You are on page 1of 26

Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito,

natutuhan mo ang mga sumusunod na


kasanayan:

1. napatutunayan ang mga pangyayari sa


binasang parabula ay maaaring maganap
sa tunay na buhay sa kasalukuyan
(F9PB-IIIa-50)
2. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang
matatalinghagang pahayag
(F9WG-IIIa-53).
“Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay
tungkol sa mga pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat na makikita sa Mateo 20:1-16.

Naglalaman din ang parabula ng matatalinghagang


salita o pahayag. Sa pagtalakay natin sa aralin,
magagamit ninyo ang paraan ng pagbibigay-
kahulugan sa matatalinghagang salitang tinatawag na
metaporikal na pagpapakahulugan.
Ano ang Parabula?
 Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng
maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong
panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat.
 Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao.
Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing
patnubay sa marangal nilang pamumuhay. Ang mga
mensahe ng parabula ay isinusulat sa
matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring
iugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o
sa paligid.
Mga Halimbawa ng Parabula

1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)


2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)
4. Parabula Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20:1-16)
Halina’t ating basahin at unawaing mabuti ang
parabula upang higit na maunawaan ang pagkakaiba
nito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan at ang
kahalagahan nito upang mapatunayang ang mga
pangyayari dito ay maaaring maganap sa tunay na
buhay sa kasalukuyan.
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
ALAM MO BA?
 Ang parabulang ating binasa ay naglalaman ng mga
matatalinghagang salita at pahayag.
Ano ang Matalinghagang Pahayag?
Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang
sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang
may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang
tiyak o kasiguraduhang ibig ipahiwatig maliban sa literal
na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan,
idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng
mabubulaklak at nakalilitong mga salita.
 Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-
kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito
ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa
pangungusap. Ito ay mas malalim na pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka
mapasma.
b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa
tuition fee mo.
Gawain 1: #Ugnayan sa Buhay
Panuto: Magbigay ng ilang pangyayari sa binasang parabula
at patunayang ito ay maaaring maganap sa tunay na buhay
sa kasalukuyan.
Gawain 2: #Kahuluga’y Ibibigay
Panuto: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga
matalinghagang salitang hango sa parabula at gamitin ito nang
wasto sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
papel.
Mga Layunin:
1. nasusuri ang mga elemento ng elehiya
batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon,
wikang ginamit, pahiwatig o simbolo,
damdamin (F9PB-IIIb-c-51); at

2. naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya


(F9PU-IIIa-53).
Ano ang Elehiya?

• Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa


paglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guniguning nagpapakita ng masidhing
damdamin tungkol sa alaala ng isang
mahal sa buhay.

• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga


nagawa ng mga namayapang mahal sa
buhay.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema
 ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay
kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan
 tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan
 lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang
elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon
 Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang
sa elehiya.
5. Damdamin
 Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa
akda.
6. Simbolo
 Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o
kaisipang nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit
 Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang
antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at
tinatanggap ng mga nakapag-aral ng wika.

b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-


araw-araw na pakikipagtalastasan.
• Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala
upang iyong maging gabay para sa mas mabisa at mas
makabuluhang pagbuo nito.
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
(Elehiya ng Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte
Gawain : (Pagdalumat sa Pagkamulat)
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa
akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.” Suriin kung anong
elemento ng elehiya ang ipinahahayag nito.
Panuto: Punan ng angkop na taludtod ang mga patlang sa ibaba
upang makabuo ng isang halimbawang elehiya para sa iyong mahal
sa buhay. Gawing batayan ang kasunod na pamantayan sa pagsulat.

Sa mundong patuloy na nagbabago,


Ikaw ang naging sagot sa maraming bakit at
paano.
________________________________________
________________________________________
Sakit at pighati’y mahirap ikubli,
Bakit patuloy itong nananatili?
________________________________________
________________________________________
Panuto: Gamit ang mga “Kahon ng Karunungan,” suriin kung
lubos mong naunawaan ang elehiyang tinalakay.
Panuto: Sumulat ng isang elehiya mula sa sitwasyong nasa
kahon. Suriin ito batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo at damdamin. Gawing batayan sa
pagsulat ang pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay na
papel.
Pamantayan sa Pagsulat ng Elehiya

You might also like