You are on page 1of 13

Basahin ang teksto.

Noong unang panahon, may isang pamilya ng


dragon na nakatira sa Limang Pintuang Dragon
na malapit sa Foochow sa katimugan ng Tsina.
Sa pook na ito, may palasyong nakatayo na may
limang trono para sa limang dragon.
Magbuhat nang dumating ang ikaanim na dragon, nagbago na
ang lahat. Kailangang umalis ang ikaanim na dragon!"
Malungkot na lumangoy ang dragon sa karagatan hanggang
sa makita niya ang asul na kalawakan. Di kaginsa-ginsa'y
nakita ng dragon ang isang pating. Niyaya ng pating na
maglaro siláng dalawa ng hilahan Sa paglalaro nila, nakakuha
silá ng lupa sa ilalim ng dagat. Sa madaling salita, ang lupang
nakuha nila ay nabuo at naging isla. Sa gitna ng isla ay may
mataas na bundok. Doon gumawa ang dragon ng kuweba at
ginawa niya itong bahay.
Bilang pagwawakas, ang islang ito ang
tinatawag natin ngayong Taiwan. Kung
nakaririnig ng ugong sa bundok na iyon
ang isang magsasaka, iniisip niyang iyon
ay ang ingay ng malungkot na dragon.
Ang mga salitang italisado ay mga halimbawa ng
mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at
pagtatapos ng isang kuwento. Sa mga tekstong
nagkukuwento o nagsasalaysay, kailangang may
wastong pagkakasunod sunod ang mga pangyayari.
Makatutulong nang malaki ang mga pahayag sa
pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng isang
kuwento upang magbigay linaw sa anumang paksa
ng pagkukuwento o pagsasalaysay,
Pagsisimula-Ang mahusay na simula ay
mabuti para makuha ang interes ng
tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo
ang larawan at nakikita ang aksiyong
magaganap sa isinasalaysay
Ang mga pahayag na ginagamit sa pagsisimula
• noon • sa pagsisimula
• mula • nangunguna
• sa umpisa • una sa lahat
Pagpapadaloy-Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang
kawing kawing na pangyayari at paglalarawang
nasimulan.Aabangan kung paano magtatagumpay o
magwawagi ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang
mali o matututo ang katunggaling tauhan habang
tumataas ang pangyayayri.Patuloy na gumamit ng mga
panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng mga
mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.
Ang mga pahayag na ginagamit sa
pagpapadaloy.
• magbuhat nang • dagdag pa rito
• hanggang • bukod pa nito
• saka • sumunod/kasunod
Pagtatapos-Napakahalaga rin ng huling pangyayaring
maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng mambabasa.
Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat-na ang
kabutihan ang nagwawagi at may kaparusahan ang
gumagawa nang masama.
Ang mga pahayag na ginagamit sa pagtatapos
• bilang pagwawakas • sa kalahatan
• sa bandang huli • sa dakong huli
• sa wakas • bilang pagtatapos
Bumuo ng sariling kuwento tungkol sa
Covid-19 gamit ang mga pahayag sa
pagsisimula pagpapadaloy at
pagtatapos ng kuwento. Gawin ito nang
hindi bababa sa limang pangungusap.

You might also like