You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY

FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
PASULAT NA PAGSUSULIT BLG. 3
LINGGO 4 (Modyul 4-5)

A. PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

Biglang kumalat ang balitang nagdaos ng handaan si Kapitan Tiago. Nakarating


ito sa mga linta, bangaw at kantanod ng bayan.
1. Anong antas ng pormalidad ng wika ang ginamit ng sinasalungguhitan. A
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Panrehiyon D. Pandamdamin
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Crisostomo Ibarra, ano ang iyong damdamin pagkatapos mong
malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng iyong ama? D
A. Nasisiyahan dahil alam ko na ang totoong nangyayari.
B. Natatakot baka magmulto ang kanyang kaluluwa upang humingi ng katarungan.
C.Nababahala baka ako ang babalingan ng korte sa kasalanang nagawa ng aking ama.
D. Nalulungkot dahil namatay ang aking ama na hindi ko man lang nadamayan ang kanyang paghihirap
at mga huling sandali.
3. Ano ang tinutukoy na mahalagang hiyas ayon kay Ibarra? D

Naiwang mag-isa si Ibarra. Wala ang may-ari ng bahay. Wala siyang malapitan A.
upang magpakilala sa kanya sa mga dalagang panauhin. Gayunman ay napansin niyang
maraming nakatingin sa kanya. Ipinasya niyang lapitan ang mga iyon. “Ipagpaumanhin
ninyong malabag ko ang tuntunin sa pakikipagkapwa.” Pitong taon ako sa ibang bansa at
sa pagbalik ko ay hindi ko matiis batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan,ang
mga babae.”
tuntunin sa pakikipagkapwa C. Ang mga panauhin
B. May-ari ng bahay D. Ang mga babae
4. Anong antas ng pormalidad sa paggamit ng wika ang may salungguhit? B
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Di pormal D. Pormal
5. Anong uri ng pag-ibig ang nasasalamin sa teksto? B
A. pag-ibig sa magulang C. pag-ibig sa kapwa
B. pag-ibig sa kasintahan D. pag-ibig sa bayan
6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng matibay na paninindigan? B
A. “Lubos kong pinaniniwalaan na ang kanyang ama ay maka-Diyos at alam ang
tungkulin sa lipunan, marangal at matapat.”
B. “Bawiin ninyo ang lahat ng iyan at kung hindi’y makararating ito sa kanyang kamahalan
bukas na bukas din”.
C. “Pinsan,palagay ko mas makabubuti kay Maria na sa San Diego magbakasyon.
D. “Maaaring nalimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalala.

“ Lalaki ka, dapat mong isipin ang tungkulin mo at kinabukasan. Dapat mong tuklasin ang 7.
karunungan ng buhay na hindi maibibigay sa iyo ng sarili mong bayan upang pakinabangan ka
niya balang araw. Kung lagi ka lamang sa piling ko, sa aking pangangalaga, sa panahong ito ng
kawalang- katiyakan ay hindi ka matutong tumanaw sa malayo.”

Anong damdamin ang nangingibabaw sa nagsasalita? C


A. nagagalit B. nagtampo C. nababahala D. naghihinayang

1
8. Anong kapangyarihan ng pag-ibig ang ipinahiwatig sa pahayag? D
A. pagmamahal ng mamamayan sa kanyang bayan
B. pagmamahal ng ama sa kanyang anak
C. pagmamahal ng tao sa karunungan
D. lahat ng nabanggit
9. Iba’t ibang reaksyon at damdamin ang namamayani sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa kanyang
sariling bayan. Alin ang hindi napabilang dito? C
A.Nangangamba si Padre Damaso na matuklasan ang lihim sa pagkamatay ng ama ni Crisostomo
Ibarra.
B.Ikinatakot ng tenyente ang pagbabalik ni Ibarra sa sariling bayan.
C. Ikinagulat ng mga prayle ang pagdating ni Crisostomo Ibarra.
D. Nananabik si Maria Clara na makita ang kasintahan.
10. “Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang
pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.” Ang may salungguhit ay di lantad ang
kahulugan. Anong uri ng pormal na salita ang may salungguhit? C
A. pambansa B. balbal C. pampanitikan D. rehiyonal

B. PANUTO: Pag-ugnayin ang pangyayari sa mga kabanata ng nobela na nasa kahon sa ilang
kasalukuyang kaganapang matatagpuan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

