You are on page 1of 3

Pangalan: Herrera, Princess DianeL.

Course/Level: BEED-ECED 4-A

Cooperating Teacher: Lea Longakit Professor: Decina M. Francisco

Cooperating School: Lyceum ng Kabataan Incorporated (LYKA)

Banghay Aralin sa Araling Panlipupnan lll

I – LAYUNIN

Sa loob ng 40 minutong aralin sa Araling Panlipunan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a) Malaman ang iba’t-ibang pistang pinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa
b) Mapahalagahan ang iba’t-ibang pistang pinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa
c) Matukoy ang iba’t-ibang pistang pinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa

II – PAKSANG ARALIN

Paksa                    :           Mga Pagdiriwang sa Aking Lalawigan at Kinabibilangang Rehiyon

Sanggunian          :           Aklat sa Sinag 3

Kagamitan           :           Powerpoint Presentation

Pagpapahalaga   :           Mapahalagahan ang iba’t-ibang pagdiriwang na ginaganap sa ating bansa

III – PAMAMARAAN

A.    Pangunahing Gawain

a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagtala ng Liban sa klase

B.      Motibasyon/Gawain/Pagtatanong

 Pagbabalik-aral
 Aawit ng kantang Pista sa aming Nayon
 Ano ang napansin nyo sa ating inawit tungkol kaya saan ang ating tatalakayin ngayong araw?
 Sino sa inyo ang nakapunta o nakaranas ng pistahan?
C.       Wastong Pagtuturo

Tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng pista at magpapanood ng bidyo.

Sinulog “Tulad ng agos ng tubig”

• Isinasayaw bilang parangal sa mga anito.

• Ferdinand Magellan, Rajah Humabon at Reyna Humamal

• 800 katutubong nagnanais mabinyagan bilang mga katoliko.

• Pinalitan ang pangalan ni Reyna Humamal bilang Reyna Juana.

• Lungsod ng Cebu-ikatlong linggo ng Enero.

• “Pit Señor!’’ at “Hala, Bira!”

Ati-atihan Ati- naninirahang sa Isla ng Panay.

• Itim na balat at kulot na buhok.

• Ati-atihan “maging katulad nila’’.

• Kalibo, Aklan- ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero.

• Pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop

• Santo Niño

• Hala Bira!

Dinagyang “Pagdiriwang”- Bonggo

• Boilo, Iloilo City

• Padre Ambrosio Galindez ( 1967 )

• Nagsasayaw sa daan habang ang mga mananayaw ay

may uling sa katawan.

• Magaganda at makukulay.

• National Commission of the Arts-2013

• Festival of Excellent Folk Choreography.

• Lungsod ng Ilo-ilo – ikaapat na linggo ng Enero.

Masskara Mass- “marami” at Kara- “mukha’’

• Nakangiting mga maskara

• Ugali at pagkakakilanlan ng mga taga Bacolod


• “City of the Smiles”

• Pinakamalaki at pinakamagarbong piyesta sa Pilipinas.

• Street dancing

IV -- PAGLALAHAT

 Mahalaga ang mga pagdiriwang dahil ito ay sumasalamin sa mayamang kultura ng mga Pilipino.

 Iba’t-ibang pista ang pinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa:

a) Sinulog Festival

b) Ati-atihan Festival

c) Dinagyang Festival

d) MassKara Festival

 Base sa talakayan nagbibigay ng mga katanungan.

V --  PAGTATAYA

            Panuto:

1-5 Pumili sa loob ng kahon at isulat sa papel ang tamang sagot.

Sinulog Ati-atihan Dinagyang

MassKara Pista

1. Ito ay pinarangalan ng National Commission of the Arts noong 2013 bilang Festival of Excellent
Folk Choreography?

2. Pinakamalaki at pinakamagarbong piyesta sa Pilipinas.

3. Ito ay bahagi ng kultura ng Pilipinas na pinagdiriwang sa iba’t-ibang panig ng bansa?

4. Ito ay ginaganap sa lungsod ng Cebu tuwing ikatlong linggo ng Enero.

5. Sinasabing nagsimula ang maalamat ng selebrasyon na ito sa pagtatagpo ng mga katutubo at ng


mga Kristiyanong mananakop

VI – TAKDANG ARALIN

          Mula sa aklat ng Sinag 3 sagutan ang pahina 242 Isapuso A at pahina 245 Sining.

You might also like