You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 03/17/2021

I. LAYUNIN
a. Kasanayang Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pampagkatuto 1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay
sa napakinggan. (F9PN-IId-47)
2. Naipaliliwanag ang mga:
- kaisipan
- layunin
- paksa; at
- paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.( F9PB-IId-47)

II. NILALAMAN
a. Paksang-Aralin Panitikan: Sanaysay - Taiwan
Teksto: Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na
50 Taon

b. Kagamitang-Panturo
Mga Sanggunian Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
1. Listahan ng mga PowerPoint Presentation, Cartolina
Kagamitang Panturo Mga imahe mula sa internet
para sa mga gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
2. Integrasyon ng ibang Araling Panlipunan (AP), Edukasyon sa Pagpapakatao(ESP)
asignatura
3. Pokus ng Pagkilala sa pantay na karapatan ng magkaibang kasarian at
pagpapahalaga pagpapahalaga sa kakayahan at ambag ng bawat isa sa lipunan.

III. PAMAMARAAN
A. Tuklasin A.1 Panimulang Gawain
 Pagpapaalala sa safety protocols
 Panalangin
 Pagtsek ng atendans

A.2 Motibasyon
 Bilang panimula, ilarawan ang mga imaheng makikita sa
harap.
 Magbigay ng mga kaisipang nais ilahad ng mga larawan o
imahe.

 Presentasyon ng layunin
B. Linangin
 Pagpapalawak at pagpapalalim sa naging kasagutan ng mga
mag-aaral.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 03/17/2021

1. Anong mga kaisipan ang nais ilahad ng mga larawan?


2. Paghambingin ang unang larawan sa ikalawa.

 Pagbasa ng akdang “ Ang kababaihan ng Taiwan Ngayon at


Noong Nakalipas na 50 Taon”. Isang sanaysay mula sa
bansang Taiwan. (Babasahin ito sa paraang patalumpati).
Malalaman natin rito kung talagang nagbago nga ba ang
katayuan ng kababaihan sa lipunang Taiwanesea at
tatalakayin natin pagkatapos ang mga paraan upang
makabuo ng isang mabisang sanaysay.

 Pagtalakay sa nilalaman ng sanaysay na binasa. Gabay na mga


C. Pagnilayan at tanong:
Unawain 1. Ano ang paksa ng sanaysay?
2. Ilarawan ang katayuan ng kababaihan ng Taiwan noon at
sa kasalukuyan.
3. May mga pagbabago nga ba? Isa-isahin.

Sanaysay- anyo ng panitikan na naglalahad ng opinyon o


pananaw ng may-akda tungkol sa isang isyu o konsepto.
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng
isang sanay. Ibig sabihin, ang sinumang sumusulat nito ay dapat
na may malawak na kaalaman tungkol sa paksang kanyang
tatalakayin.
Bahagi ng sanaysay
1. Simula-nakapupukaw ng interes o atensyon.
a. Retorikal na tanong
b. Paglalarawan
c. Sipi

2. Katawan- nagsusuplay ng lahat ng ideya o kaisipan tungkol sa


paksang napili. May mga mahahalagang puntos na dapat
mailahad nang maayos.
a. Pakronolhikal
b. Paanggulo
c. Paghahambing

3. Wakas o Kongklusyon-nagsasara sa talakayan, nanghahamon


sa isipan ng mambabasa na maisakatuparan ang tinalakay.
a. Pagtatanong
b. Pagbubuod

Upang mas lalong maunawaan ang sanaysay, magkakaroon ng


pangkatang gawain.
D. Aplikasyon
Unang Pangkat- Ihambing ang kalagayan ng mga kababaihan sa
Pilipinas at Taiwan. Itala ang mga mahahalagang konsepto at
punto at bumuo ng kongklusyon mula sa isinagawang
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 03/17/2021

paghahambing.

Ikalawang Pangkat- Suriin ang sanaysay ayon sa pagkakabuo ng


mga sumusunod:
1. Paksa
2. Pagkakabuo ng panimula
3. Pagkakabuo ng katawan
4. Pagkakabuo ng wakas
5. Kakintalan o mensaheng nakapaloob sa akda

Rubrik sa Pagtataya
Nilalaman at 25
Organisasyon ng
Mensahe o Kaisipan

Istilo o Pagkamalikhain 10

Kooperasyon ng 15
Pangkat
50
Kabuoan

Pagtalakay at pagbibigay ng fidbak ng guro sa naging resulta ng


pangkatang gawain.

Tandaan: Pantay tayong nilikha, kaya dapat pantay rin nating


pahalagahan ang kakayahan ng bawat isa. Huwag nating hayaang
E. Pagpapahalaga manatili ang gender stereotyping at pagmamaliit sa kung ao ang
kaya ng ating kapwa.

Ano ang sanaysay? Paano masasabing isang mabuting sanaysay


ang akdang iyong isinusulat?
F. Paglalahat

IV. PAGTATAYA Sa ¼ na papel sagutin ang mga sumusunod na katanungan?


Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod.
1. May pagbabago sa responsibilidad at katungkulan ng mga
kababaihan sa Taiwan.
2. Ang pangyayari sa Taiwan ay magkapareho din sa mga
kaganapan sa Pilipinas.
3. Kinikilala na sa kasalukuyan ang kakayahan ng mga babae sa
lipunan.
4. Mahalagang may malawak na kaalaman sa pagsulat ng
sanaysay.
5. Hindi dapat nagkakalayo-layo ang ideya ng mga talatang
nakapaloob sa iisang sanaysay o paksa.

Ipaliwanag. Bakit mahalagang may pagkakaisa ang mag ideya ng


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 03/17/2021

isang sanaysay? 5 pts.

V. TAKDANG- Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa ambag o mga nagawa


ARALIN ng mga kababaihan sa Pilipinas. Ibatay ang pagkakagawa sa
mga sumusunod na rubrik.

Nilalaman o Mensahe -20


Organisasyon ng mga Ideya at Kaisipan -20
Pagka-orihinal -10
KABUOAN -50

Inihanda ni:

AIVIE M. GANGE
Teacher I

Sinuri ni:

BERNIE G. LOQUINARIO
Head Teacher III

Binigyang-pansin ni:

MARILYN D. SORILLA
Principal II

You might also like