You are on page 1of 4

REVIEWER IN FILIPINO 9

(IKALAWANG MARKAHAN)
I. Tanka at Haiku, Ponemang Suprasegmental, Pabula

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?

A. kapalaran ng tao B. humihinga pa C. Kaginhawaan ng tao

2. Ano ang paksa ng Haiku?

A. buhay may asawa B. ang pag-aasawa C. pagpaplano ng pamilya

3. Ang tula sa bilang 2 ay binubuo ng ilang talutod o linya?

A. apat B. pito C. tatlo

4. Anong uri ng katutubong tula ng mga Hapon ang nasa ibaba?

A. tanaga B. haiku C. tanka

5. Ano ang kabuuang bilang ng pantig sa saknong nito?

A. 21 B. 31 C. 35

6. Ano ang sukat ng bawat taludtod o linya ng tula?

A. 7-7-5-7-5 B. 5-7-5-7-7 C. 7-7-7-5-5

7. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig

A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka

8. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan

A. Maikling kuwento B. Kuwentong bayan C. Parabola D. Pabula

9. Tumutukoy ito sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng salita

A. Tono B. Diin C. Intonasyon D. Antala


10. Mula ito sa matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.

A. Maikling kuwento B. Sanaysay C. Pabula D. Parabula

11. Karaniwang paksang sa tulang ito ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.

A. Tanaga B. Tanka C. Parabola D. Salawikain

12. Kung ang Tanka ay may limang taludturan na may tatlumpu’t isang pantig, ang Haiku ay may _____ na taludturan

A. Tatlo B. Apat C. Lima D. Anim

13. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na _____ ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunud-sunod sa
pangungusap.

A. Nagsasama B. Nagtuturing C. Nag-uukol D. Nag-uugnay

14. Ama ng Maikling Kuwento: Edgar Allan Poe, Ama ng Sinaunang Pabula: _____

A. Aesop B. Basho C. Nukada D. Ki no Tomonori

15. Saan ang tagpuan ng kwentong “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato?”

A. Anhui, Tsina B. Jiangxi, Tsina C. Jiangsu, Tsina D. Shanxi, Tsina

16. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod ng pagbabagong-anyo ni Hashnu?

A.araw –ulap –bato –hari –manlililok C.araw–bato –hari –ulap –manlililok

B.hari–araw –bato –ulap–manlililok D.hari –araw –ulap –bato –manlililok

17 – 20. Tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag ng emsyon o damdaminang mga sumusunod na pahayag.

A. mga pangungusap na padamdam C. nagsasaad ng tiyak na damdamin

B. maikling sambitla D. nagpapahiwatig ng damdamin sa di tuwirang paraan

____17. Magnanakaw! ____19. Yehey!

____18. Napakabuti ng iyong kalooban. ____20. Ang masamng damo, matagal mamatay.

21. Ang pagtaas o pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay kahulugan at makapagpahina ng usapan upang na higit na maging mabisa ang pakikipag-usap

A. Tono B. Diin C. Intonasyon D. Antala

22. Pinakamaliit nay unit ng salitang may kahulugan

A. Morpema B. Ponema C. Salitang-ugat D. Pantig

23. Ang bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig

A. Tono B. Diin C. Intonasyon D. Antala

24. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa.

A. simula B. gitna C. wakas D. tauhan

25. Ito ay isang tula na binubuo ng limang taludtod na may sukat na 7-7-7-5-5.

A. Haiku B. Tanaga C. Tanka D. Tanku

26. “Hindi // si Juris ang may sala.” Ano ang nais ipakahulugan ng pangungusap?

A. Si Drey ang may sala at hindi si Juris. C. Si Juris ang may kasalanan.

B. Hindi si Juris o si Drey ang may sala. D. Dalawa ang may sala, si Juris at si Drey.
27. Ito ay nangangahulugang “kapalaran ng tao”.

