You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9

Nobyembre 14, 2019

I. LAYUNIN

a. Naiisa-isa ang mga mahahalagang tauhan sa paksa gayundin ang mga katangian
nito
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga di-familyar na salitang nakapaloob sa paksa
c. Napahahalagahan ang kabuuan ng paksa.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: “Kasaysayan ng Noli Me Tangere”


Sanggunian: Noli Me Tangere Pah. 9 at 19
Kagamitang Pampagtuturo: larawan, visual aids, chalk

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Panalangin at pagbati

Pagsasaayos ng silid-aralan

Pagtatala ng pumasok at lumiban


sa klase

B. Balik-aral

ano nga ulit ang ating tinalakay noong nakaraang araw?

Paano nga ba inilarawan si Kapitan Tiyago sa kabanatang ito?

C. Pagganyak
Pagkakaroon ng kaunting laro kaugnay sa buong pangalan ng Dr. Jose Rizal.

D. Paglalahad

1. Paghahawan ng sagabal

Panuto: ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibaba.

1. Napabantog
2. binuhos ang kaluluwa at diwa
3. Magugugol
4. Nababalam
5. Noli Me Tangere

Mga gabay na tanong:

Sino sa inyo ang may librong ito sa kanilang tahanan?

Ano ang mga nalalaman mo tungkol sa nobelang ito?

Sa pagkakasulat nito, ano ang naging epekto nito sa mg Pilipino maging sa mga Kastila?

Bakit mahalaga na pag-aralan ang kasaysayan ng Noli Me Tangere?

2. Pagtalakay sa Aralin

“Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”

E, Paglalapat
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang nabasa ni Rizal at naisulat niya ang Nobelang Noli Me Tangere?
2. Ano ang ikapitong apelyido ni Rizal?
3. Kailan natapos ang pagpapalimbag sa Noli Me Tangere?
4. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng Noli Me Tangere.
5. Siya ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito.
6. Saang ebanghelyo ng bibliya kinuha ni Rizal ang pamagat ng kaniyang nobela?
7. Siya ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

F. Paglalahat

Muli, ano nga ulit ang kahulugan ng Noli Me Tangere?


Bakit mahalaga na pag-aralan ang nobelang ito?
IV. PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.

1. Magbigay ng 5 pangunahing tauhan sa nobela.

6-7. Ano ang naging bunga ng nobelang ito sa ating lipunan?

8-10. kung hindi naipalimbag ang nobelang ito, ano sa palagay mo ang kalagayan ng
ating bansa?

V. TAKDANG ARALIN

Ibuod ang Kabanata 1-5 ng Noli Me Tangere. Kilalanin ang mga tauhan at itala ang
mga mahahalagang pangyayari sa bawat kabanata.

You might also like