You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 9

4th Quarter – Module 2


DATE: March 22-26, 2021

LEARNING OUTCOMES:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mahalagang papel o tungkulin ng sektor ng agrikultura at ng apat (4) na
subsectors na bumubuo rito.
2. Natutukoy ang mga suliraning kinakaharap sa sektor ng agrikultura.
3. Nakapagbibigay ng may katuwirang solusyon tungo paglutas sa suliranin ng sektor ng
agrikultura.
4. Natutukoy ang mga ahensiyang responsable sa pagpaunlad ng Sektor ng Agrikultura
SUBJECT MATTER/TOPIC:  Sektor ng Agrikultura

CORE VALUES/BIBLICAL PRINCIPLES:

INTRODUCTION:

Ang ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang sektor. Ang mga sektor na ito ay nagtutulungan
upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang unang
sektor na ating tatalakayin, ang sektor ng agrikultura, ay isa sa pinakamahalagang sektor kung hindi
naman ay ang pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ng ating bansa.

Masdan ang mga nasa larawang nasa ibaba. Sinu-sino ang mga nasa larawan? Ano ang
kanilang mahalagang ambag sa ekonomiya ng isang bansa?
 

BODY/CONTENT:

Gusto mo bang makatuklas ng mga panibagong kaalaman? 

TALAKAYAN
Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop
at mga tanim o halaman. Saklaw ng sektor na ito ang mga gawaing may kinalaman hayop at
halaman. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.. Ang bawat
gawain sa sektor na ito ay may malaking naitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao sa ating
bansa at nakapagdudulot ng malaking bahagi sa pagpapaunlad ng bansa. Sinasabing ito ang
nagtaguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya upang matugunan ang pangangailngan sa pagkain
at mga hilaw na materyales na kailangan sa produksiyon.

ANG BUMUBUO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Ang Sektor ng Agrikultura ay binubuo ng apat na subsectors: pagsasaka/paghahalaman,


paghahayupan, pangingisda, at paggugubat. Bawat subsectors nito ay may karampatang
gampanin sa larangan ng agrikultura.

PAGSASAKA/PAGHAHALAMAN
Ito ay tumutukoy sa malawakang pagtatanim sa bansa ng mga
pangunahing produktong pang-agrikultura katulad ng palay, mais, tubo,
niyog, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Saklaw din nito ang
malaking produksyon ng gulay, halamang-ugat, at halamang-yaman sa
hibla o fiber sa gawaing pang-agrikultura ng bansa. Halimbawa nito ay
ang mani, kamoteng-kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo,
talong at kalamansi.
PAGHAHAYUPAN
Malawak ang industriya ng paghahayupan sa bansa. Ito ay binubuo ng
pag-aalaga ng mga pangunahing hayop tulad ng manok, baboy, kalabaw, baka,
kambing, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pagsusuplay ng ating
mga pangangailangang karne at iba pang pagkain. Ngunit nang dahil sa hindi
mapigilang pangangailangan ng mga tao, nagkakaroon ng kakulangan sa mga
karneng nagmumula sa mga hayop. Upang mapigilan ang paghantong sa
kaubusan ng mga hayop, umusbong ang mga programang magpapanatili ng
balanse sa bilang o dami ng mga hayop. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
 Batas Republika Bilang 7307 (Philippine Carabao Center)
 Batas Republika Bilang 8485 (Animal Welfare Act of 1988)

PANGINGISDA
Ang pangingisda ay isa rin sa bumubuo sa sektor ng Agrikultura. Itinuturing
na ang Pilipinas ay ang isa sa mga pinkamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Ang uri ng pangingisda ay nahahati sa tatlo: komersyal, munisipal, at
aquaculture. Ang aquaculture ang pinakamalawak ang kabuuan. Ang hipon at sugpo ang
pangunahing produktong iniluluwas sa ibang bansa. Ang damong-dagat na ginagawang gulaman ay
tinatawag naman na carrageenan.

PAGGUGUBAT
Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawaing sektor ng
agrikultura. Ang paggugubat ay tumutukoy sa mga yamang-gubat kagaya
ng troso, plywood, tabla, at iba pang yamang nakukuha sa mga punong-
kahoy sa kagubatan. Kasama rin dito ang mga produktong gubat na hindi
kahoy tulad ng rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan, at dagta ng
almaciga. Bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga
yaman nito, patuloy pa ding nililinang ang anting mga kagubatan.

Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang
agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan. Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging
katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain - Malaking bahagi ng


pangangailangan ng tao ay tinutugunan ng agrikultura lalong-lalo sa pagkain. Mula sa sektor ng
agrikultura ang mga pagkaing tulad ng bigas, isda, karne, gulay at prutas.

2. Pinagkukunan ng mga hilaw na materyal para makabuo ng bagong produkto - Ang sektor
ng agrikultura ang nagsisilbing taga-suplay ng mga hilaw na sangkap na kailangan ng industriya.
Halimbawa nito ay ang mga hilaw na sangkap na tulad ng abaka, bulak, goma, at tabako na siyang
pino-proseso ng industriya upang magkaroon ng bagong produkto tulad ng tsinelas, sigarilyo,
gulong, at plastik.

3. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino - Isang magandang dulot rin ng sektor ng
agrikultura ang pagbibigay daan upang magkaroon ng kabuhayan o trabaho ang maraming mga
Pilipino.Ang mga gawain sa agrikultura katulad ng pagsasaka, pagtatanim ng gulay at prutas, at
pag-aalaga ng hayop ay masasabing payak o simple kung ihahambing sa gawain ng industriya.
Bukod dito, kadalasangt ang buong pamilya ang nagtutulong-tulong sa mga gawain. Dahil dito, mas
marami ang nahihikayat na pumasok sa mga gawaing agrikultural sa mga lalawigan.

4. Pinagkukunan ng kitang panlabas o salaping dolyar - Sa Pilipinas, ang karamihan sa


pangunahing produktong iniluluwas ay mga produktong nagmumula sa sektor ng agrikultura, tulad
ng abaka, tabako, asukal, kape, mangga, saging, at maging mga yamang-dagat. Nakatutulong ang
malaking kita nito upang magamit naman ng pambiling materyales at makinarya na kailangan ng
bansa.

MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG SEKTOR NG AGRIKULTURA


 Pagkasira ng likas na yaman dahil sa polusyon
 Pagkaubos ng kagubatan
 Erosyon sa lupa
 Mababang halaga o presyo ng mga produktong agrikultural
 Kakulangan sa kapital
 Kawalan sa implementasyon sa mga programang pansakahan
 Kakulangan sa paggamit ng teknolohiya
 Kompetisyon sa dayuhang produkto

MGA AHENSIYANG TUMUTULONG SA PAGPAPAUNLAD NG SEKTOR NG


AGRIKULTURA

1. Department of Agriculture - nakatuon sa pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka


pati na rin sa pagpapababa ng kahirapan sa mga sektor na rural.

2. Department of Agrarian Reform - Ang ahensiyang itinakda upang magsagawa ng ng


lahat ng mga programang repormang panlupa sa bansa.

3. Department of Environment and Natural Resources - responsable sa pagkontrol at


pamamahal ng eksplorasyon, pagpapaunlad, maayos na paggamit, at pananatili ng mga likas
na yaman ng Pilipinas.

4. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - isang ahensiya sa ilalim ng Department


of Agriculture na nakatuon sa paglilinang, pagpapabuti, pamamahala, at konserbasyon ng
mga pangisdaan at yamang-tubig sa ating bansa.

5. National Irrigation Administration - isang Government-Owned and Controlled


Corporation (GOCC) na inatasan upang manguna sa paglinang at operasyon ng mga
irigasyon sa buong bansa.
6. National Food Authority - Ang ahensiyang responsable sa pagpapanatili ng seguridad
sa pagkain ng Pilipinas pati na rin ang katatatagan ng suplay ng presyo at suplay ng bigas.

Karagdagang Gawain

(ASYNCHRONOUS/SYNCHRONOUS)

1. Panoorin ng may pang-unawa ang mga sumusunod na video.

 https://www.youtube.com/watch?v=eQtqoHRb3YA - Sektor Ng Agrikultura


(Buod)

2. Basahin sa pahina 265-260 sa aklat ng Makisig…Ekonomiks ang Kasaysayan ng


Reporma sa Lupa at ang mga programang pang-agrikultuura ng mga naging Pangulo
ng Pilipinas.

SUMMARY/CONCLUSION:

Malaki ang gampanin ng Sektor ng Agrikultura lalong higit sa pagtamo ng kaunlaran ng


isang bansa. Nakapaghahatid ito ng malawak na kontribusyon sa larangan ng ekonomiya ng bansa
at sa pangkabuhayan ng bawat mamamayan.
May iba’t ibang salik sa ating lipunan na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng suliranin sa
sektor ng agrikultura. Ang bawat suliranin ay may kaakibat naman din na solusyon upang
matugunan ang pangangailangan ng nasabing sektor. Nariyan ang mga programa at repormang
nailunsad upang makatugon sa pagpapaunlad ng ating bansa. Kagyat na tumutugon ang bawat
ahensiyang nakatalaga sa pangangalaga at pagpapalago ng sektor ng agrikultura upang lubusang
matamo ng bansa ang paglago at kaunlaran.

ASSESSMENT:
1. Gawin ang Performance Task na nakatalaga sa CANVAS. Gamitin ang mga video links upang
maging gabay at batayan

REFERENCES/RESOURCES:

Printed Resources:
Batayang Aklat
Molina Ramil V., et al. 2016. Makisig...Ekonomiks. Magallanes Publishing House
pahina 238-245
Flores,H.J., et al. 2014. Kalakaran sa Ekonomiks. St. Bernadette Publishing House Corp.
Pahina 297- 311
Online Resorces
https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-4
Video Links:
https://www.youtube.com/watch?v=bZ06x00LdLo
https://www.youtube.com/watch?v=eQtqoHRb3YA
https://www.youtube.com/watch?v=xBm0ST7HxvU (Kakulangan sa Bigas)
https://www.youtube.com/watch?v=i8bx3o1R8DA (Fish Kill)
https://www.youtube.com/watch?v=dYu-27CLrug (Illegal Logging)
https://www.youtube.com/watch?v=56XrIJYefho (Kakulangan sa Baboy at Manok)

Inihanda ni:

MARJORIE V. PADOLINA
Pre-service Teacher

Sa kaalaman ni:

SUSAN B. QUILANG, LPT


Subject Teacher

You might also like