A. BUhay B. buHAY C. bUHAy D. bUhAy

28. Nagpapakilala si Jilianne kina Irene at Lisa. Aling pangungusap ang nagsasaad ng tamang kahulugan?

A. Lisa Irene Jilianne ang pangalan ko. C. Lisa Irene // Jilianne ang pangalan ko.

B. Lisa // Irene Jilianne ang pangalan ko. D. Lisa // Irene // Jilianne ang pangalan ko.

29. Paano mo malaman na Haiku ang tula?

A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5

B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6

C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2

D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

30. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.

A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO

31 – 32 Ibigay ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na salita.

31. Ang pagal na katawan ni Jerimiah ay buhat sa matinding ensayo ng basketball.

A. pagod B. Malaki C. payat D. sakitin

32. Kagyat na namumbalik ang lakas ni Dino pagkatapos nitong uminom ng gamot.

A. agad B. nagwakas C. nalusaw D. mahina

33. Bakas sa aking isipan ang dibuho ng manghuhugis sa museo na aming pinuntahan.

A. disenyo B. kalinisan C. kagamitan D. kulay

34. Nakahihilakbot na sinag ang tumama sa aming bintana dahilan ng pagkasira nang katahimikan ng gabi.

A. nakakalungkot B. nakakatakot C. nakakabigla D. nakakaiyak

35. Ang matinding paglindol at pagbaha ay dahilan ng pagkabuwal ng puno sa aming bakuran.

A. pagkatumba B. paglipad C. pagkawasak D. pagkatayo

36. Ang maikling kuwentong “Hashnu” , ang Manlililok ng Bato” ay isang halimbawa ng

A. kuwento ng katutubong kulay C. kuwento ng kababalaghan

B. kuwento ng pag-ibig D. kuwento ng katatawanan

37. Ito ay isang uri ng maikling kuwento kung saan ang galaw ng pangyayari ay magaan, may mga pangyayaring
alanganin, at may himig na nakatatawa ang akda.

A. kuwento ng katutubong kulay C. kuwento ng kababalaghan

B. kuwento ng pag-ibig D. kuwento ng katatawanan

38. Ito ay naglalaman ang kuwentong mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at
makatwirang pag-iisip

A. kuwento ng katutubong kulay C. kuwento ng kababalaghan

B. kuwento ng pag-ibig D. kuwento ng katatawanan


39. Ito ang kuwentong pinapahalagagan ang tiyak na pook, kultura at paniniwala.

A. kuwento ng katutubong kulay C. kuwento ng kababalaghan

B. kuwento ng pag-ibig D. kuwento ng katatawanan

40. Ang tawag sa kasamahan ni haring Yama o mga tagasunod.

A. mga alipores B. mga demonyo C. mga katulong D. mga kaibigan

Tama o Mali.

_______ 1. Ang isang manlililok ng bato na bida sa kuwento ay mula sa isang lalawigan sa Jiangsu sa Bayan ng
Nanjing sa Tsina

_______2. Ang unang naisip ni Hashnu ay maging isang araw na nagbibigay ng init at liwanag sa mundo.

_______3. Napagtanto ni Hashnu na sa kabila ng mga sakuna at malalakas na hangin at ulan ay nanatiling buo ang
mga bato at sila lamang ang bukod tanging natira.

_______Magsisimula ang dula sa pagpapakilala kay Kiyoyori , hari ng mga demonyo, kasama ang kanyang mga alalay.

_______5. Pagkatapos niyang napagtanto na hindi rin maganda ang maging isang bato, hiniling ni Hashnu na maging
Ulap.

_______6. Yama ang pangalan ng hari sa Impyerno.

_______7. Ayon kay Kiyoyori, "ang tao ay sadyang makasalanan".

II. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

iskrip aktor direktor tanghalan manonood

_______1. Ang elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito.

______2. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula.

______3. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.

______4. Ito ang tumutukoy sa pook/lugar na pinagpasyahang pagdausan ng pagtatanghal

You might also like