You are on page 1of 35

ARALIN 3.

3
Jady Claire J. Lullegao
A.Panitikan:
Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya- Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V.
Villafuerte
B. Gramatika/Retorika:
Pagpapasidhi ng Damdamin
Paggamit ng mga Salitang
Sinonimo
C. Uri ng Teksto:
Naglalarawan
PANIMULA
Ang mabuhay sa daigdig ay puno ng mga pagsubok
na susukat sa taglay mong kakayahan kung paano
mo kokontrolin ang iyong damdamin- mga
damdaming nagtataglay ng iba’t ibang emosyon
tulad ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng mahal sa
buhay.
PAANO MO IPAPARATING ANG
IYONG MGA SALOOBIN AT
DAMDAMIN?
MGA LAYUNIN:
 Naipahahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng
may-akda o persona sa narinig na elehiya at awit.
 Nasusuri ang mga element ng elehiya batay sa:
 Tema
 Mga Tauhan
 Tagpuan
 Mga mahihiwatigang Kaugalian o tradisyon
 Pahiwatig o Simbolo
 Damdamin
GAWAIN 1
Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mahal sa buhay na labis mong pinahahalagahan.
Sino ang taong ito? Ano ang nagawa niya sa buhay mo para pahalagahan mo siya? Isulat ang
kaniyang pangalan sa loob ng puso.

Mga nagawa Mga nagawa


_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
__________ __________
GAWAIN 2
Naranasan mo na bang mawalan o iwan ka ng mahal sa buhay? Gaano ito kasakit para sa iyo?
Anong mga ginawa mo para maibsan ang pagdadalamhati? Itala mo sa loob ng dahon ang iyong
sagot.
ELEHIYA SA
KAMATAYAN NI KUYA
-Bhutan
Isinalin Sa Filipino Ni Pat
V. Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng
paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luhat, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan
ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ang aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ang pangarap.
ELEHIYA
Ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng
damdamin, paggunita, at pagpaparangal sa isang
nilalang na sumasakabilang-buhay.
Katangian: pananangis, pag-alaala at pagpaparangal
sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi
mapagmuni-muni at di-masintahin.
GAWAIN 3
Basahin at unawain mo ang mga linya ng tula at isulat sa katapat na kahon ang kahulugan.
Sikapin mong magamit sa sariling pangungusap ang mga binigyang-kahulugan na pahayag.
Isulat sa sagutang papel.
1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.
2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
3. Walang katapusang pagdarasal.
4. Mga mata’y nawalan ng luha.
5. Malungkot na lumisan ang araw.
GAWAIN 4- SA ANTAS NG
IYONG PAG-UNAWA
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang akda.
1. Ano ang tema ng binasang tula?
2. Paano ipinadama ng may-akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?
3. Ibigay ang nais ipahiwatig ng bawat saknong ng binasang akda?
4. Bakit mahalaga sa sumulat ng tula ang mga alaalang iniwan ng kaniyang
kapatid? Ganito rin ba ang pagtuturing mo sa mahal mo sa buhay?
5. Anong mga simbolo o sagisag ang ginamit sa akda?
6. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ipadarama ang
pagmamahal mo sa isang tao?
7. Ano ang gagawin mo kung sakaling mawalan ka ng
mahal sa buhay?
8. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga aral at
mensaheng hatid ng elehiya?
9. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng tula?
10. Anong uri ng teksto ang binasang akda? Patunayan?
GAWAIN 5- ITO ANG
NADARAMA KO
Tukuyin kung anong damdamin ang nais ipahiwatig ng mga simbolong nakapaloob sa kahon na
hango sa tula. Pangatuwiran ang iyong sagot.
A. B.
Larawang guhit
Luha
poster at larawan
Pighati
aklat at
lungkot
talaarawan
GAWAIN 6- IHAMBING MO
AKO
Pagkatapos mong mabasa at mabigyang-kahulugan ang binasang elehiya ay ihambing mo ito sa
“Ang mga Dalit kay Maria” na isang himno. Basahin mo ito at pagkatapos ay sagutin ang mga
kaugnay na tanong.

