You are on page 1of 6

Banghay-aralin sa MAPEH 5 (Art)

Marso 14, 2019

I. LAYUNIN Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nalalaman ang kahulugan ng iskultura at mga uri nito.
2. Napahahalagahan ang pagtutulungan sa paggawa ng iskultura.
3. Nakakabuo ng sariling iskultura gamit ang luad.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Iskultura
b. Kagamitan: laptop, speaker, kartolina, luad, toothpick, laruang manok,
wood sculpture.
c. Sanggunian: youtube: https://youtu.be/Jh6QiH9ZVSk, The sculptural idea
by: James J. Kelly
d. Pagpapahalaga: pagtutulungan

III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
-pagdarasal
-pag-uulat ng liban
-pagsiyasat sa takdang aralin
b. Balik-aral

c. Paghawan ng balakid (unlocking of difficulty)


Oras Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral

Mga kagamitan:
3-5
minuto 1. Laruang manok

2. Bukabularyo sa bulsa

3. Musika/ispiker

4. Laptop

panuto:
Ipasa sa katabi ang laruang manok
habang tumutugtog ang musika. Kapag
tumigil ang musika, kung saan mahinto
ang laruan, siya ang hihila ng papel na
naglalaman ng bagong salita na
babasahin nang malakas.

1
Naintindihan ninyo ba ang panuto?
Opo sir!

Ok class, umpisahan na natin.

*nag-umpisang tumugtog* *pinapasa ang manok na laruan*

*tumigil ang musika*

Saan nahinto ang laruan?


Mag-aaral A: sir sa akin po

Ok mag-aaral A, pumarito po kayo sa


harap at basahin nang malakas ang
nakasulat.
*binasa ang bagong salita*
1. tatlong sukat (3-Dimension)

Tuloy ang musika

*tumigil ang tugtog* Mag-aaral B: natapat po sa akin

Dito po sa harap at basahin ang salita.


*binasa nang malakas ang salita*
2. luad (clay)

Tuloy ang musika

*tumigil ang tugtog*


Mag-aaral C: ako po sir

Pakibasa po sa harap
*binasa *
3. kasangkapan (medium)

Salamat sa masusuwerteng bumasa.

*sininop ang mga pinaggamitan*

d. Pagganyak

oras Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral


kagamitan:
5-7
minuto Clay / luad

Panuto:
Gamit ang luad (clay), ang guro ay
gagawa ng simpleng iskultura at
ipapakita sa mga mag-aaral.

Ok class, mayroon ako ditong luad


Ano nga ba ulit yung luad?
Clay po sir!

2
May gagawin ako ditto sa clay na ito at
hulaan ninyo kung ano ha? Opo sir!

*gumawa ng clay sculpture at ipinakita*

O ayan class, ano ba itong nagawa ko?


Alam ko po yan sir! ano yan dinosaur.
Tama!

Eh ito kaya
*gumawa ng mukha*

Kilala ninyo ba ito?


eh sir sino po yan sir?

Imagination kulang kung ano lumabas.


Kailangan malawak ang imahinasyon ng
artist.
Ah ganun po ba sir.
Ok class

Ang tawag sa ginawa ko nayan ay


Clay sculpture--isang uri ng 3D art
Ah iyon pala tawag dun.

e. Panlinang na Gawain

1. Pagtalakay sa paksa

oras Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral

10-15 Mga kagamitan:


minuto
1. Modelong wood sculpture

2. kartolina

3. video clip

*Ang paksa ay tatalakayin gamit ang


videoclip, iskulturang modelo, at
kartolina.

*ipapabasa ang nasa kartolina*

Paki basa nga po.


*Nagtaas ng kamay*

3
Iskultura- ito ay isa sa mga uri ng art na
mayroon tatlong sukat na lapad, haba,
kapal o lalim. Kilala rin ito bilang 3D sa
Ingles. Ilan sa mga uri nito base sa
ginamit na medium o kagamitan gaya ng:
kahoy, metal, bato, atbp. Ang iskultura ay
maaaring likha ng Diyos, tao, hayop, o *binabasa habang ang mga kamag-aral
kalikasan . ay nakikinig*

Isa pa po paki-ulit. Iba naman ang


babasa.

O sige ikaw naman.


Sir ako naman po!
Salamat po sa pagbabasa.
*matapos basahin*
*binasa muli at pinaliwanag*

*Matapos basahin at paliwanag*

Maliwanag ba mga bata?


May katanungan ba kayo?

Opo sir…
Yes?

*sumagot* *nagtanong*

Okay naba wala ng tanong?


Wala na po.
Panuorin ninyo itong 23 sculptures

Tahimik lang po tayo habang


pinapanuod itong video clip
Opo.
*matapos ang video*

Ok class nakita ninyo ang mga


sculptures diba ang huhusay ng
pagkakagawa?
Oo nga po sir
Mayroon din akong sariling gawa.

*Ipinakita*
Sir kayo po talaga gumawa niyan?

Oo class. Wood sculpture iyan gamit ang


pait sa pag-ukit.

2. Pangkatang Gawain

oras Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral


Kagamitan:
10-15
minuto 1. toothpick

4
2. Clay,

Direksyon:
-Hatiin sa apat hanggang anim na
pangkat
ang buong mag-aaral
-Bawat pangkat ay gagawa ng
iskultura gamit ang luad at
toothpick
-Pumili ng modelo mula sa sariling
Pangkat o mag-isip ng modelo
-Isa hanggang dalawang miyembro
ang magpapaliwanag ng gawa

handa na ba kayo mga bata?


Nakagrupo naba ang lahat?
Opo sir!

*gumagawa*
*nagmamasid sa mga gawa*

*Matapos ang gabay sa mga mag-aaral*

Tapos na po ba ng lahat?

Opo sir!
O sige tawagin na natin ang mga
magpapaliwanag ng kanya-kanyang
gawa.
*nag-uusap-usap*
Unang pangkat punta napo sa harap
Unang pangkat

*nagpaliwanag*
Salamat sa unang pangkat

Sunod na pangkat

Ikalawang pangkat

*nagpaliwanag*
Salamat din sa ikawalang pangkat

Sunod na po
Ikatlong pangkat

*nagpaliwanag*
Thank you sa ikatlong pangkat

At ang huling pangkat po


Huling pangkat

*nagpaliwanag*

Alin kaya sa mga iskultura ang humawig


sa modelo nila?
At dahil lahat naman kayo ay nag-effort
Bigyan naman natin ang sarili nantin ng
verygood clap.

*nag verygood clap*

5
f. Paglalahat

oras Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral

3-5 1. Ano ang iskultura?


minuto Isang uri ng art na may tatlong sukat na
lapad, haba, at lalim o kapal

2. Anu-ano ang mga halimbawa


ng medium o kasangkapan ng
iskultura?
Kahoy, metal, konkreto, plastic, luad
atbp.

3. Sinu-sino ang mga iskultor?


Diyos, tao, hayop, kalikasan

IV. PAGTATAYA
Bumuo ng kanya-kanyang iskultura gamit ang luad at toothpick.

V. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN

Dalhin ang mga sumusunod:

1. lapis at pambura
2. water color
3. bond paper
4. gunting at pandikit

VI. KUMENTO/ MUNGKAHI

VII. REPLEKSYON/ PANGANGANINAG

Inihanda ni: Titser Jonathan H. Torres

Inubserbahan ni: ________________________________

You might also like