You are on page 1of 3

Week 4 Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 9

SAN CARLOS
Quarter HIGHIkaapat
SCHOOLna Markahan Date May 17, 2022

I. MOST ESSENTIAL Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang pang- ekonomiyang
LEARNING nakatutulong dito
COMPETENCIES (MELCs)
Pinakamahalagang Kasanayan Mga Tiyak na Layunin:
sa Pagkatuto  Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng tungo sa isang masiglang
ekonomiya
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriyal tungo sa pag-unlad ng kabuhayan
 Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pangekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya
II. SUBJECT MATTER Sektor ng Industriya
Paksa Learning Resource:
 Ekonomiks Learners’s Module pp. 386-400
 SLM-Sektor ng Industriya
III. PROCEDURES
Pamamaraan
A. Preparatory Panalangin , Pagtsi-tsek ng attendance, Kumustahan
Activities
Panimulang Gawain
Balik-aral:
B. Developmental Activities Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang sektor ng agrikultura at kung ano ang ambag nito upang
makamit ang pambansang kaunlaran.
Pagpapaunla
C. Motivation Gawain 1. Primarya-Sekondarya Hala!
Motibasyon Panuto: Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Iugnay ang larawan sa kanan at sa kaliwa.

Pamprosesong Tanong: (Reflective Approach)


1. Mula sa larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?
2. Paano nabuo ang mga produktong lubid, sardinas at gulong?
3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon ng mga produkto
D. ACTIVITY Gawain 2: Pinagmulan, Alam ko! (Constructivist Approach)
Panuto: Maglista ng limang gamit na nasa kanilang bag o nasa loob ng silid-aralan at sabihin
kung anong produktong primarya ang pinagmulan nito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa
pagtalakay sa gawain
Pamprosesong Tanong: (Appying in Real-Life Situation): (Reflective Approach)
1. Bakit mo napili ang mga isinulat mong produkto?
2. Paano mo ito maiuugnay sa sektor ng industriya? Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang sektor
ng industriya sa pagtugon ng iyong pangangailangan?

Iuugnay sa Gawain 1- Sektor ng Industriya (across curriculum teaching areas:


Science – chemical change)

• Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing pangkabuhayan. Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang
mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao.

E. ANALYSIS Pangkatang Gawain (Collaboration Aproach)


Panuto: Gamit ang iba’t ibang Concept Maps o Graphic Organizers, iuulat ng bawat grupo sa
klase ang mga paksa na nakatalaga sa kanilang pangkat.

Unang Pangkat: Ang Subsektor ng Industriya


Ikalawang Pangkat: Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Ikatlong Pangkat: Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Industriya
Ikaapat na Pangkat: Sangay ng Pamahalaan na Tumutulong sa Sektor ng Industriya

RUBRIKS NG PAGMAMARKA o PAMANTAYAN SA PAG-UULAT

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5
Organisado at malikhain ang paglalahad ng ideya ayon sa paksa ng 5
araling inilahad
Kaangkupan ng mga kagamitang ginamit sa paglalahad 5

Kooperasyong ng bawat kasapi ng angkat 5


Kabuuang Puntos 20

Katumbas na Interpretasyon:
5 Magaling
4 Lubhang kasiya-siya
3 Kasiya-siya
2 Hindi gaanong kasiya-siya
1 Dapat pang linangin

F. ABSTRACTION Gawain 3 : VENN DIAGRAM (Constructivist Approach)


Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya.
Kinakailangan ang dalawa upang higit na mapabuti ang
katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya. Mula sa naging
talakayan, punan ang Venn diagram ng mga hinihinging
impormasyon.

Ugnayan: _____________________________________________________
Pagkakaiba: ___________________________________________________
Pamprosesong Tanong: (Reflective Approach)
1. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?
2. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao? bansa?
3. Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya?

G. APPLICATION Gawain 4: BENEPISYO o EPEKTO?(Reflective Approach)


Paglalapat Halos bawat bansa ay nagsisikap na matamo ang industriyalisasyon dahil sa kaugnayan nito sa
konsepto ng kaunlaran. Ngunit ayon mismo sa ilang mga ekonomista, ang industriyalisasyon ay
nagdudulot din ng masamang epekto sa kapaligiran. Basahin ang hilaw na teksto. Suriin ang mga
ideya at ang nakapaloob na paniniwala sa sumulat. Iugnay ang paksang Industriyalisasyon sa
pagkilala sa kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang likas na karapatan ng mga
katutubo na nagmula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang estraktura at kultura,
espiritwal na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya, lalo na ang karapatan sa kanilang mga lupain,
nasasakupan at likas-yaman. Gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng
gawain.

Pamprosesong Tanong: (Reflective Approach)


1. Ano ang nilalaman ng hinalaw na teksto?
2. Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat? Ano ang iyong personal na katayuan sa
isyu? Bakit?
3. Anoa ng nagging konklusyion ng sumulat? Bakit iyon ang nagging pangwakas niya?
H. GENERALIZATION Gawain 5: ARROW in ACTION! : (Reflective Approach)
Paglalahat Panuto: Sagutin ang tanong:

IV. EVALUATION Maikling Pagsusulit


Pagtataya A. Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO ERASURES.
1. Pangunahing layunin ng sektor ng industriya ang maiproseso ang mga hilaw na materyal upang
makabuo ng mga ___________.
2. Sub-sektor ng industriya na may kinalaman sa pagkuha ng yamang mineral.
3. Kabilang sa sub-sektor ng industriya ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at
iba pang land improvements.
4. Ito ay tumutukoy sa mga proyektong walang pakinabang ng pamahalaan.
5. Sangay ng pamahalaan na gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.

B. Tukuyin kung saang uri ng industriya ayon sa laki kabilang ang mga sumusunod na
katangian. Isulat kung ito ay kabilang sa Cottege Industry, Small and Medium Scale Industry
o Large Scale Industry.
1. Nagluluwas ng patis sa ibang bansa si Ginoong Loren.
2. Gumagawa ng peanut butter sa bahay si Aling Tentay.
3. Gumagamit ng makina ang mga trabahador ni Aling Fely sa pagawaan ng tsinelas sa bayan ng
Liliw, Laguna.
4. Itinitinda sa palengke ng Imus ang homemade longganisa ni Aling Petra.
5. Nagtratrabaho sa pabrika ng Purefoods si Mang Johnny.

V. ASSIGNMENT Panoorin ang video


Takdang Aralin Sektor ng Industriya
• https://youtu.be/Uf5tI8z5kBQ

VI. REFLECTION
Pagninilay

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

ERFE DONNA A. ASPIRAS


ROMINA D. JAVIER School Principal II
Teacher I Petsa

You might also like