You are on page 1of 15

KONSEPTONG PAPEL

Ang konseptong papel ay nagsisilbing proposal ng pananaliksik.


Makatutulong ito upang lalong magabayan o mabigyang direksiyon
ang mananaliksik lalo na kung siya'y baguhan pa lang sa gawaing ito.
Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o
pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay
magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano
ang mangyayari. Sa pamamagitan nito'y malalaman agad ng guro ang
tunguhin o direksiyong ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay
agad ng feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro kung sakaling may
mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa.
Mga Bahagi ng Konseptong Papel

1. Rationale- nagsasaad ng kasaysayan o


dahilan kung bakit napiling talakayin ang
isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan
at kabuluhan ng paksa.
Rationale
Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan
 
Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills:
Learning for Life in Our Times (2009), Ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga
bagong set ng individwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Sila ang mga
digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligran ng digital media.
Sila rin ay naiiba sa mga natutong gumamit ng teknolohiya paglipas ng panahon o
digital immigrants. Inilarawan nina Trilling at Fadel ang mga digital native bilang
unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga
impormasyong digital at teknolohiyang pangkomunukasyon o digital information and
communications technologies kaysa sa mga nakatatanda sa kanila. Ayon say kanila,
binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang digital mentor
at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa
pagkakalantad ng mga digital native sa mundong digital, sila ay naglalatag ng
bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.
 
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang -21 siglo
o 21st Century Skills na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral.
Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o
identified skills tulad ng problem solving at critical thinking ang kabilang
sa mga kakayahang ito kundi maging ang pagiging bihasa sa mga
makabagong kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag
din nina Trilling at Fadel na may tatlong set ng kakayahan sa ika-21
siglo. It ay ang life and career skills, learning and innovation skills at
information, media and technology skill.
Mga Bahagi ng Konseptong Papel

2. Layunin- mababasa rito ang hangarin o


tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
Layunin
Nais ng papel na ito na magpakous sa information, media and technology skills
lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilpinas ay nagsisimula nang maging hi-
tech hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang gumawa ng
mga teaching aid at instructional materials kundi sa pamamagitan din ng unti-unting
pagpapalit say mga iniimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbooks.
Nais ng papel na ito na malaman kung paano ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral
sa loob ng silid-aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media and
technology skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng
pagkatuto at pagtuturo sa loob at labas ng silid-aralan.
Sa kasalukuyan, magkakaiba-iba ang lebel ng information, media at technology
skills ng mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga
makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang paggamit
ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay
nakadepende sa kanilang information, media at technology skills.
Mga Bahagi ng Konseptong Papel

3. Metodolohiya- Inilalahad dito ang pamamaraang


gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos
gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri sa mga
nakalap na datos. Kapag nakalap na ang mga datos ay
mayroon ding ibat ibang paraan ng pagsusuri o
pagbiigay-kahulugan sa mga ito.
May ibat ibang paraan ng pangangalap ng datos o
impormasyon. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang tinatawag na
literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng
impormasyon o datos sa mga kagamitang tang nasa aklatan at sa
Internet. Gayumpama'y madalas na hindi sapat ang impormasyon
o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa layunin, uri,
gamit, at larangan kung saan kabilang ang paksang sinasaliksik.
Kaya naman, may mga mananaliksik na nangangailangang
magsagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng mga
naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o sa
pamamagitan ng paggamit ng survey form o questionnare, one-
on-one interview sa mga taong may awtoridad at primaryang
makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha o
focused group discussion at iba pa o kombinasyon ng dalawa o
higit pang paraan upang higit na mapagtibay ang kanilang
argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis.
Kapag nakalap na ang mga datos ay mayroon ding
iba't ibang paraan ng pagsusuri o pagbibigay-kahulugan
o interpretasyon sa mga ito. Maaaring magamit dito ang
mga paraang tulad ng empirikal, komparatibo,
interpretasyon, pagsusuri sa kahulugan, at iba pa.
Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang


pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga guro at
mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng
pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng
pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na
ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan
ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng
e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang
higit na mapatatag ang mga datos na makukuha mula sa
pakikipanayam.
Mga Bahagi ng Konseptong Papel

4. Inaasahang output o resulta- Dito inilalahad ang


inaasahang kalalabasan ng pananaliksik. Dahil
patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay
maaaring magkaroon ng pagbabago sa inaasahang
resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng
pagkalap ng datos.
Inaasahang Resulta

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output


ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa
layunin ng papel na ito. Inaasahang ding
makapagpapahayag sa output ng mga
rekomendasyon na maaaring magamit ng piniling
paaralan ng iba pang paaralang nagnanais na
gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum.
Sanggunian:

Dayag, Alma M. & Del Rosario Mary Grace G.


2017. Pinagyamang Pluma. Pagsulat at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

You might also like