You are on page 1of 35

TEKSTONG PERSWEYSIB

(TEKSTONG NANGHIHIKAYAT)

Layunin ng tekstong persweysib na maglahad ng


isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng
mga patnubay at totoong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
manunulat.
Ang tekstong persuweysib ay naglalayong
makapangumbisi o manghikayat sa
tagapakinig, manonood, o mambabasa. Bukod
dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may
akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla.
Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung
saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga
ediya.
Ang tekstong persweysib ay maaaring
ayon sa anyo ng mga sumusunod:
1. isang argumento
2. paglalahad
3. talakayan
4. pagsusuri o;
5. patalastas
May tatlong pangunahing
elemento ng paghihikayat ayon
kay ARISTOTLE.
Ito ang Ethos, Pathos, at Logos.
Ethos 
– Paggamit ng kredibilidad o imahe para
makapanghikayat.
– hango sa salitang Griyego na nauugnay sa
salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa
salitang Imahe.
Pathos  
– Paggamit ng emosyon ng mambabasa
– Ayon kay Aristotle karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng
kanilang paniniwala at pagpapahalaga ay isang
epektibong paraan sa pangungumbinsi.
Logos  
– Paggamit ng lohika at impormasyon
– Kailangan mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto de vista
ang dapat paniwalaan.
IBA’T IBANG URI NG MGA
PROPAGANDA DEVICE
Ito ang mga ginagamit na instrumento ng
tekstong persweysib sa panghihikayat ng
madla:
1. NAME CALLING

Pagbibigay ng hindi magandang taguri


sa isang produkto o katunggali upang
hindi ito tangkilikin ng madla.
2. GLITTERING GENERALITIES

Ang magaganda at nakasisilaw na


pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
3. TRANSFER

Paggamit ng isang sikat na personalidad


upang mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan.
4. TESTIMONIAL

Kapag ang isang sikat na tao ay


tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
5. PLAIN FOLKS

Mga kilala o tanyag na tao ay


pinapalabas na ordinaryong tao na
nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
6. CARD STACKING

Ipinakikita ang lahat ng magagandang


katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang
katangian.
7. BANDWAGON
•Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.
•Layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa
ng teksto.
•Isinusulat upang mabago ang takbo ng pag- iisip ng
mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat
at hindi sa iba, siya ang tama.
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWESIB

MALALIM NA PANANALIKSIK

Alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyung


tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol
dito.
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWESIB

KAALAMAN SA MGA POSIBLENG


PANINIWALA NG MGA MAMBABASA
Kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t
ibang laganap na persepyon at paniniwala tungkol sa
isyu at simulant ang argumento mula sa paniniwalang
ito.
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWESIB

MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG


PANIG SA ISYU

Upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala


ng mga mambabasa.
Tukuyin kung anong uri ng
Propaganda Device ang mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang instant noodles na ito ay
nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa
oras, mura na, masarap pa.
(Ngunit hindi nito sinasabing kakaunti lang ang
sustansiyang taglay, maraming tagong asin at
kung araw-arawin itong kakainin ay maaaring
magdulot ng sakit.)
2. Ipagpatuloy ko ang sinimulan ni
FPJ. — Grace Poe
3. Buong bayan ay nagpeso padala na.
4. Ang pekeng sabon, bagitong
kandidato, trapo (traditional
politician).
5. Mas makatitipid sa bagong tide. Ang
inyong damit ay mas magiging maputi sa
tide putingputi. Bossing sa katipiran,
bossing sa kaputian.

You might also like