Professional Documents
Culture Documents
SA PAGHAHANDA PARA
SA PAPEL PANANALIKSIK
Ang pananaliksik mahalagang tunay
Sa pagpapaunlad nitong ating buhay
Dagdag kaalaman siyang ating gabay
Upang mapayabong katangiang taglay.
ANG PANANALIKSIK
Sa makabagong takbo ng panahon na ang mundo ay
pinatatakbo ng teknolohiyang bunga ng mga imbensyon sa larangan ng
agham at teknolohiya, ang pananaliksik o riserts ay may mahalagang
gampanin sa iba’t ibang larangan.
Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na pagkuha at
pagpapalaganap ng mga tala upang masubok ang teorya nang sa gayon
ay malutas ang isang suliranin. Dito ay lubbos na kailangan ang
pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos
upang matiyak na matatanggap ang mga impormasyon o datos na
nalikom upang mapatotohanan ang teoryang kasangkot sa
pananaliksik.
Isang mahalagang aspeto ng pag-aaral sa kolehiyo ang
kaalaman ng mag –aaral sa pananaliksi. Itinatadhana ng mga CMO
mula sa Commission on Higher Education para sa iba’t ibang kurso at
larangang pang-akademiko ang pagkakaroon ng mga komponent ng
pananaliksik o riserts upang lubusang malinang ang kasanayan ng mga
mag-aaral sa gawang ito.
KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN
NG PANANALIKSIK
Binigyang-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang
isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon
ng mga proposisyong haypotetikal.
Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga
hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy sa suliranin sa mga
umiiral na teorya, pagngangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at
pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na
sinasaliksik.
Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat
hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano. Hindi kailangang hulaan o
gawin lamang ng imahinasyon ang pag aaral dahil nawawalang-bisa at
kahulugan ang pag-aaral para sa isang mananaliksik. Binibigyang linaw
ang suliranin, ang mga baryabol ay tinutukoy, at ang mga instrumento
ay maingat na pinipili o nililinang. Ang mga kongklusyon ay lubhang
dapat na nababatay lamang sa mga datos na nakalap at nang sa gayon
ang mga rekomendasyon ay batay sa mga natuklasan.
Katangian at Pananagutan ng Isang
Mananaliksik
Tunay na mahirap na gawain ang sulating pananaliksik. Ang
isang mahusay na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng sumusunod
na mga katangian:
1. Masipag at matiyaga. Kailangan ang walang katapusang
paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik.
Kailangan din ang tiyaga at lubos na pasensiya, malawak na
pang-unawa sa mga nakakasalamuhang tao habang nangangalap
ng datos.
2. Maingat. Kinakailangang maingat niyang maisa-isa ang mga
nakalap na datos na may kaugnayan sa kanyang ginagawang
sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop
na pagkilala ang mga tao, awtor, at iba ang pinagkunan niya ng
datos at maingat niya itong maisama sa kanyang inihahandang
sulatin.
3. Masistema. Maayos at may sistema ang kanyang mga hakbang
upang walang makalimutang datos o detalye na kailangan sa kanyang
isinusulat na sulating pananaliksik. Sa ganitong katangian,,
maayos niyang mapagsusunod-sunod ang mga detalye mula sa
panimla hanggang sa pagtatalakay sa resulta ng pag-aaral,
kongklusyonn, at rekomendasyon.
4. Mapanuri. Kailangang magkaroon siya ng batayan upang
mabigyan ng magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya.
Kailangang suriin niyang mabuti ang mga pangunahing datos at
mga pantulong na datos upang maihanay niya ito nang maayos at
naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating pananaliksik.
KAYA MO BA
ITO?
Matapos mong mabasa at mabatid ang
iba’t ibang katangian ng isang mananaliksik,
masasabi mo bang taglay mo ang mga ito?
Patunayan mo.
ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-iingat
sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Kung gayon, kailangan
niyang maging matapat sa kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang
anumang produktong ginawa niya sa lahat ng oras.
Bagama’t bukas na ang lahat ng source o sanggunian dahil na
rin sa teknolohiya, kailangan pa rin isang mananaliksik na ipakilala at
ipabatid sa kanyang mga mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng
anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik.
Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang
mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa
anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang
mananaliksik.
Narito ang ilang matatawag na
Etika ng Mananaliksik.
1. Paggalang sa Karapatan ng Iba
Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga
tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang
kaukulang paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi
maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang
pahintulot.
2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
Kinakailangang tratuhin ang lahat ng datos at detalye nakuha
mulla sa survey, interview o anumang paraan na confidential. Nasa
sariling pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya ilalahad ang
kabuoan ng mga detalye nito.
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
Ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik ay
nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi
maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan
ang pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao.
4. Pagiging obhetiko at walang kinikilingan
Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan. Kailangang
matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang
walang pagkiling sa sinoman. Dapat ay maging fair siya sa lahat.
Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang nararapat para sa isang
tao, pangkat ng mga tao, institusyo, at iba pa na sangkot sa kanyang
ginawang sulating pananaliksik.
GABAY SA TALAKAYAN
Pagpapakilala sa Pangkat/Awtor/Mananaliksik
Tagubilin para sa Pagsusulit na Oral
Dahon ng Pagpapatibay
Paghahandog
Pasasalamat
Talaan ng Talahanayan