You are on page 1of 40

Magbilang 1-20

Kumuha ng ½ na papel 
Ano ang mga nalalaman Ano ang gusto ko pang Ano ang mga natutuhan ko
ko tungkol sa paksa? malaman tungkol sa pagkatapos talakayin ang
paksa? paksa?
Ano ang kaugnay na Pag-aaral?
Ano ang kaugnay na Literatura?
Bakit mahalaga ang kaugnay na
pag-aaral at literatura sa isang
pananaliksik.
Literatura
 Itoay isang pormal na pangangalap ng mga
propesyunal na literatura na may kaugnayan sa
isang partikular na suliranin ng isang pananaliksik.
 Kinakailangan na komprehinsibo.
-Kung maari ay may isang payak na dulog at malinaw
na maaring maiugnay sa iba pang mga pag-aaral.

 Dyornal,
magasin at mga pahayagan o mga
impromasyon na nakukuha sa internet
Kaugnay na literatura
 Binubuo ng mga diskusyon ng mga
impormasyon, prinsipyo at katotohanan na
kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa
 Ang mga ,materyal na ito ay may dalawang
klasipikasyon
Banyagang Literatura
 Mga literaturang mula sa labas ng bansa.
 Hindi Filipino ang nagsulat

Khan Academy
Britannica. com
Lokal na literatura
 Mga literatura mula sa Pilipinas.
 Pilipino ang manunulat.
Kaugnay na literatura
 Binubuong mga diskusyon ng mga
impormasyon, prinsipyo at katotohanan na
kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa.
 Ang mga material na ito ay nasa klasipikasyon
ng:
 A. Lokal, kung ito ay inilathala sa Pilipinas
 B. Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa.
Sanggunian ng kaugnay na literatura
 Libro, ensayklopedia, almanac at iba pang
kaparehong referensya.
 Artikulo sa mga propesyunal na dyornal,
magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon.
 Ang mga batas at konstitusyon sa kabuoan ng
bansa.
 Rekord ng paaralan, partikular ang mga
report ng kanilang mga programa at gawain.
Sanggunian ng kaugnay na literatura
 Report at papeles mula sa mga pang
edukasyong seminar at kumperensya.
 Lahat ng uri ng opisyal na report ng
pamahalaan, pang edukasyon, panlipunan,
pang-ekonomiya, siyentipiko, teknolohikal
atbp.
Kaugnay na pag-aaral
 Pag-aaral, pag-iimbestiga o imbestigasyon na
isinagawa na at may kaugnayan o
pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na
isinasagawa.
Ang mga materyal na ito ay nasa
klasipikasyon ng:
 A. Lokal, kung ito ay inilathala sa pilipinas
 B. Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang
bansa
Sanggunian ng kaugnay na pag-aaral
 Mga theses at disertasyon
 Kopya ng mga pananaliksik mula sa mga
pang-edukasyong dyornal.
 Report at Papeles mula sa pang edukasyong
seminar at kumprensya.
Halimbawa ng Kaugnay na Literatura:
Sa isang artikulo sa internet, ang mga
karera sa edukasyon ay nagpapahintulot
sa bawat indibidwal na magamit ang
kanilang talento at kaalaman sa
pagtuturo sa mga bata, mga kabataan,
at sa mga nakatatanda
(www.christianet.com/education).
 Nakatala rin sa Collier’s Encyclopedia ( ) na ang
edukasyon ay nananatili bilang isang prosesyong
pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang
isang komunidad, lipunan o bansa ay makaagpang sa
mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa
pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng
mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan
ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan.
Halimbawa ng Kaugnay na Pag-aaral:
 Sapananaliksik na ginawa ni Abeliade et. al (1995) na
Teachers Attitude Towards Teaching Profession, nakuha
niya ang impormasyong nagbabahagi na ang pagtuturo
ay isa sa mga propesyon na mayroong kaaya-aya at di-
kaaya-aya na mga kondisyon. Noon, ito ay nabibilang sa
yaong mga kaakit-akit na kurso dahil na rin sa
popularidad nito sa ano mang uri ng tao kung estado sa
buhay ang pag-uusapan.
