You are on page 1of 5

CLUSTER B SCHOOLS

_________________________________________________
(Name of School)
Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Learning Activity Sheet (LAS)
FILIPINO 11
_______________________________________________________________________________________
Name: _____________________________ Score: ________________
Grade & Section: ____________________ Date: _________________
_______________________________________________________________________________________
Gawain : 4 ( Week 9/ 4th Quarter )
Paksa: Reaksiyong Papel
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika sa pananaliksik
Inaasahang Matamo: A. Naipapahayag ang mga tiyak na hakbang sa pagbuo ng epektibong paksa.
B .Nakagagawa ng paglilimita ng mula sa malawak na paksa hanggang sa
pinakalimitahang paksa.

Sanggunian: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Rolando A Bernales.
https://www.youtube.com/watch?v=GUTbl_MRFVo
KONSEPTO:

Pagpili ng Paksa

Maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagpili ng paksang kanilang sasalkisikin. Karaniwang ang kanilang
napipiling paksa ay nagawan na ng pananaliksik nang maraming ulit.

Huwag nating kalimutan na ang paksa ang pangunahing ideya na daan sa takbo ng isinagawang pananaliksik kaya
napakahalaga ang pagpili ng paksa.

Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa

1. Sa kasalukuyang panahon, ang Intrnet at Social Media ay bahagi na ng buhay ng tao.


Napakaraming taglay na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri ka baka nandiyan
lang at naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong
pananaliksik.
2. Ang Telebisyon ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital
television. Sa panonood mo ng mga balita, mga programang pangtanghali, teleserye, talk shows
at iba pa baka matuon.
3. Dyaryo at Magasin. Mula sa mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga nangungunang balita,
maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Suriin at baka naririto lang ang paksang
aakit saiyo ng atensyon.
4. Mga Pangyayari sa Iyong Paligid. Kung maging mapanuri ka ay maaaring may mga
pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligis na na mapagtutuunan ng pansin mo at maaaring
maging paksa mo sa pananaliksik.
5. Sa sarili. Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang
humahantong sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi
lamang ang kanyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang
ay gusto niya o interesado siya.

Mahahalagang Puntos sa Pagpili ng Paksa


Tandaan na ang paksang pipiliin ang magiging sentro ng saliksik.Kailangang pag- isipan ang mga
sumusunod:
1. Kahalagahan at kabuluhan ng paksa. Ano ang makukuha kung sasaliksikin ang naturang
paksa? Ano ang nais mong matuklasan gamit ang pananaliksik? Maaaring may paksa kang
naiisip, ngunit tingnan din ang kahalagahan nito.
2. Interes sa paksa. Mainam kung ang paksang pipiliin ay ang iyong interes. Mas magiging
kasiya-siya ang iyong pananaliksik dadil ito ang paksang nais mong matutuhan at
matuklasan.
3. May sapat na impormasyon o datos. Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga
datos/impormasyon. Bagama’t may mga paksang nagawan na ng maraming pag- aaral, ang mga
ito ay bukas pa rin sa masusing pananaliksik. Alamin din kung saan makukuha ang mga
impormasyong kailangan.
4. Haba ng panahon para isagawa ang pananaliksik.Denende sa paksang pipiliin ang
kakailanganing panahon sa pananaliksik. Kung kailanga mong mag- sarbey,
makipagpanayam sa mga eksperto, o pumunta sa malayong lugar, mahabang panahon ang
kakailanganin.
5. Kinakailangang gastusin. Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa, isipin din ang mga
praktikal na aspekto gaya ng iyong gagastusin. Ilan dito ay ang halaga ng mga materyal, renta sa
kompyuter, transportasyon at iba pa.

Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin:

Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin
sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maigunay mo sa mga layuning ito ang iyong mga
gagawin.
Halimbawa'y ito ang layuning sasabihin ng iyong guro: Ang layunin ng gawaing ito ay
maipamalas mo ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong at pagbuti ng mga
programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.
Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksang tutugma rito. Hindi dapat lumayo ang iyong paksa
sapagkat may dahilan ang guro sa pagpili ng layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng kanyang
mga mag-aaral.

Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating papel

May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaring pagpilian ng mag- aaral. Ang mga
paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling wala kang magustuhan sa mga paksang
ibinigay upang pagpilian ay maari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng pagkakataong
pumili ng ibang paksang malapit sa iyong puso at interes. Mahalagang lagi kang makipag- ugnayan sa
iyong guro para makuha ang pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago pa man ito simulan upang
maiwasang masayang ang oras mo kung sakaling may ibang suhestiyon pa ang iyong guro kaugnay nito.
Kung sakaling walang ibibigay na pagksang pagpipilian ang guro at ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong pumili ng sarili mong paksa, isa itong maganda subalit mapanghamong gawain. Maari
kang maupo at mag-isip ng lahat ng mga posibleng paksa. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo na
tutugma sa layuning ibinigay ng guro.

Pagsusuri sa mga itinalang ideya

Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriing mabuti ang bawat isa

gamit ang sumusunod na mga tanong:

Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo? Bakit ka interesado
rito?
Alin ang posibleng makatulog sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
Ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?

Pagbuo ng tentatibong paksa

Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong
papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik. Lagyan ng marka ang mga
ito gamit ang mga naunang tanong bilang gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo. Magdesisyon
ka at itanong sa sarili:

Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong
maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa
limitadong oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain?

Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo ng iyong tentatibong paksa.

Paglilimita sa Paksa

Maaring sa una'y malawak ang paksang nabubuo mo kaya't kakailanganin mong limitahan ito
upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong
malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na
matatapos sa takdang panahon at hinde maihahanap ng angkop na kasagutan. Makikita sa ibaba ang ilang
halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa.Halimbawa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

 Labis at Madalas na Pagpupuyat sa mga Mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang


Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Lalo Pang Nilimitahang Paksa

 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa G11


STEM ng City of Bacoor Senior High School- Dulong Bayan at ang Epekto nito
sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Hango mula sa:


Villanueva, Bautista, at Aguirre.(2016) Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Panaliksik. Quezon City: Vibal Group, Inc.,..Pp. 142-148

De laza, at Batnag(2016). Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Panaliksik. Sampaloc Manila:Rex Book Store.,..Pp. 112-120

Cstro, Cusi, Pura, at Ruzol.(2008) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Panaliksik.


Pateros, Metro Manila:Grandbook Publishing.,..Pp. 212-219

Panuto: Suriin mabuti ang mga paksang nakasulat sa loob ng kahon.Pumili ng isa at ipaliwanag kung bakit ito ang napili
batay sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa.

Bullying Child Labor Same Sex Marriage

Pagka-adik sa Online games Traffic Maagang Pagbubuntis

Pagiging Liban sa Klase Jeepney Modernazation Oplan Tokhang K to 12 Progrm


Panuto: Suriin ang malawak o pangkalahatang paksa. Pagkatapos gawin itong nilimitahang
hanggang sa lalo pang nilimitahang paksa.

Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1. Higit na dapat ikonsidera sa pagpili ng paksang pananaliksik ang mga


napapanahong sa lipunan na dapat mabigyan ng
solusyon.
A. Isyu B. Tsismisan C. Kalagayan D. Katanungan
2. Mula sa paksa, nagkaroon ng paglilimita at pamagat. Ang mga mananaliksik ay makakabuo
na ng mga tiyak na sa gawing pananaliksik.
A. Layunin B. katanungan C. introduksyon D. kahalagahan
3. Mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa maliban sa .
A. Interes ng mananaliksik B. Kakayahang pinansyal C. Kabuluhan ng paksa D. Kawalan ng datos
4. Sa kasalukuyang panahon, maraming iba’t ibang maaaring makunan ng paksa. Ito ay ang
na pinakamadaling makatulong sa paghahanap ng paksa.
A. internet/social media B. Telebisyon/midya C. Dyaryo/magasin D. Pangyayari/sarili
5. Sa mga pahayag, ang ay maituturing na malawak na paksa
o pangkalahatang paksa.
A. Labis at Madalas na pagpupuyat ng mga Mag-aaral
B. Mga Dahilan sa Labis na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at Epekto sa Gawaing Pang-
akademiko
C. Mga Dahilan sa Labis na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa G11 STEM ng CBSHS-ALIMA
at Epekto sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
D. Wala sa nabanggit

You might also like