Professional Documents
Culture Documents
MODULE 7
INAASAHANG MATUTUHAN:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang kahulugan ng teorya at/o konsepto;
2. Napag-iiba-iba ang teoretikal sa konseptong balangkas;
3. Nakikilala kung ang balangkas ay teorya o konsepto; at
4. Nakagagawa ng teoretikal at/o konseptong balangkas.
MODULE 7 Page 1
monograp, aklat at ibang dokumento – na direktang may kaugnayan sa suliranin
ng pananaliksik. Ang mga pangkalahatang sanggunian ay karaniwang mga index
kung saan nakasulat ang awtor, pamagat at lugar ng pinaglimbagan ng artikulo o
ibang material o abstrak.
PANGUNAHING SANGGUNIAN (PRIMARY SOURCES) – ito ay mga
lathalaing kinasusulatan ng mga ulat ng mga mananaliksik tungkol sa kanilang
isinagawang pag-aaral. Direktang ibinabahagi rito ng mga awtor ang kanilang
mga natuklasan sa pag-aaral sa kanilang mga mambabasa.
PANGALAWANG SANGGUNIAN (SECONDARY SOURCES) – ito ay mga
lathalaing kinasusulatan ng mga paglalarawan ng mga may akda sa resulta ng
pananaliksik ng ibang awtor. Ang mga karaniwang pangalawang sanggunian sa
pananaliksik sa edukasyon, halimbawa, ay mga teksbuk. Ang mga iba pang
halimbawa ay ensiklopedya, rebyu ng pananaliksik at taunang aklat o yearbook.
3. KAUGNAY NG PAG-AARAL
Ang mga kaugnay na pag-aaral ay ang mga pananaliksik na karaniwang hindi
nalathalang material o unpublished katulad ng manuskrito, tesis at disertasyon na
naunang naisagawa at may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Nauuri rin ito
bilang local, kung ang pag-aaral ay isinagawa sa lob ng bansa; at banyaga kung ang
pag-aaral ay isinagawa sa labas ng bansa.
Ang malawak na kaalaman sa halaga at katangian ng isang mabuting pag-aaral sa
mga kaugnay na literature at pag-aaral ay nakatutulong sa iyo upang magkaroon ka
ng kapaki-pakinabang at tiyak na teoretikal na balangkas sa pagsusulat ng tesis o
disertasyon.
B. SINTESIS
Mahalaga rin ang pagsasagawa ng sintesis bilang bahagi ng Rebyu ng Kaugnay na Pag-
aaral. Ipinakikita rito ang pagkakaugnay ng kasalukuyang pag-aaral sa mga pag-aaral na
binabalikan. Binibigyang buod at din nito ang mga kahalagahan ng kasalukuyang pag-
MODULE 7 Page 2
aaral. Upang lalo kang mabigyan ng gabay sa iyong paglalahad, mabuting gamitin mo
ang mga sumusunod na parirala at ekspresyon sa paglalahad ng bahaging ito ng rebyu:
1. Ang mga kaugnay na pag-aaral na kasama sa pag-aaral na ito ay may makabuluhang
kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil…
2. Ang mga kaugnay na pag-aaral ditto ay pinili batay sa makabuluhan nitong
kontribusyon sa pag-aaral na ito…
3. Ang disertasyon ni (pangalan, taon) ay nagbibigay ng balangkas para sa…
4. Ang isinagawang pag-aaral ni (pangalan, taon) ay mahalaga sa pananaliksik na ito
dahil ang paksa ay magkatulad…
5. Ang ag-aaral na ito ay may kaugnayan sa pag-aaral na isinagawa sa… dahil…
6. Ang mga iba’t ibang konsepto sa isinagawang pag-aaral (o sa aklat ni…) ay
nagpapakita ng kaugnayan sa pag-aaral na ito batay sa…
7. Katulad ng mga pag-aaral na isinagawa nina… tungkol sa… ang pag-aaral na ito ay
magsisilbing…
8. Ang pag-aaral na ito ay tutugma sa pag-aaral na…
9. Ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa mga resulta ng pag-aaral na isinagawa sa
bansang…
10. Ang mga aspekto na binigyang halaga sa pag-aaral sa…;…ay binigyang halaga sa
pag-aaral na ito…
MODULE 7 Page 3
INPUT
a. Mga talatanungan na tumataya sa kakayahan sa paggamit ng mga computer software application program ng
mga mag-aaral na may kapansanan sa paningin.
b. Aide memoir at field text na tumutukoy sa mga probisyon ng paggamit ng mga computer application program
sa pagkatuto ng mga mag-aaral na may kapansanan sa paningin.
