pilipinas at
kapakanan ng mga Pilipinong nasa ibang mga bansa.

7. Natuklasan na marami sa mga kababaihan ay natatakot na gumamit ng contraceptive ____________________


pangamba na may masama itong epekto sa kalusugan.

8. Tatlong linggo nang binubulabog ng mga nakamamatay na karamdamn ang ating lalawigan.
____________________ bumati sa atin ang balitang may kaso ng bird flu sa isang poultry sa Calumpit.
____________________ ay ang pitong-buwang sanggol na hinihinalang namatay dahil sa sakit sa
meningococcemia. At ang ____________________, dengue fever na dumale sa 17 katao sa San Miguel.

9. Hindi ito ang unang pagkakataong naging saksi tayo sa mga eksena ng desperasyon at pagmamakaawa
____________________ labis na pag-aalala at pagkatapos, ng matamis na ngiti at luwalhating dulot ng
pagbabalik ng ating mga OFW sa mainit na yakap ng kani-kanilang pamilya.

10. Ang amoy ng hanging nalalanghap natin ngayon ay halos ____________________ ng hanging una nating
nalanghap noong 2001, ang pinakahuli at pinakabagong alaala natin ng EDSA at demokrasya.
I. (1) Bukod sa isang babae, kumikilos siya bilang isang ina. (2) Kung kaya lumaki ang kanilang mga
anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) Dahil dito’y sumali sa kilusang makakaliwa
ang kanilang panganay na si Jules. (4) Saka naging makata at manunulat naman si Emman at nahilig sa
musikang rock ‘n roll si Jason. (5) Sa madaling sabi, nanatilingmatatag ang pamilya Bartolome sa kabila
ng napakaraming pagsubok ng panahon.

II.
_____ 1. A. Bunga nito
_____ 2. C. Pagdaragdag
_____ 3. B. Pagbubukod
_____4. A. Kinalabasan
_____ 5. C. Saka
III.
1. b. order/pagkakasunud-sunod 6. c. komparison at kontras
2. a. enumerasyon 7. a. enumerasyon
3. c. komparison at kontras 8. b. order/pagkakasunud-sunod
4. c. komparison at kontras 9. a. enumerasyon
5. b. order/pagkakasunud-sunod 10. a. enumerasyon
IV.
1. Higit na makikita ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ilang ulit na pagtaas ng presyo ng mga
produktong petrolyo, kuryente at tubig nitong unang hati ng 2005.

2. Hindi masusuportahan ng mamamayan ang anumang bagong gobyerno na hindi makakagawa ng


kagyat at medium term na aksyon para maibsan ang tindi ng kahirapan ng mamamayan. Ilan sa mga
kagyat na hakbang ay: (a) pagtatakda ng mga kontrol sa presyo ng mga bilihin, laluna ang mg batayan at
mahahalagang proukto at serbisyo tulad ng produktong pangkonsumo, petrolyo, tubig at kuryente.

3. Mismong sa loob ng gabinete ni Arroyo ay bumaliktad na rin, gayundin ang mga pulitiko at lider ng
mga koalisyong nagtaguyod sa gobyernong Arroyo.

4. Ang kompyuter ay nagagamit sa halos lahat ng bagay gaya ng komunikasyon, enterteynment at pag-
aaral.

5. Bukod sa taunang pagdiriwang ng Pista ng Masskara, marami pang pang-akit ang lungsod sa mga
turista, kabilang dito ang mga lumang simbahan sa Bacolod, ang mga parke, ang mga museo, at iba pang
pook libangan.

6. May 59 na embahada at 19 na konsulado ang Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa, kaya napapanatili ang
mabuting pakikipag-ugnayan at napangangalagaan ang interes ng Pilipinas at kapakanan ng mga
Pilipinong nasa ibang mga bansa.
7. Natuklasan na marami sa mga kababaihan ay natatakot na gumamit ng contraceptive dahil sa
pangamba na may masama itong epekto sa kalusugan.

8. Tatlong linggo nang binubulabog ng mga nakamamatay na karamdamn ang ating lalawigan. Unang
bumati sa atin ang balitang may kaso ng bird flu sa isang poultry sa Calumpit. Sumunod ay ang pitong-
buwang sanggol na hinihinalang namatay dahil sa sakit sa meningococcemia. At ang pinakahuli, dengue
fever na dumale sa 17 katao sa San Miguel.

9. Hindi ito ang unang pagkakataong naging saksi tayo sa mga eksena ng desperasyon at pagmamakaawa
sanhi ng labis na pag-aalala at pagkatapos, ng matamis na ngiti at luwalhating dulot ng pagbabalik ng
ating mga OFW sa mainit na yakap ng kani-kanilang pamilya.

10. Ang amoy ng hanging nalalanghap natin ngayon ay halos katulad ng hanging una nating nalanghap
noong 2001, ang pinakahuli at pinakabagong alaala natin ng EDSA at demokrasya.

You might also like