You are on page 1of 9

9 `

Araling Panlipunan 9
Activity Sheet
Quarter 4- MELC 6-Week 6

Layunin at Pamamaraan
ng Patakarang Pisikal

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Araling Panlipunan 9
Learning Activity Sheet 6
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6- Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Eduklasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas.

Mga Bumuo ng Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Roden M. Mori


Tagasuri: Paulo E. Cabatac
Tagaguhit: Albert M. Cabrera
Tagalapat: Jay Blas B. Mopra

Division of Himamaylan City Management Team:


Reynaldo G. Gico
Michell L. Acoyong
Grace T. Nicavera
Mylene D. Lopez
Paulo E. Cabatac
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien P. Pineda

1
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet na ito ay nabuo sa pamamagitan


ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Himamaylan sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang


masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Araling
Panlipunan na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 9 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong
paaralan, pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

2
Learning Activity Sheet (Quarter 4 – Week 3)

Pangalan ng Mag – aaral: ______________________________________

Grado at Pangkat ______________________________________

Petsa: ______________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9

SEKTOR NG INDUSTRIYA

I. KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang


pang-ekonomiya. AP9MSPIVd-8

II. PANIMULA

Ang Sektor ng Industriya

Ang mahalagang sektor ng ekonomiya na namamahala sa pagproproseso ng


mga hilaw na materyales upang ito ay maging isang produkto ay ang sektor ng
industriya. Ang industriya ay tumutukoy sa malawakang paglikha ng mga produkto at
serbisyo na ibinebenta sa pamilihan. Masasabi na industriyal ang anumang
produksyon na ang pangunahing layunin ay lumikha ng mga kalakal na ipinagbibili sa
iba. Sa sektor na ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pamilihan sa
pamamahagi ng mga produkto at ginawang serbisyo. Ang isang produkto ay nilikha
hindi lamang upang matugunan ang personal na pangangailangan ng lumikha nito
kung hindi upang ipagbili ng maramihan, maituturing itong bahagi ng sektor industriya.
Isang katangian ng industriya ay ang pagkakaroon ng antas na pagsasama-sama o
ugnayan ng mga iba pang sektor. Ibig sabihin nito ay kung may kakayahang iproseso
ang hilaw na materyales hanggang sa maging ganap na produkto ito. Bukod dito,
kinakailangan din na may kakayahan ang sektor na likhain ang lahat ng makinarya o
kagamitan na kailangan upang magawa ang isang produkto. Kaya’t ang sektor ng
industriya ay nagsisimula sa pagkuha ng hilaw na materyales hanggang sa aktwal na
produksyon at distribusyon ng produkto.

Nahahati sa mga sumusunod ang sektor ng industriya: a) pagmimina, b)


pagmamanupaktura, c) konstruksyon at d) utilities tulad ng elektrisidad, gas at tubig.
3
Ang pagmimina ay paraan ng pagkuha, pagpoproseso at pagbebenta sa
pamilihan ng mga yaring produkto ng nakukuhang mga yamang-mineral, yamang di
metal at enerhiya na matatagpuan sa mga bundok, kapatagan, baybayin at mjaging sa
karagatan. Halimbawa ng mga mineral ang cadmium, chromite, cobalt, tanso,ginto,
bakal, manganese, lead, mercury, molybdenum, nickel, palladium, pilak, uranium at
zinc. Mga halimbawa naman ng mga di-metal na mineral ang asbestos, barite,
fentonite, semento,diatomite, dolomite, feldspar, guano, gypsum, adobe, magnesite,
marmol, mica, natural na gas, perlite, petrolyo, batong phosphate, pyrite, aspalto,
buhangin, sulfur at talc. Ang mga mineral ay pumapaloob sa tatlong yugto: a) pagkuha
ng hilaw na sangkap, b) pagproproseso ng mga mineral upang maging produktong
intermedya (nangangailangan pa ng karagdagang pagproseso upang maging ganap
na yaring podukto) and transpormayson ng produktong intermedya sa mga yaring
produkto.

Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa pagbabagong-anyo ng mga bagay


na ginagamitan ng mga kemikal na pamamaraan upang makalikha ng isang produkto
sa pamamagitan ng makina o kamay na isinasagawa sa pabrika o bahay. Pangunahin
sa nalilikha nito ang mga pagkain na nagmumula sa hilaw na kagamitan. Nililikha din
ng pagmamanupaktura ng mga produkto tulad ng mga pang-araw-araw na gamit sa
tahanan. Malaki ang naitutulong sa pagunlad ng industriya ng pagmamanupaktura ang
pagtaas ng kalidad ng produkto,teknolohiya, pagbaba ng halaga ng gastos at mahusay
na paraan ng paghahatid sa pamilihan.

Ang konstruksyon ay tumutukoy sa industriya ng pagtatayo ng mga tulay,


kalsada, pagawaan, pabrika, gusali, mga tirahan at iba pang mga istruktura at
imprastraktura. Ito ay itinuturing na mga fixed capital na kung saan ginagawa ang mga
produkto. Sa pagdami ng mga namumuhunan sa Pilipinas, naitatayo ang mga pabrika
at kalakalan sa Pilipinas. Dahil dito, tumataas ang antas ng konstrukyon bunga na rin
ng pangangailangan sa mga imprastraktura ng mga namumuhunan sa bansa.