PROSESO
a. Pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa mga naka-braille na tugon ng mga mag-aaral na may kapansanan sa
paningin, sa ipinamudmod na talatanungan.
b. Pagsusuri sa aide memoir at field text sa tulong ng ginawang repertory grid.
PRODUKTO
a. Programa para sa pagtuturo ng mga iba’t ibang computer application program sa mga batay may kapansanan
sa paningin.
b. Programa ng pagsasanay para sa mga gurong nagtuturo ng computer sa mga mag-aaral na may kapansanan sa
paningin.
D. MGA BARYABOL
Isang mahalagang termino sa paghahanda ng teoretikal at konseptwal na balangkas ang
baryabol. Ano ang baryabol? Ang baryabol ay isang konspeto o pangngalan na
tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat ng mga bagay katulad ng mga silya,
kulay ng mata, kasarian, motibasyon at iba pa. kailangang ang mga indibidwal na
miyembro sa isang pangkat ay may pagkakaiba ara maituturing na baryabol sa
pananaliksik. Kung magkakapareho ang mga miyembro sa isang pangkat, hindi ito
maituturing na baryabol. Ang ganoong katangian ay maituturing na constant dahil sila
maaaring magkaiba. Sa anumang pag-aaral, may mga ilang katangiang maituturing na
baryabol at constant.
Suriin ang ilustrasyon sa ibaba upang lalong maintindihan ang pagkakaiba ng mga ito.
MODULE 7 Page 4
INDEPENDENT NA BARYABOL DEPENDENT NA BARYABOL
Mga inaasahang dahilan o sanhi (presumed or possible Mga inaasahang resulta (presumed results)
cause)
Ang isang uri ng baryabol ay tinatawag na moderator. Ito ay isang espesyal na uri ng
independent na baryabol. Ito ay sekondaryang baryabol na pinili ara sa pag-aaral upang matukoy
kung ito ay nakaaapekto sa ugnayan ng independent at dependent na baryabol. Halimbawa, ang
isang mananaliksik ay interesado sa pagkukumpara sa epekto ng pagdulog na biswal sa pagdulog
na nakatuon sa diskusyon sa pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas. kung ipinapalagay ng
mananaliksik na nakatutulong ang diskusyon na pagdulog sa mga babae dahil sa kanilang
pagiging masalita at ang pagdulog na biswal sa mga lalaki dahil sa hilig nila sa mga panoorin,
ang kasarian ay maituturing na moderator na baryabol.
MODERATOR NA BARYABOL
Natapos na kurso ng guro
Kurso ng mag-aaral
SANGGUNIAN:
Libro:
INSTRUKSIYONG MODYULAR SA PANANALIKSIK ni JANE KINLA-LARTEC,
FELINA PANAS-ESPIQUE, DOLORES SUNGA-TANAWAN, ERMILYN PEREZ-RAMOS,
et al.
MODULE 7 Page 5
ST.ELIZABETH GLOBAL SKILLS INSTITUTE, INC.
Km. 131 Esguerra Dist., Maharlika Highway, Talavera, Nueva Ecija
ACTIVITY NO.7
PANGALAN: _________________________________________ ISKOR: _________________
KURSO/TAON: _________________ PETSA: PROPESOR: ____________________
Panuto: Tukuyin kung ang mga sanggunian sa ibaba ay (A) kaugnay na babasahin, (B)
kaugnay na literature, o (C) kaugnay na pag-aaral. Isulat ang sagot sa sagutang papel na
nakalaan.
MODULE 7 Page 6