You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin

Sa
Araling Panlipunan

Grade 10 Ika-22 ng Marso 2019 Paunlarin

I. Pamantayan
a. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mga pang-unawa sa mga sector ng ekonomiya at
mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.
b. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi na maayos na nagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sector ng ekonomiya at nga patakarang ekonomiya nito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.
c. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sector ng industriya tulad ng pagmimina tungo
sa masiglang ekonomiya
Mga Layunin
1. Nakikilala ang mga sekondaryang sektor ng Industriya
2. Nabibigyang halaga ang sekondaryang sector ng industriya
3. Nakagagawa ng concept cluster hinggil sa kahalagahan ng mga sekondaryang sector ng industriya
II. Nilalaman
a. Paksang Aralin: Yunit- Yunit IV: Mga sector ng Ekonomiya at mga Patakarang Pang-ekonomiya
nito
Aralin: Aralin 3:Sektor ng Industriya
b. Sanggunian: Ekonomiks- Modyul Para sa Mag-aaral
c. Kagamitan

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1. Panimulang Gawain
a. Paghahanda
-Magandang umaga sa inyong lahat! -Magandang umaga rin po Ma’am!
-Tumayo ang lahat para sa pagdarasal.
-Mayroon bang lumiban sa klase? -Wala po Ma’am
-Ipasa ang inyong takdang aralin at -Okay po Ma’am.
pagkatapos ay ayusin ang mga upuan at
pulutin ang mga papel na nakakalat.

b. Pagbabalik Aral
Kahapon ay natalakay natin ang paunang konsepto
higgil sa sector ng industriya.

- Batay sa ating natalakay, ano ang - Ang pangunahing layunin ng sector ng


pangunahing layunin ng sektor ng Industriya? industriya ay ang makalikha ng mga produkto
mulo sa mga hilaw na sangkap sa sector ng
agrikultura.
- Papaano ito nakatutulong sapagtugon sa pag- - Ang sektor ng industriya ay may malaking
unlad ng ating ekonomiya? gampanin sa pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa sa pamamagitan ng paglikha nito
ng makabagong produkto na makatutulong
sa paglaki ng kita ng ating bansa
- Tama! Napakagaling.
1. Paglalahad

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang mga


sekondaryang sector g sector ng industriya. Na kung
saan inaasahan sa mga mag-aaral na makakamit ang
mga sumusunod na layunin.
 Nakikilala ang mga sekondaryang
sektor ng Industriya
 Nabibigyang halaga ang
sekondaryang sector ng industriya
 Nakagagawa ng concept cluster
hinggil sa kahalagahan ng mga
sekondaryang sector ng industriya

Gawain

- Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa apat na - Opo Ma’am!


pangkat. Simple lang ang gagawin ninyo,
sundin nyo lang ang gawaing ipinagagawa sa
task card na ibibigay ko. Maliwanag ba?

Task Card 1

Gamit ang Concept Definition Map, isulat


ang kahulugan ng PAGMIMINA at magbigay
ng halimbawa sa mga produktong malilikha
mula dito.

Task Card 2

Gamit ang Concept Definition Map, isulat


ang kahulugan ng PAGMAMANUPAKTURA
at magbigay ng halimbawa sa mga
produktong malilikha mula dito.

Task Card 3

Gamit ang Concept Definition Map, isulat


ang kahulugan ng KONSTRUKSIYON at
magbigay ng halimbawa sa mga produktong
malilikha mula dito.

Task Card 4

Gamit ang Concept Definition Map, isulat


ang kahulugan ng UTILITIES at magbigay ng
halimbawa sa mga produktong malilikha
mula dito.
Analisis/Pagsusuri

- Papaano nagkakaiba-iba ang mga - Ang mga sekondaryang sector ng industriya


sekondaryang sector ng Industriya? ay nagkakaiba-iba pagdating sa mga produkto
at serbisyong malilikha mula sa nga ito.
- Papaano ito nakatutulong sa sector ng - Nakatutulong ang mga ito sa pagtugon sa
industriya? iba’t ibang pangangailangan ng tao sa isang
ekonomiya.
- Tama! Napakagaling!
Abstraksiyon/Paglalahat

- Batay sa ating talakayan, mahalaga ba ang - Opo ma’am! Lubha itong mahalaga sa
sector ng industriya pagdating sa pambansang kaunlaran.
pambansang kaunlaran? Sa papaanong Ang sekondaryang sector ng industriya ay
paraan? siyang may malaking gampanin pagdating sa
paglikha ng mga produktong kakailanganin ng
tao. Bawat sector ay kailangang pagtuunan
ng pansin nang sa gayon ay mas maging
produktibo ang mga ito at magkaroon ng
kaunlaran pagdating sa sector ng industriya.

Aplikasyon

- Kumuha ng ikalawang bahagi ng papel.


Gamit ang concept cluster. Isulat ang PAGMIMINA PAGMAMANUPAK-
mahalagang gampanin ng bawat TURA
sekondaryang sector ng industriya sa SEKTOR NG
kaunlaran ng pambansang ekonomiya. INDUSTRIYA

KONSTRUKSIYON UTILITIES

IV.Ebalwasyon

Panuto: Ibigay ang sagot sa bawat tanong o


pahayag. Sagot:

1. Layunin nito na makalikha ng mga produkto 1. Sektor ng agrikultura


mula sa hilaw na sangkap mula sa sector ng
agrikultura.
2. Sekondaryang sector na kung saan ang mga 2. Pagmimina
metal, di-metal at mga enerhiyang mineral
ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang
gawing produkto.
3. Ang sekondaryang sector na ito ay nakatuon 3. Kontruksiyon
sa pagtatayo ng mga gusali, struktura at iba
pang land improvements.
4. Ito ay tumutukoy sa paggawa ng produkto sa 4. Pagmamanupaktura
pamamagitan ng manual labor o ng mga
makina.
5. Binubuo ng mga kompanyang tumutugon sa 5. utilities
pangangailangan sa tubig, kuryente at gas.

V.Takdang Aralin

1. Ano ang kahalagahan ng sector ng industriya


sa kaunlaran ng ekonomiya?

You might also like