You are on page 1of 28

Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan F11PT – IIe – 87

Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan
Panalangin
Kahulugan ng
Diskurso
• Tawag sa paggamit ng
wika bilang paraan ng
pagpapahatid ng
mensahe.

• Berbal na komunikasyon
tulad ng kumbersasyon.

Noah • Pormal o sistematikong


Webster eksaminasyon ng isang
paksa na ginagamit ang
anyong pasalita at
pasulat.
Dalawang anyo ng
Diskurso
Dalawang anyo ng diskurso

1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng


nagsusulat sa kanyang kakayahang
pangwika upang matiyak na malinaw
niyang maipapahayag sa kanyang
isinulat ang kanyang mensahe dahil
maaaring maging iba ang pakaunawa ng
tatanggap nito.
Dalawang anyo ng diskurso

2. Pananalita - mahalaga ang kakayahang


pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan
ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi
bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal
habang nagaganap ang diskurso kung
kaya’t mahalaga rin ang kakayahang
komunikatibo.
Layunin ng Diskurso
Mga Layunin ng Diskurso
•Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang
mambabasa, upang maging sila ay maranasan din
ang naranasan ng manunulat

•Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao,


bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha
ng isang impresyon o kakintalan

•Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig

•Makapagbigay ng isang sapat at matibay na


pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang
makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o
tagapagkinig.
Kahalagahan ng
Diskurso
Kahalagahan ng Diskurso
At Pagdidiskurso

•Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa


pamamagitan nito ay nagkakaroon ng
ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at
tagapakinig, at ng manunulat at
mambabasa.

•Sa pamamagitan ng diskurso


nakapaparating ng mensahe ng isang tao
sa kanyang kapwa upang siya ay
lubusang maunawaan.
Kakayahang
Diskorsal
Kohisyon at
kohirens
Kohisyon

•Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng


kahulugan sa loob ng teksto.

Halimbawa:

Nagbago na si Ana. Naging


mailap na siya sa pakikisama sa
mga kaibigan at hindi na rin
sumasama sa mga lakad ng
kanyang mga katrabaho.
kohirens

•Ito ay kaisahan ng lahat ng pahayag


sa isang sentral na ideya.

Halimbawa:

Nagbago na si Ana. Naging mailap na


siya sa pakikisama sa mga kaibigan at
hindi na rin sumasama sa mga lakad
ng kanyang mga katrabaho. Ito’y
dahil si Ana’y may asawa na.
Apat na Paraan ng
Pagdidiskurso
Pasalaysay/Narativ -
pangungusap na nagsasalaysay o
nagkukwento ng mga pangyayari.
ANG PAGBABALIK
Jose Corazon de Jesus

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Paglalahad/Ekspositori- isang anyo
ng pagpapahayag na naglalayong
mabigyang-linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang
lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
ANG PANGULO AT ANG KONGRESO
HTTPS://PREZI.COM/M7ZNC0AWYNO7/MGA-TEKSTONG-EKSPOSITORI/?WEBGL=0

Mahalaga ang ginagampanan ng Pangulo at Kongreso sa sistemang pulitikal ng ating bansa.


Tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad gayundin ang kapakanan ng mamamayan. Upang
maisagawa ng Pangulo at ng Kongreso ang kanilang tungkuling nakasaad sa Konstitusyon ang kani-
kanilang kapangyarihan.

Ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng pondo, pagdeklara


ng digmaan ng bansa, bilang board of canvasser sa tuwing may eleksyon sa pagpili ng Pangulo at
Pangalawang Pangulo, magsagawa ng impeachment at pag-amyenda sa kasalukuyang batas.

Samantala, ang Pangulo naman ay may kapangyarihan sa pamahalaan at pagpapatupad ng


batas. Tinatawag din itong kapangyarihang ehekutibo. Kabilang din sa kanyang kapangyarihan ang
paghihirang(appointment) ng mga opisyal ng kanyang pamahalaan. Ang paghirang ay maaaring
permanente at pansamantala. May kapangyarihan din ang Pangulo na alisin ang mga taong kanya ring
hinirang.
Pangngangatwiran/Argumentatib- may
layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng
makatwirang mga pananalita.
“Huwag matakot na magsalita at manindigan para
sa katapatan at katotohanan laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalingan at kasakiman. Kung
lahat ng tao sa buong daigdig gagawa nito,
mababago ang mundo.”

-William Faulkner
Paglalarawan/Deskriptiv - isang
anyo ng diskurso na nagpapahayag
ng sapat na na detalye o katangian
ng isang tao, bagay, pook o
damdamin upang ang isang
mambabasa ay makalikha ng isang
larawan na aayon sa inilalarawan.
MABANGIS NA LUNGSOD
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali,
lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw
ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay
waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang
lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng
mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamog
lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Salamat po sa
Pakikinig!

You might also like