Utilities ang tawag sa mga produkto gaya ng kuryente, gas at tubig na matinding
pangangailangan ng mga mamamayan. Tungkulin ng ekonomiya na tiyakin na
nakalatag ang mga imprastraktura at mga teknolohiya na kailangan upang maihatid
ang mga serbisyo ng tubig, kuryente at gas sa nakararaming mamamayan. Dito malaki
ang papel na ginagampanan ng pamahalaan dahil upang mapatakbo at mapaunlad
ang sektor na ito, kinakailangan ng malaking kapital. May malaking responisbilidad ang
pamahalaan na siguraduhin na nakaabot sa mga serbisyong ito sa nakararaming
mamamayan.

Sa kabuuan, ang mga subsektor ng industriya ay pawang mahalaga sa pag-


unlad ng isang ekonomiya. Ang maayos na pamamahala at pagpapatakbo sa apat na
subsektor ay mangangahulugan ng karagdagang dami sa kapasidad ng ekonomiya na
makalikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng
nakararaming Filipino. Nagmumula sa sektor na ito ang 30% ng produksyon ng isang
bansa. Nagbibigay din ito ng trabaho at gawain sa may higit na labing-anim na
porsyento ng mga manggagawa. Bunga ng kita sa mga kalakal na gawa ng industriya
4
na inilalabas sa ibang bansa, kumikita ang ekonomiya ng dolyar. Kung masigla at
maunlad ang sektor ng industriya, mas makalilikha ang ekonomiya ng mga
kapakipakinabang na mga produkto at serbisyo para sa mga mamamayan. Ang patuloy
na pag-unlad ng sektor ng ekonomiya ay maari ring magbigay-daan sa paglikha ng
mga bagong kagamitan na magpapahusay sa produksyon. Inaasahan sa pagdaraan
ng panahon higit pa nating mapalakas ang kakayahang industriyal at makalikha ito ng
mga produktong capital na makapagpapapabilis sa pagsulong ng ating produskyon.
Kung malawak rin ang paggamit natin ng makinarya, mapapalaki rin natin ang “dagdag
halaga” o value added na nalilikha sa paggawa ng mga produkto. Kung mas mataas
ang antas ng proseso na gumagamit ng mag makabagong teknolohiya, mas mataas
din ang halaga nito.

III. MGA SANGGUNIAN

Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, pp.
386 – 397.

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1: HULA- INDUSTRIYA


Panuto: Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Tukuyin kung anong sektor ng
industriya ang naipapakita ng mga larawan. Pagkatapos, isulat ang pakinabang ng
nasabing sektor o subsector sa iyong sariling komunidad.

1. 2. 3.

4. 5.
5
Pakinabang:
1. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 2: CASE ANALYSIS

Panuto: Suriin ang isyu ng “Dolomite Mining sa Cebu” noong nakaraang taon, na ayon
kay Mayor Michael Angelo Sestoso ng Bayan ng Alcoy sa Cebu na ang “Dolomite
Mining” ay nasimulan na ng 39 years ang nakakaraan. Ayon pa sa kanya, ang
“Dolomite Mining” ay hindi isinagawa para sa pagpapaganda ng Manila Bay kundi para
iluwas sa bansang Japan at sa iba pang bansa sa Asia para gawing bakal, plate glass
para konstruksiyon automotive glass, fertilizer, and soil conditioner. Tukuyin ang naging
dahilan ng nasabing pangyayari at mabigay ng konkretong solusyon para maiwasan
ang panibagong trahedya sa kalikasan. Ang inyong awtput ay bibigyang marka sa
pamamagitran ng rubik na nasa ibaba.

Pinagkunan: https://www.pna.gov.ph/articles/1116421

6
Rubric sa Pagsagot ng Case Analysis:

Katamtaman ang Nangangailangan


Mahusay
Pamantayan Husay ng pagsasanay Puntos
5 puntos 4 puntos 3 puntos
Napakaangkop at Angkop at wasto Kakaunti ang
wasto ang mga ang salitang angkop ang
Pagkabuo
salitang ginamit sa ginamit sa salitang ginamit sa
pagkabuo. pagkabuo pagkabuo
Di gaanong
Buong husay ang Mahusay ang
mahusay ang
Nilalaman pagpapahayag ng pagpapahayag ng
pagpapahayag ng
mensahe mensahe
mensahe

Kabuuang Puntos

Gawain 3: SULAT-TALASTAS

Panuto: Sumulat ng isang maikling script ng patalastas na nagpapakita ng kahalagahan


ng sektor ng industriya, maari ito ay tungkol sa pagmimina, pagmamanupaktura,
konstruksiyon o utilities.

___________________________
(Pamagat ng Patalastas)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubric Para sa Paggawa ng Patalastas

Mahusay Katamtaman ang


Nangangailangan
Pamantayan Husay ng pagsasanay Puntos
5 puntos 4 puntos 3 puntos
Pagkabuo Napakaangkop at Angkop at wasto
Kakaunti ang
wasto ang mga ang salitang
angkop ang
salitang ginamit ginamit sa salitang ginamit sa
sa pagkabuo. pagkabuo pagkabuo
Nilalaman Buong husay ang Mahusay angDi gaanong
pagpapahayag ng pagpapahayag ng mahusay ang
mensahe mensahe pagpapahayag ng
mensahe

Kabuuang Puntos

7
8
Gawain 1: HULA-INDUTRIYA
1. PAGMIMINA
2. PAGMAMANUPAKTURA
3. UTILITIES
4. KONSTRUKSIYON
5. PAGMIMINA
Pakinabang: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot.
Gawain 2: CASE ANALYSIS
• Inaasahang ang sagot ng mga mag-aaral .
Gawain 3: SULAT-TALASTAS
• Inaasahang iba-iba ang gawa ng mga mag-aaral.
VI. SUSI SA PAGWAWASTO
iyong pangangailangan?
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa pagtugon ng
V. REPLEKSIYON

You might also like