 Nabanggit ni Nate (1995) na ang Edukasyon ay isang
patuloy na kontroladong proseso kung saan
nagkakaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng tao.
Binanggit niya rin na ang pangunahing ginagampanan
ng Edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal para sa
kapakanang panlahat at personal na tagumpay. Bawat
isa ay nararapat na makapag-aral upang umunlad at
magkaroon ng pag-uugali at pananaw na nakadirekta
sa pag-unlad ng lipunan.
Pagsusulit:
Sa pamamagitan ng Venn
Diagram, alamin ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng Kaugnay na
Pag-aaral sa Kaugnay na
Literatura.
Kahalagahan ng kaugnay na panitikan
at pag-aaral
 Tinutulungan nito ang mga mananaliksik na
mas malalin na maunawaan ang kanyang
paksa.
 Makakasiguro na walang duplikasyon ng
ibang nagawa ng pananaliksik. May
duplikasyon kung ang pananaliksik ay
naaisagawa na sa kaparehong local na may
pagkakapareho sa mga respondante.
Kahalagahan ng kaugnay na panitikan
at pag-aaral
 Ginagabayan ang mga mananaliksik na
makahanap ng iba pang pagkukunan ng
mahalagang impormasyon
 Malaki ang ambag nito upang ikumpara ang
resulta ng pag-aaral upang higit na
maunawaan ang mga suliranin na tinalakay
sa paksa at ang mga rekomendasyon na
maaaring maibigay dito
Katangian ng mga materyal na
gagamitin
 Ang material na gagamitin kung maaari ay
mkabago at napapanahon
- di hihigit sa sampung taon ang sulatin
 Ang materyal na kinabibilangan ay obhetibo
at walang bias
 Ang materyal ay kinakailangang may
kaugnayan sa paksa ng pag-aaral
Katangian ng mga materyal na
gagamitin
 Nararapat na nakabase sa makatotohanang
impormasyon at may kredibilidad ang
sanggunang ginamit
 Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral
ay hindi nararapat na masyadong marumi o
kakaunti
Tandaan
 Hindikailangang kopyahin ang kumpletong
laman ng binasang teksto kundi ang
mahalagang ideya lamang na
makakatulongsa pagsasagawa ng
pananaliksik
 Sikaping makabago at napapanahon ang
mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
Tandaan
 Makatulong ang paggamit ng index card
upang maging maayos ang pagtatala.
 maaaring isulat sa nasabing index card ang
mga kaisipan o impormasyong kailangan sa
pagtatalakay sa sulating pananaliksik
 Huwag kalimutang itala kung saang
sangguninan hinango ang nasabing
impormasyon at kung sino ang may-akda nito
Paggamit ng dokumentasyon
 Kailangang mabigyan ng angkop na
pagpapahalaga ang mga awtor na may akda
ng mga pananaliksik na kukuhanan ng kaugnay
na litertura
 Kinakailangnan ang pangalan ng awtor at taon
sa talaan ng sanggunian
Paggamit ng dokumentasyon
 Kung ang isang tao ay inangkin ang isang ideya o
teksto ng ibang tao at pinalabas na ito ay sa kanya,
sa taknikal na salita ito ay plagiarism
 Paglalagay ng panipi o quotation mark kung saan
ito nararapat ilagay, kawalan ng pag-iingat sa
paghahanda ng mga listahan ng sanggunnian,
kabiguan na kumuha ng mga permiso sa paggmit
nga mga pigura, talahanayan, maging ilustrasyon
Mga alituntunin sa paggamit ng
parentikal na sanggunian
 Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin
ang pinaikling bersiyon ng pamagat at sundan
ng pahina
 Kung may babanggiting dalawa o higit pang
awtor, banggitin ang mga akda
Uri o anyo ng tala
 Direktang sipi
 Buod ng tala
 Paraphrase
 Sipi ng sipi
 Salin o sariling salin
Halimbawa ng direktang sipi
Halimbawa ng buod ng tala
Halimbawa ng paraphrase
Halimbawa ng salin/sariling salin
Reperensya
 https://www.slideshare.net/mobile/RainierAmpar
ado/kabanata-2-kaugnay-na-literature-at-
pagaaral
 https://prezi.com/m/qds38xf1wpo-/chapter-ii-
kaugnay-na-pag-aaral-at-literature/
Maraming
SALAMAT sa
PAKIKINIG!!!

You might also like