You are on page 1of 7

Maryhill College

Basic Education Department


Lucena City

SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Markahan Ikaapat
Linggo Ikatlo (Modyul 3)
Paksa Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Sanggunian

A. Aklat
B. ICT Integration: PowerPoint Presentation

Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy at naiisa-isa ang mga bahagi, paraan, at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,gamit, metodo, at
etika ng pananaliksik;
2. nasusuri ang mahahalagang proseso sa bawat bahagi ng pananaliksik; at
3. nabibigyang kahalagahan ang mga bahagi at proseso ng pananaliksik.
Most Essential Learning Competencies (MELC)

1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika sa pananaliksik

A. TUKLASIN

Ano na ba ang alam mo?

Isang mapagpalang araw sa iyo! Narito kang muli upang ipamalas ang
iyong talino at husay sa pag-unawa at maging sa pagsagot sa mga itinakdang
gawain para sa iyo. Kasiya-siyang mabatid na lumalawak pa lalo ang iyong
kamalayan at kabatiran tungkol sa maraming bagay lalo’t higit sa paggawa ng
isang pananaliksik. Sa bahaging ito’y mas palalalimin at pauunlarin pa natin ang
iyong kaalaman at mas pagyayabungin, kaya’t simulan na natin. Handa ka na
ba? Kung handa ka na tunghayan natin ang paunang gawain (tuklasin) na
siyang magbubukas sa iyng isipan kung ano ang paksang ating tatalakayin.

Sa bahaging ito nais kong magbigay at maglahad ka ng limang salitang may


malaking kaugnayan sa salitang PLANO. Ilahad ito sa pamamagitan ng graphic
organizer na nasa ibaba.

paggawa ng nakatuon sa
desisyon layunin

PAGPAPALANO
tuloy-tuloy na paggana ng
gawain pangangasiwa

laganap

Mula sa iyong sinagutan, ano ang natuklasan mo? Iproseso mo ang mga
natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
pamprosesong tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng


isang plano bago mo gawin ang isang bagay o pananaliksik?
Dahil mahalaga ang pag plaplano gawa tayo nakakapag handa agad sa
gagawin na proyekto o pananaliksik.
B. LAKBAYIN

Batid kong nagkaroon ka na ng paunang kaalaman sa paksang ating


tatalakayin. Ang iyong mga naging kasagutan sa unang bahagi ng modyyul na
ito (tuklasin) ay mas lilinawin at palalawigin pa natin. Mahalagang isaisip at
Sa pamamagitan
limiin ang ng powerpoint
ganitong kaalaman presentation namong
para mas lalo matatagpuan
maunawaansaang aralin. Ang
iyong OTG flashsusunod
drive Week 3 Folder
na bahagi at file name na
ay makatutulong saMga
iyongBahagi at Proseso
magkaroon ng kaalaman at mas
sa Pananaliksik, basahin kalakip ang iyong pang-unawa
malawak na pag-unawa sa paksa ngayong araw. ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin.
Matapos unawain ang aralin, subukin natin ang iyong natutunan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba
nang hindi lalampas sa tatlong pangungusap.

1. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa proseso ng bawat bahagi ng


