You are on page 1of 15

Ang dokumentasyon…

Isang mahalagang pangangailangan sa


pananaliksik ang maingat na pagkilala sa
pinagmulan ng mga hiniram na idea, datos o
impormasyon.
Kailangang mabatid at magamit ng
mananaliksik ang iba’t ibang paraan ng
pagkilala sa mga ginamit na hanguan sa
pagsulat ng pamanahong-papel.
Ito ang tinatawag na dokumentasyon.
Kahalagahan at Tungkulin ng
Dokumentasyon
Manipestasyon ito ng katapatan ng isang
mananaliksik.
Nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na kaniyang ginamit.
Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga
datos o impormasyong iyon kung binabanggit ng
mananaliksik ang awtor ng akdang kaniyang
pinaghanguan.
Kahalagahan at Tungkulin ng
Dokumentasyon
 Lubhang mapanganib para sa isang mananaliksik
ang pagbabale-wala sa halaga at tungkulin ng
dokumentasyon.
 Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na
ideya ay isang uri ng pagnanakaw ng intelektuwal na
pag-aari ng iba na sa larangan ng pananaliksik,
pamamahayag at literatura ay tinatawag na
plagyarismo.
Mga Paraan ng Dokumentasyon
Dati-rati, footnoting o paggamit ng
talababa ang pinakagamiting paraan ng
dokumentasyon ng mga mananaliksik.
Sa ngayon, mas pinipili na ng marami ang
paraang iminungkahi ng A.P.A. o ng M.L.A.
 American Psychological Association
 Modern Language Association
 Ito ang tinatawag na talang-parentetikal
(parenthetical citation).
ANG A.P.A AT M.L.A.
 Higit na simple at madaling gawin kaysa
footnote.
 Nagagawa nitong maging tuloy-tuloy ang
daloy ng teksto sa pagbabasa.
 Sa M.L.A. , ang pangalan (apelyido) ng awtor
at bilang ng pahina (ng akda kung saan
matatagpuan ang ideya, datos o
impormasyong hiniram) ang inilalagay sa
loob na panaklong o parenthesis.
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
 Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa
mismong teksto, taon na lamang ng
publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.
Hal.
Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang
pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang wika.
Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika,
binibigyan ng higit na pansin…
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
 Kung si Nunan ay may ko-awtor (dalawa o
higit pa), kailangang may et. al. matapos ang
kanyang pangalan at kuwit na naghihiwalay
dito, bago ang taon ng publikasyon na nasa
loob ng panaklong.
Hal. Ayon kina Nunan, et. al. (1977),
mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng
dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng
katutubong wika, binibigyan ng higit …
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
 Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong
teksto, banggitin ito sa hulihan ng
pangungusap kasama ang taon ng
publikasyon. Paghiwalayin ang dalawang
entry sa loob ng panaklong sa pamamagitan
ng kuwit (,).
Hal. Ang lingua franca ay ang wikang
ginagamit ng mga taong may iba’t ibang
katutubong wika upang sila’y magkaunawaan
(Wardaugh, 1986).
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
 Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido
ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
Hal. Inihayag ng mga guro ng Oral
Communication sa Estados Unidos na ang isang
tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha
ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita,
ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng
pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig
(Seiler at Beall, 2002).
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi
nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong
teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa
loob ng panaklong at sundan ng et al. bago ang
taon ng publikasyon.
Hal.
Kaysa panghihiram, mas tumpak na tawaging
adapsyon ang “pag-ampon” ng salitang banyaga
upang tukuyin ang kaisipang hindi mula sa ating
kultura (Nucasa, et al.,2010).
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na
pareho ang apelyido, banggitin ang inisyal ng mga
awtor bago ang kani-kanilang apelyido at sundan
ng taon ng publikasyon.
Hal. Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos
sa masinop at kontroladong sitwasyon para sa
layunin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at
J.W. Trece, Jr., 1977).
Ayon kina E. Trece at J.W. trece, Jr., (1977), ang
pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa
masinop at kontroladong…
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A.
 Kung pamagat lamang ang available na
impormasyon, banggitin ang pinakamaikling
bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng
publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa
panipi o di kaya’y i-italized ang tipo ng font.
Hal. Ang mga mag-aaral ay may karapatang
maglathala at mamahala ng regular na
publikasyon na sumasalamin ng responsableng
pamamahayag at ng misyon-bisyon ng
Kolehiyo (CSB Student Handbook, 1996).
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A
Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may
higit sa isang volume, banggitin ang bilang ng
volume kasunod ng pangalan ng awtor o mga
awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas
upang paghiwalayin ang unang entry sa taon ng
publikasyon.
Hal. Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas,
muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang
paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na
isang panunuligsa sa mga bagong mananakop
(Bernales 4 : 2002).
Mga pangkalahatang tuntunin sa
paggamit ng A.P.A
Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng
iisang awtor, banggitin na lamang ang mga akda at
paikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o i-
italized ang mga pamagat.
Hal. Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng
Pakikipagtalastasan at Mabisang Komunikasyon ),
tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na
katangian ng wika.

You might also like