You are on page 1of 7

ANG SARILING WIKA

Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi, at pagmithi.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno,tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
aliw-iw at himig na nakahahalina
init nito’t pag-ibig mula sa musa
pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha

Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.

Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak

-Isinalin sa Filipino ni Lourdes C. Punzalan mula sa orihinal


nito sa Kapampangan na may pamagat na
“ Ing Amanung Siswan” ni Monico R. Mercado

1. Gaano kaganda ang wikang kapampangan?

a. Ang himig ng tunog ay tulad ng pagaspas ng bagwis ng ibon at tulad ng awit ng


brilyanteng makinang.

b. Ang wikang kapampangan ay humahalimuyak tulad ng bulaklak

c. Ang wikang kapampangan ay kagaya ng kaluluwa maaaring maglakbay

2. Anong bagay ang tinutukoy sa tula na mas mahalaga pa sa kayamanan?

a. kaluluwa

b. wika

c. karanasan

3. Ano ang posibleng mangyari kung ating wika ay di natin tatangkilikin? a

a. Kagaya ng halaman, ang wika ay kailangang diligin at alagaan dahil mawawala


ito kung hindi aalagaan at babantayan.
b. Mawawala at maglalaho ang wika kung hindi magkakaisa ang mamamayan.
c. Dapat magamit ang wika bilang kasangkapan sa pagkakamit ng kaunlaran kaya
huwag itong hayaang mabalewala tulad ng natuyong halaman.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino
4. Suriin ang nais ipahiwatig ng mga nakatalang taludtod b

a. Ang wika nati’y makasaysayan kaya’t dapat ipagmalaki

b. Ang wika nati’y dapat igalang sapagkat ito’y isa sa pagkakakilanlan natin

c . Ang wika nati’y may mga angking katangiang dapat ipagmalaki

5. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat

Ano ang nais ipaliwanag ng may-akda? b

a. Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbay sa iba’t ibang lugar


sa bansa at sa mundo
b. Ang wika ay kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod
na mga salinlahi o henerasyon kung ito ay patuloy na gagamitin.
c. Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba’t ibang
pangyayari sa bawat henerasyon at dako.

6. Paano raw malalaman ang mga mithiin o adhikainng isang bansa o lahi ayon sa

may akda? c

a. Makisangkot sa mga programa o aktibidad na isinulong ng pamahalaan

b. Sumapi sa mga samahan o organisasyon pinamamahalaan ng gobyerno

c. Sa pamamagitan ng sariling wika naiparating ang mithiin o adhikain ng

isang bansa o lahi

7. Aling wika sa bansa ang binigyang pagpupugay ng may akda? c

a. Wikang Filipino
b. Wikang Tagalog

c. Wikang Kapampangan

8. Ano ang masasabi mo sa mga taong di marunong magmahal sa sariling wika? b

a. Taksil sa bayang pinagmulan

b. Tulad ng hayop at malansang isda

c. Sagabal sa pag-unlad ng bayan

Minanang wikang tinanim sa isipan, iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman

9. Ano ang nais iparating ng pahayag na nabasa sa itaas? c

a. Mahirap iwaglit sa isipan ang ating mabubuting natutuhan mula sa ating mga

ninuno

b. Mayaman ang mga taong may natatanggap na yaman mula sa kanilang mga

ninuno

c. Ang wika ay pamanang ibinigay sa atin ng mga ninuno na kailanman ay mana-

natili sa ating isipan

10. Ano ang posibleng mangyari kung ang isang bansa ay walang wikang

pagkakakilanlan? c

a. Ang mga tao ay watak-watak

b. Mawawalan ng saysay ang tao at magkakagulo

c. Walang mainam na komunikasyon at magiging malabo ang pagkakaisa at

pagkakawanggawa
Republic of the Philippines
Department of Education National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Holy Spirit , Quezon City
2nd District Metro Manila
Disyembre 25, 2019

MA. GINA M. ROCENA


Punongguro
Holy Spirit National High School

Madam:

Ang mga nakalagdang gurong mananaliksik ay kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral


hinggil sa antas ng kaalaman ng mag-aaral sa pagbibigay ng interpretasyon sa
pagbasa ng tula tungo sa pagtuklas ng pamaraang pampagtuturo sa asignaturang
Filipino sa Ikapitong Baitang ng Holy Spirit National High School. Layunin ng pag-aaral
na ito na mailapat ang estratehiyang angkop gamitin ng guro upang malinang ang
kakayahan, kasanayan at kaalaman ng mag-aaral sa pagbibigay interpretasyon sa
konteksto ng tula.
Kaugnay nito, hinihihingi po namin ng permiso na bigyang pagkakataon na kami ay
makapamahagi ng mga tanong lalo sa mga mag-aaral ng Grade 7 upang ang
isinasagawang pananaliksik ay maisakatuparan.
Lubos na inaasahan ng mananaliksik ang inyong positibong pagsang-ayon.
Maraming salamat

Lubos na gumagalang,
Mga Mananaliksik

Jesse Vicente
Teacher III

Jenette N. Tabuyan
Dalubguro I

You might also like