You are on page 1of 3

4’AS BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IKA-SIYAM NA BAITANG

Melc: Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa: pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay
opinyon.

Layunin

a. Nalalaman ang pagkakaiba ng pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay opinyon.

b. Natutukoy ang mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ng pagpapaliwanag, paghahambing at


pagbibigay ng opinyon.

c. Nakapagbabalangkas ng pangungusap na nagpapahayag ng pagpapaliwanag, paghahambing at


pagbibigay ng opinyon.

Paunang Gawain

 Panalangin

 Pagtatala ng mga lumiban sa klase

 Pangkalinisan ng silid-aralan.

 Balik-aral: Ang guro ay magtatanong ng mga tanong tungkol sa nakaraang aralin tungkol
sa wika at mga uri ng pangungusap. Ang mga tanong na ito ay makakatulong upang
maipakita ang kaugnayan ng mga aralin.

Paksang Aralin

Paksa: Angkop na ekspresyon sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay opinyon.

Pinagkunan: F9WG-IVg-H-62

Kagamitan: TV monitor, laptop.

Motibasyon

Ipapakita ng guro ang mga larawan ng mga tao na nag-uusap at nagbibigay ng opinyon. Pagkatapos ay
ipapakita ng guro ang mga halimbawa ng mga ekspresyon sa paghahambing, pagpapaliwanag at
pagbibigay opinyon.

Aktibidad

Magkakagroup ang mga mag-aaral at magkakaroon sila ng role play kung saan magbibigay sila ng
opinyon tungkol sa isang paksa gamit ang mga ekspresyon sa paghahambing, pagpapaliwanag at
pagbibigay opinyon.
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang paksa na pinag-uusapan.Sila ay magkakaroon ng 3 minuto
upang paghandaan ang kanilang mga opinyon.

Pagkatapos ng paghahanda, mag-uusap sila gamit ang mga halimbawa ng mga ekspresyon sa
paghahambing, pagpapaliwanag at pagbibigay opinyon.

Pagkatapos ng role play, magkakaroon ng pagsusuri sa bawat grupo.

Pagsusuri

Ang guro ay magtatanong ng mga tanong tungkol sa mga naging ekspresyon sa paghahambing,
pagpapaliwanag at pagbibigay opinyon na ginamit ng mga mag-aaral sa kanilang role play.

Pagsasalin sa ibang anyo

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagsasanay sa pagsasalin ng mga pangungusap sa ibang anyo
gamit ang mga ekspresyon sa paghahambing, pagpapaliwanag at pagbibigay opinyon.

Pagpapalawak

Ang guro ay magbibigay ng mga pangungusap na mayroong mga ekspresyon sa paghahambing,


pagpapaliwanag at pagbibigay opinyon. Ang mga mag-aaral

Pagsusulit

Panuto: ilagay ang tsek (/) sa patlang bago ang bilang kung ang pangungusap ay patulad, ekis (x) kung
ang paghahambing ay di-patulad.

1. Kasintibay ng puno ng niyog ang kalooban ng mga Pilipino sa pagharap sa kasalukuyang


pandemya.

2. Lalong mahirap ang buhay naming ditto kaysa sa probinsya.

3. Di-hamak na mas magiliw ang mga Pilipino sa pagtanggap ng bisita kaysa sa ibang lahi.

4. Si Ivana ay kasing galing ni Zeinab sumayaw.

5. Ang grupo naming ay di-masyadong handa na gaya ng grupo ni Donalyn.

6. Parehong mabigat ang timbang ng kanilang alagang baboy.

7. Magkamukha lamaang ng kultura ang india at Singapore.

8. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap tulad ng nakaraang pagsusulit.

9. Ang magkaibigan ay magkasingtangkad.

10. Di-hamak na mas malawak ang lupain niya kaysa sa bukid ni Mang Diego.
Mga kasagutan:

1. / 6. /

2. x 7. /

3. x 8. x

4. / 9. /

5. x 10. x

Gawain sa Bahay

Sumulat ng talata batay sa mga napapanahong issue gamit ang mga angkop na ekspresyon sa
pagpapaliwanag, paghahambing o pagbibigay opinyon at bigyan ito ng angkop na pamagat.

You might also like