“Ang mga Dalit kay Maria”


Mula sa unang himno:
Matamis na Virgeng pinaghahandugan,
Cami nangangaco naman pong mag-alay
Nang isang guirnalda bawat isang araw
At ang magdudulot yaring murang camay.
Coro:
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo’y aming icacapit.
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo ang handog na pag-
ibig
Mula sa ikalawang himno:
Halina at magsidulog
Cay Mariang Ina ni Jesus
At ina ng tanang tinubos
Nitong Poong mananacop;
Sintahin nati’t igalang
Yamang siya’y ating Ina.
Halina’t tayo’y mag-alay
Nang bulaclac cay Maria.
Mula sa “Dalit”
Dalagang lubhang mapalad,
Tanging pinili sa lahat
Nang Dios Haring mataas
Coro:
Itong bulaclac na alay nang
aming pagsintang tunay
Palitan mo Virgeng mahal
Nang toua sa calangitan.
SAGUTIN ANG MGA TANONG:
1. Ano ang tema sa akdang binasa?
2. Ibigay ang mga simbolong ginamit sa akda at iugnay ito sa totoong buhay.
3. Paano ipinadama ng may-akda ang pagtatangi niya kay Virgeng Maria?
4. Matatagpuan ba ang katangiang binanggit sa elehiya? Patunayan ang sagot.
5. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng elehiya sa binasang dalit?
KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING
BAYAN
ni Amado V. Hernandez
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop na
Sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: ang
Lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
May araw ring ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ring di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
GAWAIN 7- SA ANTAS NG
IYONG PAG-UNAWA
Sagutin ang mga tanong batay sa binasang tula.
1. Sino ang tinutukoy sa akda na lumuha?
2. Ano ang mga damdaming naghahari sa tula?
3. Bakit gayon na lamang ang pagdadalamhati ng may-akda para sa
bayan?
4. Bilang kabataan, paano mo mapapawi ang hinagpis at dusa na
naghahari sa ating lipunan? Mapaninindigan mo ba ang iyong
sagot? Paano?
5. Ibigay ang mga mahahalagang aral na nais iparating ng tula?
GAWAIN 8- DAPAT MABATID
Magsaliksik ng mga totong pangyayari sa kasalukuyan na maiuugnay sa mga pangyayaring nais
ipabatid ng tula. Sundin ang pormat sa ibaba.

Mga Pangyayari sa Akda Pangyayari sa Kasalukuyan


GAWAIN 9- DAMDAMIN MO,
ILAHAD MO
Mahusay ang ginawa mong pag-uugnay ng mga pangyayari sa tula sa kasalukuyan. Ngayon
naman ay ilahad mo ang mga damdamin na namamayani sa bawat saknong ng tula. Kopyahin
ang kasunod na pormat.

Saknong 1: _____________________________________________
Saknong 2: _____________________________________________
Saknong 3: _____________________________________________
ALAM MO BA NA….
 Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o
emosyon sa paraang papataas ang antas nito? Nagagamit ito sa pamamagitan ng
pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.
Halimbawa:
4. poot 4. pagmamahal 4. ganid
3. galit 3. pagliyag 3. gahaman
2. asar 2. pagsinta 2. sakim
1. Inis 1. paghanga 1. damot
4
3
2
1
PAGSASANAY 1
Kopyahin ang talahayan sa sagutang papel. Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod
na mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi,
at 1 sa di-masidhi.

___________ pagkamuhi ___________ pangamba


___________ pagkasuklam ___________ kaba
___________ pagkagalit ___________ takot

___________ nasisiyahan ___________ sigaw


___________ natutuwa ___________ bulong
___________ masaya ___________ hiyaw
PAGSASANAY 2
Mula sa mga salitang nakatala sa Gawain
8 ay sumulat ng mga pangungusap na
nagpapakita ng pagsidhi ng damdamin.
Group 1
Pilit naming alalalahin ang mga
alaala na iniwan niya.

Group 2
Pilit naming kakalimutan para
makamove-on

You might also like