You are on page 1of 2

Pangalan:_________________________________________________________Iskor:________

Baitang at Seksyon:____________________________ 20
Guro:___________________________Petsa:_______________________

PAGSUSULIT # 1

ELEMENTO NG TULA

PANUTO: Piliin mula sa kahon ang elemento ng tula na tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

Tayutay Saknong Larawang diwa

Simbolismo Sukat Sesura

Taludtod Tugma Tula

______________1. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.


______________2. Mga kaisipan na naiiwan sa mga mambabasa.
______________3. Ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panguling salita sa taludtod.
______________4. Ito ay ang bawat linya na bumubuo sa isang saknong.
______________5. Ang pinagsama-samang taludtod sa isang tula.
______________6. Mga salitang nagpapaganda sa isang tula.
______________7. Mga salitang may malalim na kahulugan sa mapanuring isipan
ng mambabasa.

Pagkilala sa Simili at Metapora


Isulat sa patlang ang titik S kung simili o titik M kung metapora ang
isinasaad sa pangungusap.

___ 1. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.


___ 2. Ang kabutihan mo ang sagot sa aking panalangin.
___ 3. Kasing-itim ng uwak ang balak ng kriminal.
___ 4. Ang mga pangako mo ay tila mga sulat sa buhangin.
___ 5. Ang magkapatid ay parang aso’t pusa kung mag-away.
___ 6. Ang mga anak ni Grace ang mga anghel sa kanyang buhay.
___ 7. Si Rosa ay tulad ng nangangatal na dahon sa takot.
___ 8. Marumi at gula-gulanit na basahan ang damit na suot ng batang lansangan.
___ 9. Animo’y mahugong na lamok ang kapatid kong napakakulit.
___ 10. Ang palaruan ng paaralan ay kawangis ng sirko.
___ 11. Dahil laging nagpapatawa si Jessie, siya ang payaso ng aming klase.
___ 12. Ang pag-aalboroto ng pilyong bata ay tulad ng malakas na ipu-ipo.
___ 13. Ang silid na ito ay kasindumi ng ulbo ng mga baboy.
___ 14. Ang asawa ko ang araw ng aking langit.
___ 15. Tangkay ng walis sa kapayatan ang mga bagong modelo.
Isulat sa patlang ang titik S kung simili o titik M kung metapora ang
isinasaad sa pangungusap.
___ 1. Ang kalusugan ay kayamanan.
___ 2. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
___ 3. Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
___ 4. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
___ 5. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
___ 6. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
___ 7. Ang mga palamuti sa mga bahay tuwing piyestang Pahiyas sa
Lucban ay tulad ng mga kulay ng bahaghari.
___ 8. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga.
___ 9. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukangliwayway.
___ 10. Tayo ay mga tupa at si Hesukristo ang ating pastol.
___ 11. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso.
___ 12. Isang masalimuot na makina ang utak ng tao.
___ 13. Ang buhay ay parang laro—minsan talo, minsan panalo.
___ 14. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan ngayong tag-init.
___ 15. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Mike.

You might also like