You are on page 1of 5

Lunes, Marso 25, 2019

Banghay Aralin sa Filipino 9


Ikaapat na Markahan
Noli Me Tangere

I. Layunin
Code: F9PN-IVi-j-61 (Pag-unawa sa Napakinggan (PN)

Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging kapalaran ng tauhan sa akda at ang pag-unawa sa
damdamin ng tauhan batay sa napakinggang talakayan

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Noli Me Tangere: Kabanata 64 “Ang Katapusan”
B. Pahina: Noli Me Tangere: pahina ___
B. Kagamitan: Sipi ng Kabanata 64, mga larawan, laptop, LCD tV/projector,

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan na nagpapakita ng mga damdamin. (halimbawa: nalulungkot, natutuwa, at
marami pang iba).
Itan
ong: Anu-
ano ang
nakikita
ninyo sa
mga
larawan?
Ano ang kanilang damdaming ipinapahiwatig?
Paano ninyo nasasabi na ganyan ang damdaming ipinapakita sa larawan?
Trivia:
Alam nyo ba na ang pagtawa ay nakagagaling ng maraming sakit?
At ang galit o poot ay nagdadala ng istres at maraming sakit?
(Science)

B. Panlinang na Gawain (4As)


1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga tao ay nilikhang may damdamin,
bawat tao ay may kanya-kanyang paraan sa pagbabahagi ng sariling damdamin at ang
dapat unawin ang bawat damdamin ng mga tao.
Ipaliwanag sa mga bata na ang layunin sa naturang araw ay maibahagi ang sariling
damdamin sa naging kapalaran ng tauhan sa akda at ang pag-unawa sa damdamin ng tauhan batay
sa napakinggang talakayan

b. Pag-alis ng Sagabal
Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
1. Mongha a) simbahan
2. Pinipintakasi b)madre, kasapi ng isang relihiyosong komunidad ng kababaihan
na namumuhay sa ilalim ng mga panatang nauukol
sa karukhaan, kabanalan, at pagsunod
3. Takip-silim c) mapagkunwari, mapagkaila, at mapangloko ng isang tao
4. Balatkayo d) pinagdiriwang o kaya’y kapistahan ng mga santo at sant
5. Kumbento e) panahon pagkatapos lumubog ang araw at nagsisimula nang
dumidilim

Mga Karagdagang talasalitaan:

*Apoplegia - brain haemorrhage


*liam-po - sugal
*apyan - opium/druga
* Fumadero Publico de Anfion (nagbebenta at gumagamit ng druga)
* Andalucia - lugar sa Espanya
*iti o pag-iiti - kilala rin bilang pagtatae ng dugo, disenterya, bulaod at pagbubulos.

c. Pagbasa ng Akda
Ipabasa ng malakas sa mga mag-aaral ang akda. Bawat pangungusap o talata ay babasahin
ng napiling mag-aaral.

2. Pagsusuri (Analysis)
Habang kumakanta ang mga mag-aaral ng “Tong, Tong, Pakitong-kitong”, ang bulaklak ng
mga katanungan ay ipapasa ng mga mag-aaral. kung sino ang mahintuan ay siya ang bubunot ng
tanong at sasagutin niya ito.

* Ano-anong mga damdamin ang nakita ninyo sa kabanata?


*Ano ang naging damdamin ninyo sa sinapit ng sumusunod na mga tauhan sa Katapusang
kabanata?
- Padre Damaso
- Maria Clara
- Padre Salvi
-Kapitan Tiyago
-Donya Victorina
-Don Tiburcio
*Ano kaya ang naging damdamin ng bawat tauhang nabanggit sa taas sa sinapit nilang sitwasyon sa
katapusan ng nobela? Isa-isahin.
*Ano ang kinahinatnan ni Padre Damaso?
*Sino ang higit na nagtagumpay sa mga tao sa San Diego?
*Ilarawan ang naging kasawian sa buhay ni Kapitan Tiyago.
*Ano ang nangyari kay Donya Consolacion?
Makatarungan ba ang nangyari kay Maria Clara? Ipaliwanag ang sago
damdamin
3. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)
Gamit ang Venn diagram, ipakita ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng damdamin ng mga tauhan sa
kanilang sinapit sa wakas ng kwento sa iyong naging damdamin habang kayo ay nagbabasa.

4. Paglalapat (Application)
Itanong:Ilan lahat ang mga tauhang nabanggit sa wakas ng nobela?
Kung kayo ay isa mga naging tauhan sa nobela, magiging sino kayo at bakit?
Gagawin n’yo rin ba ang ginawa ng mga tauhan sa nobela? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Itanong: Anong aral ang inyong natutunan mula sa katapusan ng nobela?
Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang nobelang Noli Me Tangere? Bakit?

IV. Ebalwasyon

Ipangkat ang mga mag-aaral sa limang grupo. Basi sa Multuple Intellegences, ang bawat grupo ay
magpapakita ng damdamin sa pamamagitan ng mga sumusuonod:

Pangkat 1 - (Visual-Spatial)
Sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan ng isa sa mga tauhan at ang kanilang emosyon na
ipinapakita sa mukha nila.

Pangkat 2 - (Bodily-Kinesthethic)
Sa pamamagitan ng sayaw, pipili ng isang tauhan ang pangkat at isasayaw nila ang emosyong
namutawi sa kinahinatnan ng tauhan sa akda.

Pangkat 3 - (Musical-Rythmic-Harmonic)
Sa pamamagitan ng isang kanta, ipakikita ng mga mag-aaral ang damdamin ng isang tauhan sa
kwento.
Pangkat 4 - (Verbal-linguistic)
Sa pamamagitan ng paggawa at pagbigkas ng tula, magpapakita ang pangkat ng damdaming
maaaring nadama ng mga tauhan sa akda.

Pangkat 5 - (Interpersonal)
Sa pamamagitan ng isang dula-dulaan, ang mag-aaral ay magpapakita ng isang sitwasyon ng
tauhan na nagpapakita ng damdamin.

V. Kasunduan/Takdang-aralin
Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa kanilang hindi malilimutang pinagdaanan sa buhay.
Isulat ito sa isang buong papel. Itala ang mga damdaming namutawi noong nangyari ito sa kanila. Habang
pinapakinggan mo ang kanilang di malilimutang karanasan, itala rin ang iyong naging damdamin habang ikaw ay
nakikinig.

Inihanda ni:

REAN JOY B. CAMIT


Teacher I
BANATE NATIONAL HIGH SCHOOL
LUNES, MARSO 25, 2019

You might also like