You are on page 1of 5

BOBBY AND KATES ACADEMY

SCHOOL YEAR 2021-2022


WEEKLY LESSON

“No man is an island”. Nagpapatunay ito na sa buhay ay kailangan natin ng


karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa tao kundi maging
sa isang bayan o lungsod. Ang kasabihang ito ay makikita rin sa pang- ekonomikong
usapin na nasasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

Narito ang ilang paraan kung paano makipagkalakalan ang isang lungsod
upang matugunan ang sariling pangangailangan gayundin ang iba pang lungsod:

1. Barter

- Ito ang sinaunang paraan ng pakikipagkalakalan kung saan direktang


nakikipagpalitan ng produkto na hindi gumagamit ng salapi. Dito ay nagpapalitan ng
produkto ang isang lungsod sa iba pang lungsod.

2. Pag-angkat ng Produkto

- Ang paraan na ito ay makakatulong upang magkaroon ng ugnayan ang


kinabibilangang lungsod sa iba pang lungsod. Nag- aangkat ng produkto ang
lungsod na may kakulangan na makikita lamang sa ibang lungsod upang
matugunan ang kanilang pangangailangan.
Halimba nito ay:

 Ang saganang aning palay ng isang lungsod ay ipapadala sa karatig lungsod


o iba pang lungsod sa bansa.

 Ang mga lungsod na sagana sa produktong pandagat ay inaangkat ng


ibang lungsod na may kakulangan naturang produkto.

Mga transportasyon sa pag-aangkat:

a. Transportasyong Pantubig

Barko Bangka Balsa


BOBBY AND KATES ACADEMY
SCHOOL YEAR 2021-2022
WEEKLY LESSON
b. Transportasyong Panghimpapawid

Eroplano

Ito naman ang sentro ng bagsakan ng mga kalakal:

Palengke o Pamilihan

c. Transportasyong Panlupa

Bus dyip traysikel

3. Festival
- Ito ay isang paraan upang makilala ang mga produkto na nagbibigay sa lungsod ng malaking
kita at pag-unlad ng ekonomiya.

4. Paggamit ng Salapi

- Ginagamit ang salapi na tagapamagitan sa kalakalan upang


ang produkto ng kinabibilangan na lungsod ay maipalit sa iba pang
lungsod.

- Ipinampapalit ang salapi sa mga produkto na pagtugon sa


kanilang pangangailangan.
BOBBY AND KATES ACADEMY
SCHOOL YEAR 2021-2022
WEEKLY LESSON
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nasasaad ng pagpapahalaga sa kinabibilangang
lungsod, kung ito naman ay hindi.

1. Pagtulong sa pagbubuhat ng mga produkto sa pamilihan.

2. Magtago sa loob ng bahay kung may festival na nagaganap sa inyong lungsod.

3. Ipagdamot ang inyong produkto at imbakin sa loob ng bahay.

4. Bumili at tangkilikin ang sariling produkto.

_ 5. Ipagtabuyan ang hindi kilalang tao na bumibili sa inyong produkto.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang pangungusap at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot
sa patlang.
pag-aangkat salapi barter

barko palengke

1. Isang uri ng transportasyong pantubig.

2. Tagapamagitan o pamalit sa produktong bibilhin.

3. Sinaunang paraan ng pakikipagkalakalan.

4. Bagsakan ng mga kalakal o produkto.

5. Isang paraan na nakakatulong sa lungsod na may kakulangan sa naturang produkto.

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay tama, at letrang M naman kung ito ay mali. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. Barter ang sinaunang paraan ng pakikipagkalakalan.

2. Ang pag-aangkat ng pangangailangan ng isang lunsod ay nakakasama sa kanilang ekonomiya.

3. Hindi nakakatulong ang festival sa pag-unlad ng isang lungsod.

4. Gumagamit ng salapi para matugunan ang pangangailangan ng isang lungsod.

5. Dinadayo ang palengke bilang bagsakan ng mga pangangailangan sa lungsod.


BOBBY AND KATES ACADEMY
SCHOOL YEAR 2021-2022
WEEKLY LESSON
BOBBY AND KATES ACADEMY
SCHOOL YEAR 2021-2022
WEEKLY LESSON

You might also like