You are on page 1of 6

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.1


Textbook based instruction paired SA FILIPINO 9
with MELC-Based Quality Assured
Learner’s Activity Sheet (LAS)
Kwarter 2 Linggo 1

Pangalan: ________________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: ______________________________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC: 1.Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9Pn-IIa-b-45)


2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
(F9PB-IIa-b-45)
3. Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku
(F9PT-IIa-b-45)
4. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-b-47)
5. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
( F9WG-IIa-b-47)
Aralin: Tanka at Haiku, Suprasegmental
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 Pahina: 91-101

Layunin: Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku

Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa Tono ng Pagbigkas sa Tanka at Haiku Araw: 1

KONSEPTO:
Ang TANKA at HAIKU ay ilang anyo ng tula na pinahalagahan ng panitikang Hapon. Ang pinakaunang
tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves.Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang
wikang Hapon sa pagsasalita at walang sistema ng pagsulat.Tinawag na Kana ang ponemikong karakter
na ito na ang ibig sabihin ay “Hiram na mga pangalan.” Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas
ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang Kiru ay
kahawig sa ating sesura sa ating panulaan. Kireji naman ang salitang pinaghintuan o cutting word. Ang
mga salitang ginamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan. Kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng
tagsibol. Ang shigure naman ay unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.
Tanka- ginawa noong ikawalong siglo. Maikling awitin na puno ng damdamin.Nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan.Karaniwang paksa ay pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
Haiku- mas pinaikli sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Ang paksang
ginagamit ay kalikasan at pag-ibig.
Ang tanka at haiku ay nagpapahayag ng masidhing damdamin.

Pagsasanay 1
A. Panuto: Basahin ang sumusunod na saknong. Bigkasin ito ayon sa tamang hinto, intonasyon at
damdamin.

TULA A TULA B
Sa isang iglap…
Naglaho sa kawalan Hila mo’y tabak
Sumilip sa liwanag Ang bulaklak nanginig
Tahimik ang paligid Sa paglapit mo.
May pag-asa ba?
B. Panuto: Suriin ang paksa, mensahe, at tono ng tanka at haiku na nasa pagsasanay 1.

TULA A TULA B
PAKSA
MENSAHE
TONO

1
Layunin: Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku

Kasanayan Bilang:2 Pagsusuri sa Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Tanka at Haiku Araw:2

KONSEPTO:
TANKA- Binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.Karaniwang hati ng pantig sa mga
taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7, o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t
isang pantig pa rin.Paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Tatlumpu’t isaang tiyak na bilang
ng pantig na may limang taludtod. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-pito bilang ng pantig samantalang tig-5
pantig naman ang dalawang taludtod.
HAIKU- Binubuo ng labimpitong pantig na may tatlong taludtod. Karaniwang hinahati ang mga taludtod sa
5-7-5, 5-5-7, 7-5-5.Paksa ay kalikasan at pag-ibig.
Parehong nagsasaad ng masidhing damdamin.
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng tanka at haiku. Itala sa bawat ang
hanay ang hinihingi ng bawat bilang.

TANKA HAIKU
Hindi Ko Masabi Haiku
ni Ki Tsurayuki ni Bashō
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Hindi ko masasabi Ambong kaylamig


Iniisip mo Maging matsing ay nais
O aking kaibigan ng kapang damo
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligaya

Tanka Haiku
Tanka at Haiku
Pagkakaiba Pagkakaiba
1.Sukat:__________ 4.Sukat:
2. Paksa:__________ 5. Paksa:
3. Bilang ng pantig bawat Pagkakatulad 6.Bilang ng pantig bawat
taludtod: taludtod:
7.

Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang mahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku.

Kasanayan Bilang: 3 Pagbibigay Kahulugan ng Matalinghagang Salita Araw:3


KONSEPTO:
Matalinghagang Pahayag – Ito ay nakakapaghubog sa mga intelektwal ng isang tao. Mas binibigyang
kahusayan ng mga pahayag na ito ang mga akda.
- May malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Halimbawa: mababa ang luha/ iyakin
Pagsasanay 1
Panuto: Batay sa kultura ng mga Hapon, isulat sa loob ng kahon ang mga salitang kaugnay ng kahulugan
o ipinahihiwatig ng tanka at haiku sa ibaba.
2
Kahulugan Pagpapaliwang

Naghihintay Ako 1. 2.
Ni: Prinsesa NUkada
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson

Naghihintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo.
Pikit mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
Haiku 3. 4.
Ni BashÕ

Isang dukhang paslit


Sa pagbayo ng palay
Ay tumitig sa buwan.

Layunin: Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat gamit ang suprasegmental.

Kasanayan Bilang: 4 Pagsusulat ng Tanka at Haiku, Paggamit ng Suprasegmental Araw: 4

KONSEPTO:
Ponemang Suprasegmental- Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan,
matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamgitan ng diin,
tono o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
DIIN- ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay
isang ponema sapgkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago ng kahulugan nito. (bigyan ng lakas/ puwersa sa pagbigkas ang nakasulat sa malaking
titik upang mabasa nang tama)
Halimbawa: BU:hay- kapalaran ng tao bu:HAY-humihinga
TONO/INTONASYON- ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag
ng iba’t ibang damdamin, makapagbibigay- kahulugan at makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang pakikipag-usap sa kapuwa. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa: Kahapon=2 1 3 pag-aalinlangan Talaga= 2 3 1 pagpapatibay
ANTALA/HINTO- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo na kuwit (,) dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).
Halimbawa:
Hindi// ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng salitang HINDI. Nagsasabing siya
talaga si Joshua)
Hindi ako// si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng salitang AKO. Nagsasabing hindi siya
ang may gawa kundi si Joshua)

Pagsasanay 1

A. Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng Tanka at Haiku. Isulat muli ang tula at gamitin ang
Ponemang Suprasegmental

3
Gamit ang Ponemang
Suprasegmental(Diin, Tono, Antala)
Naghihintay Ako
Ni: Prinsesa NUkada
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson

Naghihintay ako oo
Nanabik ako sa yo.
Pikit mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas
Anyaya
Ni Gonzalo K. Flores

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika sinta

4
Inihanda ni:

VANESSA GRACE G. CLEOFE


ONHS

5
6

You might also like