pananaliksik? Ang pag-unawa sa proseso ng pagsasaliksik ay isang
mahalagang hakbang sa isang masusing pag-aaral o pagsasaliksik. Ang
isang mas malalim na pag-unawa sa proseso ng pagsasaliksik ay
makakatulong sa iyo na makilala ang mga katulad na katangian sa iba't
ibang larangan, pagkakaiba-iba ng mga layunin at diskarte sa ilang mga
pag-aaral.
2. Ano-ano ang proseso ng pananaliksik at kahalahagan ng pagsasagawa ng
bawat bahagi nito? Kasama sa proseso ng pagsasaliksik ang pagkilala,
pagkilala, pagtatasa, pag-aralan at pagbuo ng iyong mga ideya at
pagkatapos ay pagsuporta sa katanungang pananaliksik na kailangan mo.
3. Sa iyong palagay, bakit madalas na nakaliligtaan o napagwawalang-bahala
ang pagbabahagi ng pananaliksik? Maaari din itong maging isang malalim
at mobile na impormasyon na ibinahagi Sa partikular, kapag ang pagharap
at pagwawalang bahala ng mga naturang isyu ang paggamit ng pang-
emosyonal na bahagi ng pananaliksik ay maaaring makita nang mas
malinaw. Naniniwala kami na ang pangunahing papel ng pangkat ng
pananaliksik ay dapat na kilalanin ang kahalagahan ng mga hindi
pinapansin na salik. Sa kanilang pagsasaliksik sa libro na "Paghahatid ng
kritikal na kaalaman: mga tool para sa pag-urong ng mga pensiyonado,
maraming mga kumpanya ang gumagawa ng parehong gawain, kahit na
hindi sila awtomatikong nagbabahagi ng kaalaman
C. LINANGIN

Magaling! Ang mga naging kasagutan mo sa bahagi ng lakbayin ang


siyang patunay na naunawaan at nagkaroon ka ng mas malawak na kaalaman
hinggil sa paksa. Ngayon, atin pang palaguin pa ang iyong mga natutunan.
Sagutin ang gawaing nakalahad sa ibaba.

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang mga
nagsasaad ng hindi wastong gawain sa pananaliksik at lagyan ito ng guhit
sa ibabaw. Sundin ang halimbawa.

HALIMBAWA: Hindi mahalaga ang pagbuo ng balangkas lalo na kung


gamay na ang paksang isusulat.

1. Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay magkaroon


na nang malawak na pagkaunawa ang mananaliksik sa kaniyang magiging
paksa.
2. Hindi na kailangang tukuyin pa ang tiyak na suliranin ng pananaliksik dahil
kahit wala ito’y malalapatan pa rin ito ng tiyak na disenyo.
3. Ang pagbabbahagi ng pananaliksik ay kabilang pa rin sa pagsulat ng
pananaliksik pero madalas na nakakaligtaan.
4. Sa pangangalap ng datos isinasagawa na ang pakikipanayam, sarbey,
obserbasyon, at pagsusuri ng datos.
5. Matapos mailatag ang resulta at pagtalakay sa datos ay mahalagang
lagumin ang pangkalahatan at hindi na kailangang bigyang pansin ang
pagbuo ng kongklusyon.
6. Sa pagdidisenyo ng pananaliksik ay makatutulong ang pagbabasa ng
mga artikulo.
7. Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik ay itatakda na
ang disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan kung paano
matatamo ito.
8. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa natukoy na
kongklusyon ng pag-aaral.

P.S. Ang sagot sa bahaging ito ay makikita sa susunod na modyul.

Panuto: Bilang pagbubuod sa iyong natutunan, sagutin mo ang mga


katanungan sa ibaba.

 Anong mahalagang aspekto ng aralin ang iyong natutunan?


 Ang pananaliksik ay dapat meron pruweba na ito ay totoo.
D. PAUNLARIN
Kagila-gilalas ang iyong husay sa pagsagot sa mga inilatag
na gawain sa iyo. Mahusay! Ngayon pa lang ay binabati na kita.

DAGDAG KAALAMAN:

E. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Mapanuri at malawak ang iyong kaalaman, patunay nito ang pagsusuri at
pagpapaliwanag mo sa gawaing nakalahad sa linangin.

Isalin sa Filipino ang sumusunod na pahayag ni Donald Frost, naging


presidente ng isang kilalang bangko sa Estados Unidos. Pagkatapos
isalin, magbigay ng maikling repleksyon tungkol sa pahayag.

How to Achieve Success:


Define it, Research it,
Find obstruction to it,
Find remedies to it,
Outline it, Plan it,
Do it.
- Donald Lynn Frost

Binabati kita! Ipinamalas mo ang iyong talino sa pag-unawa ng ating aralin.


Napagtagumpayan mo nang buong husay ang mga gawain sa modyul na ito.

You might also like