You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin

Sa pagtapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naipapamalas ang pag-unawa sa kwento ng pinagmulan ng sariling


komunidad batay sa konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy at
pagpapahalaga sa kulturang nabuo ng komunidad.

2. Nabibigyang halaga ang mga bagay na nagbago at nananatili sa


pamumuhay komunidad.

3. Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa komunidad sa iba-ibang


larangan batay sa kwento ng mga nakatatanda ayon sa uri ng
transportasyon, pananamit, libangan, bilang ng populasyon at iba pa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Aking Komunidad Noon at Ngayon

Sanggunian:

 Araling Panlipunan 2.2003.pp.106-108

Kagamitan: Mga Larawan, Manila Paper

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Pagbati

Pagdarasal

Pamamahala ng Silid-aralan

Pagtsetsek ng mga lumiban at hindi


lumiban

Magandang Hapon mga bata!

Tumayo muna tayo upang magdasal (Ang mga bata ay magdadasal)

Bago umupo pulutin muna ang mga (Ang mga mag-aaral ay magpupulot
kalat na nakikita ninyo sa inyong ng kalat at aayusin ang silya)
paligid at ayusin ang mga silya.
B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral

Ano ang pinagmulan ng inyong


komunidad?

C. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng ibat-ibang


transportasyon,damit at libangan noon at
ngayon.

D. Paglalahad

Pagbasa ng kwentong Ang Aking


Komunidad Noon at Ngayon

(Tingan ang Manila Paper)

E. Pagtalakay

Saan matatagpuan ang komunidad ayon


sa kwento?

Ano-ano ang mga kasuotan,


transportasyon, at libangan noon?

F. Pagsasagawa ng Gawain

Pangkatang Gawain

Pangkat 1- Iguhit ang transportasyon noon


at ngayon
Pangkat 2- Iguhit ang damit na sinusuot
noon at ngayon
Pangkat 3- Iguhit ang mga gamit
panlibangan noon at ngayon.

Gawain 2
Isulat ang Noon kung ang mga
sumusunod ay noon ginagamit bilang
transportasyon,pananamit, at libangan at
Ngayon kung ngayon ito ginagamit.
1. Kalabaw 1. Noon
2. Radio 2. Ngayon
3. Bangkang de sagwan 3. Noon
4. Gasera 4. Noon
5. cellphone 5. Ngayon

G. Paglalapat

Maganda ba ang mga pagbabagong


nagaganap sa ating komunidad? Bakit?

H. Paglalahat

Ano-ano nga ulit ang mga pagbabagong


nagaganap sa ating komunidad?

I. Pagtataya

Isulat ang Noon kung noon ito ginagamit at


NGAYON kung ngayon ito ginagamit.

1. Bahay Kubo
2. Computer
3. Facebook
4. Plantsang de uling
5. Kalesa

You might also like