You are on page 1of 8

Pagsulat ng

I -ntroduksyon
DISIFIL 2020-2021
Module 5A
Rebyu ng Kaugnay na
Literatura at Pag-aaral
(RKLP)
Ang RKLP

1. Natutukoy ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng kaugnay na literatura.


2. Nagagamit ang tamang dokyumentasyon ng sanggunian.

3. Nakapipili at nakapagtataya ng mahusay at relayabol na sangguniang


gagamitin.

4. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos.

5. Natutukoy ang angkop na pamamaraan ayon sa paksa at uri ng pananaliksik.

 
Ang RKLP
• Ang rebyu ng kaugnay na literatura ay nagsusuri ng mga aklat, iskolarling
artikulo at iba pang sanggunian kaugnay ng isang tiyak na usapin, pananaliksik
o teorya kung saan nagbibigay ito ng paglalarawan, buod, at kritikal na
ebalwasyon ng mga gawain (sangguniang) ito tungkol sa paksang ginagawaan
ng pananaliksik (Fink,2014)

• Idinisenyo ang kaugnay na pag-aaral upang magbigay ng pagbubuod sa mga


sangguniang sinaliksik at upang ipakita sa mga mambabasa kung paano
umaakma ang pananaliksik mo sa mas malawak na larang ng pananaliksik
(Fink,2014)

Organizing Your Social Sciences Research Paper. (2020). University of Southern California Library.https://bit.ly/2C879uV
Layunin ng RKLP
a. Maipwesto ang bawat akda sa konteksto ng kontribusyon nito sa pag-unawa
ng suliranin ng pananaliksik na ginagawan ng pag-aaral
b. Mailarawan ang ugnayan ng bawat akda sa isa’t isa
c. Matukoy ang mga bagong paraan ng pagbibigay interpretasyon sa mga nauna
nang pag-aaral
d. Maipakita ang anumang “gap” o puwang na mayroon sa mga literaturang
binabasa
e. Mabigyang solusyon ang anumang salungatan mayroon sa mga naunang pag-
aaral
f. Matukoy ang mga unang pananaliksik upang maiwasan ang duplikasyon
g. Matukoy ang paraan upang matugunan ang pangangailangan sa karagdagan /
bagong pag-aaral
h. Mahanap ang sariling pananaliksik sa konteksto ng kasalukuyang literatura
(napakahalaga)
-mula kay Fink,2005 binanggit sa
Organizing Your Social Sciences Research Paper. (2020). University of Southern California Library.https://bit.ly/2C879uV
Research Guides ng USC Library
Sanggunian ng Kaugnay na Literatura
• Libro, ensayklopedia, almanak at iba pang kaparehong referensya.
• Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko, at iba
pang publikasyon.
• Ang mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa.
• Rekord ng paaralan, partikular ang mga report ng kanilang mga
programa at gawain.
• Report at papeles mula sa mga pang edukasyong seminar at
kumperensya.
• Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang edukasyon,
panlipunan, pang-ekonomiya, siyentipiko, teknolohikal atbp.
• Mga tesis at disertasyon
• Kopya ng mga pananaliksik mula sa mga pang-edukasyong journal.
Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo
sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
Kahalagahan ng RKLP

• Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na maunawaan ang


kanyang paksa.
• Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa ng pananaliksik. May
duplikasyon kung ang pananaliksik ay naisagawa na sa kaparehong lokal na
may pagkakapareho sa mga respondente.
• Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na makahanap ng iba
pang mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon.
• Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang ikumpara ang resulta ng
pag-aaral ng dalawang pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na
maunawaan ang mga suliranin n tinalakay sa paksa at ang mga
rekomendasyon na maaaring maibigay dito.

Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo


sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
Katangian ng mga Materyal na Gagamitin

• Ang materyal na gagamitin kung maaari ay makabago at


napapanahon.
• Naisulat ng di hihigit sa sampung taon na ang nakakaraan.
• Ang materyal ay kinakailangang obhetibo at walang bias.
• Ang materyal ay kinakailangang may kaugnayan sa paksa ng pag-
aaral.
• Ang mga materyal ay nararapat na nakabase sa makatotohanang
impormasyon at may kredibilidad ang sangguniang ginamit.
• Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay hindi nararapat
masyadong marami o kakaunti.

Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo


sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.

You might also like