11. Ayon sa balita, nawala sa katinuan ang katiwala sapagkat ginugutom siya ng tagapangasiwa ng
simbahan sa tuwing may nakakaligtaan siya sa kanyang mga pang-araw-araw na gawain. C
12. Paniwalang-paniwala ang babae na ang batang pulubi na kanyang nakasalubong papuntang palengke
ang nagnakaw sa nawawalang pitaka nito kaya’t halos patayin niya ito dahil sa nag-uumapaw niyang galit.
A
13. Sinalakay ng mga pulis ang paggawaan ng sardinas dahil sa marami itong menor de edad na
manggagawa. B
14. Hindi man lang nakatungtong ng elementarya si Pepe, palibhasa’y panganay sa walong magkakapatid
kaya’t kaagapay siya ng ama sa pag-aararo sa bukid. C
15. Agad naniwala ang kapitbahay ni Dindo na siya ang kumuha sa nawawalang pera dahil hindi naging
lingid sa lahat ang pagiging
A. Pagpaparatang sugarol
kay Crispin at lasenggo
na nagnakaw ng kanyang
sa limos ama. Ekahit walang sapat na
ng simbahan
ebidensiya.
B. Nagawa ng sakristan mayor na pagmalupitan ang magkapatid na Basilio at Crispin
gaya ng pagkulata nito sa huli sa kabila ng pagiging tagapaglingkod ng simbahan.
C. Dahil sa matinding kahirapan, hindi maiwasang maging biktima ng child labor sina
Basilio at Crispin.
D. Paniwalang-paniwala ang sakristan mayor na si Crispin ang nagnakaw sa
nawawalang pera ng simbahan dahil sa pagkakaroon nito ng masama at mabisyong
ama.
E. Hindi nakapagtamasa ng karapatang makapag-aral sina Basilio at Crispin dala ng
matinding kahirapan.

C. PANUTO: Tukuyin ang mga kaugaliang binanggit mula sa mga kabanata ng nobela
na nakatutulong sa pagpapayaman sa kulturang Asyano. Isulat ang letra ng tamang sagot.

16. Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin, minatamis, at mga
mamahaling alak mula Europa. Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan upang
matunghayan ang mga pagtatanghal. Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at
pagtatanghal ng mga musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Ang misa na ay
pangungunahan ni Padre Damaso. D
A. Paghahanda ng maraming pagkain at mamahaling alak.
B. Panay ang pagpapaputok at pag-iingay ng batingaw.

2
C. Pagtatanghal ng musiko upang maging masaya .
D. Pagdalo sa banal na misa para sa kapistahan .
17. Nagpunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopong Tasyo dahil gusto niyang isangguni ang binabalak niyang
pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan. D
A. Paghingi ng payo sa mga nakatatanda .
B.Pakikipagkaibigan sa mga nakatatanda .
C.Pagpapaumanhin sa mga nakatatanda.
D. Pakikiusap sa mga nakatatanda .
18. Pinanabikan ni Sisa ang pagdating ng dalawang anak dahil sa ipinaghanda niya ang mga ito ng
hapunang pangkura. C
A. Pasasalamat sa biyayang natanggap .
B. Pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
C. Paghihintay ng ina sap ag-uwi ng mga anak.
D. Pagsasalo-salo sa hapag- kainan ang pamilya.
19. Nagparamihan ang manong at manang ng nakamit na indulgencia plenaria, ang dasal na siyang
tanging kailangan ng mga nagdurusang kaluluwa sa purgatoryo upang mahango sila roon.
A. Pasasalamat sa mga biyayang natanggap. C
B. Pagpaparamihan ng padasal para sa mga kaluluwa .
C. Pag-aalay ng dasal para sa kaluluwa ng mga yumao .
D. Pagbibigay-pugay sa mga yumaong mahal sa buhay.
20. Sa araw ng kapistahan ng San Diego ay hindi mahulugang karayom ang simbahan kaya nararamdaman
ng lahat ang init sa loob. D
A. Pagsasaya ang mga tao sa araw ng kapistahan .
B. Pagsisimba ang mga tao sa araw ng kapistahan .
C. Pagkakaroon ng kasiyahan sa simbahan tuwing pista
D. Pagdagsa ng mga tao sa simbahan tuwing kapistahan.

D. PANUTO: Piliin ang letra ng angkop na kahulugan ng mga salitang may diin sa loob ng pangungusap at
isulat sa sagutang papel.

21. Sadyang mabulaklak magsalita ang binatang si Albino kaya hindi kataka-takang siya ang napili ng
dalagang si Victoria na maging katipan. C
A. Maalam kaya’t maraming naibabahagi .
B. Mahilig magbiro sa kanyang pananalita .
C. Punumpuno ng mga papuri sa pananalita .
D. Mabango ang hininga habang nagsasalita.
22. Matamang pinagmamasdan ng mga manonood ang bawat galaw ng mga artistang gumaganap sa
palabas sa kapistahan ng San Diego. A
A. Nasisiyahan B. Seryoso C. Kabado D. Natutulala

23. Sumilang sa labi ng pari ang mga dakilang mensahe ng Panginoon kaya’t seryosong nakikinig ang
mga tao sa loob ng simbahan. A
A. Nailabas sa bibig C. Namutawi sa bibig
B. Naisigaw sa bibig D.Naipanganak gamit ang bibig

24. Sa pagbabalik sa San Diego, hindi pa lubos kilala ni Ibarra kung sino ang ahas sa mga taong kanyang
nakasalamuha. A
A. Taong traidor C.Hayop na nangangagat
B. Hayop na nanunuklaw D. Taong mapagkunwari

25. Taliwas kina Don Pedro Eibarramendia at Don Saturnino ang tatay ni Crisostomo Ibarra na isang
mabuting puno. C
A. Lahi B. Angkan C. Magulang D. Kaibiga

3
4

You might also like